Home / Romance / One-Night Stand with the CEO / Chapter 4 – Mga Lihim at Tukso

Share

Chapter 4 – Mga Lihim at Tukso

Author: Jinky Carpio
last update Last Updated: 2025-09-13 13:07:46

‎Sinikap ni Ava na manatiling propesyonal sa kabila ng lahat. Sa opisina, nakasuot siya ng maskara ng pagiging seryosong empleyado; walang emosyon, walang pinapakitang kahinaan. Ngunit sa tuwing nakikita niya si Kaiden Alcaraz, natutunaw ang maskara sa likod ng mukhang kaniyang pilit pinapakita.

Alam niyang‎ hindi niya dapat hayaan ang sarili na mawala. Hindi siya pwedeng mahulog muli, lalo pa’t siya ay isang marketing specialist lamang at si Kaiden ay nasa pinakamataas na posisyon. Ngunit sa bawat pagkakataong magtama ang kanilang mata, para siyang nahuhulog sa isang hukay na walang ilalim. Hukay na walang hanggan.

‎Isang hapon, pinatawag siya nito.

‎“Ramirez. Quarterly report. In my office. Now.”

‎Parang lagi na lang ganoon; uutsan, malamig na kwarto, ngunit puno ng tensyon. Nagdadalawang-isip man ay pumasok siya dala ang folder, at gaya ng dati, naroon ang kakaibang katahimikan sa tuwing silang dalawa lang ang magkasama. Katahimikan na may dalang mensahe.

‎“Sit,” utos ni Kaiden, ngunit imbes na umupo, nanatili siyang nakatayo. Inabot niya ang folder, at nang magtagpo ang kanilang daliri, parang may dumaloy na kuryente sa kanyang katawan. Tila ba biglang umiinit ang paligid kahit malakas naman ang aircon sa loob.

‎“You’re nervous,” mababang bulong ni Kaiden habang ang mga mata ay nakatitig sa kanya.

‎“I’m not,” pilit niyang sagot, ngunit halatang nanginginig ang boses.

‎Ngumisi si Kaiden, marahang lumapit, at bago pa siya makagalaw ay naramdaman niyang nakulong siya sa pagitan ng mesa at ng presensya nito. Mainit ang hininga ng lalaki na halos dumampi na sa kanyang pisngi.

‎“Liar,” bulong nito.

‎Ngunit bago pa siya tuluyang bumigay, bumukas ang pinto.

‎“Ava?”

‎Nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan. Ang tinig na iyon ay hindi niya inaasahang maririnig muli sa mismong loob ng opisina ni Kaiden.

‎Si Liam Cruz—dating minamahal, dating kasama sa trabaho na piniling mag-resign matapos malaman ni Ava ang katotohanan, at ang lalaking minsan niyang inalay ang lahat. Nakasuot ito ng business attire, may hawak na folder, at nakatingin sa kanila gamit ang matalim na mga mata.

‎“Sorry to interrupt,” malamig nitong saad, bagaman halatang nangingibabaw ang tensyon. “I was told to coordinate with the marketing team again. Looks like… I’m back.”

Sa simpleng himig na iyon at ‎para bang tumigil ang mundo ni Ava. Hindi niya alam kung ano ang uunahin, ang bilis ng tibok ng puso, ang bigat ng alaala ng pagtataksil, o ang kaba sa posibilidad na mabunyag ang lihim niya kay Kaiden.

‎Kaiden straightened, ngunit hindi inalis ang kamay sa mesa kung saan nakasandal si Ava habang matalim ang titig kay Liam. Simula nang magkasama sila ni Ava ay sinakap nitong alamin ang kaniyang nakaraan, maging ang dahilan ng pagkalasing nito sa gabing una silang nagkita.

‎“So,” mariin na tinig ni Kaiden, “they let you return.”

‎“Of course,” sagot ni Liam, nakapako ang tingin kay Ava. “And I intend to make things right.”

‎Duguan ang puso ni Ava sa narinig, ngunit mas lalong kumulo ang hangin sa loob ng silid nang magsalita muli si Kaiden.

‎“She doesn’t need you. Not here. Not anywhere.”

‎Ang lamig ng tinig ni Kaiden ay parang yelo, ngunit ang titig ay nagliliyab, isang titig ng pag-aangkin. Kahit walang sinasabi, ang mga mata naman nito ang nbagsasabing "Akin siya at hindi kailanman magiging sa'yo”

Habang nakatayo sa pagitan ng dalawang lalaki, pakiramdam ni Ava ay muli siyang nabitag. Ang nakaraan na pilit niyang tinatakasan, at ngayon naman ang kasalukuyan na mas lalong naging kumplikado.

‎Sa sandaling iyon, napagtanto niya: hindi na lang tukso ang hinaharap niya, kundi isang giyerang hindi niya alam kung paano niya malalampasan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One-Night Stand with the CEO   Chapter 68 — Kaibigan Ba?

    "Clara, can we talk?""Sure, Ava. I always have time for you." "I just realized that I shouldn't close my heart and ears for you." "What do you mean?" "Can we…be friends again?" At doon muling naging nagkasama ang dalawa. Sa tuwing may date sina Ava at Liam ay naroon si Clara na tila na sumusuporta, ngunit sa katunayan ay unti-unti na palang inaangkin ni Clara ang puso ng lalaki. "I just go to the rest room. I'll be back okay?" saad ni Ava nang minsan silang kumain sa isang fancy restaurant. Naiwan ang dalawa at hindi alam ni Ava na palihim na nag-uugnay ang dalawang paa ng inaakala nitong kaibigan at ng kaniyang kasintahan. Sa gabi rin na iyon ay mas lalo pang naging matindi ang kaniyang pagnanais na makuha kaagad si Liam, kung kayat tinawagan niya ito sa gitna ng gabi. "Do you want me to, are you?" tanong ng babae sa lalaki gamit ang kaniyang malambing na boses. Palihim na nagkita ang dalawa sa isang motel."But, you're my girlfriends friend…" tugon naman ni Liam na may pag-a

  • One-Night Stand with the CEO   Chapter 61 — Kawalan

    Sa pagsapit ng mga araw ay si Ava na mismo ang umiwas, kahit pa na alam na nito sa kaniyang sarili na mayroon na siyang nabuong pagtingin kay Miguel. Lumipat ito ng ibang paaralan at binigay na lamang ang kaniyang best sa lahat ng bagay na kaya niyang gawin, ngunit hindi pa rin tumigil si Clara. Hindi man lumipat ng paaralan ang dating kaibigan ay hindi naman siya nito tinantanan sa social media. Tila isa itong stalker na naghahanap lang ng tiyempo upang makakuha ng impormasyon na maaring makasira kay Ava. "Ano ba kasing gusto mong mangyari, Clara?" tanong ni Ava nang minsan silang magkasalubong. Malakas na tumawa si Clara at umiling. "Gusto ko lang naman patunayan sayo na hindi ikaw palagi ang bida. You are below me," saad nito at pinakita ang litrato ni Liam, ang kasalukuyang manliligaw ng babae. "Ganiyan ka na ba ka-insecure Clara para kahit love life ko ay kailangan mong sirain? pathetic."Napakagat si Clara sa kaniyang labi matapos nitong marinig ang salitang insecure, ngunit

  • One-Night Stand with the CEO   Chapter 60 – Ang Hinala ni Miguel

    ‎Mainit ang araw ngunit malamig ang pakiramdam ni Ava habang papasok sa klase. Halos hindi siya nakatulog kagabi, paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang bawat salitang binitiwan ni Clara. Alam niyang isang laro na ang sinimulan, at wala nang atrasan.‎‎Pagpasok niya sa silid, nandoon agad si Miguel. Nakangiti ito, kumaway sa kanya. Pilit niyang ginantihan ng ngiti, ngunit mabigat ang kanyang dibdib.‎‎“Ava,” tawag ni Miguel. “Dito ka na umupo.”‎‎Umupo siya sa tabi nito, ngunit bago pa man sila makapag-usap, dumating si Clara. Nakasuot ng bagong dress, maayos ang makeup, at para bang wala silang naging usapan kagabi. Dumiretso ito ng upo sa harap nila at ngumiti kay Miguel.‎‎“Good morning,” bati ni Clara, may lambing sa tinig.‎‎“Good morning din,” tugon ni Miguel, walang kaalam-alam.‎‎‎Habang tinatalakay ng propesor ang leksyon, ramdam ni Ava ang init ng ulo. Hindi niya mapigilang mapatingin kay Clara na tila walang ibang gustong gawin kundi agawin ang atensyon ni Mi

  • One-Night Stand with the CEO   Chapter 59 – Mga Pahiwatig ng Labanan

    Tahimik ang corridor ng unibersidad nang dumating si Ava kinabukasan. Nakaayos ang kanyang buhok, mahigpit ang kapit sa mga libro, at pilit niyang pinapakita na normal lang ang lahat. Pero sa loob-loob niya, para siyang lumalakad sa manipis na yelo, konting maling galaw lang, baka tuluyang bumigay ang lahat.‎‎Pagpasok niya sa classroom, agad niyang naramdaman ang mga matang nakatingin sa kanya. May bulungan. May tawa. Pero mas tumatak sa kanya ang presensya ng isang tao sa harapan, si Clara, nakaupo nang diretso, nakangiti ng malamig, at parang walang kasalanan.‎‎“Good morning, Ava,” bungad ni Clara, may halong ngiting mapanukso.‎“Good morning,” mahina niyang sagot, halos pabulong, pero matalim ang tingin na ibinalik niya.‎‎Nagtagpo ang kanilang mga mata, isang sagupaan na walang salita, ngunit puno ng pahiwatig.‎‎‎Habang tinatalakay ng propesor ang aralin, ramdam ni Ava ang mga lihim na tingin ni Clara. Sa tuwing mahuhuli niya ito, mabilis lang na magbabalik ng tingin si Cl

  • One-Night Stand with the CEO   Chapter 8 – Mga Anino ng Katotohanan

    Hindi makatulog si Ava buong gabi. Paulit-ulit sa isip niya ang mga salitang binitawan ni Miguel: “Ginagamit mo lang ba ako?” Para bang sugat na hindi niya kayang hilumin.‎‎Bakit niya ako pagdududahan? tanong niya sa sarili habang nakahiga sa kama, hawak ang unan. At saan nanggaling ang mga bulong na iyon?‎‎‎Kinabukasan, pumasok siya sa klase na tila walang gana. Nakita niya si Miguel na nakaupo sa unahan, seryosong nagbabasa ng libro. Nais niyang lapitan ito, pero ramdam niya ang pagitan na para bang may pader na nakaharang.‎‎Habang naglilista si Ava ng notes, narinig niyang may dalawang kaklase na nagbubulungan sa likod.‎‎“Alam mo, baka tama si Clara.”‎“Na ginagamit lang ni Ava si Miguel? Oo nga eh, parang gano’n.”‎‎Biglang kumabog ang dibdib ni Ava. Mabilis niyang ipinikit ang mga mata at pinilit wag pumatol. Pero nang marinig muli ang pangalan ni Clara, nagising ang kanyang kutob.‎‎‎Sa breaktime, hindi na siya nakatiis. Lumapit siya sa dalawang kaklase. “Excuse me,”

  • One-Night Stand with the CEO   Chapter 57 – Bitak sa Tiwala

    ‎Kung ang tsismis ay lason, si Clara ang lasonera. Ngunit ngayong hindi nagtagumpay ang mga bulung-bulungan sa paghihiwalay kay Ava at sa mga kaklase niya, nagdesisyon siyang ibang paraan ang gagamitin, isang mas personal, mas mapanirang taktika.‎‎At iyon ay ang relasyon ni Ava kay Miguel.‎‎‎“Uy, Miguel.”‎Isang hapon habang abala si Miguel sa pag-aayos ng notes sa library, lumapit si Clara. Maamo ang ngiti, at kunwari’y nahihiya. “Pwede ba kitang makausap sandali? Tungkol lang kay Ava…”‎‎Napatingin si Miguel, nagdududa. “Tungkol saan?”‎‎“Wala naman, huwag kang magalit.” Pinilit ni Clara na magpakababa ng tono. “Napapansin ko lang… parang palagi kang nandiyan para kay Ava. Eh, narinig ko kasi kanina sa mga kaklase na baka ginagamit ka lang niya.”‎‎Napakunot ang noo ni Miguel. “Ginagamit? Si Ava? Ano namang kalokohan ‘yan?”‎‎Bahagyang yumuko si Clara, kunwari ay nahihirapan magsalita. “Ewan ko… pero baka hindi mo lang napapansin. Kasi ikaw ang palaging gumagawa ng paraan,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status