LOGINSKY POV
“Ayoko nang paulit-ulit, Sky. Bumaba ka na.” Malamig niyang sabi habang nakasandal sa hamba ng pintuan, naka-cross arms, at nakatingin nang diretso sa akin. Hindi ko naman kayang makipagtitigan sa kanya.
“Zach, hindi naman ako gutom—”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil marahan siyang lumapit, hanggang sa halos maramdaman ko na ang init ng hininga niya sa balat ko. Nakatayo ako sa tabi ng vanity mirror, nakabalot pa ng tuwalya ang katawan ko, at pakiramdam ko, hindi ako makakatakas sa kanya.
“Sky…” aniya sa mababang boses. “Let's eat."
Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko. Hindi dahil sa takot. Kundi dahil sa kung anong hindi ko maipaliwanag na tensyon sa pagitan naming dalawa. Hindi ito katulad ng dati. May kung anong kakaiba ngayong kami lang sa bahay. Walang Mama. Walang Tito Nick.
“Fine,” bulong ko. “I’ll go.”
Bahagyang gumuhit ang ngiti sa labi niya, ‘yong tipid pero may bahid ng kapilyuhan. “Good girl,” aniya bago siya lumingon at bumaba ng hagdan. Naiwan akong nakatulala, pilit pinapakalma ang mabilis na tibok ng puso ko.
Ilang minuto pa bago ako tuluyang bumaba. Naka-oversized shirt lang ako at short shorts. Pagdating ko sa dining area, tahimik ang buong paligid maliban sa tunog ng kutsara't tinidor na hawak ni Zach.
“Umupo ka na,” utos niya at pinaghila ako ng upuan.
Tahimik akong naupo sa tapat niya. Ramdam ko ang bigat ng presensya niya, kaya parang hindi ako makagalaw.
“Oh bakit hindi ka pa kumakain dyan?" dagdag pa niya.
“I told you, I’m not—”
“Sky,” putol niya, sabay tingin nang diretso sa mga mata ko. "Just eat. Baka sabihin pa ng Mama mo, pinabayaan kita rito. You are now my responsibility, my dear sister."
Wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang. Kumuha ako ng konting ulam at kanin, ngunit iniwasan kong mapatingin sa kanya.
"Sky, may boyfriend ka na ba?"
Hindi ko inaasahan 'yon. Saglit akong natahimik. Ba't niya tinatanong?
"Oo. Meron. Pero bago pa kami, like three months."
Hindi ko alam kung bakit 'yon ang sinabi ko. Napatingin ako sa kanya, Pero seryoso lang siya habang sumusubo ng pagkain.
"Alam ba ito ni Tita Elena?"
"Hindi. Uhm, I mean. Hindi naman kasi nangingialam si Mama sa personal kong buhay eh."
Bahagya siyang napakunot-noo. "Well, ako, gusto kong makilala ang boyfriend mo. Kung saan siya nagtatrabaho, kung anong family background niya. Kung anong klaseng tao siya, baka mamaya manloloko 'yon. Kaya bukas na bukas din ipakilala mo siya sa akin."
Tumango lang ako, kahit hindi ko naman alam kung sinong ipapakilala ko dahil wala naman talaga akong boyfriend.
Dios mio. Mukhang mapapasubo ako nito.
"Eh ikaw... wala ka pa bang balak na mag-asawa?" tanong ko sa kanya, para maiba ang topic. "I think you're in the right age to settle down. Besides, financially stable ka na."
"Well, as of now, wala pa. Hindi pa naman ako ganu'n katanda. I'm still 31 years old."
"Uhm, baka naman masyadong mataas ang standard mo Kuya, kaya walang nakakapasa sa 'yo," nakangiti kong sabi. Naisip ko, bakit hindi ko nalang idaan sa biro ang lahat, para at least naman maibsan ang tensyon sa pagitan namin.
"What did you just call me? Kuya?"
Napahagikgik ako. "Why not, you're six years older than me, di ba? Besides, we are now stepsiblings so, I think okay lang na tawagin kitang Kuya." At muli akong napahagalpak ng tawa.
"No, Zach nalang. Walang tumatawag sa akin ng Kuya, not even my cousins."
Tumango lang ako ngunit hindi pa rin maalis ang ngiti sa aking mga labi.
"But seriously, gusto kong makilala ang boyfriend mo."
Para akong mabilaukan sa sinabi niya. Akala ko nakalimutan na niya 'yon. OMG. Saan ako maghahanap ng ipapakilala sa kanya?
**********
Kinaumagahan, matapos kong makapagbihis para sa pagpasok ko sa trabaho, lumabas na ako ng kwarto. Sakto namang 'yon din ang paglabas ni Zach sa kwarto niya. Bihis na bihis na rin ito.
"Good morning, my dear sister. Perfect timing. Sabay na tayong bababa for our breakfast." sabi niya.
"No. Hindi na ako mag-aalmusal."
"Ayan ka na naman. Hindi magandang pumasok sa trabaho nang walang laman ang tiyan."
Wala na akong magawa kundi ang sumunod na lamang.
"Sabay na tayong pumunta ng opisina," aniya habang kumakain kami.
"Zach, di ba nag-usap na tayo tungkol dito?"
"Yes, pero parehas naman tayo ng pupuntahan so bakit hindi ka nalang sumabay sa akin. Isa pa, alam na ng mga empleyado na stepsister kita, kaya no worries."
Hindi na ako nakipagtalo pa. Ayaw ko rin naman na isipin niyang iniiwasan ko siya, kahit 'yon naman ang totoo.
Makaraan ang ilang minuto, umalis na kami ng bahay. Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan habang nakatingin sa labas ng bintana. Si Zach naman, nakapako lang ang mga mata sa kalsada at nanatiling seryoso ang ekspresyon ng mukha.
Paminsan-minsan, sumasagi ang tingin ko sa kanya. Ang matikas niyang panga, ang paraan ng pagkakahawak niya sa manibela, at ang nakakarelax pero authoritative na aura niya. Kahit anong pilit ko na h'wag magkagusto sa kanya, pero parang hindi ko kayang gawin lalo na kung palagi kaming nagkikita at nagkakasama.
Pagkalipas ng halos labinlimang minuto, bumungad na sa amin ang matayog na gusali ng kumpanya. Sa sobrang laki nito, tila ba pinapaalala sa akin kung gaano kalayo ang agwat ng mundo namin ni Zach. Siya, ang boss. Ako, isang ordinaryong empleyado lang. Bukod pa rito'y, sa ilalim ng batas, magkapatid kaming dalawa. Kagaya ko, family oriented din siya, kaya mahalaga sa amin ang salitang 'pamilya'.
“Let’s go,” mahinahon niyang sabi at pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat.
“Thanks,” maikli kong sagot bago bumaba ng sasakyan. Hinayaan kong mauna siya sa paglalakad kasi nasa trabaho na kami. Bilang subordinate niya, dapat nasa likod niya lang ako. Sinundan ko siya papasok ng building.
Ngunit nagulat ako nang pag-angat ko, naroon si Loraine sa entrance.
“Babe!” sambit nito at yumakap kay Zach.
At sa sandaling iyon, muling bumigat ang paligid ko lalo na nang pumulupot ito sa beywang ng lalaki.
Hindi raw fiancee. Eh bakit parang linta kung makadikit? At bakit parang gustong-gusto naman niya ang ginawa sa kanya ng Loraine na yan!
Sa sobrang inis, nilagpasan ko sila at walang-lingong naglakad papunta sa department namin.
Pasalampak kong inilagay ang bag ko sa ibabaw ng desk, at pagkatapos umupo ako sa office chair.
Nang dumating na ang mga kaibigan ko, nagkunwari akong abala sa pagtipa ng keyboard.
"Hi, gurl." Bati ni Maye.
"Ang aga mo naman, gurl." Wika naman ni Rica.
"Oo, kasi sumabay ako kay sir Zach sa pagpunta rito." Wala sa isip na sagot ko habang nakatuon pa rin ang paningin ko sa computer. "O magtrabaho na tayo, baka makita pa tayo rito ng boss natin. Alam mo na, masyadong mahigpit 'yon lalo sa oras ng trabaho."
Kinahapunan...
"Sky, may meeting ako mamaya kaya baka gagabihin ako sa pag-uwi. Mauna ka nalang sa bahay at ipapasundo na lang kita kay Manong Delfin."
"Okay. sige." Matipid kong sagot. Pagkatapos, ibinaba ko na ang telepono.
Mayamaya, lumabas ako at nagtungo sa ladies room na katabi lang naman sa opisina namin. Papasok na sana ako sa loob ngunit natigilan ako nang matanaw si Zach na palabas ng elevator, kasama si Loraine.
So kasama niya si Loraine sa meeting? Baka hindi meeting ang dadaluhan, kundi mating!
Dali-dali akong pumasok ng ladies room at baka makita pa nila ako.
Nang makabalik na ako ng opisina...
"Wala ba kayong gagawin mamaya, pagkatapos ng work?" tanong ko kina Maye at Rica.
"Wala naman gurl. Bakit?" sabay na sagot ng dalawa.
"Uhm, naisip ko lang, baka need nating mag-unwind. You know, masyado na tayong stress at pressured sa work."
"Okay, game!" wika ng mga kaibigan ko.
********
Gaya ng napag-usapan namin, dumiretso kami sa paborito naming restobar pagkatapos ng trabaho. Masaya naming pinagkwentuhan ang kung anu-anong bagay habang kumakain ng dinner. Nang matapos, agad kaming umorder ng tig-iisang bote ng beer.
Mayamaya lang, unti-unting nagiging mas buhay ang paligid, nagsimulang tumugtog ang malakas at upbeat na musika mula sa dance floor. Napatitig ako sa mga ilaw na nagkikislapan—pula, asul, at dilaw.
“Uy, nagsisimula na!” sabi ni Rica, sabay kindat sa amin.
Tumingin ako kay Maye na abala nang sumayaw sa upuan niya. Ramdam ko rin ang unti-unting paggaan ng loob ko, parang kahit sandali, gusto kong kalimutan ang lahat ng iniisip ko.
Enjoy na enjoy kaming tatlo habang sumasayaw sa dance floor. At nang mapagod kami, bumalik kami sa upuana at umorder ulit ng beer. Medyo tipsy na nga ako, pero parang gusto ko pang uminom.
Hindi namin namalayan ang oras at alas dyes na pala ng gabi. Tiningnan ko ang cellphone ko ngunit nagulat ako nang makita ang maraming missed calls.
Si Zach, kanina pa pala tumatawag sa akin.
Nang muling mag-ring ang telepono ko, saglit akong lumayo sa dance floor.
"Hello, Sky. Nasaan ka ba ngayon? Kanina pa ako tawag ng tawag sa 'yo ah!" galit na boses ni Zach ang narinig ko sa kabilang linya. "Teka, bakit maingay dyan?"
"Nandito ako sa bar, my dear brother. Kasama ko sina Maye at Rica. Alam mo na, konting unwind lang."
"Saang bar 'yan at pupuntahan kita," mariin nitong wika.
"Basta malapit lang sa Cyber—" At biglang naputol ang tawag.
Anak ng...nag empty battery ako!
Bumalik ako sa mesa namin, at muling tumungga ng beer.
"Sinong tumawag?" tanong ni Maye.
"Sino pa ang stepbrother ko. Galit na galit sa akin." Nakangisi kong wika. "Hayaan mo siya, basta nandito tayo ngayon para sumaya, kaya cheers!"
Muli akong nag-ipis ng beer sa baso at lalagukin ko na sana nang biglang may umagaw sa hawak kong baso.
"That's enough, Sky. Uuwi na tayo."
Nagulat ako nang makilala kung sino yon.
"Zach?"
SKY POV“Zach?” halos pasigaw kong sambit, pero agad niyang hinawakan ang braso ko at marahang hinila palayo sa mesa. Ramdam ko ang bigat at lalim ng tingin niya sa akin—mahigpit, seryoso, at halatang pinipigil ang galit.“Anong pumasok sa utak mo at naisipan mong pumunta rito? Akala ko nasa bahay ka na. Yon, pala...pagdating ko, wala ka roon,” madiin niyang sabi habang matamang nakatitig sa akin. “At naglasing ka pa!"Napansin ko ang pag-igting ng panga niya saka tinapunan ng masamang tingin sina Rica at Maye. Tahimik lang ang dalawa habang nakayuko.“Hindi ako lasing,” depensa ko, pilit na inaalis ang kamay niya sa braso ko. “Nag-eenjoy lang kami. Hindi naman ako bata, Zach.”“Talaga? Kasi sa nakikita ko, para kang batang hindi alam na delikado itong lugar na pinupuntahan ninyo.” Hinila niya ulit ang kamay ko. “Uuwi na tayo.”“Bitawan mo nga ako! Wala kang karapatang diktahan kung anong gusto kong gawin!” singhal ko. "Responsibilidad kita, Sky kaya sa ayaw at sa gusto mo, uuwi na t
SKY POV“Ayoko nang paulit-ulit, Sky. Bumaba ka na.” Malamig niyang sabi habang nakasandal sa hamba ng pintuan, naka-cross arms, at nakatingin nang diretso sa akin. Hindi ko naman kayang makipagtitigan sa kanya. “Zach, hindi naman ako gutom—”Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil marahan siyang lumapit, hanggang sa halos maramdaman ko na ang init ng hininga niya sa balat ko. Nakatayo ako sa tabi ng vanity mirror, nakabalot pa ng tuwalya ang katawan ko, at pakiramdam ko, hindi ako makakatakas sa kanya.“Sky…” aniya sa mababang boses. “Let's eat."Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko. Hindi dahil sa takot. Kundi dahil sa kung anong hindi ko maipaliwanag na tensyon sa pagitan naming dalawa. Hindi ito katulad ng dati. May kung anong kakaiba ngayong kami lang sa bahay. Walang Mama. Walang Tito Nick. “Fine,” bulong ko. “I’ll go.”Bahagyang gumuhit ang ngiti sa labi niya, ‘yong tipid pero may bahid ng kapilyuhan. “Good girl,” aniya bago siya lumingon at bumaba ng hagdan. Naiwan akon
SKY POVUnang araw ng pag-alis nina Mama at Tito Nick papuntang France. Habang nasa trabaho ako, hindi ko maiwasang isipin na kami lang ni Zach sa bahay. May mga katulong naman pero, ngayon pa lang nararamdaman ko na ang matinding tensyon."Sky, ba't ang lalim naman ng iniisip mo?" untag ng kaibigan kong si Maye, na isa ding Marketing Specialist."Oo nga gurl, anong problema?" sabat naman ni Rica, ang kasamahan kong bakla.Magkakatabi lang mga office cubicles namin kaya nakakapag-usap kami, lalo na kapag breaktime."Uhm...may nakalap akong balita," aniya at ngumiti sa akin. "Oy, ano naman 'yon? Kaw talagang bakla ka, hindi ka talaga nahuhuli sa balita kahit kailan," wika naman ni Maye.Actually, narinig ko lang naman ito kanina sa reception. Bigla naman akong na-curious sa sasabihin niya kaya saglit akong tumigil sa pagtipa ng keyboard ng computer."Sabihin mo na 'yan, bakla. Masyado ka namang pa-thrilling dyan," nakangusong saad ni Maye."Uhm..stepbrother mo raw si sir Zach? I mean
SKY POVKinabukasan, matapos magtanghalian, sinundo kami ng family driver ng mga Villanueva. Sakto namang nakapag-impake na kami kaya matapos maikarga ang iilang maleta at kahon ng mga gamit namin, nilisan na namin ang Gaviola subdivision. Buti nalang din at Linggo ngayon kaya wala akong pasok sa trabaho.Habang nasa loob ng sasakyan, paulit-ulit kong iniisip kung paano ko haharapin si Zach. Hindi ko alam kung paano magpanggap na normal lang, lalo na’t bawat titig niya kagabi ay parang may ibang kahulugan para sa akin. Pero kailangan na talagang matigil 'tong kakaibang nararamdaman ko sa kanya. Sa ilalim ng batas, 'magkapatid' na kami, kaya pamilya ko na sila ni Tito Nick. Pagdating namin sa malaking gate ng mansion, halos mapanganga ako. Ang lawak ng bahay. Moderno ang disenyo, mataas ang bubong at may malawak na bakuran. Sa gitna, naroon ang swimming pool na parihaba ang hugis. Agad naman kaming sinalubong ng mga kasambahay para kunin ang mga gamit namin sa sasakyan.Samantalang n
SKY POV"OHHHHHHH.." Isang mahinang ungol ang kumawala sa aking bibig habang napakagat ako sa aking labi.Mabilis na nahubad ni Zach ang saplot ko sa katawan, at mayamaya pa'y naramdaman ko na lamang ang matigas na pagkakalalaki niya sa aking kaselanan."Harder, please....aaahhh..." muli kong ungol.Ngunit bigla akong napatikwas nang marinig ko ang tunog ng alarm clock. Hingal na hingal ako habang tumatagaktak ang pawis sa aking noo. Namamasa na ang pagitan ng aking mga hita, epekto ng panaginip na masyadong totoo sa pakiramdam."OMG, I had a wet dream....with Zach Villanueva, my boss sa ZV Cybertech," usal ko sa sarili.Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang pumalit siya bilang bagong CEO ng kumpanya. Actually, ang pamilya ni Zach ang may-ari ng Cybertech, kaya ZV kasi it stands for Zach Villanueva.Hindi maitatangging napakagwapo niya, at malakas ang sex appeal, pero napakataas ang standard at masyadong perfectionist sa trabaho. Akala ko hindi na ako magkakagusto pa sa isang lal







