Se connecterNasa kamay pa rin ni Marco ang kahinaan ni Sierra tungkol sa kaniyang kawalan ng kakayahang magbuntis. Bagama't nangako na si Marco na palalayain na lamang siya kung sakaling maimbestigahan at malinawan na ang totoo tungkol sa aksidente sa sasakyan, sapat na ba iyon para patawarin at palayain na lang siya ni Sierra?Pero sino ba ang makapagsasabing hindi magbabago ang isip niya?Isa pa, ginamit ni Sierra ang bagay na iyon bilang pananakot kay Marco. Kaya kahit tuparin man talaga ni Marco ang kaniyang pangako, walang kasiguraduhan na hindi ito ibubunyag ni Sierra sa iba.Parang araw-araw ay may matalim na espadang nakabitin sa kanyang ibabaw, at hindi niya alam kung kailan ito babagsak at papatay sa kanya.Napakahirap ng pakiramdam na ito, halos hindi siya makakain o makatulog sa bigat ng dinadala.Kailangan niyang makipagsapalaran at tumaya sa hinala niya na si Sierra ay si Audrey. Basta nasa kanya ang katibayang ito, parehong mapipilitang sumunod sa kanya sina Marco at Sierra. Iyon l
Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya si Ericka na nakatayo sa harapan niyon. May dala itong dalawang tasa ng tsaa. "M-Marco, you want some tea?" Napalunok ng mariin si Ericka. Ngunit tiningnan lamang ito ni Marco mula ulo hanggang paa at saka hindi nagsalita, bagkus ay dumaan lamang ito sa kanyang gilid na para bang wala siyang nakitang tao. Mahigpit na napahawak sandali si Ericka sa lalagyan ng mga tasa, ngunit mabilis ding kumalma at pumasok sa loob. "Stevan, nagtimpla ako ng tsaa para sa'yo, pero nakasara ang pinto kanina." Isinara ni Stevan ang kabinet ng mesa, kung saan nakatago ang buhok na ibinigay ni Marco kanina. Puno ng pag-iisip ang kaniyang mga mata habang inilalapit ang tabako sa kaniyang bibig gamit ang nanginginig na kamay, at parang hindi naririnig ang sinasabi ni Ericka. Inilapag ni Ericka ang lalagyan at lumapit sa kinatatayuan ng asawa. "Stevan?" Napabalikwas ito mula sa malalim na pag-iisip. "Ano?" "Bakit nakasara ang pinto? Ano bang pinag-usapan niyo ni
Agad na bumitaw si Ericka mula sa pagkayakap ni Stevan. "Bihirang dumalaw si Marco, kaya sigurado akong may mahalaga siyang sasabihin. Kausapin mo siya nang maayos. Kung sakaling magalit ka naman, aalis muna ako at ipagtitimpla kita ng tsaa." Hinangaan ni Stevan ang pagiging maingat ni Ericka at ang pagkaunawa nito sa kung ano ang nararapat gawin. "At huwag mong kalimutang sabihin sa kaniya ang tungkol sa pagbabalik ni Julian sa kumpanya," dagdag pa nito. "Mm," sagot lang ni Stevan. Lumabas siya ng silid at saka dinala si Marco sa kaniyang personal na opisina. Umupo siya sa kaniyang malaking silya, nagsindi ng tabako, at saka tiningnan ang anak. "Mayroon din akong gustong ipagawa sa'yo. Ayusin mo na ang lahat upang makabalik na si Julian sa trabaho." Walang emosyong sumagot si Marco, "Marahil." "Ano bang ibig mong sabihin?" Biglang nagdilim ang mukha ni Stevan sa galit. "Kitang-kita kong gusto mo lang ang lahat ng kapangyarihan ay sa'yo. Kapatid mo si Julian. Napakaraming nag-aa
Bumuntong-hininga siya at nagsalita, "Nadala lang ako ng damdamin dahil naalala ko ang nakaraan. Hindi naman sa siya lang ang may kasalanan ng lahat." Tinawanan na lang ito ni Ronaldo para pakalmahin ang sitwasyon. "Wala 'yun, huwag niyo nang intindihin. Halina kayo at kumain na tayo." Yumuko na lang si Sierra at nagpatuloy sa pagkain habang pinipigil ang ngiti. Talagang hindi nagpapahuli ang kaniyang ina na labis ang pagmamahal sa kaniya. Napakahusay nito kung tumindig para sa kaniya kanina. Tiyak na sa galit na galit ngayon si Julian. Bagama't nagpatuloy pa rin ang usapan at kwentuhan ng lahat, kitang-kita pa rin na nanatiling mailap at hindi maaliwalas ang pakiramdam sa pagitan nila. Nang matapos ang kainan na parang pormalidad na lamang, naghiwa-hiwalay na ang bawat isa. Pagkauwi nila sa bahay, sinabi ni Stevan kay Ericka, "Lalong nagiging walang silbi si Julian. Kausapin mo siya nang masinsinan." Sinamantala naman ni Ericka ang pagkakataon. "Mula noong tinanggalan siya ng t
Hindi niya nais na magkunwaring mabait at kaibiganin ang taong itinuturing niyang salot at may dalawang mukha, ngunit dahil ito ang kusang lumapit sa kaniya, huwag itong magtaka kung magiging matigas at walang awa siya sa sagot.Bumaling siya at tiningnan si Julian na may halong pagkainis. "Bakit mo pa ba ibinabanggit ulit 'yan, second young master?"Naisip ni Julian na nagalit lang si Alessia dahil tinamaan ito sa kaniyang mga sinabi. Tutal, babae pa rin naman ito at madaling mapikon at mag-init ang ulo. Gaya na lang noong nasa airport sila, nang banggitin lang niya kung sino siya, halos magwala na ito sa galit at muntik pang makapagsalita nang hindi maganda.Naroon ngayon si Stevan. Kung sakaling hindi sinasadyang makapagsalita si Alessia ng anumang makapaglalantad sa tunay na pagkatao ni Sierra, mawawalan lang ng saysay ang lahat ng pagod at pakana niya para mapunta rito ang dalawa mula Canada.Napilitan siyang ngumiti nang magalang. "Bakit po kayo nagagalit, Tita? Nagtanong lang n
Hinipo ni Alessia ang kaniyang dibdib na parang nakahinga nang maluwag kahit may halong takot pa rin. "Kung hindi lang dahil sa mabilis na pag-iisip ng Papa mo kagabi, baka nahulog na talaga kami sa bitag nila. Sa byahe rin pauwi, pilit kaming tinatanong at sinusubok, pero sinabi na lang naming pagod kami at nagkunwari kaming natutulog. Napakasama talaga ng ugaling 'yan!" "Sigurado po akong susubukin niya kayo ulit. Kayo naman po ni Papa, manatili lang kayong mahinahon at huwag kayong magpapahalatang may alam, kahit ano pa ang gawin nila." Dahan-dahang tinapik ni Alessia ang likod ni Sierra. "Huwag kang mag-alala. Matagal ka na naming itinuturing ng Papa mo na tunay na anak. Walang silbi ang anumang pagsubok nila sa amin." Nakaramdam ng init sa puso ni Sierra. Alam niya iyon noon pa man. Kung hindi dahil sa wagas nilang pagmamahal at pagturing sa kaniya bilang anak, hindi sila magpapaloko ni Julian at maglalakbay nang malayo para lang makita siya. Lalo lang siyang nakaramdam n
Lumabas ang isang malamig na ngiti sa mga labi ni Sierra. "Sa tingin mo ba natatakot ako sa iyo?" "Magkaalaman na lang tayo!" Lumingon si Adriana kay Senyora Estrella. "Sa tingin mo ba talagang makakialam siya sa iyong mga problema? Just keep on dreaming, Lola! Sinabi ko na ang lahat ng kailangan
Palagi na lang siyang nagnanakaw ng mga plano noong una pa lamang siya nitong malapitan, at ngayon ay hinihingi pa siyang gawin iyon dahil sa peke na pagmamahal...Ang kanilang mga nakaraang pagtatalik ay nanumbalik sa kanyang isipan. Bigla iyong nagsimulang tumakbo sa isipan niya. Marahil dahil
Ininda ni Sierra ang sakit at saka inilibot ang paningin sa paligid. Kung tatayo siya at itutulak si Beatriz, sarado naman ang pintuan at hindi siya makakalabas agad. At kung sakaling nagtagumpay man siyang mabuksan ang pintuan kahit na nakatali siya, siguradong hindi niya naman kakayaning talunin
Lumingon si Sierra sa lalaking may peklat sa noo. "Teka, huwag muna, ipakita ninyo muna sa akin ang anak ko. Ibibigay ko sa inyo ang hinihingi ninyo, kahit na anong halaga pa." "Sa mundo ng mga gangster, ang katapatan ang pinakamahalaga. Sa tingin mo ba ay tatanggapin namin ang pera mo?" Ngumisi a







