Kabanata 14"Anong ginagawa mo rito sa jacuzzi ? Hindi ka rin ba makatulog?" Umupo si Jett sa tabi ni Jackson."Ikaw? Bakit gising ka pa?" Nagsalin ng whiskey si Jackson sa wine glass at diretsong ininom iyon."Alam mo palagi kang gan'yan. Gan'yan ka rin ba sa ibang tao o sa akin lang?" Inagaw ni Jett ang wine glass sa kaniyang kuya. Sinalinan niya iyon ng whiskey at saka nilaklak ng diretso tulad nang ginawa ng kapatid niya."Ano na naman bang problema mo sa akin?" kunot-noong tanong ni Jackson."Sa tuwing tatanungin kita, tinatanong mo rin ako. Hindi ba p'wedeng sumagot ka muna bago ka magtanong sa akin?" Tumalon si Jett sa jacuzzi. Napasigaw siya. "Shít! Ang lamig ng tubig! Bakit patay ang heater nito?"Tumawa nang malakas si Jackson. "Nasira ang heater, kanina lang. Don't worry. Bumibili na sila ng bago. Sarap maligo 'no?""Tuwang-tuwa ka ah." Tumingin si Jett sa baba. "Paano pa 'to titigas mamaya? Umurong na dahil sa lamig ng tubig," bulong niya."Ibilad mo sa apoy," sarkastikong
Kabanata 15"Nasaan na kaya si Eya? Okay lang kaya siya?" Hindi mapakali si Sevi habang nilalaro ng kaniyang isang kamay ang kaniyang bagong iPhone. "Hindi niya sinasagot ang mga texts ko maging ang mga tawag ko. Nasaktan ko talaga siya ng sobra. Hindi ko alam kung mapapatawad pa niya ako." Isinara ni Sevi ang kaniyang laptop. Kinuha ang kaniyang body bag at inayos ang kaniyang sarili. Tumayo siya at naglakad patungo sa may pinto. Natigilan siya nang nasa harapan na niya si Cindy."Where are you going?" Cindy asked."Ah. Balak sanang kitang sunduin sa bahay. Nandito ka na naman kaya babalik na lang ako sa loob," palusot ni Sevi."Ang sweet naman ng husband to be ko." Hinawakan ni Cindy ang dibdib ni Sevi at saka pinaglaruan iyon.Napapikit si Sevi. "B-Babe, we're at the company. Please don't turn me on," he pleaded.Tumawa nang malakas si Cindy. "Mabuti naman at apektado ka pa sa ginawa ko. Akala ko hindi na eh."Hinawakan ni Sevi ang isang kamay ni Cindy. Hinalíkan niya iyon. Ilang
Kabanata 16"She's late." Hindi maipinta ang mukha ni Diana habang paulit-ulit na tinitingnan ang oras sa kaniyang smart watch. 7 A.M. ang usapan pero 7:22 A.M. na! "That bítch! Umalis na kaya ako at hayaan siyang mapahiya sa harap ni papa?" Hinilot ni Diana ang kaniyang noo. "No. Jett will be mad. I need him para mapapayag ang kaibigan ko na mag-invest sa new clothing line ko. Patience, Diana. Patience."Sunod-sunod na buntong-hininga ang pinakawalan ni Diana. Walong minuto pa ulit ang lumipas at ni anino ni Merella ay hindi niya maaninag."Dàmn it! She's getting on my nerves already! Gaano ba siya kaganda para ma-late ng thirty minutes? Sa pagkakatanda ko, walang sinabi ang ganda niya sa ganda ng Ate Mereya niya. Speaking of, nasa'n na kaya si Mereya ngayon? Mas gusto ko pa siya kaysa kay Merella." Kinuha ni Diana ang isang bubble gum sa bulsa ng Louis Vuitton bag niya at nginuya iyon. "Ang sarap sabunutan ng babaeng 'yon. Sinasayang niya ang oras ko," bulong niya."Ate Diana!" siga
Kabanata 17"I'm sorry, misis. You can't fit that dress. This is too expensive." Pinasadahan ng sales lady ang ginang mula ulo hanggang paa. Tumawa siya nang mahina at pagkatapos ay marahas na kinuha ang dress dito. "Don't touch anything that you can't afford. Kapag nadumihan mo ito, kailangan mo na itong bayaran IN CASH or else, ipapadampot kita sa mga pulis," aniya.Pigil-pigil ni Merella ang kaniyang pagtawa sa loob ng fitting room. Saan naman nga kukuha ng pera ang dating kasambahay nila?Mahinahong nagsalita ang ginang. "Pasensya ka na, miss." Binasa niya ang pangalan na nakasulat sa nameplate ng sales lady. "Pasensya ka na, Miss Mary. Gusto ko talaga ang dress na 'yan. Kung kailangang bayaran ko muna ang dress sa counter, gagawin ko. Pwede bang ibigay mo na ulit sa akin ang dress?" Tumaas ang dalawang kilay niya at saka ngumiti.Napahawak sa kaniyang tiyan ang sales lady habang tumatawa nang malakas. Muli niyang tiningnan ang presyo ng dress na hawak niya. "Do you think, I am go
Kabanata 18"Mama, pick up your phone." Merella was on her way to the hotel. She's driving her new Mercedes Benz car. It was a gift from her ex-fiancé, a way of saying thank you for ruining their wedding. "Dàmn it!"Mas pinabilis pa ni Merella ang kaniyang pagmamaneho nang makita niyang tumatawag na si Jackson."Mas kinakabahan pa ako sa pagbabalik ni Tita Nadia kaysa sa pagharap ko sa papa ni Jackson eh! Worst, bff pa pala ni Ate Diana si tita. Nakakaloka ang umagang ito. Bakit ba kasi hindi sinasagot ni mama ang tawag ko!" inis na sigaw ni Merella.Makalipas ang sampung minuto ay nakarating na si Merella sa Escueza. Namangha siya sa istraktura ng hotel. Napakataas ng gusali at ang exterior design nito ay kakaiba at nakakaakit."Kapag ikinasal na kami ni Jackson, magiging parte na ako ng marangyang hotel na ito," nakangiting bulong ni Merella habang naglalakad papasok sa entrance ng hotel.Magalang na binati ng mga staff ng hotel si Merella. She grew up being a people pleaser. She pl
Kabanata 19"ANO? BAKIT NGAYON MO LANG SINABI?" Itinapon ni Cindy ang kaniyang bag sa kama. Nakabalik na ang mag-inang Cindy at Merella sa mansyon samantalang si Sevi naman ay dumiretso sa Jones Groups of Companies."Hindi ko sinabi kanina at baka magwala ka sa Escueza." Umupo si Merella sa sofa. Ipinatong niya ang kaniyang bag sa mesa at pagkatapos ay itinaas ang kaniyang mga paa sa sofa."Matagumpay na si Nadia sa France. Bakit bumalik pa siya ng Pilipinas?" Hinubad ni Cindy ang kaniyang stockings."Hala ka, mama! Baka nagkaroon ng interest si Tita Nadia sa business ng kapatid niya." Kilig na kilig si Merella habang nag-cha-chat kay Jen. Ikinukuwento niya rito ang nangyari kanina sa Escueza. "Aray!" Napahawak siya sa kaniyang ulo nang batuhin siya ng mama niya ng unan."Namomroblema na nga ako, abot-langit pa ang ngiti mo riyan! Sino ba 'yang kapindutan mo riyan? Si Jackson ba 'yan? Ayain mo nang magpakasal at baka mauntog pa. Ikaw rin. Kawawa ka." Matapos magbihis ng damit ni Cind
Kabanata 20"Isama mo na naman ako!" angal ni Jett habang nakasunod sa kaniyang Kuya Jackson."No. Pumunta ka sa Escueza. Ikaw na muna ang humarap sa board of directors. Kayang-kaya mo 'yon. Kahit naman loko-loko ka eh, alam kong may ibubuga ka pagdating sa mga business matters." Kinuha ni Jackson ang susi ng kaniyang big bike sa drawer niya. "Isa pa, hindi ko dadalhin ang alinman sa mga kotse ko," dagdag niya."Saan ka ba pupunta? Ilang araw kang mawawala? Bakit ayaw mo akong isama?" sunod-sunod na tanong ni Jett."Babalik din ako after one week," tugon ni Jackson. Isinuot na niya ang kaniyang black cap at black leather jacket."ONE WEEK? Tang.ina naman, my dear brother! Baka mabaliw ako sa Escueza kung isang linggo kang mawawala! Si Diana na lang ang papuntahin mo roon. Mas magaling naman siya mag-manage ng business kaysa sa akin. Paano na lang ang mga babae ko? Mamimiss nila ako ng sobra kapag isang linggo nila akong hindi nasilayan," reklamo ni Jett.Tumawa nang mahina si Jackson.
Kabanata 21"Sino ka ba talaga? Saan mo kami dinala? Magsalita kang lalaki ka!" gigil na gigil na sigaw ni Yuna habang pilit na inaalis ng mga tali sa kaniyang mga kamay at paa."Yuna, please calm down. Lalo lang siyang magagalit kung sisigawan natin sila," ani Mereya habang pinapakalma ang kaniyang sarili. Hindi niya masisisi ang kaniyang bestfriend sa ginagawa nito. Napaniwala silang dalawa ng lalaki na siya ang driver na inutusan ng lola ni Yuna na sumundo sa kanilang dalawa. Gustong-gusto na rin niyang magsisigaw pero para saan pa? Hindi naman maaalis ang mga tali nila sa kanilang mga kamay kung ilalabas niya ang galit niya."Nakakapikon na eh. Ilang araw na tayong nakatali rito. Sigurado akong nag-aalala na si lola sa akin." Bigla na lamang tumulo ang mga luha ni Yuna. "KAPAG INATAKE SI LOLA SA PUSO, MANANAGOT KA SA AKIN! HINDI KITA IPAPAKULONG DAHIL AKO MISMO NG PAPATAY SA'YONG DEMONYO KA! PAKAWALAN MO KAMI RITO!" Nang makaramdam siya nang panghihina ay tumigil na siya sa pagtat