Share

Chapter 9

Pagod na pagod na ang katawan at ang utak ko pero hindi ko pa rin magawang makatulog. Maybe because he's here with me.

Ang kaniyang mga mata ay tila nakakakita sa dilim kung makatingin sa direksyon ko. And it makes me feel uncomfortable. Kahit isang tshirt at pajama ang suot ko pakiramdam ko ay tumatagos ang mga titig niya.

I wonder what he thinks of me. I wonder what runs through his head. I want to know how he decides for things. Gusto kong malaman kung bakit hindi niya ako magawang pagkatiwalaan, kung bakit tila siya may galit sa akin.

But I know I will never get to understand him. His principle is solid, he wants the truth and only but the truth. But now I realized, there are different versions of truth. The truth he wants to believe, the things that looks like the truth but are not, and the truth which is the truest.

We all believe not with the truth but on what we think is real.

Nakita kong umilaw ang laptop niya sa dilim. He's sitting infront of the round-table and he's been calling a lot of people earlier. Natigil lang saglit at ngayon ay ang laptop naman ang kaniyang binuksan.

I wonder if he still works even when he's home. Naalala ko ang sinabi ni Air, that Axl values his work so much as well as his time. I can see now that he's the foundation of the company, his passion to make it grow that big is like a wild fire that can't be put to stop with plain water. Kaya naiintindihan kong hindi siya makapapayag kung masisira ang lahat ng pinaghirapan niya.

He's young, but he handled the company well. Mas lumago at naging mas matunog pa nga ang GGC nang siya na ang humawak nito. I was in highschool back then.

"You should sleep."

Napaigtad ako nang magsalita ito. Mula sa liwanang ng kaniyang laptop ay mas nakikita ko na ang kaniyang mukha, at hindi naman kalayuan ang lamesa mula sa kama. It's probably just two meters away from me.

"Y-you're working? Kahit sa bahay?" Hindi ko na napigilang itanong.

Hindi ito sumagot.

Huminga ako ng malalim at pinanood siyang muli. Tanging ang ingay lamang ng keyboard ang naririnig ko sa buong kwarto.

"Aren't you hungry? You didn't eat the whole day."

Kinagat ko ang labi ko, "Uh..hindi naman, nag-breakfast naman ako."

"You're not hungry or you can't eat with me?" Nakita ko ang mumunting pagngisi nito at pagtataas ng kilay.

Oh I'm sure he's aware of how he can intimidate people, lalo na ang kababaihan. Nag-iwas ako ng tingin.

"H-hindi talaga ako nagugutom.."

"And you can't sleep as well because I'm here?"

I sighed, bilang pagsuko. Tinignan ko ito at naabutan ko ang bahagyang pagdila nito sa kaniyang labi bago pinatunog ang leeg.

Indeed, his presence is really intimidating. There's something in his aura that screams so much authority and demands attention. Even when he's just there in the dark, sitting and effortlessly doing things, I still find him consuming all the energy in this room. His vigor is just too much I don't think I will ever be able to handle it.

"W-what will happen to me tomorrow?" I asked.

He looked at me, "We'll see about that, if you cooperate."

"Do you really think I can do something like that?"

"Steal?" Nagtaas ito ng kilay.

Tila may nagbara sa lalamunan ko. Alam kong hindi niya na kasalanan kung bakit ganito siyang magsalita, but it still hurts me to hear it. Alam kong ganito na talaga siya, Aliyah warned me about how sharp his tongue is. And even when he don't mean to sound offending, he'll probably still end up sounding like it.

"I can't just believe you because of your pretty and innocent face Adrianna. But I'm giving you the benefit of the doubt, seeing how hurt you were today, I'm reconsidering. So cooperate with the investigation tomorrow and we'll see."

"Can I go home and quit work if I prove myself innocent?"

His forehead creased. Sumandal ito sa silya at tumitig sa akin ng mas mabuti. Like he's trying to see more of me, mga bagay na hindi niya maririnig na sasabihin ko.

"Why do you want to quit work?"

"I..I realized I don't want to get involved to you. No matter how I try to say the truth, I know you will only believe what you think is real. I..I can't deal with people like you.." Sinabi ko iyon nang hindi tumitingin.

"Right, you can't deal with harsh and straightforward people like me Adrianna. Simply because you are too innocent for this world and you won't understand how to live in it. I hope you understand now that trying to get into my world is dangerous for an inexperienced innocent girl like you."

I shook my head, "Hindi ko kailanman ginustong pumasok sa mundo mo, Axl. Kung paano mo naiisip ang mga naiisip mo tungkol sa akin ay hindi ko na alam. Somehow I understand you, alam kong mahirap magtiwala para sa isang katulad mo. Lalo na kung ang magiging kapalit 'non ay ang kumpanyang pinaghirapan mo. But sometimes it also feels freeing to trust people and free yourself from doubt. Dahil gaano man kakumplikado ang mundo ay magkakaiba naman ang mga tao."

Hindi ito nagsalita. Nanatili ang mabibigat at puno ng intensidad nitong mga mata sa akin. Like I am a puzzle right now that he wants to solve.

"You sound mature for your age. Sometimes you look and sound so innocent and sometimes you sound like you have experienced so much hardships in your life. You are like an old and young girl living in that body."

Napangiti ako ng mapait. "Oo tama ka, maaring wala pa akong alam sa mundong ginagalawan mo. But my eyes are already open from all the danger in the world, simply because I've been through a lot. Hindi madaling mabuhay mag-isa at suportahan ang sarili ko. Pero pinipilit ko para sa amin ni nanay."

"Don't make me feel guilty because of your mother.." he warned.

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay importante sa kaniya ang nanay. I can clearly remember how he quickly changed his mind when he saw my mother's sad expression back at the mansion. Nang bigla ay tinanggap niya akong sekretarya niya matapos sabihing hindi niya kailangan ng isang undergraduate.

Naalala ko rin ang kwento ni nanay, kung gaano siya kabait. I can't help but think that he's probably attached to my mother.

"Hinding-hindi ko gagamitin si nanay para kaawaan mo ako. Haharap ako bukas sa mga awtoridad, I will cooperate with the investigation. I will quit the work once proven not guilty."

He grinned, naghahamon ang kaniyang mga mata. Tila ba sigurado siyang kakainin ko ang mga sinabi ko. Dahil doon ay mas lalong nagningas ang damdamin ko na umalis nalang sa trabaho pagkatapos ng lahat ng mangyayari bukas.

Nakatulog ako sa kabila ng mabibigat niyang mga mata. Maybe because I'm really exhausted and all. At hindi ko na kakayanin pang makipagsagutan sa kaniya.

Nagising nalang ako kinabukasan sa alarm ng cellphone ko. Alas-singko na ng umaga.

Bumangon ako at kinusot ang mga mata. Mabigat ang pakiramdam ko at gusto ko pa sanang matulog. Pero nang maisip ko ang kakaharapin ko ngayong araw ay sinikap kong bumangon.

Tinanaw ko ang lamesang kinaroroonan ni Axl kagabi ngunit wala na siya roon at maging ang kaniyang laptop. Marahil ay lumipat na rin sa kwarto niya nang makatulog ako.

I still can't believe everything. I am supposed to be a witness pero tila bumaliktad ang mundo at ngayon ay suspect na ako. Kung bakit ba kasi walang CCTV ang opisina niya?

Tinungo ko ang banyo para maligo. Kumakalam na ang tiyan ko at doon ko palang naalala na halos isang buong araw akong walang kinain kahapon. Masakit din ang katawan ko.

Ang mga sugat sa hita ko ay halata, namumula at sigurado akong magkaka-peklat ang mga ito. Huminga ako ng malalim at mabilis nalang na tinapos ang pagligo.

Huli na nang maalala kong wala akong maisusuot para sa trabaho ngayong araw. Dahil doon ay isinuot kong muli ang roba na ginamit ko kagabi.

Palabas ako ng banyo nang bigla akong mahilo. Napakapit ako sa hamba ng pintuan at maging sa aking tagiliran. Pumikit ako nang mariin at bahagyang kinagat ang labi ko. Sinikap kong makalapit sa kama at nang makaupo na roon ay nakahinga na ng maayos.

Hinubad ko nang bahagya ang roba para makita ang tagiliran ko. Napasinghap ako sa laki ng pasa na naroon, kulay ube at namumula pa.

Tumingala ako para pigilan ang mga luha ko.

"Why is the world so unfair?"

I've been trying to survive my life, wala naman akong ibang gusto at kahit kailan hindi ko naisip gawan ng masama ang mga tao. But why are these happening to me? Bakit ako? Deserve ko ba to?

Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Ngumiti ako ng mapait. "This is life, Adri."

Akmang itataas ko ang roba para sana lumabas at hanapin si Axl nang may tumikhim sa likuran ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita itong nakaupo na muli roon sa bilugang lamesa, nakatingin sa akin at may mabibigat na mga mata. Agad kong binalot ang katawan ko ng roba.

Nag-igting ang panga nito, na akala mo'y may nagawa nanaman akong mali. Nanuyo ang lalamunan ko nang tumayo ito at lumakad palapit sa akin. Halos manigas ako sa kinauupuan ko.

He's already on his business attire. A white longsleeves buttondown polo and his usual black slacks. His hair is a bit damp, kitang-kita ko iyon.

On his right hand is a paperbag, na iniabot niya sa akin.

Nanginig ang mga kamay ko. Tumayo ako at mabilis na kinuha iyon.

"Wear your clothes and get out for breakfast." Matigas ang boses at nag-iigting ang pangang sinabi nito.

"S-salamat..sa office nalang ako kakain--"

"You will eat alone at the dining table, I won't join you. Will that be enough to let your guards down on me Adrianna?" Nagdidilim ang mukha nito, tila napipikon na nang husto.

Hindi ako nakasagot.

"I'll wait in my room, knock when you're done so we can leave."

He didn't wait for my answer and he turned his back from me. Iniwan ako nito atsaka palang ako nakahinga ng maayos.

Napahawak ako sa dibdib ko. My heart is beating so loud, masakit at nahihirapan akong huminga.

Ilang minuto ko pa munang inipon ang lakas ko bago nakapag-bihis. Surprisingly, he got the right size of clothes for me. Isang simpleng dark blue dress na fit iyon na mayroong kwelyo at mayroon ding mga bagong underwear.

Uminit ang pisngi ko dahil sakto lamang ang sukat ng mga iyon sa akin. Sino ang bumili ng mga ito at paano nalaman ang sukat ko?

Iwinaksi ko ang lahat ng iniisip at mabilis na lamang na nag-ayos. Kailangan ko pang kumain at baka lalo siyang mainis kapag pinaghintay ko siya ng matagal.

Katulad ng sinabi niya ay mag-isa akong kumain sa kaniyang dining table. Nakahanda na ang mga pagkain doon kaya naman kumain nalang agad ako. It's very awkward to eat alone in another person's house pero mas mabuti na ito kaysa ang kumain kasama siya.

Nang matapos kumain ay iniligpit ko ang pinagkainan at hinugasan ito. Bumalik ako sa kwarto para magtoothbrush. Nang matapos mag-ayos ay kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng kwarto.

Dala ko ang paperbag na pinaglagyan ng damit kanina at doon ko inilagay ang mga damit na isinuot ko kahapon.

Huminga ako ng malalim at kumatok ng dalawang beses sa kaniyang pintuan. Ilang segundo ang lumipas at bumukas iyon at bumungad siya sa akin, ngayon ay nakasuot na ang kaniyang coat.

Bumaba ang tingin niya sa akin at bahagyang nagtaas ng kilay.

"Let's go," anito bago ako tinalikuran.

Kapwa kami tahimik nang sumakay sa elevator at maging sa kaniyang sasakyan.

Hindi ko mapigilan ang kaba sa aking dibdib. Wala akong kasalanan pero ngayon ko lang naranasan ang mapagbintangan kaya hindi ko alam kung paano ko ito ihahandle.

Huminga ako ng malalim nang matanaw ang matayog na building ng GGC. Kaya mo ito Adrianna. Sabihin mo lang ang totoo at matatapos din ito.

Pumarada ang sasakyan ni Axl sa harap mismo ng entrance ng building. Lahat ay halos nakatingin sa aming direksyon. Napansin ko ang mas pinaraming mga men in black na nakakalat. Lahat sila ay lumapit nang bumaba si Axl.

Binuksan ng valet ang pinto sa gilid ko. Ngumiti ito sa akin at sinikap kong ngumiti pabalik. Ibinigay ni Axl ang susi sa kaniya at pagkatapos ay tinignan ako.

Agad kaming pinalibutan ng mga lalaking naka-itim. Nakita ko rin ang panonood ng mga tao sa lobby at ganoon na lamang ang hiya ko.

Ineescort ba ako dahil suspect ako? Alam naba ito ng lahat? Yumuko at kinagat ang labi ko habang nakasunod kay Axl patungo sa elevator.

I'm really decided. Lilinisin ko ang pangalan ko at pagkatapos ay hindi na kailanman magpapakita sa taong ito.

**

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status