Share

Kabanata 2

"Allanna, hindi pa rin ba luto 'yan?! Ang tagal naman!"

Napatingin ako sa niluluto kong monggo. Ni hindi pa nga ito masyadong malambot dahil ilang minuto pa lang ang nakalipas mula nang isalang ko ito. Pero ang mas nakakaloka ay ito pa talaga ang naisip kong lutuin, eh pwede namang adobo.

Para tuloy akong nang-aasar sa ginagawa ko ngayon.

"Hindi pa po!" sigaw ko pabalik at saka hiniwa na ang mga rekados.

Mamaya, pagtapos namin kumain ay babalik si mama ulit sa palengke kasama ako para magtinda ng mga isda. Mas marami kasing bumibili sa hapon hanggang gabi kaysa sa umaga. Minsan pa nga ay siksikan doon na akala mo ay laging may okasyon kaya maraming tao.

Wala na nga akong pahinga araw-araw. Pagod na ako, pero kailangan ko pa ring kumayod. Mamayang gabi naman ay magiging waitress ako sa Centro Bar. Buti na nga lang ay nakapasok ako doon kahit ganito ang itsura ko. Last month lang din ako nag-start mag-work doon, and so far so good naman.

I stretches my arms dahil medyo nangangalay na rin kasi ito. Hay, Allanna! Minsan talaga ay hindi gumagana ang kukute mo.

"Allanna!"

Napatalon ako sa gulat nang biglang may sumigaw sa likod ko't napatingin kay mama na nag-aalburoto na sa galit. Napalunok na lamang ako't nginitian siya ng malapad.

"Hi, ma—"

"Anong hi?! Hindi pa rin ba luto iyan?" Sinilip niya ang kaldero. "Aba't p*nyeta ka pala, e! Bakit monggo?!"

"Kasi monggo ang una kong nakuha?" Halos mapapikit ako nang magtunog pilosopo ako. Halos umusok na ang ilong ni mama, lalo na nang hampasin niya ng malakas ang lamesa.

"Pwede namang iba! B*bita ka. Pinatatagal mo lang ang lahat! Gutom na ako. Nakalimutan mo na ata kung gaano kahirap ang magtinda sa palengke. Pagod na, gutom—"

"Ma naman, kalmahan mo lang. Baka ma-highblood ka."

"At kasalanan mo kapag tumaas ang dugo! B*wesit!"

Padabog siyang bumalik sa sala samantalang napakamot naman ako sa aking ulo.

Ilang minuto lang ang lumipas ay lumambot na rin sa wakas ang monggo kaya agad kong inilaglag ang mga rekados at hinalo ang mga ito saka naghintay ulit na maluto ang monggo. Binunot ko na rin sa saksakan ang rice cooker dahil kanina pa pala ito luto, nawala na sa isip ko dahil naka-focus ako sa pagdadasal na maluto na ang monggo at ala-una i-medya na.

Pagtapos ng bente minutos ay pinatay ko na ang kalan at hinango ang ulam sa malalim na mangkok saka ito inilagay sa mesa. Pinatong ko na rin sa mesa ang kalderong Puno ng kanin para hindi na kami patayu-tayo kapag gusto pa naming kumuha ng kanin. Pati tubig ay naglagay na rin ako sa pitsel, at inihanda na rin ang mga plato't kubyertos.

"Ma, kain na!"

"Hay, salamat! Muntik na akong magutom," sarkastikong aniya ni mama nang makaupo na siya sa silya. "Blake! Weylia, kain na!"

Ngumiti naman ako at umupo na rin sa silya.

"At sinong nagsabi sa'yo na pwede ka nang kumain?"

"Gutom na rin po ako," sagot ko.

Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Dahil sobrang tagal mong magluto...mamaya ka na kumain. Umalis ka dito at doon ka sa sala, magligpit ka doon."

"Pero ma—"

"Aba! Wala nang peru-pero! Umalis ka sa harapan ko't sumasakit lang lalo ang ulo ko sa pagmumukha mo. Alis!"

Napayuko na lamang ako't tumayo saka naglakad papunta sa sala.

"Hey, sis. Saan ka? Akala ko ba kakain na?" tanong ni kuya nang makasalubong niya ako. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya't kasunod niya rin pala si Weylia na wala na naman sa mood ang itsura.

"Hindi pa ako gutom, Kuya."

Napakunot-noo siya. "Are you sure? Ala-una na."

"Sure na sure po!" Pilit akong ngumiti. Mabuti na lang din at nakisama ang tiyan ko.

"O, siya. Una na kami. Kumain ka na rin mamaya at sasamahan mo pa sa palengke si mama mamaya, 'di ba."

"Opo."

Ngumiti lang ito't pasipol-sipol na naglakad papunta sa hapag-kainan. Ako naman ay sobrang nalumbay at biglang tumunog ang aking tiyan dahil sa gutom.

Pero bahala na, kaya ko namang tiisin 'to...ata.

Makalipas ang ilang minuto ay tapos na silang kumain kaya nagmadali na akong pumunta sa kusina para mabilis na sumubo. Sinabihan na rin kasi ako ni mama na kumilos na't mag-ayos dahil pupunta na kami sa palengke.

Pagtapos kong kumain ay hinugasan ko na ang mga pinagkainan namin at saka nag-ayos ng sarili para sa pagpunta namin sa palengke.

Pagbaba ko ay naabutan kong magka-krus ang kamay ni mama at nang tumingin sa'kin ay binigyan ako ng matatalim na titig.

"Ang bagal mong kumilos."

"Sorry, Ma."

"Tara na nga. Pinaiinit mo ang ulo ko ngayon na bata ka, e."

Nang makarating sa palengke ay hingal na hingal akong napasapo sa aking baywang dahil sa pagod sa paglalakad at sa tirik na tirik na araw. Pinunasan ko rin ang pawis ko sa mukha at leeg.

"Alla!"

Napangiwi ako nang marinig ko ang boses ni Vukal. Siya ay tindero ng mga gulay, at ang nakakainis lang feeling pogi siya. Akala niya pa ay lahat nang napapatingin sa kaniya ay gusto siya kaya todo pa-cute pa siya kahit nakakasuka na.

Bungal kasi.

"O, ano? Mang-aasar ka na naman? Tapos kapag gumanti ako ay akala mo aping-api ka," pasaring kong aniya at inayos na sa pwesto ang mga isda. Dumaan pa kasi sa drugstore si mama para bumili ng gamot kaya ako na ang pinauna niya dito.

Ngumisi siya na parang asong ul*l. "Pumayat ka, Alla."

Napakunot ang aking noo at bigla siyang humalakhak nang napakalakas kaya isinubo ko sa bibig niya ang galunggong na hawak ko.

Tanghaling-tapat, kay ingay ng bunganga, e.

"Ayan, t*ng*nang 'to! Sa'yo na 'yan tutal ay magkamukha naman kayo ng galunggong na 'yan! Kainis."

Naluluha siyang umalis sa harap ko habang nasa bunganga niya pa rin ang galunggong. Mukhang magsusumbong na sa nanay niyang hambog.

Bahala sila! Nananahimik kasi ako, tapos manggugulo. Hayst!

---------------------------------

Pinilit kong paliitin ang tiyan ko para tuluyang maitaas ang zipper ng strapless dress na uniporme namin sa bar. Sa sikip nito ay baka makita na lang nila ako mamaya na wala nang dugo. Mukhang kailangan ko na mag-request ng bago't medyo malaking size nito.

Nang matapos ay agad na akong bumaba. Sa sala ay naabutan ko si kuya na nanonood ng TV. Napatingin ito sa akin at tinitigan ako na para bang bago sa paningin niyang makita akong ganito ang suot.

"Ayaw mo talagang mag-diet, Lana?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "I'm sexy."

"Sabi mo, e. Pero hindi halata kasi pangit ka pa rin."

Binato ko sa kaniya ang suklay at inismiran siya. Tumawa lamang ito't pinatay na ang TV.

"Mag-ingat ka, Lana."

Kahit papaano ay mabait at may pakialam pa rin talaga si kuya sa'kin. Tumango na lamang ako't nginitian ko siya ng malapad.

"Huwag mo 'kong ngitian ng ganiyan. Ang cringe!"

I sing-song, "Okay."

Kumain muna ako saglit at nang matapos ayusin ang sarili ay umalis na rin ako. Isang tricycle lang naman ang sasakyan papunta sa Centro Bar kaya hindi hassle. Well, kaya namang lakarin pero nakaka-ilang maglakad ng ganito ang suot tas alas-syete i-medya na ng gabi.

Wala pa namang sinasanto ang mga tambay na loko-loko sa daan.

Pagdating ko ay agad akong sinalubong ng mausok at maingay na paligid. Nakasanayang eksena na 'to kapag nasa bar ka. May kaniya-kaniyang gawain ang mga tao dito; nagsasayaw, nag-iinuman, at may naghahalikan din. Karamihan dito ay mga bigatin na tao na mahilig mag-party at mag-aksaya ng pera sa ganitong lugar.

Well, choice naman nilang mag-party sa ganitong lugar.

"Hi," bati ko kay Gale nang makalapit ako sa counter. Agad niya naman akong hinila papunta sa staff's room.

"May chika ako."

"Ano?" tanong ko't hinubad ang jacket na suot ko't inilagay ito sa locker. "Tungkol na naman 'yan sa lalaki, 'no? Baka nakalimutan mo, may boyfriend ka na."

"Eh! Ang pogi kasi ng nakita ko, like as in. Para siyang anghel na iniluwa ni earth." Lumapit siya sa'kin at bumulong, "Parang nakalimutan ko si Eriko't nasa isip ko na lang ay bumukaka sa harap no'ng lalaki."

Hinampas ko naman siya at tumawa.

"Biro lang, syempre kay Eriko lang ako bubukaka, 'no. Pero kasi ang pogi talaga ni kuya mo. Naka-suit pa siya."

"Puros pogi naman ang nandito, Gale. Karamihan pa ay mga foreigner."

"I mean, mas lamang ang appeal niya kaysa sa iba!"

"Oo na, Gale. Wala naman akong pakialam sa mga gwapo."

Sinundot niya ang baywang ko. "Weh? Mamatay ka man? Hay naku! Kapag nakita mo 'yon ay baka malaglag pa ang panty mo."

"Wala akong panty ngayon."

Nanlaki ang mga mata niya at parehas kaming natawa.

"Tara na nga at magtrabaho. Mamaya ay baka pagalitan na naman tayo ni Ma'am Dira."

Napairap siya. "Kainis na Dira na 'yan. Nilalandi si Eriko porket nalaman niyang anak siya ng may-ari nitong bar. Duh! Walang pwedeng lumandi sa Eriko ko, 'no. Kung ayaw niya pang mawala sa mundong ibabaw "

"Chill, bes."

Napaismid lang siya't bumalik na kami sa counter.

"Speaking of the devil," bulong ni Gale.

May pilantik sa baywang ang bawat lakad ni Dira palapit sa'min. Nakataas din ang makapal niyang kilay at naka-krus ang mga braso. Inirapan niya si Gale nang makalapit kaya hinawakan ko ang kamay ng aking kaibigan para pakalmahin. Tumingin ito sa'kin mula ulo hanggang paa bago pasaring na natawa.

"Puputok ka na sa uniporme mo, Allanna. Kaya pa ba?" Inilapag niya sa harapan ko ang listahan ng order. "Serve this one. Puros kayo chismisan diyan. Nakalimutan niyo na atang nandito kayo para magtrabaho."

"Okay po," sagot ko na lamang dahil kahit papaano ay kailangan namin siyang galangin dahil siya ang supervisor namin.

Umirap lang ito't pumasok na sa kitchenette.

"T*ng*na no'n! Kung maka-asta ay akala mo pag-aari niya ang lugar na 'to."

Hinimas ko ang likod ni Gale. "Hayaan mo na. O siya, magtrabaho muna tayo."

After kong ihanda sa tray ang mga orders ay in-serve ko na ito sa may pinakasulok na upuan ng bar.

"Here's your Martini," wika ko't inilapag sa table nila ang dalawang wine glasses at isang bote ng Martini.

"Why don't we go to your condo, babe? I'm already wet just by kissing you."

Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi dahil sa narinig. Kaya kyuryosong napatingin ako sa kanila at halos malaglag ang panga ko sa nakita.

Nakapikit ang lalaki habang panaka-naka siyang binibigyan ng halik ng babae sa leeg at labi niya. Para tuloy akong natuyuan ng lalamunan dahil sa itsura ng lalaki't litaw na litaw pa ang Adam's apple niya.

"Hmm..."

Nang idilat niya ang kaniyang mga mata ay nagtama ang tingin namin. Nakalulunod ang asul na asul niyang mga mata na kasing-kulay nang karagatan. Pakiramdam ko nga ay hindi na ako maka-ahon dahil sa lalim din ng pagtitig niya sa'kin.

A-ang pogi n-niya...hindi ba ako pinaglalaruan ng mga mata ko? Para akong natuod sa kinatatayuan ko ngayon.

"Miss?"

Napakurap-kurap ako nang marinig ko ang boses ng babae at halos mag-panic. "A-ah, ito na po 'yong Martini niyo."

"Thank you," sabi ng lalaki.

At ayun na nga, halos mapaluhod ako nang marinig ko ang malalim niyang boses. Muli siyang pumikit at nakita ko pa ang pag-pisil niya sa baywang ng babae.

Lunod na lunod na ako dito. Help! Naiisip ko rin na what if ako na lang 'yong babae. Ano na, Allanna?! Ang dumi ng utak mo!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status