Share

Chapter 1: Waking Up

PEONY's POV

Kinusot ko ang aking mga mata habang dahan-dahan na bumangon mula sa pagkahiga. Napadaing ako nang bigla kong maramdaman ang sakit ng ulo ko.

"Hindi naman ako uminom ng alak kagabi," bulong ko sa sarili bago imulat ang mga mata.

Kahit na masakit ang ulo ay pinilit kong bumaba sa kama nang mapansin na hindi ito ang kwarto ko. Masyado itong malaki at maganda kumpara sa kwarto ko.

Nasaan ako?

CREAK*

Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng tunog. Shit, mas lalo lang ako nahilo sa ginawa ko. Napahawak tuloy ako ulit sa'king noo.

Pumasok ang isang babae na may dalang tray ng pagkain. Naka-maid attire siya. Teka, kailan pa ako nagkaroon ng katulong? Hindi naman ako na reincarnate 'di ba?

"Good morning, madam," bati sa'kin ng katulong. Nag-bow pa siya ng kaunti.

"G-Good morning," nauutal kong tugon.

Ngumiti siya bago naglakad palapit sa lamesa at nilapag do'n ang tray. Nag-bow siya ulit bago tumalikod. Palabas na siya ng kwarto nang agad ko siyang pigilan para tanungin.

"W-Wait!" sigaw ko, hindi umalis sa'king kinatatayuan.

Lumingon siya sa'kin at nagtanong, "Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo? May gusto pa po ba kayong kainin o ipakuha?"

Agad akong umiling. "No! Uhm, alam mo ba kung nasaan ako?" nahihiya kong tanong.

Lumaki ang mata niya na tila nagulat sa tanong ko. "Po?"

"Hindi ko kasi alam kung paano ako napunta rito. P'wede mo ba sabihin kung sino may ari ng bahay na 'to?" tanong ko.

Hindi pa man nakasasagot ang katulong nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok do'n ang isang gwapong lalaki. Naka-rolled up ang sleeve niya hanggang sa siko. Sa sobrang fit ng damit niya sa kaniya, bumabakat do'n ang mga muscle at abs niya.

Umiwas ako agad ng tingin, para akong nagkasasala dahil sa katawan niya.

"You may leave now."

Bumalik ang tingin ko sa lalaki nang marinig ang boses niya. Sobrang manly! Ang lalim ng boses niya, kahit sino atang babae ay mahuhulog sa kaniya kahit hindi makita ang mukha niya. Ang gwapo na, maganda pa ang katawan, malalim pa ang boses.

Anyway, kaya ako lumingon dahil akala ko ako ang kausap niya. Nagkamali ako, iyong katulong pala ang kinausap niya.

Nang lumabas na ang katulong ay kami na lang ng lalaki ang natira sa silid. Naglakad siya palapit sa lamesa kung na saan nilapag ng katulong ang pagkain. Umupo siya sa upuan tapos ay lumingon sa'kin.

"Hindi ka pa kakain?" tanong niya.

Dahil sa pagkabigla ay naglakad agad ako palapit at umupo sa isa pang upuan na kaharap niya. Nang magtagpo ang mga mata namin ay agad akong yumuko at pinaglaruan ang aking mga daliri.

Hindi ko siya kaya titigan. Sa talim ng titig niya, parang kaya no'n butasin ang mukha ko. Hindi ko alam kung gano'n talaga siya tumitig o sa'kin lang siya gano'n tumitig.

Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang titig niya, hindi ko tuloy maiwasan na hindi makaramdam ng kaba.

"Mabubusog ka ba ng ganiyan? Kumain ka na," saad niya.

Inangat ko ang ulo ko at tinitigan siya. "Ikaw? Hindi ka ba kakain?"

"I'm full," tugon niya saka tinuon ang atensyon sa kaniyang cellphone.

Hindi na ako nagsalita pa at nagsimula na kumain. Nahihiya ako dahil na sa harapan ko siya pero ako lang ang kumakain. Hindi ba niya nararamdaman na naiilang ako?

Teka, siya kaya ang may ari ng bahay na 'to?

Nilunok ko muna ang pagkain bago ako nagtanong, "Excuse me, sir. Uhm, ikaw ba ang may ari ng bahay na 'to? Paano ako napunta rito?"

"You don't remember?" tanong niya bago ako binalingan ng tingin. "I bought you."

*Cough

Agad kong inabot ang tubig at ininom iyon. Nakakahiya, nasamid pa ako, pero kasalanan niya 'yon. Anong sinasabi niya na binili niya ako? Mukha ba akong manika o materyal na bagay?

Tumawa ako ng mahina. "Nakatatawa naman po 'yang joke niyo."

Tumaas ang kanang kilay niya. "I'm not joking though. I bought you from the auction I went to last night. You were there. You were one of the items there."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Walang mababasa na kahit anong biro mula sa mukha niya. Seryoso ang mga mata niyang nakatitig sa'kin na parang sinusukat kung pinaniniwalaan ko siya o hindi.

Tumayo ako, "Kailangan ko na umuwi. Sorry kung naabala kita."

"Sit," utos niya.

Para naman niya akong ginawang aso. Kaya imbes na gawin ang sinabi niya, nanatili akong nakatayo.

"Kailangan ko na talaga umuwi. Kailangan ako ng ama ko," tugon ko. Naglakad na ako at malalagpasan ko na siya nang hawakan niya ang kamay ko dahilan para matigil ako sa paglalakad. Lumingon ako sa kaniya.

Tumingin siya sa'kin, mas nanlamig pa ngayon ang mga mata niya. "Mapupunta lang sa wala ang 20 million ko kung pakakawalan kita. Don't you think?"

Pilit kong binabawi ang kamay ko ngunit hindi niya iyon pinakakawalan. Mas lalo lang humihigpit ang hawak niya na nagbibihay ng hapdi sa palapulsuhan ko.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Pakawalan mo na ang kamay mo!" sigaw ko, pilit pa rin hinihila ang kamay.

Tumayo siya at humarap sa'kin. "Don't you remember me?"

Saglit akong natahimik para alalahanin kung nakita ko na ba siya rati. Nagsalita lamang ako nang matapos sa pag-iisip. "Sorry, pero hindi kita kilala. Ito ang unang pagkakataon na nagkita tayo."

He titled his head. "Really?"

"Baka kamukha ko lang ang na-encounter mo rati," saad ko.

"Wala kang maalala na tinulungan mo at ginamot ang sugat? Pinatuloy mo pa ako sa bahay niyo. You found me unconscious in one of the stores in your street and you helped me. It was raining that day."

Nanliit ang mga mata ko at pilit inalala ang sinabi niya hanggang sa...

*Flashback*

"Para po, rito na lang sa tabi," ani ko kay manong taxi driver.

Nagbayad ako bago bumaba ng taxi. Napabuntong-hininga ako nang maalala ang kalagayan ni papa sa hospital. Kagagaling ko lang do'n, hindi ko alam kung dapat lang na umuwi ako. Gusto ko pa sana manatili ro'n para bantayan siya pero pinauwi na ako ni tita, kapatid ni papa, sabi niya na siya na raw muna ang magbabantay para makapagpahinga ako.

Sumasabay ang lakas ng ulan sa nararamdaman ko. Mukhang dinadamayan ako ng ulan.

Ang dami ko nang pinasok na trabaho para makabili ng gamot ni papa pati na rin ng mga pagkain, pero kanina lang ay natanggal na ako sa trabaho dahil pinatulan ko ang bastos na customer. May utang pa naman ako na dapat kong bayaran, paano ako makababayad ngayong wala na akong trabaho?

"Tsk, kung hindi lang dahil do'n manyakis na 'yon ay baka may trabaho pa rin ako hanggang ngayon!" sigaw ko kahit na wala naman akong kausap.

Gabi na kaya wala ng tao sa paligid. Sarado na rin ang ibang tindahan.

Patuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa may mapansin akong lalaki na natutulog sa harap ng tindahan ni ate Cherry. Napakunot ang noo ko nang mapansin na parang may halong dugo ang ulan sa lupa.

Muli kong tinignan ang lalaki at napansin na galing ang dugo sa kaniyang tagiliran. Agad ko siyang nilapitan dahil sa takot na baka wala na siyang buhay. Dahil sa pagmamadali ay nabitawan ko na ang payong na hawak ko. Ni-check ko kung may pulso pa siya at nang mayro'n pa ay tinulungan ko siyang tumayo at inalalayan siya pauwi sa bahay.

Wala na akong pakialam kung sino pa siya, ang mahalaga ay matulungan siya bago pa siya bawian ng buhay.

[Kinaumagahan]

Pagtapos ko muling linisan ang sugat niya ay nagpasya na siyang umalis. Sabi ko ay p'wede siyang magstay hanggang sa gumaling siya pero mas ginusto pa talaga niyang umuwi. Siguro ay hindi siya komportable sa bahay dahil sa maliit ito kaya hinayaan ko na lang siya.

Na sa pintuan na siya nang harapin niya akong muli. "What's your name again?"

"Peony, sir. Peony Sinclair," sagot ko.

"Thank you for treating me, Peony. I won't forget this and I promise to repay you someday. I'm Mattia Luigi D'Amato," pagpapakilala niya sabay lahad ng palad niya.

Ngumiti ako at inabot ang kamay niya. "Take care, sir."

"Thanks, and I'm sorry for being rude earlier. I'll take my leave now," sabi niya bago bitawan ang kamay ko.

Tumango lamang ako at nanatiling nakatayo sa pinto, habang siya naman ay naglakad na palayo.

*End of Flashback*

"You are... that man," I said, surprised at what I've found out.

Tumango siya. "Now calm down and sit. You should finish your breakfast," sabi niya saka binitiwan ang kamay ko.

Sinunod ko ang sinabi niya. Umupo ako ulit at kumain, maya-maya ay may naalala ako. "Magaling na ba ang saksak sa tagiliran mo?" tanong ko.

"How did you know that I was stabbed? I didn't tell it to you."

"Halata lang," kibit-balikat kong sagot.

"Is that so? Well, okay na siya. Thanks to you," sagot niya.

Ngumiti ako. "Mabuti naman kung gano'n."

Sumandal siya sa upuan at pinagkrus ang dalawa niyang braso. "What I said earlier was true. I bought you so it means that you're mine now. Don't you remember how you ended up in the auction?"

I gulped. "Sa tingin ko ay naalala ko na." huminga ako ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita, "Humingi ako ng tulong sa kakilala ko dahil kailangan ko ng pera. Binigyan niya ako ng address at pinuntahan ko iyon. Sinabihan pa niya ako na magbihis daw ako ng maganda para magustuhan ako. Kahit hindi ko alam ang ibig niyang sabihin ay sinunod ko pa rin siya."

"Then?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status