ログインMabilis na natakpan ni Yvee ang bibig niya nang makita niyang may maliit na kahong inilabas si Gideon mula sa bulsa nito. “Wait— wait— teka lang—”Natawa nang mahina si Gideon habang nakatingala siya kay Yvee. Halatang kinakabahan din siya kahit pilit kalmado. “Unexpected?” tanong niya.“Oo naman!” halos pabulong na tugon ni Yvee. “Bakit ka luluhod bigla?!”“Because I want to ask you something important.”Tuluyan nang namuo ang luha sa mga mata ni Yvee.Binuksan ni Gideon ang maliit na kahon. At agad kumislap ang singsing sa ilalim ng ilaw.Napasinghap si Yvee habang tuluyan nang pumatak ang luha niya.“Yvee,” mahinang tawag ni Gideon. “Hindi ko man masabing palagi nang maayos… pero ikaw ’yong pinakamagandang nangyari sa buhay ko.”Tahimik lang na umiiyak si Yvee habang nakatitig siya kay Gideon.“You became my home. You became the direction I never thought I needed. Ikaw at ang mga bata. Iniisip ko na baka tumanggi ka at isiping masyadong mabilis ang lahat. Noong unang beses akong na
Tumikhim si Gideon bago dahan-dahang inilahad ang kamay niya sa harapan ni Yvee.Bahagyang kumunot ang noo ni Yvee habang napapatingin sa kamay ni Gideon. “Huh?” litong tanong niya habang nakaupo pa rin.Hindi agad sumagot si Gideon, sa halip ay tumayo siya mula sa upuan niya. Mabagal siyang humakbang palapit kay Yvee hanggang sa tuluyan siyang matigilan sa mismong harapan nito.Mas lalo tuloy kinabahan si Yvee.“Yvee,” mahina ngunit seryosong tawag ni Gideon.“Hmm?” sagot ni Yvee habang nakatingala kay Gideon. “Bakit ganiyan ka makatingin?”Ngumiti lang si Gideon. Muli niyang iniabot ang kamay niya kay Yvee. “Can I have this dance?”Napakurap si Yvee. “Ha?”Bahagyang natawa si Gideon. “Ang sabi ko… maaari ba kitang yayaing sumayaw?”“Ano bang mayro'n sa iyo ngayong gabi?” natatawang tanong ni Yvee pero halatang naiilang. “Dinner, flowers, tapos ngayon… sayaw naman?”“Bawal ba?”“H-Hindi naman sa bawal…” Napakagat labi si Yvee at nag-iwas siya sandali ng tingin kay Gideon. “Nakakap
Sa sala ng beach house, nakaupo si Yvee sa may mahabang rattan sofa malapit sa malalaking bintanang salamin. Bahagyang sumasayaw ang manipis na puting kurtina dulot ng hanging nagmumula sa dagat. Nakapatong sa kaniyang kandungan ang makapal na librong kanina pa niya binabasa ngunit tila wala namang anumang pumapasok sa kaniyang isipan.Marahang itinaas ni Yvee ang tasa ng tsaa at sumimsim. Siya lang ang nasa salas ngayon, si Drew, Gideon, at ang mga bata ay nagkaroon ng “boys outing”. At ang matriyarka naman at ang mga nurse nito ay nagpapahinga sa silid. Kaya inabala na lang niya ang sarili sa pagbabasa.Naglipat si Yvee ng pahina ngunit hindi niya namalayang ilang minuto na pala siyang nakatitig lamang sa iisang talata. Masyadong siyang masaya—at natatakot siya na baka maglaho na lang bigla ang kasiyahang nararamdaman niya ngayon.Malaks na bumukas ang pinto.Blag!“Ate!”Napapitlag si Yvee at mabilis na napalingon kung saan nagmumula ang boses na iyon. Humahangos si Drew sa bung
“Mommy! Ang linaw!” sigaw ni Atticus.“Kita ko ’yong ilalim!” dagdag ni Atlas habang excited na itinuturo ang mga maliliit na isdang dumaraan.Hinawi ni Yvee ang buhok na nililipad ng hangin habang pinagmamasdan ang dalawa niyang anak. Malamig ang simoy ng dagat at sa unang pagkakataon, matapos ang mahabang panahon, pakiramdam niya ay wala muna siyang kailangang isipin. Napakunot ang noo niya nang maramdaman niyang may nakatingin sa kaniya. Sa gilid ng paningin niya, nakita niya si Gideon. Hindi sa dagat nakatuon ang tingin nito kung hindi, sa kaniya.“Anong iniisip mo?” tanong ni Yvee nang hindi niya direktang nililingon si Gideon.Bahagyang ngumiti si Gideon bago tumingin saglit sa kambal. “Kayo…ang pamilya natin.”Napalingon si Yvee kay Gideon. “What?”“Kayo.”Saglit na natahimik si Yvee. Hindi niya alam kung paano siya sasagot sa sinabi ni Gideon. Maingat siyang ngumiti at nag-iwas ng tingin. Ilang minuto pa ang lumipas bago dahan-dahang huminto ang bangka sa gilid ng isang mali
Tahimik silang kumain. Tanging lagitik lang ng mga kubyertos at mahinang hampas ng alon mula sa hindi-kalayuan ang maririnig. Paminsan-minsan ay may mahinang tawanan mula sa kambal habang nagkukuwento ng kung anu-ano tungkol. Ilang minuto pa ang lumipas bago nila isa-isang naibaba ang mga kubyertos.“Mommy,” biglang tawag ni Atlas habang nakasandal sa upuan. “After breakfast, p'wede po ba ulit tayong pumunta sa beach?”“Beach na naman?” kunwaring reklamo ni Yvee, kahit may bahagyang aliw sa boses niya.“Yes po!” sabay na sagot ng kambal.“Please?” dagdag pa ni Atticus habang nakangiti nang ubod ng tamis.Napabuntong-hininga si Yvee at napalingon kay Gideon na agad namang ngumiti na parang matagal ng may sagot.“Game ako,” sabi ni Gideon.“Of course game ka,” mahinang bulong ni Yvee habang umiinom ng tubig.“Basta kasama ka,” mabilis na sagot ni Gideon.Saglit na napatigil si Yvee. Napakurap siya bago marahang tumingin kay Gideon.“Gideon,” babala ni Yvee, mababa ang tinig.“Hmm?” in
“Atlas!” gulat na saway ni Yvee.“Po?” inosenteng sagot ni Atlas. “Totoo naman po eh! Tayo po ang magkatabi, mommy. Si daddy nasa gilid lang po siya.”“I know, but you don’t have to shout guys. Hindi sila bingi. Sige na, anak.” Ngumuso si Atlas. “Sorry po, mommy.” Humarap siya sa gawi nina Drew at ng lola nila. “Sorry po tito and Ahma.” Napatawa si Drew. “Walang problema, bud. Ikaw pa ba? Malakas ka sa amin.”“Umupo na nga kayo,” sabi ni Gideon, halatang naiilang na siya pero may ngiti sa labi niya. Hindi niya maipagkakailang maganda ang gising niya ngayong araw. He confessed his feelings for Yvee. At higit sa lahat ay magkaayos na sila. Halos ikabaliw niya ang hindi nila pagkakaunawaan nito ng ilang araw. Muntik na nga niyang sugurin ang kapatid nitong si Ereena at ipakulong dahil sa panggugulo nito. Mabuti na lang at pinigilan siya ni Drew. “Breakfast muna bago ang interrogation,” dagdag ni Drew.Napabuntong-hininga si Yvee habang umuupo. Pero sa kabila ng pang-aasar ni Drew ay
Biglang tumaas ang kilay ni Rania. “Are you insane? We’re in the city at ang amo ko ay si Mr. Gideon mismo. Kaya anong pinagsasabi mo? Masyado kang pakialamera.”“Let me see the kid,” mariing giit ni Yvee habang sinusubukan niyang itulak ang babae para makapasok.Pero mabilis ding itinulak ng babae
Kumurap si Atticus, parang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Sa harap niya ay isang batang kamukhang-kamukha niya. Sa ilang taon niyang nabubuhay, hindi kailanman naging malinaw sa kaniya kung ano talaga ang hitsura ng kapatid niya. Masyado pa itong bata nang mawalay ito sa kanila at gano’n
Hindi nakapagpigil si Yvee. Umigkas muli ang kamay niya at malakas na sinampal ang matandang babae. Matagal na siyang nagpipigil sa mga ito bilang respeto sa ama niya. Pero ubos na ubos na ang respetong mayroon siya sa ama niya. “Kahit ilang beses pa kayong ikasal ng daddy ko, nakaukit pa rin sa b
“Atticus, anak!” Halos pumutok ang dibdib ni Yvee sa kaba habang naglalakad sa makapal na usok. Namumula na ang mga mata niya sa hapdi, pero hindi siya tumigil sa paghakbang. “Mommy!” sagot na sigaw mula sa ‘di kalayuan. Parang binuhusan si Yvee ng lakas nang marinig niya ang sigaw na iyon. Mabil







