FAZER LOGINPitong taon na ang lumipas…
Kadarating lang ni Yvee sa Grand Hotel matapos ang mahabang biyahe. Ilang taon siyang nanirahan sa ibang bansa, at ngayon, napagdesisyunan na niyang harapin ang mundong iniwan niya. Ito ang mundong araw-araw na nagpapaalala sa kaniya ng pagkawala ng isa niyang anak. Sa dami ng pinagdaanan niya, mas naging matatag siya. At ngayong nakauwi na siya, mas buo na ang loob niyang hanapin ang anak na matagal nang nawawala. “Mom, it’s so hot here!” reklamo ni Atticus, ang anim na taong gulang na anak ni Yvee, habang pinapaypayan ang kaniyang sarili gamit ang maliit na sombrerong dala niya. Napangiti si Yvee kahit pagod, sabay tingin sa anak. “I know, sweetie. Pero kailangan mong tiisin. You know why we’re here, right?” Tumango si Atticus, seryoso ang kaniyang mukha. “For my twin.” “That’s right.” Hinaplos ni Yvee ang buhok ni Atticus. “Kaya tiisin mo na lang ang init, okay? At saka, may aircon naman sa loob ng hotel. Promise, hindi ka magtatagal na maiinitan.” “Okay po, mommy,” tugon ni Atticus, mas mahinahon na. “I will endure it for my twin.” Naramdaman ni Yvee ang bahagyang kirot sa kaniyang dibdib, pero pinilit niyang ngumiti. Sa murang edad, dala na ng anak niya ang bigat ng pagkawala. At sa pagbabalik niya sa Pilipinas, umaasa siyang magsisimula na ang panibagong pag-asa. Ang pag-asang balang araw ay babalik sa kanila ang nawawalang bahagi ng pamilya nila. Kambal ang naging anak ni Yvangeline, ngunit sa kasamaang palad, nadukot ang isa sa kanila habang nasa NICU pa sa hospital kung saan siya nanganak. Halos mabaliw siya noon sa takot at sakit. Ilang buwan niyang ginugol ang bawat araw sa paghahanap, pakikipag-usap sa mga pulis, pagpunta sa mga CCTV room at pakikipag-usap sa mga taga-hospital, ngunit wala kahit isang tumulong sa kaniya na matagpuan niya ang kaniyang anak. Walang kahit anong bakas. Walang kahit anong sagot hanggang sa napilitan siyang sumuko–hindi dahil ayaw na niya, kung hindi dahil hindi na kaya ng katawan at isip niya ang paulit-ulit na pagkabigo. Matapos noon ay nagpasya siyang umalis ng bansa, umaasang baka kahit paano ay gumaan ang bigat sa dibdib niya. Pero kahit lumipas ang taon, kahit nag-iba ang lugar at buhay ni Yvee, hindi pa rin nawala sa isip at puso niya ang nawawala niyang anak. Sa gabi-gabi niyang pagdarasal, palagi niyang hinihiling na sana ay ligtas ito, masaya, at mahal ng mga taong nag-aalaga rito. At sa tuwing titingnan niya si Atticus, ang kambal na naiwan sa kaniya, palagi niyang ipinapaalala rito kahit bata pa ito na may isa pa itong kakambal. Na hindi sila kumpleto hangga't hindi nila ito nakikita at balang araw, kahit gaano katagal ay mahahanap nila ang kapatid nitong nawala sa kaniya noong araw na halos ikasira ng buong mundo niya. “Miss Yvangeline!” Napaangat ng tingin si Yvee at agad niyang nakita si Rechelle, ang sekretarya niya noon at hanggang ngayon na pinagkakatiwalaan niya pa rin. Kahit ilang taon siyang nawala sa bansa, si Rechelle ang nag-asikaso sa lahat ng naiwan niyang negosyo sa Pilipinas. “Kumusta?” magaang tanong ni Yvee nang magkaharap na sila. “Ayos lang po. Kumusta po ang biyahe niyo? Kumain na po ba kayo?” Natawa si Yvee at bahagyang iniling ang ulo. “Kumalma ka nga. Ayan ka na naman sa sunod-sunod mong mga tanong.” Pagkatapos ay tinawag niya ang atensyon ng anak. “Atty, this is my secretary, Rechelle. Say hi to her.” “Hi,” tipid na bati ni Atticus habang nakahawak pa sa strap ng maliit niyang backpack. Natawa si Rechelle. “Ako na po ang bahala sa mga gamit niyo. Iaakyat ko na po sa room ninyo. Baka gusto niyo pong kumain muna.” “Mommy, I want to eat,” sabi ni Atticus habang hinihila nang kaunti ang laylayan ng damit ng kaniyang ina, halatang gutom na. Napangiti si Yvee at huminga nang malalim. “Okay, sweetie. Kakain na tayo.” Tumalikod si Rechelle habang hinihila niya ang mga maleta nila paalis. Si Yvee naman, kasama si Atticus ay nagsimulang maglakad papunta sa restaurant sa lobby ng hotel. Kakapasok lang nila sa hallway nang bigla siyang may nabangga. “Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!” Napapitlag si Yvee sa lakas ng boses na iyon. Awtomatiko siyang napatingin at parang binuhusan siya ng malamig na tubig nang makita kung sino ang nasa harap niya. Si Ereena, ang half-sister niyang hindi niya nakita nang halos pitong taon. Parehong natigilan sina Yvee at Ereena. Parehong nakabuka ang kanilang bibig at hindi makapaniwalang nagkrus ulit ang mga landas nila. Pero mas mabilis na nakabawi si Ereena. Bigla niyang ibinaba ang tingin at agad niyang napansin si Atticus na nakatayo sa tabi ni Yvee. Sa isang iglap, parang umandar ang instinct ni Yvee. Hinila niya ang batang kasama niya sa likod niya, na para bang kailangan niya itong protektahan mula kay Ereena—mula sa kapatid na matagal niyang itinuring na banta. Nakita ni Yvee ang pag-igting ng panga ni Ereena at ang pag-alab ng mga mata nito. Kahit hindi niya aminin, tumusok iyon sa dibdib niya. Kahit lumipas na ang maraming taon, pareho pa rin ang tingin niya kay Ereena: isang demony0 na dapat iwasan. Samantala, kumapit si Atticus sa kamay ni Yvee. Nagtataka siya pero tahimik. “Bumalik ka na pala, Yvangeline. Iyan na ba ang bastardo mo?” nakangising sabi ni Ereena, punong-puno ng pang-aasar ang boses niya. Hindi pa man nakakasagot si Yvee ay biglang nagsalita si Atticus, diretso at walang kaba. “Mommy, is that your sister? Why does she look ugly? She’s not pretty like you.” Napasinghap si Yvee, pati si Ereena ay napakurap sa laki ng insultong hindi niya inasahan mula sa isang bata. “What? How dare you say that?!” Mabilis na ibinaba ni Ereena ang kaniyang kamay at akmang aabutin si Atticus pero mabilis kumilos si Yvee. Iniharang agad nito ang katawan nito at tinapik ang kamay niya. “Huwag na huwag mong hahawakan ang anak ko!” mariing sabi ni Yvee, ramdam ang panginginig ng galit sa boses niya. “At huwag na huwag mo ring tatawaging bastardo ang anak ko.” Nanigas ang mukha ni Ereena pero mas lalong tumalim ang mga mata ni Yvee. “Dahil kung may bastarda man dito ay ikaw iyon,” diretsong wika ni Yvee. “Anak ka ng daddy ko sa ibang babae. Your mother is my father’s mistress bago pa siya maging asawa. Kaya kung may karapatan kang mang-insulto, siguraduhin mong titingin ka muna sa salamin bago mo bastusin ang anak ko.” Nanginig ang panga ni Ereena pero hindi siya makasagot. “Matatanggap ko pang ako ang insultuhin mo,” patuloy ni Yvee, sa mabagsik na tono. “Pero huwag na huwag mong sasaktan o bababuyin ang anak ko, Ereena. Noon, nakapagtimpi pa ako sa iyo. Ngayon, hindi na.” Nanahimik ang paligid at kahit ilang taong nawala si Yvee, malinaw sa lahat ng nasa lobby na hindi na siya ang dating babaeng kayang apak-apakan ng sinuman lalo na ng kapatid niyang matagal ng tinik sa leeg niya. Bago pa makasagot si Ereena, biglang nagkagulo sa bandang lobby. May mga papalapit na yabag, mabibilis at mabibigat, kasunod ang sunod-sunod na bulong at pag-ikot ng mga ulo ng mga empleyado. “Ma’am, sir, please step aside,” sabi ng isa, sabay hatak kina Yvee, Atticus, at Ereena palayo. Halos hindi na sila makapagtanong ng sila mismo ay napapagitnaan na ng mga staff na nagsisimulang bumuo ng parang linya sa magkabilang gilid. “Make way! Make way!” sigaw ng isang manager habang nagmamadaling nag-aayos ng postura. “The CEO is arriving!” Napatigil si Yvee, hawak pa rin niya ang kamay ni Atticus. Si Ereena naman ay napatingin sa paligid, halatang nagtataka siya pero hindi makaporma dahil sa dami ng taong gumagalaw. Unti-unting tumahimik ang lobby, napalitan ang ingay ng tensyong hindi maipaliwanag. May ilang empleyadong halos pigilan ang kanilang paghinga at ang iba nama’y hindi mapakali sa pag-aayos ng mga kurtina, mesa, at sahig kahit mukhang malinis naman ang lahat. Sa gitna ng komosyon, may dumaang dalawang bodyguards na naka-black suit. Diretso lang ang tingin nila at walang pakialam sa kahit sino. “Totoo ba? Siya talaga ang darating?” “Nandito na raw galing meeting sa Japan.” “Grabe, ang guwapo no’n. Nakita ko siya last month—” “Shhh! Nandyan na siya!” Napalingon si Yvee sa direksyong pinagmulan ng bulungan, at doon, sa malayo, mula sa bukas na pinto ng hotel, may humakbang na isang matangkad na lalaking parang may sariling aurang kayang patahimikin ang buong lugar. Matikas ang postura nito, malamig ang ekspresyon, at tila sanay na sanay na lahat ng mata ay nakatingin dito. Sa bisig nito ay may batang lalaking nakapulupot. Hindi niya maaninag ang mukha ng bata kaya mas napuno siya ng kyuryusidad. “Mr. Gideon Isaac Revamonte, welcome back to the Grand Hotel.” “So siya ang CEO ng Grand Hotel Chains,” bulong ng isang guest ng hotel. Ilang beses nang narinig ni Yvee ang pangalang iyon pero kailanman ay hindi niya nakatagpo ng landas ang lalaki at marahil na rin ay dahil wala siyang pakialam rito. Isa lang ang layunin niya kaya siya bumalik ng bansa at iyon ay mahanap ang nawawalang parte ng buhay at pagkatao niya— ang kaniyang isang anak.Sa kabilang dako ng hotel, hawak-hawak ni Yvee ang paper bags ng pagkain. Kakabili lang niya ng paboritong pagkain ni Atticus—chicken strips, rice, at fruit shake. Gusto niyang pag-uwi niya sa suite ay makita ang anak niyang nakangiti at gutom na gutom. Habang naglalakad si Yvee pabalik sa elevator, huminga siya nang malalim. First night nila sa bagong lugar. Sana maging maayos ang lahat. Maarte pa naman ang batang iyon. Paglapit ni Yvee sa elevator ay biglang nag-vibrate ang cellphone niya. Galing ang tawag mula sa isang unknown number. Napakunot ang noo ni Yvee. “Who…?” bulong niya, pero sinagot din niya dahil baka isa iyon sa mga staff ng hotel. “Hello?” Tahimik sa kabilang linya ng ilang segundo bago may nagsalita — isang boses na hindi inaasahan ni Yvee. “Anak.” Napahinto si Yvee. Nanigas ang kamay niya sa pagkakahawak sa pagkain. “Dad...” Isang mapait at malamig na ngiti ang gumuhit sa labi ni Yvee. “Wow. Tumawag ka matapos ang ilang taon. Paano mo nakuha ang numero ko
Pagkasara ng pinto ng presidential suite ay lumingon si Drew sa kaliwa niya. Dapat ay nandoon pa si Atlas– nakatayo habang naghihintay sa tatay nito pero wala na ang bata. Kumino ang noo niya. “Atlas? Hey, kid? Where are you?” Walang batang lumapit kahit nakailang tawag na si Drew sa pangalan ni Atlas. ‘Well, hindi naman talaga sasagot si Atlas kasi hindi naman nakakapagsalita ‘yon,’ sa isip-isip niya. Lumapit si Drew sa hallway ng floor nila at sumilip. “Atlas, stop playing. Come on, kid, pagod ako. Don’t make this hard.” Tahimik pa rin. Lalong kinabahan si Drew. Naglakad siya mabilis papunta sa kabilang dulo ng hallway. Sinisilip niya ang bawat sulok — pero wala talaga. Ni hindi niya makita ang anino ng bata sa kung saang sulok. Lumapit pa siya sa utility corner kung saan may maliit na lounge area. “Atlas?!” sigaw ni Drew, mas malakas. “This is not funny anymore!” Naramdaman niya ang malamig na pawis sa batok niya. “Diyos ko… kapag nagalit si Kuya Gideon sa akin…” Alam ni Drew
Sa maluwang na hallway ng hotel ay taas-noong naglalakad si Edwin Alejado. Tuwid ang tindig niya habang nakasuksok ang isang kamay niya sa bulsa ng mamahalin niyang slacks. Kasabay niyang naglalakad ang anak niyang si Ereena. Naka-heels ito at hawak ang maliit nitong designer clutch. Parehong seryoso ang mga mukha ng mag-ama habang papunta sila sa convention hall. Sila ang nag-book doon para sa isang private party. Sa likuran nila ay may sampung bodyguards na handang protektahan sila sa oras na may magtangka sa buhay nilang dalawa. "Dad, I have some news for you," bungad ni Ereena. Medyo excited siya pero halatang may inis din sa kaniyang mukha. "Nagbalik na sa bansa si Yvee." Huminto nang bahagya si Edwin at tumingin sa anak. “Sigurado ka?” “Yes. Nakita ko siya sa mismong hotel na ito. And guess what? May dala siyang bata.” Napaikot ng mata si Ereena. “Iyon yata ang pinagbubuntis niya ilang taon na ang nakakaraan. Ang bastardong dahilan kung bakit umayaw si Mr. Ong sa kaniya at
Pagbukas ng elevator ay lumabas si Yvee habang dahan-dahang inaayos ang strap ng bag niya. Nakasimangot siya nang bahagya — halatang pagod pa siya dahil sa byahe pero kailangan niyang bumili ng pagkain para sa anak. Medyo mapili pa naman si Atticus sa pagkain kaya kailangan siya mismo ang pumili sa personal. Hindi naman siya maarte sa pagkain. Kaya hindi niya alam kung saan nagmana ng kaartehan ang anak niya. ‘Baka sa tatay niya?’ Pinilig niya ang kaniyang ulo upang iwaksi ang naiisip niya. Kasabay ng paglapag ng elevator na sinasakyan ni Yvee ay bumukas din ang isa pa sa kabilang side. Lumabas mula roon si Gideon. Naka-itim itong long sleeves at nakasuot pa rin ng malamig at seryosong ekspresyon. Halos magsabay silang humakbang palabas, pero mas mabilis na lumingon si Gideon. "Miss Alejado," tawag ni Gideon, mababa ang boses at diretso. Napahinto si Yvee at agad siyang napalingon. "Mr. Revamonte," sagot niya, kalmado pero may halong gulat. "May kailangan po ba kayo?" Huminto si G
Hindi nagpatinag si Drew. Sanay na siya sa ganoong mood ng pinsan niya. “I’m not talking nonsense, Kuya Gideon. Nakita mo mismo ang ginawa niya kanina sa lobb. Sinadya niyang mapalapit sa’yo. Tapos ngayon, ginagamit naman niya ang anak mo?” Umiling siya na tila hindi siya makapaniwala. “Kung hindi siya interesado sa’yo, kuya, ano ‘tong ginagawa niya? Imposible namang bigla na lang niyang gustong magpaka-nanay sa anak mo kung wala siyang hihinging kapalit.” Umigting ang panga ni Gideon habang nakatitig pa rin siya kay Atlas pero may sumisilip na kakaibang reaksyon sa mga mata niya. Hindi galit… kung hindi pagkalito. Nagdududa na rin siya at tila naghahanap na rin siya ng mga sagot sa mga katanungang unti-unting nabubuo sa isip niya. Sa dulo ng hallway, si Atlas ay nakatayo pa rin. Tahimik lang siya at tila may sarili siyang mundong hindi pa naiintindihan ng lahat. Simula high school pa lang si Drew, sanay na siya sa tanawin: mga babaeng pilit na lumalapit kay Gideon — iba’t ibang
Nasa sulok sina Gideon at Drew. Napansin nila ang kakaibang ikinikilos ni Atlas kanina pero nanatili silang nakaupo sa sofa. Tahimik nilang pinagmamasdan ang unit at ang hallway kung saan lumabas si Atlas. “Sir,” bulong ni Drew, halatang nag-aalala. “Kailangan natin siyang pigilan. Hindi natin alam ang iniisip niya. Baka magkamali siya o masaktan.” Umiling si Gideon habang mahigpit ang kaniyang pagtitig sa may hallway. “Hindi. Hindi natin siya pipigilan. Mas mabuting sundan na lang natin siya. Kailangan nating makita kung ano ang ginagawa niya, kung saan siya pupunta, at kung sino ang tatagpuin niya.” Tumango lang si Drew bagamat may halong pagdududa at kaba. Tahimik na sinundan nina Gideon at Drew si Atlas. Dahan-dahan at maingat silang lumalapit sa elevator. Doon, nakita nila ang eksena. Nakatayo si Atlas sa harap ng babaeng nakakuha ng atensyon ni Gideon, pagdating pa lamang nila sa hotel. Nakatingin dito si Atlas ng diretso at may isang salita lang na lumabas mula sa bibig







