Kabanata 36Dahan-dahang iminulat ni Mereya ang kaniyang mga mata. Kinusot pa niya ang mga ito nang mapansin niyang hindi pamilyar sa kaniya ang silid na kinaroroonan niya. Napanatag ang loob niya nang maalala niyang nasa secret villa siya ni Jacob Anderson Gray. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay nang maalala niya ang kaniyang kaibigan."Yuna? Nasaan ka? Nagugutom ako," ani Mereya habang hawak-hawak niya ang kaniyang tiyan.Umagaw ng atensyon ni Mereya ang litratong nakadikit sa dingding, sa tapat ng malaki at malambot na kamang hinihigaan niya."Si Mr. Jacob ba 'yon? Bakit parang…" Naningkit ang mga mata niya habang inaanalisa niya ang litrato ng isang binatang lalaki. Sa tantsa niya ay nasa disi-otso anyos lamang ang edad ng lalaking iyon. Sa sobrang focus niya sa litrato ay hindi na niya namalayang bumukas na pala ang pinto.Abot-tainga ang ngiti ni Jackson nang makita niyang gising na si Mereya. Wala itong kahit anong makeup sa mukha. Medyo magulo rin ang buhok nito pero litaw na
Kabanata 37Binalot ng katahimikan ang dating mansyon ng mga Wrights na binansagan ng Jones Mansion ni Cindy magmula nang mamatay ang kaniyang asawang si William at nang maikasal siya kay Clinton Jones."Mama, bakit ka nagdala ng pulubi rito sa bahay? Grabe 'yong amoy niya! Sobrang baho!" pabulong na reklamo ni Merella sa kaniyang ina.Siniko ni Cindy si Merella. "Watch your mouth, Ella. Matalas ang pandinig niya," paalala niya."Babe, sino ba talaga siya? Bakit nahimatay ka nang makita mo siya kahapon? Isa pa, bakit mo siya dinala rito sa mansyon? Ayaw pa niyang maligo. Nangangamoy kanal na itong silid na ito." Pinandilatan ni Sevi ng mata ang matandang nakaupo sa sofa.Nag-angat ng tingin ang matandang lalaki. Mayamaya pa ay tumayo na siya. "My wife passed away in the cell."Nanlaki ang mga mata ni Cindy.Kumunot naman ang mga noo nina Sevi at Merella."Cindy, nasaan ang butler kong si Rex?" tanong ng matandang lalaki.Ngumisi si Sevi. "Nasisiraan na yata siya ng bait. Isang pulubin
Kabanata 38"Nasaan si N?" galit na galit na tanong ni Linda kay R."L, what are you doing here? You are not allowed to en…""N! N, nand'yan ka ba? Lumabas ka! Mag-usap tayo!" Labas na ang ugat ni Linda sa kaniyang leeg sa kasisigaw.Huminga nang malalim si R. Hinipan niya ang kaniyang bangs para makita niya nang mas maayos si Linda. "OUR boss isn't here. Nasa New York City pa siya. Bukas pa siya dadating. Ano bang problema mo, L?"I-re-raid na sana ni Linda ang hideout nang biglang sumenyas si R sa dalawang machong lalaki na pigilan siya. "So tama ako? Nasa loob nga si N? N! Lumabas ka riyan! Harapin mo ako! Marami akong itatanong sa'yo!" sigaw niya.Namewang si R at umiling. "Ang tigas din ng ulo mo, L. Wala nga sabi rito si Miss N! Tagalog na tagalog na, hindi mo pa maintindihan. B0b0 ka ba?""Kung wala siya rito, bakit ayaw mo akong papasukin sa loob?" Tumaas ang mga kilay ni Linda."Hoy, tanda. Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ni Ma'am R? Baka nakakalimutan mong isa ka lang ka
Kabanata 39Pinagbuksan ni Jackson ng pinto ng sasakyan si Mereya matapos niyang i-park ang kaniyang sasakyan sa garahe. Inilahad niya ang kaniyang kamay rito na agad din namang hinawakan nito. "Did you enjoy the food?" he asked.Ngumiti si Mereya at pagkatapos ay tumango. "I really enjoyed it. Kita naman siguro ang ebidensya sa tiyan at ngiti ko," tugon niya."I'm glad na nagustuhan mo. Do you need something else or do you want something?" Napatingin si Jackson sa kamay ni Mereya nang bitiwan nito ang kamay niya. Medyo nawala ang sigla sa mukha niya pagkatapos noon. Naglalakad na sila ngayon patungo sa loob ng mansyon."I just want to take a rest for now." Napansin ni Mereya ang biglaang pagkawala ng ningning sa mga mata ni Jackson. Kinagat niya ang kaniyang labi bago niya dahan-dahang inabot ang kamay nito.Muntik nang mapatigil sa paglalakad si Jackson dahil sa ginawa ni Mereya. A wide smile suddenly displayed on his face.Parehong natahimik sina Mereya at Jackson habang binabaybay
Kabanata 40**This chapter contains séxual content and is not suitable for minors. Please refrain from reading if you are under 18 years of age. Thank you.**Hindi mapakali si Mereya habang nakahiga sa malambot at malaking kama. Maya't-maya niya ring sinisilip kung nakatulog na ba si Jackson. "I think, I pissed him off. What I should I do? Masyadong awkward kapag ganito," bulong niya sa kaniyang sarili.'Tulog na kaya siya?' isip-isip ni Jackson.Umubo si Mereya. Tiningnan niya kung bumangon si Jackson. "Tulog na nga yata." Nagpagulong-gulong siya sa kama. Hindi talaga siya makatulog lalo na noong sumagi sa isip niya ang kaibigan niyang si Yuna. "Kumusta na kaya siya? Miss ko na siya. Sana okay lang siya," mahina niyang sambit."Sinong siya?"Halos atakihin sa puso si Mereya nang makita niya ang mukha ni Jackson. "Akala ko tulog ka na?" inis na tanong niya. Napahawak siya sa kaniyang tiyan dahil sa sobrang pagkagulat."Sinong iniisip mo? May iba ka bang lalaki?" seryosong tanong ni Ja
Kabanata 41"Hindi ko alam na ikaw pala ang nag takeover sa kumpanya buhat nang mawala ang anak ko." Prenteng nakaupo si Don Desmundo sa executive chair ni Cindy. "Alam mo bang minana ko pa ang kumpanyang ito sa lolo ko?" nakangiting tanong niya. Kinuha niya ang multi- layered acrylic name plate ni Cindy at pinagmasdan ito."Maayos ko naman pong pinapatakbo ang kompanyang ito. Wala naman po kayong dapat ipag-alala." Lumunok ng sunod-sunod si Cindy.Nag-angat ng tingin si Don Desmundo. Tinitigan niya ang mukha ng kaniyang manugang. "Mukhang may itinatago ka sa akin. Hindi mapakali ang iyong mga mata." Itinuon niya ang kaniyang mga kamay sa mesa at pinagsanib ito. Ipinatong niya ang kaniyang baba sa magkadaop niyang mga kamay."A-Ano naman ang i-ililihim ko sa i-inyo, p-papa?" nauutal na sambit ni Cindy."Aba, malay ko sa iyo. Teka." Napako ang mga mata ni Don Desmundo sa lalaking katabi ni Cindy. "Sino siya? Bodyguard mo? Napakabata ng napili mo! Halos kasing edad lamang siya ng aking
Kabanata 42Agad na itinago ni Linda ang kaniyang cell phone sa kaniyang likuran nang biglang dumating si R."Are you hiding something from us, L?" Tiningnan ni R ang isang kamay ni Linda na nakatago sa likuran nito. Sinenyasan niya si Rex na i-check ang likuran ni Linda. Mabilis namang umaksyon si Rex."Ibalik mo sa akin ang cell phone ko!" sigaw ni Linda nang makuha ni Rex ang phone niya.Umiling si Rex at ibinigay kay R ang cell phone ni Linda.Pinindot ni R ang cell phone ni Linda. "What's the password?""Bakit ko naman ibibigay ang password ng cell phone ko sa'yo? It's a personal thing, R. Ibalik mo na sa akin 'yan dahil hindi mo rin naman 'yan mapapakinabangan." Namewang si Linda. Nagtatapang-tapangan siya."Okay. Nirerespeto naman kita, L. Hindi ko na pipiliting buksan ang cell phone mo sa isang kondisyon. Sabihin mo sa akin kung sino ang kausap mo kanina." Ibinigay ni R ang cell phone ni Linda kay Rex."Wala akong kausap," mahinang sabi ni Linda.Tumaas ang itaas na sulok na l
Kabanata 43"Good morning, my queen. Kumusta ang tulog mo?" Hinalíkan ni Jackson sa noo si Mereya. Biglang namula ang kaniyang mukha nang maalala niya ang nangyari kagabi.Nagtakip ng kumot si Mereya at inamoy ang kaniyang hininga. Hindi pa siya nakakapag-toothbrush!"Inaantok ka pa ba? Sige. Matulog ka muna ulit." Tumayo si Jackson mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama ni Mereya. Nagulat siya nang bigla itong bumangon at nagtatakbo patungo sa direksyon ng banyo. Agad niya itong sinundan at kinatok ang pinto. "Are you okay? Nagsusuka ka na naman ba? Kailangan mo ba ng tubig o gamot o kahit ano? Sabihin mo lang sa akin at kukuha ako."Tiningnan ni Mereya ang sarili niya sa salamin. Gulong-gulo ang buhok niya at mayroon pa siyang panis na laway sa kaniyang bibig. "Okay lang ako. Pasensya ka na. Ihing-ihi na kasi ako," pagsisinungaling niya.Nakahinga nang maluwag si Jackson. "Akala ko, napapasuka ka na naman eh. Thanks God, it's not the case." Bumuntong hininga siya.Hindi mapigilang mapa