Share

CHAPTER 2: DESPERADA

Author: horngry0rl_y
last update publish date: 2026-07-12 16:10:52

Tumakbo ako palabas ng silid na parang may humahabol sa akin.

Hindi na ako lumingon.

Hindi ko na rin hinintay kung tatawagin pa ba ako ni Dylan.

Ang bigat ng dibdib ko habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi niya.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang tingin niya sa akin.

Oo, sa club kami unang nagkita.

Oo, nagtatrabaho ako roon para kumita ng pera.

Pero hindi ibig sabihin no'n na p****k ako. Na wala na akong respito sa sarili ko.

May dignidad pa rin ako.

May mga pangarap pa rin ako.

At higit sa lahat...

May kapatid akong naghihintay na mabuhay.

Huminto ako sa gilid ng kalsada. Malalim akong huminga habang pinipigilang umiyak.

"Kalma lang, Kaye," bulong ko sa sarili. "Hindi puwedeng umiyak. Pangit ka kapag umiiyak."

Napangiti pa ako nang bahagya sa sarili kong biro.

Dalawang segundo lang.

Pagkatapos no'n, bumalik na naman ang katotohanan.

Wala akong pera.

Wala akong maibabayad sa ospital.

Wala akong maipambibili ng gamot ni Miko.

Nanginginig kong inilabas ang cellphone ko para tingnan kung may natanggap akong mensahe mula sa ospital.

Wala.

Pero maya-maya lang ay bigla itong tumunog.

Mama.

Parang gusto ko na lang hayaan itong mag-ring.

Pero hindi puwede.

Sinagot ko.

"Kaye! Nasaan ka ngayon?" sigaw niya agad.

"Naghahanap pa po ako ng—"

"Nasaan na ang perang pinangako mo?"

Napayuko ako.

Hindi ko alam ang isasagot.

Kasi wala talaga.

"Wala pa po... naghahanap pa ako. Babalik agad ako sa ospital kapag may dala na akong pera."

Tahimik sa kabilang linya.

Akala ko naiintindihan niya.

Nagkamali ako.

"Polpol ka talaga kahit kailan!" sigaw niya. "Bobita kang babae!"

Parang may kung anong sumaksak sa dibdib ko.

"Sana hindi na lang ako umasa sa'yo! Wala rin naman pala akong mapapala!"

"M-Ma... ginagawa ko naman po ang lahat."

"Huwag mo akong tawaging 'Ma'!"

Nanigas ako.

"Hindi kita anak."

Parang huminto ang mundo.

"Wala akong anak na katulad mong bobita."

Unti-unting lumabo ang paningin ko.

Hindi dahil sa pagod.

Kundi dahil sa mga luhang pilit kong pinipigilan.

"Alam mo bang nahimatay na naman si Miko kanina?" galit niyang dagdag. "Dahil sa kabagalan mong maghanap ng pera!"

Parang may humigpit sa lalamunan ko.

"A-Ano pong sabi ng doktor? Kumusta na po siya?"

Hindi niya man lang sinagot ang tanong ko.

"Sayang lang ang pagpapaaral ko sa'yo! Sana ang perang ginastos ko sa kolehiyo mo, ipinambili ko na lang ng gamot ng kapatid mo!"

Napakagat ako sa labi.

Hindi ko na alam kung alin ang mas masakit.

Ang mga salitang naririnig ko...

O ang katotohanang wala akong maipagtanggol sa sarili ko.

Tahimik lang akong umiiyak.

Hinayaan ko siyang ilabas ang lahat ng galit niya.

Hanggang sa marinig ko ang pinakamasakit sa lahat.

"Kapag may nangyaring masama kay Miko..."

Huminto siya.

"...gagawin kong impiyerno ang buhay mo."

Beep.

Pinutol niya ang tawag.

Nanatili akong nakatayo sa gitna ng bangketa.

Hindi ko na naririnig ang mga busina.

Hindi ko na napapansin ang mga taong dumadaan.

Pakiramdam ko, ako na lang mag-isa sa buong mundo.

Unti-unti akong napaupo sa gilid ng kalsada.

Mahigpit kong niyakap ang sarili ko.

Tahimik akong umiyak.

"Bakit ganito..." bulong ko.

"Ano pa bang kulang?"

Nag-aaral ako nang mabuti.

Nagtatrabaho ako habang nag-aaral.

Halos wala na akong tulog.

Hindi na ako bumibili ng bagong damit.

Hindi na ako kumakain nang maayos.

Lahat ng kinikita ko, diretso sa ospital.

Pero bakit parang kulang pa rin?

Napatingala ako sa langit.

"Miko..."

Naalala ko ang maliit kong kapatid.

Kahit siya ang may sakit, siya pa ang laging nagpapatawa sa akin.

"Ate, kapag gumaling ako, ako naman ang magtatrabaho para sa'yo."

"Ate, huwag ka nang umiyak. Pangit ka kapag umiiyak."

Napatawa ako sa gitna ng pag-iyak.

"Pati ba naman ikaw, nang-aasar pa rin."

Pero kasunod no'n ay mas malalaking luha.

Napahawak ako sa noo.

Kailangan ko ng pera.

Hindi bukas.

Hindi sa susunod na linggo.

Kailangan ko ngayon.

Malaki ang kailangan.

Napakalaki.

Parang imposibleng maabot.

Kung normal na trabaho lang ang aasahan ko, baka huli na ang lahat bago ko pa mabuo ang halaga.

At iyon ang pinakakinatatakutan ko.

Ang dumating sa ospital na may dalang pera...

Pero wala nang kapatid na naghihintay.

"Hindi..." mariin kong bulong.

"Hindi puwedeng mangyari 'yon."

Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang manggas.

Tumayo ako.

Huminga nang malalim.

Saka ko naalala ang lalaking iniwan ko ilang minuto lang ang nakalipas.

Si Dylan Montenegro.

Hindi ko siya kilala.

Hindi ko alam kung mabuting tao ba siya o hindi.

Pero isang bagay ang sigurado.

Mayaman siya. May pera. May koneksyon.

Napapikit ako.

Nilunok ko ang natitirang pride ko.

"Para kay Miko," bulong ko.

"Kung para sa kapatid ko... gagawin ko ang lahat kahit pa ibenta ko ang katawan ko sa bastos na lalaking ‘yon."

Dahan-dahan akong bumalik sa gusali.

Bawat hakbang ay parang may kasamang bigat.

Nang makarating ako sa tapat ng p***o ng suite, nanginginig ang kamay kong kumatok.

TOK.

TOK.

TOK.

Ilang segundo ang lumipas bago bumukas ang p***o.

Naroon si Dylan.

Tahimik lang siyang nakatingin sa akin.

Huminga ako nang malalim.

Pinilit kong maging matatag kahit namumugto na ang mga mata ko.

"Mr. Montenegro..."

Bahagya akong yumuko.

"Gusto mo pa ba ng ano..."

Hindi ko na napigilan ang pag-agos muli ng luha.

“Ng ano, Kaye? Tinakasan mo’ko tapos babalik ka?”

"Kaya nga bumalik ako kasi ready na ako. Handa kong gawin ang lahat,” Huminga ulit ako ng malalim. “Ba-bayaran mo lang ako, Mr. Montenegro…”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Oops! I Slept With my Billionaire Boss   CHAPTER 16: AKIN KA!

    "Apprentice?"Mahina ngunit mabigat ang boses ni Dylan."Ikaw, Kaye?"Hindi ko agad nasagot ang tanong niya.Pakiramdam ko kasi, anumang sabihin ko ay baka lalo lang lumala ang sitwasyon.Tahimik akong tumango."B-Bale... internship lang naman po."Bago pa ako makapagpaliwanag, si Doctor Rigel na ang sumagot."Oo."Kampante siyang sumandal sa upuan."Plano kong magpatayo ng sarili kong private hospital."Napatingin siya sa akin at ngumiti, at talagang kampante siya na makukuha niya ako bioang apprentice niya.Gusto ko rin naman, kaso baka hindi ako payagan ni Dylan. Malaking pabor na ang binigay niya sa akin, ayaw ko naman mawala lahat ng 'yon ng gano'n na lang."At gusto kong maging isa si Kaye sa mga unang trainees. Matututo siya roon. At tutulungan ko rin siya."Tahimik na nakatingin si Dylan at puno ng pang-uusisa ang mukha niya. Ang daming tanong siguro sa ulo niya ngayon, and I hope maging mabait siya for the rest of the day."What do you mean?"Mahinahon ang tanong niya, pero m

  • Oops! I Slept With my Billionaire Boss   CHAPTER 15: SELOS?

    "Dy-Dylan?"Halatang nagulat si Doctor Rigel nang makita ang lalaking nakatayo sa likuran ko.Napakurap ako.Hindi lang pala ako ang nagulat.Pati si Doc."Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya habang nakangiti, pero halata kong may pagtataka sa boses niya.Napalingon naman ako kay Dylan.Nakatayo lang siya roon, kalmado gaya ng dati.Suot niya ang puting long sleeves na bahagyang nakatiklop ang manggas at itim na slacks. Mukha na naman siyang CEO na galing sa meeting."Ma... magkakilala kayo?"Hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong.Parang ang liit-liit ng mundo.Napatingin sa akin si Dylan."Magkaklase kami noon."Simple lang ang sagot niya."Bakit?"Bahagya siyang ngumiti."Is there a problem, Kaye?"Napakamot ako sa ulo."W-Wala naman. Nagulat lang ako."Napailing ako habang napapabuntong-hininga.Grabe.Ang liit pala talaga ng mundo.Napatawa si Doctor Rigel."So..."Lumingon siya sa akin."Magkakilala rin pala kayo?"Tumango lang ako."O-opo."Hindi ko na dinagdagan pa.

  • Oops! I Slept With my Billionaire Boss   CHAPTER 14: LUNCH

    "Bakit kailangan mo ng pera, Kaye Collins?"Tahimik ang buong dining room.Tanging tunog lang ng kubyertos ang maririnig.Hindi ko agad siya sinagot.Diretso lang siyang nakatingin sa akin."Bakit kailangan mo pang isakripisyo ang pag-aaral mo para lang makaipon?"Napayuko ako.Bakit kailangan pa niyang itanong ang lahat ng 'yon?Akala ko ba...Isa siyang Montenegro?At kung totoo ang sinabi niya noon na "walang bagay na hindi ko nalalaman," bakit kailangan pa niyang tanungin ako?O baka...Sinusubukan niya lang akong magsabi ng totoo.Pero hindi puwede.Hanggang boss ko lang siya.Malaki na ang naitulong niya sa akin.Pinabalik niya ako sa kolehiyo.Dinoble pa niya ang sahod ko.Ayokong dagdagan pa ang utang na loob ko.Kaya pilit akong ngumiti."Wala naman po, Sir Dylan."Bahagya siyang tumaas ang kilay."Gusto ko lang pong makaipon."Humawak ako sa baso ng tubig."Alam n'yo naman po...""Mabuti nang handa.""Baka may emergency."Napansin kong hindi siya agad nagsalita.Parang alam

  • Oops! I Slept With my Billionaire Boss   CHAPTER 13: ENROLLMENT

    "Ang sabi ni Sir Dylan, alagaan ko raw kayo, Miss Kaye. Sabihin n'yo lang po kung may kailangan kayo."Magalang na sabi ng lalaking nasa edad singkuwenta habang nakatayo kami sa harap ng isang napakalaking bahay.Tahimik lang akong tumango.Hindi dahil sa suplada ako.Kundi dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang lahat ng nangyayari.Napatingala ako sa bahay."Hala..."Mahina akong napabulong."Bahay pa ba 'to?"Tatlong palapag.Floor-to-ceiling glass windows.Napakalawak na hardin.May fountain pa sa gitna at mga halamang halatang araw-araw inaalagaan.Kung ang Montenegro Mansion ay parang kastilyo...Ito naman ay parang modernong palace."Grabe..."Napailing ako."Ganito ba talaga kayaman ang mga Montenegro?"Hindi ko mapigilang mapangiti."Miko...""Kapag gumaling ka, ipapasyal talaga kita sa ganitong bahay. Kahit sa labas lang tayo magpapicture."Napatawa ako sa sarili kong naiisip.Iniabot ng matanda ang isang susi."Ito po ang susi ng bahay."Maingat ko i

  • Oops! I Slept With my Billionaire Boss   CHAPTER 12: PERSONAL ALALAY

    "Kesh Montenegro!"Umalingawngaw ang galit na boses sa buong silid. Ngayon sigurado na ako na si Dylan Montenegro 'yon. Kilala ko na ang boses niya. I heard it so close to my ears, at kagit mga ungol niya kabisado ko ma rin."Ano'ng ginagawa mo sa katulong namin?" Ang lamig ng boses niya. Halatang kanina pa may kinikimkim na sama ng loob.Nanigas ako habang napayakap nalang sa sarili. Ngayon lang yata ako nakaramdam ng lamig. Tumayo si Kesh Montenegro dahilan upang mas makita ko pa ng derito si Dylan.Matalim ang tingin niya kay Kesh. Hindi nawala ang kalmadong tindig niya, pero sapat na ang ekspresyon ng mukha niya para maramdaman ang matinding galit na pilit niyang kinokontrol.Mabilis niyang nilapitan si Kesh at hinila ito palayo sa akin."Kesh."Mababa ang boses niya."Enough."Napayuko nalang ako habang iniisip ko ang mga pangyayari. If Dylan didn't show up, siguro nakuha na rin ni Kesh ngayon ang pagkababae ko.Mahigpit kong niyakap ang sarili ko habang pilit kong pinapakalma

  • Oops! I Slept With my Billionaire Boss   CHAPTER 11: HELP ME!

    Mahigpit akong hinila ni Kesh palabas ng hallway.Ang pagkakahawak niya sa kamay ko, halatang may gusto siyang patunayan. Noon pa lang alam ko ng manyakis at hambog talaga ang lalaking 'to, at ayaw kong mapalapit sa kanya kahit kailan!"A-Aray! Kesh, bitawan mo ako!" Pagpupumiglas ko sa pagkakahila niya pero hindi siya sumagot.Lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa pulsuhan ko habang mabilis kaming naglalakad sa mahabang pasilyo ng Montenegro Mansion.Halos madapa na ako sa pagmamadali niyang humila."Kesh, ano ba bitiwan mo nga ako!" Muling sabi ko pero hindi talaga siya nakininig sa akin.Sumusobra ka na talaga. "Ano bang gusto mo, ha!?"Mahina kong sigaw."Nasasaktan na ako!"Hindi pa rin siya lumingon.Parang wala siyang naririnig.Parang wala siyang ibang iniisip kundi ang makalayo kami sa dining hall.Maya-maya ay bumukas ang pinto ng isang silid.Bago pa ako makareaksyon, napasok niya na ako sa loob.Bang!Malakas na sumara ang pinto.Napaatras ako."Kesh..."Kinaba

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status