Mag-log inSa likod ni Yvee ay tahimik lang si Gideon. Nakasandal siya nang bahagya habang pinapanood niya ang eksena. At kahit hindi niya sabihin, alam niyang hindi pa rin talaga “ayos” si Yvee. Pero sa ngayon, hinayaan muna niya ito. May mga bagay na hindi kayang ipilit lalo na kung hindi pa handang ayusin iyon.
Sa kabilang side, hindi nakaligtas sa kambal ang katahimikan. Nagkatinginan sina Atticus at Atlas saka sila tumango. Alam nilang kailangan pa nilang i-level up ang pagpaplaNagkagulo ulit ang kambal sa excitement.“Landing na! Landing na!” paulit-ulit na sabi ni Atticus.“Calm down,” sabi ni Atlas, pero siya mismo ay hindi rin mapakali.Hindi nagtagal ay marahan nang sumayad ang gulong ng eroplano sa runway. Nang tuluyang bumukas ang pinto, agad na sinalubong ng sariwa at maalat-alat na hangin ang pamilyang Revamonte.“Ang sarap ng hangin…” mahina ngunit puno ng pagkamanghang sabi ni Yvee. Kusa siyang napapikit sandali, tila ninanamnam ang bawat haplos nito sa kanyang balat.“Welcome,” bulong ni Gideon. Nakatingin siya kay Yvee at hindi sa paligid. Nakatingin siya rito kung paano ito huminga, kung paano ito ngumiti nang hindi nito namamalayan.Hindi sumagot si Yvee ngunit hindi rin siya umiwas.Sa labas ng airport, nakahimpil na ang isang maluwag at kumportableng van at nakahanda na itong ihatid ang pamilyang Revamonte patungo sa rest house ng
Napatigil si Gideon. Bahagya siyang nagulat sa pagkakahawak ni Yvee sa kamay niya. Pero hindi siya gumalaw. Hindi niya tinanggal ang kamay niya. Sa halip ay bahagya niya itong hinigpitan. Isang pagkakataong ayaw niyang palagpasin. He missed holding her hand. He missed kissing her. Miss na miss niya ang lahat kay Yvangeline.Unti-unting kumalma ang takbo ng eroplano. Saka lang natauhan si Yvee. Mabilis niyang binawi ang kamay niya na ngayon ay hawak ni Gideon. “Sorry,” sabi niya agad. Bahagya siyang umiwas ng tingin.“Okay lang,” sagot ni Gideon. Hindi rin siya agad tumingin kay Yvee pero sa gilid ng mga mata niya ay may bakas ng ngiti.Ang tagpong iyon ay hindi nakaligtas sa kambal.“Kuya…” bulong ni Atticus kay Atlas, nakangisi siya.“Hmm?” sagot ni Atlas pero halata ring may napansin siya.“Effective.”Napapikit si Atlas, kunwari seryoso. “Phase one complete.”Napailing
Sa likod ni Yvee ay tahimik lang si Gideon. Nakasandal siya nang bahagya habang pinapanood niya ang eksena. At kahit hindi niya sabihin, alam niyang hindi pa rin talaga “ayos” si Yvee. Pero sa ngayon, hinayaan muna niya ito. May mga bagay na hindi kayang ipilit lalo na kung hindi pa handang ayusin iyon. Sa kabilang side, hindi nakaligtas sa kambal ang katahimikan. Nagkatinginan sina Atticus at Atlas saka sila tumango. Alam nilang kailangan pa nilang i-level up ang pagpaplano nila para magkaayos ang mommy at daddy nila. “Tito Drew,” bulong ni Atticus, pero sinadya niyang lakasan nang kaunti, sapat para makarating sa kabilang upuan. “Parang ang lungkot po roon sa kabila…” “Hmm,” sagot ni Drew. Agad siyang nakisabay, kunwaring nag-iisip pa. “Oo nga. Parang… may kulang.” Bahagyang napalingon si Atticus. Kinunot niya ang kaniyang noo na parang seryoso niyang sinusuri ang sitwasyon. “Siguro po…” maingat niyang
Napakurap si Yvee sa gulat. Hindi niya akalaing sasabihin iyon ni Gideon. Tila ba nagblangko ang utak niya sa narinig. Nataranta naman si Gideon nang hindi nagsalita si Yvee, halos lamunin na ng takot ang dibdib niya. Ayaw niyang sumama na naman ang loob nito sa kaniya. Hindi pa nga sila nagkakaayos ay mukhang madadagdagan pa yata ang atraso niya rito.Tumikhim si Gideon. “G-Gusto kong bumawi rin sa iyo. Alam ko namang naghirap kang mag-alaga kay Atticus noon at halos ubusin mo ang iyong oras sa paghahanap kay Atlas. Wala ako noong mga panahong kailangan mo ako, sa mga panahong dapat ay katuwang mo ako—” “Hindi,” mabilis na agap ni Yvee. “Hindi mo naman kailangang bumawi sa akin dahil obligasyon ko rin bilang magulang na alagaan si Atticus at hanapin si Atlas. Wala kang utang na loob sa akin, Gideon.”“B-But—” “I insist,” agap ni Yvee. Ayaw niyang magkautang ng loob rito. Alam niyang walang magandang maidudulot ang “utang na loob”. Kaya para sa kaniya ay walang dapat gawin si Gideo
Napabuntong-hininga si Gideon sa loob-loob niya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit may bahagyang kirot na sumingit sa dibdib niya. Hindi dahil ayaw niya kung hindi dahil ay akala niya, kahit papaano ay magkakaroon siya ng pagkakataon na makasama sina Yvee at ang mga anak nila ng sila-sila lang. Na baka roon ay magkakaayos sila ni Yvee at may tsansang mabuo ang pamilya nila. Pero ngayon, mukhang hindi na mangyayari iyon.Saglit na napatingin si Gideon kay Yvee. Pero tulad ng inaasahan, wala siyang mabasang reaksyon mula rito. Tahimik lang ito at may maliit na ngiti sa labi at hindi niya mabasa ang iniisip nito. At lalo lang siyang napabuntong-hininga. “Sige po,” sagot niya sa wakas, pilit ang ngiti pero magalang pa rin. “Sasama po kayo.”Agad na lumiwanag ang mukha ni Ahma. “Talaga?” tanong niya na parang isang bata.“Opo,” tugon ni Gideon. “Mas mabuti na rin pong makapagpahinga kayo at makapagbakasyon.”“Hindi lang pahinga,” sabi ni Ahma, saka siya tumingin sa kanilang lahat. “Panaho
Hindi pa tuluyang nawawala ang saya ng kambal nang biglang bumukas ang pinto.“Good morning.”Isang boses na nagpahinto sa lahat. Napalingon silang lahat sa may pintuan. Nakatayo roon ang matriyarka, may tungkod pa itong hawak. Nakangiti ito at halatang tuwang-tuwa ito sa nakikita.Nakaalalay ang dalawang nurse sa magkabilang gilid ng matriyarka. Maingat ang kaniyang bawat hakbang na para bang konting mali lang ay maaari siyang matumba. Maputla pa rin ang mukha niya, pero may kakaibang lambot sa kaniyang mga mata, isang bagay na bihirang makita noon.“Ahma…” halos pabulong na usal ni Gideon.Akmang lalapit si Gideon sa lola niya upang halikan ito pero naunahan na siya ng mga anak niya.“Ahma!” sabay na sigaw nina Atticus at Atlas. Mabilis silang tumakbo papunta sa kanilang lola at halos mag-unahan pa sila para makalapit sa great-grandmother nila.“Dahan-dahan, mga iho—” paalala ng isang nurse pero huli na.Yumakap na ang kambal sa matanda. Bahagya siyang napaatras sa lakas ng pagkakay
Akmang lalapit na ang dalawang babae nang biglang sunggaban ni Atticus ang mga nasa mesa. Isa-isang lumipad ang mga libro, papel, at kung anumang mahawakan niya.Nagkagulo ang loob ng suite.Nang maubos na ang maiibato ni Atticus ay tumakbo siya palayo. Paikot-ikot sila sa bawat sulok ng kwarto, bu
Nang makarating si Yvee sa suite nila ay agad siyang pumasok sa loob. Nadatnan niya ang anak niyang nakaupo sa salas at hinihintay siya. Mabils siyang humakbang at niyakap ang anak niya. “Atticus!” mangiyak-ngiyak na sambit ni Yvee. Mabilis siyang bumitiw sa pagkakayakap sa anak niya at sinuri ang
Biglang tumaas ang kilay ni Rania. “Are you insane? We’re in the city at ang amo ko ay si Mr. Gideon mismo. Kaya anong pinagsasabi mo? Masyado kang pakialamera.”“Let me see the kid,” mariing giit ni Yvee habang sinusubukan niyang itulak ang babae para makapasok.Pero mabilis ding itinulak ng babae
Kumurap si Atticus, parang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Sa harap niya ay isang batang kamukhang-kamukha niya. Sa ilang taon niyang nabubuhay, hindi kailanman naging malinaw sa kaniya kung ano talaga ang hitsura ng kapatid niya. Masyado pa itong bata nang mawalay ito sa kanila at gano’n







