分享

Kabanata 7

作者: Docky
last update publish date: 2026-06-19 18:40:36

"M-Mga a-anak mo?"

"Oo! Ako ang ama nila!" mariing sagot ni Eiden, habang pinipilit na huminga nang malalim para pakalmahin ang nagngangalit niyang dibdib. "Kairo, Kara, lumapit kayo kay daddy ngayon din. Ano ba itong ginagawa niyo? Bakit kayo tumakbo palabas ng sasakyan?"

"Ayaw po namin!" sigaw ni Kairo mula sa likod ni Kiara. Matapang niyang hinarap ang kaniyang ama. "Palagi ka na lang wala! Puro ka na lang trabaho! Sabi mo, isasama mo kami sa amusement park noon, pero ‘di nangyari. Kagaya n
在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP
已鎖定章節

最新章節

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 23

    ‘Ganoon ba talaga siya kadesperadang magkaroon ng pamilya... o ganoon lang talaga kalala ang sitwasyon niya sa trabaho?’ tanong ni Eiden sa kaniyang sarili. Naalala ni Eiden ang mga naunang sinabi ni Kiara tungkol sa manyak nitong store manager at sa mga mapang-abusong manliligaw. Isang pamilyar na bagsik ang biglang kumislap sa mga mata niya. Kung sinuman ang manager na iyon na nagtatangkang bastusin ang magiging asawa niya, sisiguraduhin niyang mawawalan ito ng puwesto sa buong industriya sa loob lang ng isang tawag. Ngunit bago iyon, kailangan muna niyang panatilihin ang kaniyang maskara."Gabi na," malamig na wika ni Eiden habang tumitingin sa kaniyang murang relo. Binili lang iyon ng kaniyang tauhan sa tabi-tabi kanina. "Kailangan niyo nang matulog, Kairo, Kara. May pasok pa kayo sa daycare bukas.""Eeeeeh... gusto pa po naming makatabi si Mommy Kiara," pagmamaktol ni Kairo. Mas lalo pa niyang isinubsob ang kaniyang mukha sa balikat ng kaniyang bagong mommy."Opo nga po, daddy.

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 22

    Sa kasalukuyan…"Ano raw?" Napatitig si Kiara kay Kara. Pakiramdam niya ay biglang umakyat ang lahat ng dugo niya sa kaniyang mga pisngi. Ang kaniyang puso ay nagwala sa hindi maipaliwanag na rason habang ang kaniyang paningin ay awtomatikong napabaling kay Eiden.Si Eiden naman ay tila literal na nabilaukan sa sarili niyang laway. "Uh-huh! Ehem! Ehem!" Sunod-sunod ang naging ubo ni Eiden habang mabilis na umiwas ng tingin. Pilit niyang inaayos ang kaniyang gupit-pobreng jacket na tila ba iyon ang pinakamahalagang bagay sa mundo ngayon. Ang kaniyang pamosong nonchalant at malamig na aura ay parang yelong biglang natunaw sa tindi ng init ng kaniyang hiya. 'Another baby?!' Ano'ng pinagsasasabi ng batang ito? sa isip-isip niya habang ramdam na ramdam niya ang pag-init ng kaniyang sariling mga tainga."Kara, Kairo." Seryoso ngunit may bahid ng taranta ang boses ni Eiden nang harapin niya ang kambal. "Masyado kayong madaldal. Pumasok muna kayo sa kusina at kumuha ng isang basong tubig par

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 21

    Nang kaparehong araw ding iyon ay kinausap din ni Kiara ang nag-iisang kaibigan niya… Bumuntong-hininga si Anna. “Sigurado ka na ba sa desisyon mong ito?” Ngumiti si Kiara. “Ito ang pinaka siguradong desisyon ko sa buhay, Anna.” “Pero hindi ba masyadong mabilis ito? Kakakilala mo pa lang sa kaniya!” giit ni Anna.Limang taon ng magkaibigan sina Anna at Kiara at sa loob ng limang taong iyon ay mas minahal nila ang isa’t-isa na parang magkapatid. Pareho silang ulila, kaya itinuturing nila ang isa’t-isa na pamilya. At sinisigurado nilang wala silang sikretong itinatago sa isa’t-isa. Kaya sinabihan agad ni Kiara si Anna sa nangyari at sa balak niyang gawin.“Alam kong miss na miss mo na ang mga anak mo. At nasasabik ka na magkaroon muli ng anak kaya sigurado akong nakikita mo sa anak ng lalaking iyon ang mga anak mo. Pero hindi sila ang anak mo, Kiara. Hindi ikaw ang nanay nila. At hindi ka isang superhero para magpakananay sa kanila. At isa pa… sagrado ang kasal, Kiara!”“Alam ko nam

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 20

    "Ano? Dahil lang gusto ng mga bata? Eiden, nagkakandabaliw ka na ba talaga dahil sa pagiging single parent? Limang taon ka nang nag-iisa simula noong kinuha mo ang mga bata. Sa loob ng limang taon na 'yon, marami ng magaganda, matatalino, mayayaman, galing sa mga prominenteng pamilya, at may mga titulo sa lipunan ang sinubukan nating ipakilala sa kambal para maging bago nilang ina. At ano'ng ginawa nina Kairo at Kara sa kanila? Tinatakbuhan nila! Iniiyakan nila! Binabato nila ng mga laruang lego! Walang nakakalapit sa kanila!" Humakbang pa nang isa si Lander para salubungin ang titig ni Eiden. "Pero ang babaeng ito na sinasabi mong nagustuhan ng mga bata ay isang ordinaryong sales associate lang mula sa mall. Isa siyang babaeng may bitbit pang gulo mula sa mga manliligaw niya. Tapos ano kamo? Tinawag lang niyang 'my babies' kagabi sa parke ang kambal tapos biglang gusto na nilang maging mommy ito? Hindi ba pumasok sa utak mo na baka nag-eensayo lang ang babaeng 'yan? Baka magaling la

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 19

    Bago pa man magsimula ang pag-akyat ni Kiara sa mga luma, madidilim, at tila gumigewang na hagdanan ng lumang apartment building na iyon, mga tatlumpung minuto bago ang kaniyang mismong pagdating, ay may iba ng matinding usapan na nagaganap sa loob ng masikip at umuugong na sala ni Eiden.Ang maingay na electric fan na may kalawang sa parilya ay kanina pang umiikot sa pinakamalakas na numero, ngunit tila hindi nito kayang pawiin ang matinding init ng ulo ng lalaking kasalukuyang nakatayo sa tapat ng bintana. Si Lander Almero, ang nag-iisang matalik na kaibigan ni Eiden, pamilyar na kasangga sa negosyo, at isa rin sa mga pinagkakatiwalaang ehekutibo ng Fierro Group of Companies, ay kanina pang pabalik-balik sa paglalakad. Kusot-kusot niya ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang palad, habang ang kaniyang mamahaling sapatos na yari sa Italian leather ay lumilikha ng mabibigat at nakatutulig na tunog sa lumang linoleum floor ng unit."Eiden, itatanong ko sa iyo sa huling pagkakataon, naba

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 18

    Sinalubong ni Eiden ang mukha ni Kiara na bahagyang hinihingal dahil sa pag-akyat sa hagdan. Agad na sumilay ang isang malambing na ngiti sa mga labi ng dalaga nang makita siya nito."Wow, Monster Daddy, hindi ka naman nagbiro noong sinabi mong luma itong building, ah? Medyo sumakit ang binti ko sa pag-akyat," biro ni Kiara habang pumapasok siya sa loob ng apartment.Inilibot ni Kiara ang kaniyang paningin sa maliit na unit. Nakita niya ang maliit na sala, ang maingay na electric fan, at ang dalawang kuwarto na magkatapat lang. Walang kahit anong bakas ng karangyaan. Ngunit sa halip na magreklamo, ibinaba niya ang kaniyang bag sa plastik na lamesa at lumingon siya kay Eiden nang may seryosong mukha. "Nasaan ang kambal? Tulog na ba sila?" tanong niya."Gising pa sila. Nasa loob sila ng kuwarto. Pinagbawalan ko muna silang lumabas para makapag-usap tayo nang maayos," sagot ni Eiden, pilit na inoobserbahan ang bawat reaksyon ng babae. "So... ngayong nakita mo na ang totoong kalagayan ko,

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 4

    Pagod na sumandal si Eiden sa back seat ng kaniyang marangyang SUV habang tinatahak ang kahabaan ng kalsada mula sa paliparan. Kakalapag lang ng kanilang eroplano mula sa limang taong pananatili sa Amerika kung saan niya pansamantalang pinalaki ang kambal.Sa tabi ni Eiden ay tahimik na naglalaro s

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 3

    “Kaya mo 'to, Kiara. Para sa promosyon at mas mataas na sahod!” bulong ni Kiara sa kaniyang sarili habang nakatingin siya sa mataas na gusali kung saan siya nagtatrabaho. Bumuntong hininga muna siya bago siya naglakad papasok ng mall.Makalipas ang limang taon ay walang ibang ginawa si Kiara kung h

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 2

    “Dàmn it!” marahas na mura ni Eiden.Hindi makatulog si Eiden. Kanina pa siyang hindi mapakali sa kaniyang kama.“Why am I feeling this way? Bakit parang natatakot ako na kinakabahan? What the fúck is going on?" bulong ni Eiden habang nakatitig siya sa kisame ng penthouse ng Fierro Estate. May big

  • Oops! Our Accidental Babies Made Us One    Kabanata 1

    “Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo na dapat pagbalik ko ay pinalaglag mo na ang batang ‘yan!” galit na galit na sigaw ni Arturo nang makita niya ang anak na si Kiara o mas kilala sa tawag na Ara dahil nabuntis ito nang hindi nito alam kung sino ang ama ng dinadala nito. Siyam na buwan nang dinadala n

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status