공유

03- Someone's save me

last update 최신 업데이트: 2022-02-16 11:05:00

"Daddy, ang gusto ko magmula sa araw na ito...........si Gracel na ang magiging Secretary ko, at gusto ko rin na umuwi sya sa bahay." 

Tristan said.

Napakunot ang noo ko, ano ba ang sinasabi nya? Seryoso ba sya? Hindi puwede, ano na lang ang sasabihin ng mga tao?

"T-tristan?"

Tawag sa kanya ng kanyang ama, bakas sa boses ng matanda ang labis na pagka-gulat. Napailing na lamang ako at akma na sana akong aalis ng bigla akong hilahin ni Tristan at siilin ng halik.

"B-bitawan mo nga ako!" 

Sigaw ko at saka sya itinulak, napailing lamang sya at saka ako hinila palabas ng meeting room nila. Hinila ko mula sa kanya ang aking kamay t sya'y hinarap, agad ko syang sinampal.

"Siraulo ka ba ha? Anong sa inyo ako uuwi? Tigilan mo nga 'yang katarantaduhan mo!" Sigaw ko sa kanya at muli syang sinampal.

"Hindi 'to katarantaduhan, Gracel!" Pabalik n'yang sigaw sa akin, napailing na lamang ako at saka tumakbo papalayo sa kanya.

Hindi ko alam kung ano ba ang nakain ng lalaking 'yon, bakit gano'n ang mga sinasabi nya? Wala ba syang ibang alam gawin kung hindi ang manggulo? Ano na lang ang sasabihin sa'kin ni Claire? Hindi ba sya nag-iisip ng tama?

"Sa'n ka nanggaling? Akala ko kanina kasunod kita." Claire said.

Napangiti lamang ako bago maupo sa swivel chair nya, bumuntong hininga ako ng malalim bago muling tumingin sa kanya. I looked into her eyes, nakita ko ang labis n'yang pananabik. Hindi ko alam pero parang konektado ito kay Tristan.

"P-paano kung 'yong taong nagugustuhan mo ay magka-gusto sa iba? Ang masaklap pa ro'n ay kaibigan mo?" Tanong ko sa kanya, imbes na sumagot tinawanan nya lamang ako "Hoy ano ba? Seryoso ako ah." Sambit ko pa at saka sya hinampas.

"Seryoso ka talaga?" Tanong nya at saka tumawa ng napaka-lakas, napailing na lamang ako at saka tumayo "Malabo, ikaw lang ang kaibigan ko at paano magkakagusto sa'yo si Tristan e ang pangit mo!" Nang-iinsulto nyang sambit at saka muling tumawa, napailing na lamang ako bago tuluyang lumabas ng opisina.

Malabo? Pero possible, kung dumating man ang araw na 'yon. Hindi ko alam ang aking gagawin, mas mabuti pa sigurong umalis na lamang ako bago mangyari ang bagay na 'yon.

"We're are you going?"

Rinig kong tanong ni Tristan, napangiti lamang ako at saka sumenyas na pauwi na. Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin, agad ko syang tinulak ng makarinig ang ng nga yapak papalapit sa amin. Patanong nya akong tiningnan, napailing lamang ako at saka tumalikod.

"Uuwi na ako." Sagot ko bago mag-abang ng taxi.

Napapikit na lamang ako bago tuluyang pumasok sa loob. Habang na sa biyahe pauwi, hindi ko maiwasang hindi isipin ang mangyayari kung sakaling may gusto nga sa'kin si Tristan.

"Ma'am narito na po tayo." Sambit ng taxi driver, iniabot ko ang bayad bago tuluyang lumabas.

"Salamat Kuya." Sambit ko sa driver, agad naman syang tumango bago tuluyang umalis "A-anong ginagawa mo rito?" Utal na tanong ko ng biglang sumulpot si Tristan, imbes na sumagot ngumiti lamang sya at hinila ako papasok sa loob ng aming bahay.

"Good evening po." 

Bati ni Tristan sa aking mga magulang, agad na ngumiti ang aking ama't ina ng magmano sa kanila si Tristan.

Mapait akong ngumiti bago sumenyas na papasok muna ako sa kwarto, akma na sana akong lalakad palayo ng biglang magsalita ang aking ama.

"Hindi mo man lang ba, ipapakilala ang boyfriend mo?" Tanong ni Papa na ikinunot ng noo ko.

Hinarap ko ang aking ama "Hindi ko sya boyfriend." Inis na sambit ko at saka tinitigan ng masama si Tristan.

Padabog akong lumakad papasok sa aking kwarto, inis ko rin na isinarado ang pinto. Napabuntong hininga ako ng makita ko ang aking itsura sa salamin, haggard na haggard ang mukha ko. Maging ang buhok ko ay sabog sabog, inis kong inabot ang suklay.

"Grabe, hindi ko akalain na ganito na pala ang itsura ko." 

Napalingon ako sa pinto ng makarinig ako ng sunod sunod na katok, nag-dalawang isip pa akong buksan ang pinto. Pilit akong napangiti ng makita ang aking ina, sumenyas sya na papasok sya kaya agad akong gumilid.

"Bakit hindi mo man lang inasikaso ang bisita mo?" Tanong ni Mama, napabuntong hininga na lamang ako at saka naupo sa dulo ng kama "Sino ba 'yon? Mukhang mayaman ah." Sambit nya pa, napailing na lamang ako bago humiga.

"Hindi sya mayaman, gano'n lang sya manamit." Sagot ko.

Ipinikit ko ang aking mga mata at hindi ko namalayan na sa pagpikit ko na 'yon ay nakatulog na pala ako.

---

"Ma, papasok na po ako sa trabaho ha?" Sambit ko, akma na sana akong lalabas ng biglang sumulpot si Tristan sa harap ko.

"Good morning Misis ko." Bati nya, napakunot ang noo ko ng yakapin nya ako "Ang bango naman, wait lang ha? Maliligo muna ako, sabay na tayong pumasok." Sambit nya pa at saka dalawang beses na itinaas ang kanyang kilay.

Napailing na lamang ako ng pumasok sya sa comfort room, agad akong nagtungo sa kusina kung saan naroon ang aking ina. Padabog kong ibinaba ang aking bag sa lamesa dahilan para magulat ang aking ina, bumuntong hininga ako bago ko lingunin si Mama. Hindi ko alam na kanina pa pala ako pinagmamasdan ng aking ina.

"B-bakit ganyan ka kung makatingin Mama?" Tanong ko, bakas sa aking boses ang labis na lungkot.

Hindi ko ba alam pero parang wala akong gana sa araw na ito, parang kanina lang ang sigla ko pero no'ng makita ko si Tristan bigla na lamang akong nawalan ng gana. Nakakasuka pa ang itinatawag nya sa'kin, Misis ko? Bakit? Asawa ko ba sya?

"Anong bakit ganito ako makatingin? Tingnan mo nga 'yang itsura mo, mukha kang pinag-sakluban ng langit at lupa." Inis na sabi ng aking ina, bumuntong hininga na lamang ako at saka isinubsob ang aking mukha sa bag ko "Umayos ka nga Gracel!" Sigaw ni Mama.

Napailing na lamang ako bago tuluyang umalis, tinanong pa ng aking ina kung kakain ba ako o hindi pero nagtuloy tuloy lamang akong lumabas. Hindi ko na rin hinintay si Tristan na lumabas dahil alam kong malaking gulo kapag nag-sabay kaming pumasok sa opisina, agad akong nag-abang ng taxi at kay suwerte ko dahil wala akong nahanap na taxi.

"Ano? Sasabay ka ba sa'kin o hindi?" Tanong ni Tristan, agad akong umiling.

Mabuti na lamang may dumaan na trycicle, agad kong tinawag ang driver at sumenyas na sasakay ako. Inis akong lumingon kay Tristan na ngayon ay pasakay sa kanyang kotse, kumunot ang noo ko ng mag-flying kiss sya.

"Manong sa Villacorta Industry po." Sambit ko sa driver, agad naman itong ngumiti at saka pinaandar ang kotse.

Ilang sandali pa bigla na lamang akong kinabahan at naguguluhan, mukhang ibang daanan yata ang dinaanan namin.

"Manong iba po yata ang daan na ito." Sambit ko, agad na yumuko ang trycicle para makita ako.

"Short cut po ito Ma'am." Sambit ng trycicle driver napatango na lamang ako at saka kinuha ang earphone ko.

Nagulat ako ng biglang huminto ang trycicle, napalingon ako sa trycicle driver na ngayon ay nakatingin rin sa'kin.

"M-manong hindi naman po ito ang sinasabi kong lugar e." Sambit ko, bakas sa aking boses ang labis na takot.

Mas lalo akong nagulat ng biglang may lumapit sa'min na lalaki at hilahin ako palabas ng trycicle, pilit akong nag-pumiglas ngunit napaka-lakas nila. Hindi ko sila kaya, halos maiyak na ako ng mag-labas ng kutsilyo ang driver kanina.

"M-manong m-maawa po kayo, h'wag po." Sambit ko ngunit hindi sila nakinig, akma na sanang itatarak ng driver ang kutsilyo sa dibdib ko ng biglang magsalita ang kasama nyang lalaki.

"Dude, h'wag muna. Paglaruan muna natin, nakakaawa naman kung papatayin mo agad diba?" Tanong ng isang lalaki, agad na napatango ang driver at saka binitawan ang kutsilyo.

Isa isa silang lumapit sa'kin, nais ko sanang tumakbo ngunit nang lumingon ako sa paligid puro talahib lamang ang nakita ko.

"A-anong g-gagawin nyo?" Utal na tanong ko ng mag-h***d ng damit ang isang lalaki "H-hwag po, maawa kayo!" Sigaw ko nang bigla akong yapusin ng isang lalaki.

Hindi ko na alam ang aking gagawin, halos lumuwa na ang lalamunan ko sa kakasigaw ngunit ni isa ay walang lumapit. Napapikit ang mga mata ko ng bigla akong sunggaban ng halik no'ng driver.

TRISTAN'S POV.

Napailing na lamang ako ng inis na tumingin sa'kin si Gracel, hindi ko ba alam pero parang kinakabahan ako sa tingin n'yang iyon. Bago ako tuluyang sumakay sa aking kotse pinakatitigan ko munang mabuti ang driver ng trycicle, mukha syang mabait pero bigla na lamang akong nakaramdam ng kaba dahil sa mga titig nya kay Gracel.

"Hindi puwede 'to, sigurado ako na mukhang anghel lang ang mukha ng lalaking 'yon pero ang ugali mala-demonyo kaya hindi dapat ako paka-siguro na idadala nya sa kumpanya si Gracel." Sambit ko habang nakatitig sa trycicle driver.

Agad kong pinaandar ang aking kotse ng umandar ang trycicle, dahan dahan lang ang pagpapatakbo ko sa kotse para hindi malaman ng trycicle driver na sumusunod ako sa kanila. Kumunot ang noo ko ng making dereksyon ang tahakin ng driver. Agad kong inilabas ang cellphone ko at tinawagan ang pinsan kong si Carter.

"Hey dude, where are you?" 

I asked him on the other line.

[Hey, what's up dude? There's any problem?] 

He asked.

"Just answer my first question." 

Inis kong sambit, narinig ko pa ang kanyang mahinang pagtawa.

[I'm here at my house, why?]

"At your house? E sino 'tong kasalubong ko?" 

Inis kong tanong bago tapusin ang tawag.

"Hey, ikaw naman hindi mabiro!" Rinig kong sigaw nya sabay tawa.

"Sundan mo ang trycicle na 'yon!" Sigaw ko pabalik sa kanya, ngunit sumenyas sya na hindi nya marinig "Ang sabi ko, sundan mo ang trycicle na 'yon!" Muli kong sigaw.

"Ano?!" Sigaw rin nya.

Sa sobrang inis agad kong kinuha ang cellphone ko then I dialed his number, agad naman nya itong sinagot.

"Puwede mo bang sundan 'yong trycicle?"

I asked.

[Where?]

Tanong nya.

"Wait, I'll send you a picture." 

I said, agad kong sinend sa kanya ang picture ng trycicle.

[Okay, nakita ko na]

Sambit nya, akma ko na sanang ibababa ang cellphone ko ng muli na naman syang magsalita.

[Bakit ko susundan 'yon? Anong mayro'n?]

Muli nyang tanong, napabuntong hininga na lamang ako kasunod ng pag-hilot sa aking sentido.

"Na sa trycicle na 'yon ang babaeng gusto ko, wala akong tiwala sa trycicle driver kaya sundan mo.......gotta go, may meeting pa ako." I said bago ibaba ang tawag.

Napabuntong hininga na lamang ako bago sumulyap sa trycicle na ngayon ay malayo na, nakita ko namang nakasunod na ang kotse ni Carter kaya agad na akong umalis. Napailing na lamang ako ng masulyapan ko ang aking relo.

"9:30 am? Tss...... Late na ako sa meeting." Inis na sambit ko at saka hinampas ang manebela ng kotse bago tuluyan itong paharurututin.

Napataas ang kilay ko ng makitang marami ang naghihintay sa'kin sa entrance ng kumpanya, napangiti na lamang ako ng makita ang may-ari nito na si Aristotle. Ganito ba talaga ako kahalaga para hintayin nila?

"Good morning Mr. Villacorta, akala ko sya hindi ka na darating." Sambit ni Aristotle, papeke akong ngumiti bago sumenyas na nais ko ng pumasok.

Napa-sulyap ako sa mga empleyado nila na ngayon ay busy sa kanilang mga ginagawa, kumunot ang noo ko ng makita ang aking ama na kasama ang anak ni Aristotle na si Aira. Ano ang ginagawa nya rito? 

"Mabuti na lamang at narito rin ang aking anak, sakto......mapag-uusapan na natin ang tungkol sa kasal." Sambit ni Aristotle na mas lalong ikinunot ng aking noo.

"Kasal?" 

I asked.

Aristotle immediately nodded.

Napailing na lamang ako at saka muling napalingon sa aking ama na ngayon ay papalapit na sa kinatatayuan namin.

"Pasensya ka na Aristotle pero hindi ko dapat pakialamanan ang desisyon ng anak ko." Sambit ng aking ama ng tuluyang makalapit sa'min.

Napangiti na lamang ako ng magtama ang aming mga mata.

"Hindi puwede Levi, alam mo kung ano ang napag-usapan namin ng iyong ama." Sambit ni Aristotle sa aking ama, bakas sa boses nito ang pagka-dismaya.

"So, wala palang mapupuntahan ang meeting na ito. Aalis na ako." Sambit ko, akma na sana akong lalabas ng biglang mag-ring ang cellphone ko.

"Hello?"

[Sumunod ka rito sa hospital, may nangyari] 

Sambit ni Carter kaya agad akong tumakbo palabas ng kumapanya papunta sa kotse, hindi ko malaman ang aking gagawin kaya agad kong pinaharurot ang kotse. Ilang sandali pa ay narito na ako sa hospital na syang pag-aari ng ama ni Carter.

"What happened?" Tanong ko kay Carter ng salubungin nya ako sa entrance ng hospital.

"Ang ganda no'ng babae ah, puwedeng akin na lang? Masyadong yummy." Sambit nya sabay tawa "Just kidding, ikaw naman masyado kang seryoso." 

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • One Night With The Villacorta's Heir   34

    "Are you excited to our first trip as family?" tanong ni Tristan, natigil ako sa pag-iimpake at agad na lumingon sa kaniya. Lumapit ako sabay yakap. "Oo naman. Ang totoo nga niyan..." pagbitin ko sa aking sasabihin sabay hawak sa damit niya."Hmm... what?" interesado niyang tanong habang may sumisilay na ngiti sa kaniyang labi."Hindi ako nakatulog kagabi." may pagpipigil na tawa kong sabi.He smiled then kissed my forehead after. Ibinaba na niya ang ibang maleta habang ako naman ay nagpatuloy sa pag-iimpake. Masaya ako dahil sa pagkabuo ng aming munting pamilya kaya hinihiling ko na sana hindi na matapos pa ang kasiyahang ito, gusto kong manatili kaming masaya hanggang dulo.Last week, Tristan and I planned to have a trip in Palawan kahit 3 days lang para kahit papaano ay makawala din kami pareho sa trabaho. Kami lang apat dahil pare-parehong abala sa kani-kaniyang buhay ang aming mga magulang, kaibigan, at kamaganak. Ayos lang din naman sa amin na hindi sila makakasama dahil naiint

  • One Night With The Villacorta's Heir   33

    "Mommy!" agad kaming pumasok sa loob nang marinig ang sigaw ng dalawang bata."Why, babies?" nag-aalalang tanong ni Tristan, nilapitan niya agad ang dalawang bata 'tsaka sabay na kinalong. "Anong gusto niyo?" muli niyang tanong."I want mommy's dede." Chriscelle answered."But your momma's dede was mine." Tugon ni Tristan, agad ko itong hinampas ng unan nang magtama ang aming tingin. Matapos kasing sabihin ay mga salita ay tinitigan niya ako na para bang nang-aakit."Why, Dad? Nag-dedede ka rin po ba kay Mommy?" inosenteng tanong ni Chriscelle, nagkatitigan agad kami ni Tristan nang sabay naming lingunin ang isa't isa."Ye-"Hindi na naituloy ni Tristan ang sasabihin nang bigla akong lumapit at kinuha mula sa kaniya ang mga bata. "Come here na mga kulitis." Bago tumalikod ay binigyan ko siya ng humanda ka sa 'kin mamaya look.Nang makatulog ang mga bata, ay agad ko itong ibinaba sa kama. Tumitimbang na ako kaya kahit sabay sila ay kaya ko ng buhatin ng mag-isa. Lumabas si Tristan, hin

  • One Night With The Villacorta's Heir   32

    Grabe! Hindi ko talaga inasahan na hanggang sa panaginip ay si Tristan pa rin ang papasok sa isip ko, at pati ba naman sa panaginip ko pati si Claire kasama at talagang naging lasinggera pa kami ha. Pero panahon na siguro para simulan ko ng ibalik sa dati ang sarili ko. Maaaring ang panaginip na iyon ang binigay na sign sa'kin ni God para tuluyan ko ng mapatawad si Tristan, katulad ng kagustuhan nya ay gusto ko na ring mabuo ang pamilya namin, iyong tipong sabay naming palalakihin ang mga bata hanggang sa pagtanda. "Mama!" tawag ko sa aking ina na akma na sanang lalabas ng kuwarto."Bakit?" Tanong nya at lumapit sa akin, naupo pa s'ya sa dulo ng kama at hinimas ang binti ko "May problema ba? May masakit ba sa'yo?" Sunod sunod n'yang tanong, umiling naman agad ako."E, ano nga?" Sabat ni Claire, napalingon ako sa kanya at bigla na lang natawa sa hindi ko malamang dahilan "Hoy! Grabe ka sa'kin ha, mukha na ba akong clown para pagtawanan?" May halong lungkot nyang tanong habang nakangus

  • One Night With The Villacorta's Heir   31

    Agad kong inimpake ang mga gamit ko at dumeretso na sa airport, agad akong nag-book ng ticket. Dalawang araw pa raw bago ma-process ang ticket na nirequest ko kaya maghihintay pa ako, marami ang nagbabalak ngayong pumunta sa Manila dahil magpapasko na. Sinubukan ko ring pumila sa mga ferry pero mas marami pa ang tao ro'n kaya wala akong magagawa kung hindi ang maghintay ng dalawang araw."Hindi ko pa nakakausap si Tristan, hindi nya sinasagot ang mga tawag ko." Sambit ni Carter, mas lalo naman akong kinabahan dahil sa sinabi nya. Hindi ko alam kung dapat na ba akong mag-alala "But don't worry, tumawag ako kay Daddy. Pupunta s'ya ngayon sa bahay nila Tristan at kakausapin s'ya," Dagdag ni Carter."Okay, salamat." "It's okay, bestfriend. Gusto ni Tristan na magkaayos kayo kaya hindi s'ya gagawa ng paraan na ikakagalit mo," sambit ni Claire. Hinihimas nya pa pababa ang likod ko at pilit akong pinapakalma."Sana nga," malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago isandal ang ulo sa

  • One Night With The Villacorta's Heir   30

    Katabi ko ang mga bata na natulog pero si Gracel ay hindi, ang sabi ni Chriscelle ay sa sofa raw natulog ang Mommy nya. Hindi naman na ako nagpumilit na tumabi s'ya sa'kin dahil baka palayasin nya pa ako rito at hindi ako magkaroon ng time para sa mga anak ko, naramdaman kong may naupo sa dulo ng kama kaya awtumatiko kong naimulat ang mga mata ko. Nakita ko naman si Gracel na na sa paahan ni Chriscelle, na sa gitna ako ng mga bata. Na sa kanan si Chriscelle at na sa kaliwa naman si Austine, parehas silang nakaunan sa braso ko kaya halos wala nang pakiramdam ang mga ito."Aalis ka na?" Tanong ko, napalingon naman agad sa'kin si Gracel at tumango. Hinalikan nya si Chriscelle at ilang sandali lang ay lumapit s'ya kay Austine para humalik din, ngumuso pa ako ng magtama ang paningin naming dalawa "How about me?" Tanong ko pa habang nakanguso at ready nang magpa-halik sa kanya."Sorry, hindi kita kilala." Sambit nya, bahagya na lang akong natawa nang umirap s'ya. Nakayuko s'ya ngayon at der

  • One Night With The Villacorta's Heir   29

    No'ng makita ko si Gracel sa hallway kanina, hindi man lang ako nakaramdam ng excitement. Imbes na excitement ay galit ang naramdaman ko, galit na itinago nya sa'kin ang lahat at galit na pinaniwala nya ako sa kasinungalingan. Gusto kong magalit sa kanya pero hindi ko magawa, dahil ba mahal ko pa s'ya o hindi ko lang talaga kaya."Wala naman daw nangyari sa bata, sabi ng Doctor." Si Gracel, medyo nanginginig pa ang boses nya dahil siguro sa hiya "Claire, uuwi na muna ako ha?" Paalam nya sa kaibigan habang inaayos ang mga gamit, hindi naman naalis ang tingin ko sa kanya hanggang sa magtama ang tingin naming dalawa.Wala man lang akong naramdaman nang magtama ang tingin namin, ilang minuto rin iyong nagtagal hanggang sa s'ya na mismo ang umiwas ng tingin. Nanatili namang nakatitig ang mga mata ko sa kanya, naramdaman ko pang tinapik ni Carter ang kamay ko na ngayon ay na sa likuran ko at sumenyas na sundan ko si Gracel. Umiling naman ako tanda ng pagtanggi, natatakot kasi ako na baka ku

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status