Share

Chapter 13: Meet

PEONY's POV

Pagbaba ko sa sala, nakita kong may ibang kasama si Luigi bukod kay Russell. Baka kaibigan niya rin?

Dumiretso ako sa kanila at binati sila kahit na hindi pa gaanong nakalalapit. Saktong pagbati ko ay tinawag na kami ng isang katulong para ipaalam na handa na ang almusal.

Habang kumakain, doon lang pinakilala sa 'kin ni Luigi ang isa nilang kasama. Siya si Giovanni De Luca, hindi ko maiwasan magandahan sa pangalan niya.

Ngumiti si Giovanni at kinamayan ako, sabay sabing, "Wow, tama nga ang sinabi ni Russell, nagbago nga talaga ang taste mo sa babae."

Agad na kumunot ang aking noo, hindi nagustuhan ang sinabi niya. Gusto ko tanungin kung ano ba ang tipo ni Luigi sa paningin nila para lagi nilang sabihin na nagbago ang taste niya sa babae. Nakakainis.

"I didn't expect him to be in a serious relationship nga e," ani Russell, nakatingin kay Giovanni tapos ay sabay silang tumawa.

Sa totoo lang, nakakabastos. Gusto ko silang sampalin na dalawa.

"Why don't you just eat?" sabi ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status