LOGINParang may kung anong humigpit sa dibdib ni Yvee. Napatingin siya nang matagal sa simpleng drawing sa papel. Apat na maliit na stick figure lang iyon at isang bahay na mukhang kubo lang na iginuhit ng bata. Pero sa simpleng guhit na iyon ay malinaw kung ano ang gustong ipakita ni Atlas. Isang pamilya.Hindi agad nakapagsalita si Yvee. May kung anong bumalik na ala-ala sa kaniya. Naaalala niya ang sarili niya noong bata pa siya. Nakaupo sa sulok ng lumang bahay nila, may hawak ding papel at krayola. Ganitong-ganito rin ang iginuhit niya noon—isang bahay, isang nanay, isang tatay, at isang bata sa gitna. It was her wishful thinking… Pero sa drawing lang iyon nangyari. Sa totoong buhay ay hindi iyon nabuo. Nang pumanaw ang ina niya ay hindi na niya naranasan pang magkaroon ng buong pamilya. At ngayon ay hindi rin niya naibigay sa mga anak niya ang isang buong pamilya.Napakurap si Yvee at pilit na ibinalik ang atensyon sa kaniyang anak.Samantala, masayang nakatingin si Atlas sa drawing
Diretso ang lakad ni Atlas, parang sanay na sanay na sa lugar. Pumasok siya sa lobby, dumaan sa elevator, at umakyat sa palapag kung nasaan ang kuwarto ng Mommy Yvee niya at ni Atticus. Pagkabukas ng elevator ay agad siyang naglakad sa hallway.Huminto si Atlas sa harap ng pinto ng kuwarto, pagkatapos ay kinuha niya ang bag niya at hinanap ang susi roon. Saka niya binuksan ang pinto. Bumungad sa kaniya ang maliit na unit. Mas malaki pa yata ang banyo niya sa mansyon kaysa sa silid na iyon. Ngunit kahit ganoon ay mas ramdam niya ang init at pagmamahal sa loob ng mismong kuwarto na iyon. Iyon ang silid kung saan namamalagi ang kaniyang kakambal at ina.Tahimik ang hallway ng hotel habang naglalakad si Yvee pabalik sa unit niya. Hawak niya ang bag sa dibdib niya at mabagal ang mga hakbang niya habang abala ang isip niya sa kung anu-ano.Hindi mapakali si Yvee. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari sa sementeryo. Napabuntong-hininga siya. ‘Nasaan na kaya si Atlas ngayon?’ Iy
Nakatigil ang itim na kotse sa gilid ng kalsada, hindi kalayuan sa hotel. Sa likurang upuan ay magkatabi sina Drew at Atlas. Nakaupo si Atlas na nakatingin sa harap, hawak ang iPad niya. Ilang saglit silang parehong hindi nagsalita. Pagkatapos ay napabuntong-hininga si Drew at bumaling sa bata.“Alam mo ba kung gaano kalaki ang ginawa mong tulong ngayon?” tanong ni Drew. Napalingon sa kaniya si Atlas. “‘Yong pakikipagpalit mo ng katauhan kay Atticus ngayon,” dugtong niya. “Malaking bagay iyon. Isa pa, gusto mong mabuo ang pamilya ninyo, hindi ba?”Tahimik lang na nakikinig si Atlas.“Hindi ba at matagal mo nang pangarap na mabuo ang pamilya ninyo? Kaya makipag-cooperate ka muna sa amin ngayon. Tumawag ka kapag may kailangan ka, lalo na kung may nararamdaman ka,” paalala pa ni Drew. Napayuko sandali ang bata habang pinaglalaruan ang iPad na hawak niya. “I know. But make sure, daddy will do his best to make it up to Atticus,” mahina niyang sabi.Bahagyang ngumiti si Drew at ginulo ang
“May sasakyan ka bang dala?” tanong ni Gideon. “Ipapahatid kita sa driver ko.”Umiling si Yvee. “Hindi na. Kaya ko namang mag-commute.” Pagkatapos ay bumaling siya kay Atticus. “A—” Hindi pa man siya nakakapagsalita ay biglang yumakap ang bata sa kaniya.“Tita Pretty, we will go home na!” masiglang sabi ni Atticus.Napakurap si Yvee.“Don’t worry about me tita, take care!” dagdag ng bata bago niya biglang niyakap ang kaniyang ina.Nagulat si Yvee pero agad din niyang niyakap pabalik ang bata. “Mag-ingat ka,” mahina niyang sabi habang hinahaplos ang buhok nito. “At huwag ka nang basta-basta tumakas, okay?”Gustong matawa ni Yvee nang sandaling iyon. Napakagaling na aktor ng anak niya. Mukhang paglaki ni Atticus ay malaki ang tsansang maging aktor ito.Bahagyang tumango si Atticus habang nakayakap pa rin sa kaniyang ina.Sa likod nila ay tahimik lang na nakatingin si Gideon. May kakaibang ekspresyon sa mukha niya habang pinagmamasdan niya ang dalawa.Maya-maya ay kumalas si Atticus sa y
“Let me see your face,” pag-uulit ni Gideon. Ngayon lang niya napagmasdang mabuti si Atticus. Naka-mask pa rin ito, kaya hindi makita nang maayos ang mukha nito.Bahagyang kumunot ang noo ni Gideon. “Why are you wearing a mask again?” tanong niya habang lumalapit.Biglang kumabog ang dibdib ni Yvee. “G-Gideon…” agad niyang sabi, parang gustong pigilan ang lalaki pero huli na ang lahat. Nakalapit na si Gideon kay Atticus at bahagyang yumuko para maging kapantay ang bata. “Come here.”Hindi agad kumilos si Atticus. Tumingin muna siya sa kaniyang ina, parang nagtatanong kung dapat ba siyang sumunod sa sinasabi ng kaniyang ama.Mas lalo namang kinabahan si Yvee. ‘Huwag…’ sigaw ng isip niya. Pero hindi niya alam kung paano niya iyon sasabihin. Marahang hinawakan ni Gideon ang strap ng mask ng bata. Isang iglap lang ay inalis niya iyon.Nanlaki ang mga mata ni Yvee. “Gideon, let me explain—” Naputol ang sasabihin niya nang makita niya ang reaksyon ng lalaki.Saglit na natigilan si Gideon
Napabuntong-hininga si Yvee. Para bang lalo lang siyang pinapahirapan ng anak niga sa sitwasyon. “Anak, hindi gano’n kasimple iyon,” mahinahon niyang paliwanag. Pagkatapos ay bumaling siya kay Gideon. May halong pag-aalala ang mga mata niya. “Gideon…” maingat niyang simula, “hindi mo kailangang gawin iyon.”Bahagyang kumunot ang noo ni Gideon. “Ang alin?”“’Yong proposal mo,” sagot ni Yvee habang itinuturo ang hawak na kahon ni Gideon. “Ginawa mo lang ‘yon para tigilan ako ng daddy at kapatid ko, hindi ba? Alam kong napipilitan ka lang.” Sinubukang alisin ni Yvee ang singsing sa kamay niya pero mabilis na hinawakan iyon ni Gideon at umiling. “Gideon…”Umiling si Gideon at tumingin siya sandali sa mga lapida sa paligid, parang sinusubukan niyang ayusin ang kaniyang isip. Dahil sa tuwing kaharap niya si Yvee ay hindi siya makapag-isip ng tama.“Kaya hindi mo kailangang ituloy iyon. Naiintindihan ko kung ginawa mo lang iyon para m
Hindi nakapagpigil si Yvee. Umigkas muli ang kamay niya at malakas na sinampal ang matandang babae. Matagal na siyang nagpipigil sa mga ito bilang respeto sa ama niya. Pero ubos na ubos na ang respetong mayroon siya sa ama niya. “Kahit ilang beses pa kayong ikasal ng daddy ko, nakaukit pa rin sa b
“Atticus, anak!” Halos pumutok ang dibdib ni Yvee sa kaba habang naglalakad sa makapal na usok. Namumula na ang mga mata niya sa hapdi, pero hindi siya tumigil sa paghakbang. “Mommy!” sagot na sigaw mula sa ‘di kalayuan. Parang binuhusan si Yvee ng lakas nang marinig niya ang sigaw na iyon. Mabil
Agad nilang tiningnan ang bata, si Atlas, matapos noon ay lumingon si Drew sa gawi nina Edwin. “Mr. Alejado, what is the meaning of this?! Ang kapal ng mukha niyong pagbantaan ang tagapagmana ng Revamonte Group!” galit na sigaw niya. Hindi niya akalaing tatraydurin sila ng pamilyang Alejado. Ngumi
Mabilis na tumakbo si Yvee sa hallway ng hotel. Hawak-hawak pa rin niya ang mga paper bags na may lamang mga pagkain. Halos hindi na siya makahinga ng maayos ngunit tuloy-tuloy pa rin sa pagtakbo ang mga paa niya.‘Dapat ay maging maayos ang lahat… Kailangan kong makita si Atticus. Hindi ko kakayan







