LOGINChapter 3: Ang Hapunan ng Dalawang Pamilya
Tila ba walanh nangyari sakuna sa restaurants niya muling bumalik sa normal ang daloy ng buhay ni Celestine o kahit papaano'y pilit niyang inaayos ang nasirang balanse sa pagitan ng kanyang mundo at ng mga utos ng pamilyang Ramirez. Sa kabila ng pinilit na desisyong magpakasal para sa kapakanan ng kanyang mga empleyado, pinanatili niyang buo ang kontrol sa kanyang sarili. Dalawang araw bago ang kasal, mistulang walang sakuna ang nangyari. Bumalik sa operasyon ang "Salt &Smoke" ang kanyang restaurant na kilala sa buong Luzon sa galing ng modernong lutong-Filipino. Muli itong dinagsa ng mga parokyano. Masigla ang mga kusinero, buhay na muli ang musika sa lounge, at ang bawat serbidor ay tila nakahinga na rin ng maluwag. Inayos ni Celestine ang lahat sahod, benepisyo, schedule. Hindi niya kayang ipagpalit ang mga taong bumuo sa pangarap niya.” Tila walang hinarap na eskandalo ang restaurants ng ilan araw para wala pakialam ang mga customer na masayang kumakain sa kanyang kainan. Maging ang mga kasama niya sa Philippine National Volleyball Team ay nakitang muli ang sigla sa kanyang paglalaro. Sa pagbabalik niya sa training matapos ang matinding emosyonal na yugto, umani siya ng papuri sa coaching staff. Halatang bumalik ang dating anyo ng "The Queen of Spikes." Nasa kalagitnaan sila ng paghahanda para sa Asian Volleyball Tournament, at muling napuno ng buhay ang sports complex ng Rizal Memorial Stadium sa bawat pagtalon, set, at spike na ginagawa ni Celestine. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, hindi niya maalis sa isipan ang nalalapit na araw. Dalawang araw na lang at ikakasal na siya hindi sa lalaking pinili ng kanyang puso, kundi sa lalaking hindi pa niya lubos na kilala at nakikita. Gabi ng Miyerkules, isang formal dinner ang itinakda ng kanyang abuelo. Isang pagtatagpong pampamilya bago ang mismong kasal. Isang klaseng "pagtitiyak" na magiging maayos ang daloy sa pagitan ng dalawang makapangyarihang pamilya. Gaganapin ito sa "La Mer Alta," isang eksklusibong restaurant sa kanilang bayan kilala sa pagiging tahimik, elegante, at malayo sa mata ng media. Tumatama ang malambot na ilaw mula sa mamahaling chandelier sa mahabang mesang yari sa narra. Nakaayos ang kubyertos sa perpektong pagkakahanay, ang bawat pinggan ay nilalambungan ng gintong gilid, at may mga sariwang bulaklak sa gitna ng mesa—puting orchid at pulang rosas, tila simbolo ng isang kasunduang hindi mababali. Maaga siyang dumating, gaya ng bilin ng kanyang sekretarya. Sa kanyang suot na white silk dress na may simpleng slit sa gilid at manipis na strap, lumitaw ang pagiging elegante niya kahit hindi siya nagsikap na mag ayos. Ang makeup niya’y natural, ang buhok niya’y nakaayos sa loose bun. Walang emosyon ang mukha ni Celestine—tila isang aktres sa papel na kailangang gampanan. Tumango lamang siya sa maître d’ na agad siyang inihatid sa private room sa ikalawang palapag. Pagpasok niya, nandoon na ang kanyang abuelo, si Don Alfredo, nakaupo sa dulong bahagi ng mesa, kasama ang ilang kapatid ng ama niya at ang matandang tagapayo ng pamilya. May katabi itong nakatayong lalaki, marahil ang bodyguard nito, tulad ng dati. Hindi nagtagal, dumating na rin ang pamilya ng lalaki—ang mga Sevilla. Una niyang napansin ang ama ng lalaki, si Mr. Damian Sevilla, isang kilalang business tycoon na nasa larangan ng luxury logistics at import-export. Matikas pa rin ito sa kabila ng edad. Sumunod ang ina nito, si Mrs. Helena, isang dating diplomat, at ang kapatid nitong babae na naka-pearl necklace at halatang sanay sa mga diplomatic function. At ang lalaki—ang lalaking pakakasalan niya. Si Lucas Sevilla. Matangkad, maputi, may lahing Espanyol, may buhok na magulo sa maayos na paraan, at may mga matang parang laging nagmamasid. Nakasuot ito ng navy blue na suit at puting polo. Nang magkatinginan sila, bahagyang ngumiti ito, ngunit hindi ngumiti si Celestine. Umupo silang lahat. Nagpalitan ng pormal na bati, nagkamayan, nagpakilala ang mga hindi pa magkakakilala. Ngunit tahimik pa rin si Celestine. Nang magsimulang ihain ang mga putahe—lobster bisque, wagyu steak, at ang pinakapaborito ni Don Alfredo na truffle risotto—wala pa ring imik si Celestine. Tila may sariling mundo habang pinagmamasdan ang bawat galaw ng kanyang abuelo. Pagkatapos ng main course, inilabas niya ang folder mula sa kaniyang bag. Isang manipis ngunit solidong kumpol ng dokumento. “Bago po tayo tumuloy sa detalye ng kasal,” panimula ni Celestine, mahinahon ngunit matalas ang tono. “May gusto po sana akong ipakita.” Nag-angat ng tingin si Don Alfredo. “Ano ‘yan?” Pagkatapos ng ilang pambungad na usapan tungkol sa kasaysayan ng kanilang pamilya at tagumpay ng kani-kanilang negosyo, iniharap ni Celestine ang isang brown envelope na inilapag niya sa gitna ng mesa. Maingat ngunit matapang. “Prenuptial contract,” aniya. “Pinagawa ko ito ayon sa batas. Nakasaad dito ang mga kondisyon ko—kung hanggang saan ang dapat ko lang gampanan, kung ano ang mga hindi ko papayagan, at kung ano ang mga pananagutan naming pareho.” Naputol ang katahimikan ng buong hapag. Parang may bomba na sumabog sa gitna ng malamig na restaurant. Napatingin si Mr. Sevilla sa anak niya, at ang mga pinsan nito'y nagkatinginan na para bang hindi alam kung dapat ba silang makialam. "Celestine," mahinang sabi ng ina ni Lucas, "Hindi mo na sana kailangan pang..." Ngunit pinutol siya ni Celestine ng marahang tingin. Hindi bastos, ngunit may awtoridad. "Ito lang ang paraan para makasiguro akong hindi ako matatalo sa larong hindi ko pinili." Tahimik si Lucas. Hindi agad nagsalita. Sa halip, kinuha niya ang envelope at inilabas ang dokumento. Binuklat ito, binasa ang unang ilang bahagi, saka ngumiti. Ngumiti. Isang tunay na ngiti, hindi pang-show. Hindi panunuya. Parang isang tao na natagpuan ang sagot sa tanong na matagal na niyang tinatanong. "Matapang ka," ani Lucas. "At gusto ko 'yan." Lahat ay napatingin sa binata. Ngunit nagpatuloy ito. "Mas gusto ko ang babaeng may paninindigan kaysa sa sunud-sunuran. Ang babae kong mapapangasawa, hindi ako hinahanap para turuan ko, kundi para sabayan ako." Bahagyang nagtaas ng kilay si Celestine. Hindi pa rin siya ngumiti. Pero sa loob-loob niya, may kakaibang kiliti sa kanyang dibdib. Hindi siya sanay sa ganitong klase ng pagtanggap. Sumulyap si Lucas sa kanyang ama, na halatang nagulat din sa sinabi ng anak. Ngunit hindi ito sumalungat. Ang mga mata ni Mr. Sevilla ay tila tumanggap na rin sa panibagong direksyong tinatahak ng kasunduang ito. Samantala, kinuha ni Don Alfredo ang dokumento at iniabot sa kanyang legal counsel. Tahimik itong nagbasa ng bawat detalye. Maya-maya, tumango ito at bumulong sa matanda. “Payag ako,” saad ni Don Alfredo. Walang pag-aalinlangan sa boses, ngunit ni isang emosyon ay wala rin. Isang negosyador. Isang hari ng negosyo na bihasa sa pakikitungo kahit sa sarili niyang pamilya. Muling bumalik ang mga plato at wine sa hapag. Nagsimulang mag-usap ang ibang miyembro ng pamilya tungkol sa detalye ng kasal, sa magiging lugar ng seremonya sa Tagaytay, sa mga bisita, at sa mga pulitikal na kaibigang kailangang iimbitahan. Ngunit si Celestine, nanatiling tahimik. Nagpapanggap na makikinig. Pero ang isip niya'y patuloy na gumagana. Hindi pa siya panalo. Pero hindi na rin siya talo. Habang pinagmamasdan niya si Lucas na mahinahong nakikihalubilo sa kanilang mga magulang, hindi niya maiwasang mag-isip: tunay nga kaya ang sinasabi nito? O isa lang itong lalaking mahusay umarte sa entablado ng mga may kapangyarihan? Sa kabila ng lahat, isang bagay lang ang tiyak sa kanya—wala siyang balak isuko ang sarili niyang prinsipyo, kahit pa harap-harapan na siya sa altar. At habang palalim ng palalim ang gabi, at isa-isa nang nag-uuwian ang mga bisita, alam niyang ang totoong laban ay hindi pa nagsisimula. Ito pa lamang ang simula ng kanyang pakikidigma—hindi laban sa isang lalaki, kundi laban sa sistemang matagal nang nagtali sa mga babae sa kasunduang hindi nila pinili. Ngunit ngayon, iba na ang panahon. At si Celestine, hindi basta-basta pumapayag. Hindi siya basta babae. Siya si Celestine Ramirez. At kahit ang apelyidong Sevilla ay hindi sapat para patahimikin ang apoy na nasa loob niya. Sa loob ng kotse pabalik ng condo unit niya, sumandal si Celestine sa likod ng upuan. Nakapikit. Pagod na pagod. Ngunit buo ang loob. Hindi niya alam kung ano ang magiging buhay niya pagkatapos ng kasal, pero isang bagay ang sigurado—hindi siya papayag na mawala sa kanya ang sarili. At sa unang pagkakataon sa matagal na panahon, kahit hindi niya ito pinili, ramdam niyang may bago nang kabanata ang bubukas sa buhay niya. Isa itong yugto ng laban, ngunit para kay Celestine, sanay siyang lumaban. Lalo na kung puso na niya ang nakataya.KABANATA 22 — ANG HULING HAKBANG NI CELESTINEMalakas ang sigawan. Ang tunog ng tambol at palakpak ay umaalingawngaw sa buong arena. Sa bawat rally ng bola, parang pumipintig din ang puso ko. Ang scoreboard ay halos dikit na dikit—23-23—isang pagkakamali lang at puwedeng tapos na ang set.“Focus, girls! Isa na lang, isa!” sigaw ni Coach Martinez mula sa gilid. Pawis na pawis siya, pero kitang-kita sa mata niya ang apoy ng pag-asa.Tiningnan ko ang paligid. Ang mga ilaw ng arena ay nakakasilaw, pero hindi ko alintana. Ang mga mata ng libu-libong manonood ay nakatuon sa amin—sa bawat hakbang, bawat paghinga, bawat dampi ng bola sa kamay. Ramdam ko ang bigat ng moment.“Celestine, ready ka?” tanong ni Regina, ang setter namin. Nakataas ang isang kilay niya, pero alam kong iyon ay para itago ang kaba.Ngumiti ako. “Paliparin mo ‘yan. Ako na bahala.”Tumunog ang pito ng referee. Tumalon ang kalaban para sa serve. Mabilis, matalim, at may halong pwersa—ang bola ay lumipad na parang kidlat.
KABANATA — SEMI-FINALS NG VOLLEYBALLMainit ang hangin sa loob ng arena, hindi lang dahil sa aircon na halos hindi nakakaabot sa bawat sulok, kundi dahil sa tensyon at excitement ng mga nanonood. Halos lahat ng tao sa paligid ay nakapikit sa laro, mga mata’y nakasaksak sa bawat galaw ng mga manlalaro, bawat palo, bawat spike na tumatama sa court. Ang sigawan, hiyawan, at palakpak ay halos magkasabay, parang musika ng kabataan at passion.“Ay, grabe talaga si Celestine!” sigaw ng isang tagahanga mula sa gilid, hawak ang bandera at sombrero. “Ang bilis ng reflex niya!”Pumaloob sa isip ko ang lahat ng training na ginawa namin sa gym—ang tuwing puyat kami, ang bawat pag-ikot ng bola sa aming mga kamay, at ang walang katapusang drills. Ngayon, ang lahat ng iyon ay nasa court na, at bawat kilos ay tila eksaktong tugma sa mabilis na ritmo ng laro.Mabilis akong bumalik sa court matapos malampasan ang kalaban sa huling rally. Nararamdaman ko ang adrenaline sa bawat hakbang. Sinalo ko ang bol
KABANATA — SA BAHAY NG ABUELO (LUCAS POV)Wala talaga akong balak dumalo sa pagpupulong ng pamilya ngayong gabi. Sa totoo lang, mas gugustuhin ko pang nasa gym ngayon, nanonood ng laban ni Celestine. Semifinals na iyon, at alam kong matagal na niyang pinaghirapan ang pagkakataong ito. Pero siya mismo ang nagsabi sa akin kaninang umaga habang nag-aalmusal kami, “Okay lang, Lucas. Mas importante ‘yang meeting niyo. Focus ka muna sa pamilya mo. Ako na ang bahala rito.”Napabuntong-hininga ako habang nagmamaneho papunta sa bahay ng abuelo ko. Paulit-ulit kong tinanong ang sarili ko kung tama bang pumunta ako rito. Gusto kong nando’n para sa kanya, pero ayokong biguin ang pamilya ko—lalo na’t ang Abuelo ko pa ang tumawag ng pagpupulong.Pagdating ko sa lumang bahay, agad akong sinalubong ng malamlam na liwanag mula sa veranda. Ang malawak na hardin ay maayos pa rin, may mga tanim na rosas na inaalagaan ng mga hardinero mula noon pa. Sa bawat pagyapak ko sa graba ng daan, tila bumabalik ako
KABANATA — SA SEMIFINALS (TIN POV)“Tin, ayos ka lang ba?” tanong ng kaibigan ko at kasamahan sa team na si Regina, habang pinupunasan nito ang pawis sa leeg gamit ang maliit na tuwalya.“Ah?” napalingon ako sa kanya, tila nagulat pa. Nasa locker room kami ng gym—dalawa na lang kaming naiwan dahil halos lahat ay nasa labas na para mag-ayos at magpainit bago magsimula ang laban namin sa semifinals ng volleyball.“May sakit ka ba? Tila wala ka sa sarili mo. Ilang araw na kitang napapansin, may problema ba?” sunod-sunod nitong tanong sa akin habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.Umiling ako ng marahan, pilit na ngumingiti. “Wala akong problema, wala rin akong sakit. Okay lang din kami ni Lucas,” mahinang tugon ko, sabay ayos ng buhok ko sa harap ng salamin.“Hmm…” nakataas ang kilay ni Regina, halatang hindi naniniwala. “Kung wala ka namang problema, bakit para kang lutang? Para kang may iniisip na napakalalim. Halos ilang beses na kitang tinawag kanina, di mo pa rin ako sinasa
---Ang Umagang May HalikMataas na ang araw nang magising ako. Hindi ko agad namalayan na nakatulog pala ako nang gano’n kapayapa kagabi. Matagal na rin mula nang huli kong maramdaman na ligtas ako—na parang kahit anong mangyari, may balikat akong masasandalan.Pagmulat ng aking mga mata, una kong nakita ang puting kisame na may mga simpleng molding na may disenyong dahon. Ilang segundo pa bago ko napagtanto kung nasaan ako—ang guest room sa bahay ng mga magulang ni Lucas.At doon ko lang naramdaman ang init ng kamay na nakahawak sa akin.Halos maluwa ang mga mata ko nang makita kong sa tabi ko pala si Lucas, payapang natutulog at nakaunan ako sa braso nito. Hindi ako agad nakagalaw. Parang biglang humigpit ang paligid, at ang tanging maririnig ko ay ang marahang tibok ng puso naming dalawa.Ang dibdib niya ay bahagyang tumatama sa balikat ko sa bawat paghinga niya. Mainit. Kalma. Totoo.Pumikit ako sandali, sinusubukang pigilan ang pagngiti.“Diyos ko, Celestine, anong ginagawa mo?
Kabanata: Sa Loob ng Bahay, Sa Loob ng PusoMasaya at magaan ang naging hapon ni Celestine kasama ang pamilya ni Lucas. Masigla ang mga kwentuhan habang nagkakainan sa hardin, tawa nang tawa ang mga pinsan at pamangkin ni Lucas habang naglalaro sa likod-bahay, at ang mga matatanda nama’y abala sa mas seryosong pag-uusap ukol sa negosyo, pamilya, at buhay-buhay.Hindi na ganoon kabigat ang nararamdaman niya. Kung noong una ay parang may harang sa pagitan nila ng pamilya ng kanyang asawa, ngayon ay tila isa na rin siyang bahagi ng mundong iyon. Lalo na nang mahuli niyang nakatitig sa kanya si Lucas, bahagyang nakangiti, parang sinasabi ng mga mata nitong, “Sabi ko sa’yo, kayang-kaya mo.”Pagkatapos ng hapunan, abala silang lahat sa sala—relaxing mood, may soft jazz na tumutugtog sa background at malamig ang simoy ng hangin na pumapasok sa malalaking bintana ng bahay. Ang ilan ay naka-recline sa sofa, may hawak na wine glass o kape, habang ang iba nama’y nakaupo sa sahig na may throw pil







