تسجيل الدخولNapakurap si Yvee sa gulat. Hindi niya akalaing sasabihin iyon ni Gideon. Tila ba nagblangko ang utak niya sa narinig. Nataranta naman si Gideon nang hindi nagsalita si Yvee, halos lamunin na ng takot ang dibdib niya. Ayaw niyang sumama na naman ang loob nito sa kaniya. Hindi pa nga sila nagkakaayos ay mukhang madadagdagan pa yata ang atraso niya rito.Tumikhim si Gideon. “G-Gusto kong bumawi rin sa iyo. Alam ko namang naghirap kang mag-alaga kay Atticus noon at halos ubusin mo ang iyong oras sa paghahanap kay Atlas. Wala ako noong mga panahong kailangan mo ako, sa mga panahong dapat ay katuwang mo ako—” “Hindi,” mabilis na agap ni Yvee. “Hindi mo naman kailangang bumawi sa akin dahil obligasyon ko rin bilang magulang na alagaan si Atticus at hanapin si Atlas. Wala kang utang na loob sa akin, Gideon.”“B-But—” “I insist,” agap ni Yvee. Ayaw niyang magkautang ng loob rito. Alam niyang walang magandang maidudulot ang “utang na loob”. Kaya para sa kaniya ay walang dapat gawin si Gideo
Napabuntong-hininga si Gideon sa loob-loob niya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit may bahagyang kirot na sumingit sa dibdib niya. Hindi dahil ayaw niya kung hindi dahil ay akala niya, kahit papaano ay magkakaroon siya ng pagkakataon na makasama sina Yvee at ang mga anak nila ng sila-sila lang. Na baka roon ay magkakaayos sila ni Yvee at may tsansang mabuo ang pamilya nila. Pero ngayon, mukhang hindi na mangyayari iyon.Saglit na napatingin si Gideon kay Yvee. Pero tulad ng inaasahan, wala siyang mabasang reaksyon mula rito. Tahimik lang ito at may maliit na ngiti sa labi at hindi niya mabasa ang iniisip nito. At lalo lang siyang napabuntong-hininga. “Sige po,” sagot niya sa wakas, pilit ang ngiti pero magalang pa rin. “Sasama po kayo.”Agad na lumiwanag ang mukha ni Ahma. “Talaga?” tanong niya na parang isang bata.“Opo,” tugon ni Gideon. “Mas mabuti na rin pong makapagpahinga kayo at makapagbakasyon.”“Hindi lang pahinga,” sabi ni Ahma, saka siya tumingin sa kanilang lahat. “Panaho
Hindi pa tuluyang nawawala ang saya ng kambal nang biglang bumukas ang pinto.“Good morning.”Isang boses na nagpahinto sa lahat. Napalingon silang lahat sa may pintuan. Nakatayo roon ang matriyarka, may tungkod pa itong hawak. Nakangiti ito at halatang tuwang-tuwa ito sa nakikita.Nakaalalay ang dalawang nurse sa magkabilang gilid ng matriyarka. Maingat ang kaniyang bawat hakbang na para bang konting mali lang ay maaari siyang matumba. Maputla pa rin ang mukha niya, pero may kakaibang lambot sa kaniyang mga mata, isang bagay na bihirang makita noon.“Ahma…” halos pabulong na usal ni Gideon.Akmang lalapit si Gideon sa lola niya upang halikan ito pero naunahan na siya ng mga anak niya.“Ahma!” sabay na sigaw nina Atticus at Atlas. Mabilis silang tumakbo papunta sa kanilang lola at halos mag-unahan pa sila para makalapit sa great-grandmother nila.“Dahan-dahan, mga iho—” paalala ng isang nurse pero huli na.Yumakap na ang kambal sa matanda. Bahagya siyang napaatras sa lakas ng pagkakay
Humakbang si Gideon papalapit at huminto siya sa tabi ni Yvee. Ramdam niya ang pagkailang nito sa kaniya. Medyo humakbang ito papalayo nang makalapit siya. Nadismaya siya ngunit hindi niya pinahalata iyon. Si Yvee ay nanatiling nakatayo sa tabi ni Gideon pero may distansya sa pagitan nila, may hawak siyang plato. Sandali siyang nag-alinlangan bago niya iyon inilapag sa harap ng kambal.“Eat while it’s hot,” sabi ni Yvee, walang gaanong emosyon.Tumango ang mga bata at agad silang nagsimulang kumain.Napatingin si Gideon sa mesa. May eggs, bacon, toast, at hiniwang apple roon. Simpleng almusal, pero maayos ang pagkakahanda. Halatang pinaglaan ng oras.“Ikaw ang nagluto?” tanong ni Gideon kay Yvee kahit alam naman na niya ang sagot. Gusto niya lang magsimula ng usapan sa pagitan nila. Nagbabakasakali siyang sasagutin siya nito. Hindi agad sumagot si Yvee. Abala siya kunwari sa pag-aayos ng isa pang plato. “Oo,” maikling tugon niya.Tumango si Gideon, parang may gusto siyang idagdag pe
Ilang segundo ang lumipas pagkatapos ay dahan-dahang tumayo si Gideon. Kinuha niya ang susi ng sasakyan niya. Hindi na siya nagsalita pa dahil tama si Drew. Kung may nais siyang manyari ay kailangang mag-effort siya para mabuo ang pamilya nila. Bahagyang napangiti si Drew. “Good decision.” Paglapit ni Gideon sa pinto, napahinto siya. “Drew,” seryosong sabi niya. “Hmm?” Nagtatakang tiningnan ni Drew ang pinsan niya. “Salamat.” Ngumiti lang si Drew, saka siya kumaway nang bahagya. “Go. Bago pa maubos ‘yong breakfast na niluto niya.” Hindi ito ang unang beses na nagpasalamat si Gideon kay Drew, but it was different this time. May kung anong init ang salitang iyon sa puso ni Drew. At mas lalong umigting ang hiling niya na magkaayos ang kuya niya at si Yvee. Mabilis ang naging lakad ni Gideon palabas ng opisina, pero hindi niya kayang takbuhan ang sariling kaba. Sa bawat hakbang papunta sa sasakyan, mas lalong bumibigat ang pakiramdam sa dibdib niya. Pagkaupo niya sa driver’s sea
Napabuntong-hininga si Drew, saka siya bahagyang ngumiti. Hindi dahil natatawa siya, kung hindi dahil manghang-mangha siya sa hitsura ng kuya niya ngayon. “Okay,” sabi niya. “At least honest ka. But I am sure Atticus will understand. Simple lang naman mag-isip ang mga bata. Basta sinsero ka lang at mararamdaman nila iyon. Sa ngayon kausapin mo muna ang bata. Hindi muna tungkol kay Yvee kung hindi tungkol sa kaniya. Saka muna siya kausapin tungkol kay Yvee. Simple ngunit sensitibo ang mga bata. And I learned my lesson,” tukoy niya sa naging tampuhan nila ni Atticus noon. “Kaya dapat ikaw rin.” Biglang nag-vibrate ang cellphone ni Drew. Saglit niyang sinilip ang screen, saka bahagyang tumaas ang kilay niya. “Kuya,” tawag niya habang hindi niya inaalis ang tingin niya sa phone. Hindi agad sumagot si Gideon. “Hmm?” “May update ako sa’yo,” sabi ni Drew, this time nakangiti na siya nang kaunti. Napatingin si Gideon kay Drew, bahagya siyang naiinis. “Ano na naman ‘yan?” Itinaas ni Dre
Mabilis na tumakbo si Yvee sa hallway ng hotel. Hawak-hawak pa rin niya ang mga paper bags na may lamang mga pagkain. Halos hindi na siya makahinga ng maayos ngunit tuloy-tuloy pa rin sa pagtakbo ang mga paa niya.‘Dapat ay maging maayos ang lahat… Kailangan kong makita si Atticus. Hindi ko kakayan
Hindi nakapagpigil si Yvee. Umigkas muli ang kamay niya at malakas na sinampal ang matandang babae. Matagal na siyang nagpipigil sa mga ito bilang respeto sa ama niya. Pero ubos na ubos na ang respetong mayroon siya sa ama niya. “Kahit ilang beses pa kayong ikasal ng daddy ko, nakaukit pa rin sa b
“Atticus, anak!” Halos pumutok ang dibdib ni Yvee sa kaba habang naglalakad sa makapal na usok. Namumula na ang mga mata niya sa hapdi, pero hindi siya tumigil sa paghakbang. “Mommy!” sagot na sigaw mula sa ‘di kalayuan. Parang binuhusan si Yvee ng lakas nang marinig niya ang sigaw na iyon. Mabil
Agad nilang tiningnan ang bata, si Atlas, matapos noon ay lumingon si Drew sa gawi nina Edwin. “Mr. Alejado, what is the meaning of this?! Ang kapal ng mukha niyong pagbantaan ang tagapagmana ng Revamonte Group!” galit na sigaw niya. Hindi niya akalaing tatraydurin sila ng pamilyang Alejado. Ngumi







