Kabanata 5— Sa Gitna ng Tanong at Katahimikan
"Tin, tila ang lalim ng iniisip mo?" Napalingon si Celestine nang marinig ang pamilyar na tinig ni Regina. Ang kulay kahel na sinag ng papalubog na araw ay tila ginuguhit ang kanyang anino sa gilid ng volleyball court. Kakatapos lang ng ensayo para sa nalalapit na inter-university match, ngunit siya, nananatiling nakaupo sa bleachers, tila naipit sa pagitan ng pagod at pagkalito. Tahimik na umupo si Regina sa bakanteng silya sa tabi niya. Ramdam nito ang bigat na dinadala ng kaibigan. Hindi man nagsalita si Celestine, kita na agad sa kanyang mga mata ang dami ng tanong na hindi niya masagot, pati na rin ang emosyong pilit niyang kinukubli. Isang linggo na ang nakalipas mula nang ikasal siya kay Lucas Suarez. Isang linggo… ngunit para sa kanya, tila isang buwang walang hangganan ang lumipas. Mabagal. Tahimik. Parang nakasakay siya sa isang tren na hindi niya alam kung saan patungo. Tahimik. Matino. Marespeto. Tatlong salitang paulit-ulit na umuukit sa isip niya tuwing naiisip si Lucas. Tatlong katangian na hindi niya kailanman inakalang makikita sa isang lalaking ipinamana sa kanya ng kapalaran. "Tin?" mahinang tawag muli ni Regina, may halong pag-aalala sa tinig. "Okay ka lang ba?" “Hmm.” Mahina ang tugon ni Celestine, habang muli niyang ibinaling ang tingin sa bakanteng court. “Hindi ko alam, Reg. Parang… parang hindi ko na kilala ang sarili ko.” Napakunot ang noo ni Regina. “Bakit naman?” Umiling si Celestine, saka napabuntong-hininga. “Isang linggo na kaming kasal, pero parang wala lang. Parang walang nangyaring kasal. Hindi siya mapilit, hindi siya madaldal, hindi siya nangungulit. Hindi rin siya nagtatanong kung saan ako galing o kung anong ginagawa ko. Parang… wala lang.” “Eh ‘di ba ‘yan ang gusto mo?” tanong ni Regina, habang pinupunasan ang pawis sa leeg gamit ang puting tuwalya. “Yun nga eh,” tugon ni Celestine, bumaling sa kaibigan. “Dapat masaya ako. Dapat kampante. Pero hindi ko maintindihan kung bakit naiilang ako.” Tahimik si Regina. Pinagmasdan siya nito, waring pinipilit basahin ang damdaming pilit itinatago ni Celestine sa likod ng kanyang mga salita. “Alam mo kung ano tingin ko?” panimula ni Regina. “Sanay kang may hinaharap na laban. Sanay kang may tension, may sigawan, may konfrontasyon. Pero ngayong wala ang lahat ng ‘yon… parang nawawala ka.” Napaisip si Celestine. “Hindi naman ako naghahanap ng gulo, Reg,” depensa niya. “Hindi ko rin sinabi na gusto mo ng gulo,” tugon ng kaibigan. “Pero Tin, kilala kita. Ilang taon na tayong magkaibigan. Alam kong hindi mo rin gusto ‘yung lalaking sumusunod lang sa kung anong gusto mo. Pero mas lalong hindi mo gusto ‘yung hindi mo kayang basahin.” Napatingin si Celestine sa kanya, bahagyang nakakunot ang noo. “At si Lucas?” patuloy ni Regina. “Para siyang palaisipan na walang malinaw na pattern. Tahimik pero alam mong may malalim na iniisip. Mabait pero may limitasyon. Hindi siya tipong mapapaniwala mo sa isang tingin. Kaya ka siguro nape-pressure.” Tahimik si Celestine. Wala siyang maisagot. Pero sa loob-loob niya, tinamaan siya sa sinabi ng kaibigan. Hindi niya maipaliwanag, pero sa bawat araw na lumilipas, mas lalo siyang lumulubog sa isang damdaming hindi niya maipaliwanag. “Ewan ko,” bulong niya. “Siguro kasi… hindi siya ‘yung tipo ng lalaking madali kong balewalain.” “Ah-ha!” sabay ngiti ni Regina. “Hindi ba’t ‘yan din ang sinabi mo nung may crush ka pa sa prof natin sa Psych? Yung tahimik pero parang binubuklat ang kaluluwa mo kapag tumingin?” Napatawa si Celestine, bahagyang umiling. “Hay naku, huwag mo na ngang balikan ‘yon. Hanggang tingin lang ‘yon, hindi ganito.” “Eh si Lucas?” tanong ni Regina, sabay kindat. Hindi siya sumagot. Sa halip, tumayo na lamang siya at tinapik sa balikat ang kaibigan. “Tara na. Baka hinahanap na tayo sa team meeting.” --- Pagkatapos ng ensayo, tumuloy si Celestine sa locker room. Siya lang ang naiwan doon. Habang nagbibihis, napatitig siya sa sarili sa salamin. Basa ng pawis ang buhok niya, ngunit mas ang bigat sa dibdib niya ang mas nakakapagod. "Ano na ba talaga, Tin?" bulong niya sa sarili. “Anong nararamdaman mo?" Hindi man niya aminin, may kakaiba na sa kanya. Para bang unti-unti siyang hinuhubog ng katahimikan ni Lucas. Unti-unti siyang nahuhulog sa isang mundong hindi niya sinasadyang pasukin. Walang nakakaalam ng kasal nila maliban kina Regina at Mikaela, ang matagal na niyang sekretarya. Ang buong team, pati coaching staff, ay walang kaide-ideya. Ginusto ng pamilya Suarez na panatilihin itong pribado—parang lihim na kasunduan sa pagitan ng dalawang angkan. Pero kung lihim man ito, bakit tila ramdam niya ang bigat ng bawat tahimik na gabi? --- Nang gabing iyon, pagkarating niya sa bahay na kanilang tinitirhan ni Lucas, naamoy agad niya ang pamilyar na bango ng pagkaing paborito niya. Pagbukas ng pinto, bumungad sa kanya si Lucas, nakaupo sa sala, may hawak na libro at baso ng tubig. “Kamusta ang practice?” tanong nito, hindi inaalis ang tingin sa binabasang pahina. “Pagod, pero ayos lang,” sagot niya, habang inaabot ang bag. “Dinner is ready. Nagpa-deliver ako ng mga paborito mo.” Napatingin siya, medyo nagulat. “Paano mo nalaman ang mga gusto ko?” “Regina,” sagot ni Lucas, sabay ngiti. Napangiti rin siya, kahit pilit. “Madaldal talaga ‘yon.” Lucas finally looked up. “Maswerte ako sa mga madaldal. Sila ang nagbibigay sa’kin ng clue sa mga taong ayaw magsalita.” Nagtagpo ang kanilang mga mata. Saglit lang, ngunit sapat upang makuryente ang paligid. May kung anong lalim ang tingin ni Lucas—hindi nag-uusisa, hindi mapanghusga—kundi parang tinatanggap siya nang buo, kahit hindi pa niya lubos na nauunawaan ang sarili. Tahimik niyang iniwan ang bag sa tabi ng pinto at lumapit sa dining area. Si Lucas naman ay tumayo at sumunod. “Tin,” mahinang wika nito habang inilalapag ang mga pagkain sa mesa, “ayoko lang na biglain ka. Pero gusto kong malaman mong hindi kita tinitingnan bilang kabayaran. Hindi ka utang ng pamilya ko. Hindi ka rin trophy. Tao ka. Ikaw si Celestine Ramirez Suarez. Ang aking asawa.” Napatingin siya dito. Ngunit hindi pa tapos si Lucas. “At kung sakaling dumating ang araw na ayaw mo na sa setup na ‘to…” ngumiti ito, pero may lungkot sa mata, “sabihin mo lang. Mas pipiliin kong maging kaibigan mo kaysa sa lalaking pinilit mong pakisamahan.” Natigilan siya. Hindi niya alam kung dahil sa mga sinabi ng lalaki o sa paraan ng pagkakabitaw nito ng mga salita—tahimik, tapat, at may timbang. Napatingin siya sa mga mata nito. At sa tagpong iyon, tila may kung anong humaplos sa kanyang puso. May lambing sa tinig ni Lucas. May pang-unawa sa bawat salita. At higit sa lahat, may respeto. Nag-iwas siya ng tingin. Hindi niya alam kung bakit tila gusto niyang lumuha sa hindi malamang dahilan. “Okay,” tanging nasabi niya.Kabanata: Sa Loob ng Bahay, Sa Loob ng PusoMasaya at magaan ang naging hapon ni Celestine kasama ang pamilya ni Lucas. Masigla ang mga kwentuhan habang nagkakainan sa hardin, tawa nang tawa ang mga pinsan at pamangkin ni Lucas habang naglalaro sa likod-bahay, at ang mga matatanda nama’y abala sa mas seryosong pag-uusap ukol sa negosyo, pamilya, at buhay-buhay.Hindi na ganoon kabigat ang nararamdaman niya. Kung noong una ay parang may harang sa pagitan nila ng pamilya ng kanyang asawa, ngayon ay tila isa na rin siyang bahagi ng mundong iyon. Lalo na nang mahuli niyang nakatitig sa kanya si Lucas, bahagyang nakangiti, parang sinasabi ng mga mata nitong, “Sabi ko sa’yo, kayang-kaya mo.”Pagkatapos ng hapunan, abala silang lahat sa sala—relaxing mood, may soft jazz na tumutugtog sa background at malamig ang simoy ng hangin na pumapasok sa malalaking bintana ng bahay. Ang ilan ay naka-recline sa sofa, may hawak na wine glass o kape, habang ang iba nama’y nakaupo sa sahig na may throw pil
Kabanata 16: Sabado ng PagharapTanghali na nang magising si Celestine. Bumungad sa kanya ang sinag ng araw na unti-unting gumagapang sa puting kurtina ng kanyang silid. Sandali siyang napapikit muli, sinasamyo ang kakaibang katahimikan ng Sabado—ang tanging araw sa linggo na walang tunog ng alarm clock, walang padalos-dalos na paghahanda para sa trabaho, at higit sa lahat… walang tensyon.Inikot niya ang paningin sa silid. Malinis. Tahimik. Ngunit sa likod ng lahat ng ito, may kaba sa kanyang dibdib.Tumayo siya mula sa kama at lumakad papunta sa dressing table. Mabilis niyang sinuklay ang kanyang buhok, saka inayos ang simpleng pastel na blouse na plano niyang isuot. Isang banayad ngunit pormal na estilo—dahil hindi lang ito basta Sabado.Nagpadala lang siya ng maikling mensahe kay Mekaela:“May meeting ako sa volleyball team. Catch up soon.”Hindi na niya binanggit ang ibang detalye. Wala siyang lakas para magpaliwanag. Hindi rin niya gusto ang ideya ng pag-uusisa ni Mekaela kung m
Kabanata 15– Hindi Inaasahang BisitaMuling sumikat ang araw, at tulad ng nakasanayan, maaga na namang bumangon si Celestine. Suot ang simpleng puting blouse, jeans, at nakataling buhok, dala niya ang kanyang signature apron habang papasok sa Salt & Smoke. Kasama ng mabangong aroma ng kape at bagong lutong tinapay ang sigla sa kanyang puso—sigla na dala ng kanyang dalawang mundo na ngayo'y sabay niyang niyayakap: ang pagiging atleta, at ang pagiging negosyante.“Good morning!” masigla niyang bati sa staff habang tinatanggal ang coat sa harap ng entrance.“Ma’am Tin!” sabay-sabay na bati ng mga ito, may kasamang ngiti at pagkasabik.“Ready na ba kayo? Mukhang isa na namang full house tayo ngayon,” aniya habang sumisilip sa reservation log.“Opo, Ma’am. Halos lahat po ng table may nakapila na,” sagot ni Makaela, sabay abot ng clipboard. “May tatlong walk-in group din sa waiting list.”“Ayos. Mukhang kailangan ko na naman magpa-picture mamaya,” pabirong tugon ni Celestine.“At wag kang m
---Kabanata 14 – Champion sa KusinaDalawang linggo ang ibinigay na pahinga kay Celestine matapos ang matagumpay nilang pagkapanalo sa regional volleyball games. Isang karangalan ang masungkit ang kampeonato, ngunit alam niyang mas malalaki pa ang laban sa hinaharap—lalo na at ang susunod nilang pagsabak ay sa pandaigdigang torneo kung saan iba’t ibang bansa ang kanilang makakalaban.Pero sa ngayon, iwinaksi muna niya sa isipan ang bola, ang court, at ang ingay ng hiyawan. Sa loob ng dalawang linggo, gusto niyang ituon ang atensyon sa kanyang iba pang mundo—ang mundo ng pagluluto at serbisyo. Sa loob ng kaniyang restaurant na "Salt&Smoke," isang rustic at eleganteng kainan sa gitna ng lungsod, dito siya nakakahanap ng katahimikan.Masarap sa pakiramdam na magising ng maaga hindi para tumakbo o mag-ensayo, kundi para humigop ng mainit na kape sa veranda ng kanyang kwarto habang tanaw ang mga naglalakad sa umaga. Pero mas masarap sa pakiramdam ang bumalik sa restaurant—ang kanyang pers
KABANATA 13– Sa Likod ng Tagumpay“Akala ko di ka makakarating?” ani Celestine habang inaabot ang bouquet ng mga puting lilies at pulang tulips mula sa kanyang asawa. Pawisan at pagod siya, ngunit bakas sa mukha niya ang tuwa at hindi mapigilang kilig.Ngumiti lamang si Lucas, 'yung pamilyar na ngiting parang sinasabing, "Kahit saan ka man naroroon, susundan kita."Tahimik siyang pinagmasdan ni Lucas. Sa gitna ng court, kahit basang-basa ng pawis at may gasgas sa tuhod, si Celestine pa rin ang pinakamagandang babae sa kanyang paningin—hindi dahil sa pisikal na anyo kundi sa tapang at determinasyong taglay nito.“Gusto mong malaman ang totoo?” tanong ni Lucas.“Hmm? Ano?” tugon ni Celestine, bahagyang nakakunot ang noo.Lumapit si Lucas at bumulong, “Halos lagnatin ako sa kaba kanina habang pinapanood kang gumulong sa court. Kung hindi lang magugulo ang laban, pupuntahan na kita sa gitna para buhatin pauwi.”Napatawa si Celestine. “Finals namin 'to, Lucas. Wala sa bokabularyo ko ang su
KABANATA 12 – Sa Gitna ng Laban at Tibok ng PusoMainit ang simoy ng hangin sa loob ng arena. Ilang minuto bago magsimula ang finals match ng kupunan ni Celestine, punô na ng mga tagasuporta ang bawat upuan. May hawak na placards, may mga may suot na t-shirt na may pangalan ng mga manlalaro. Ngunit sa gitna ng ingay at sigawan, kalmado si Celestine. Nakaupo siya sa bench ng kanilang team, nakatingin sa court na tila ba minamapa na ang magiging galaw ng laban."Tin! Warm-up na," sigaw ng coach nila.Tumayo siya, sinigurong maayos ang tali ng sapatos, at saka tumakbo patungo sa gitna ng court kasama ang buong team. Ramdam niya ang tensyon—hindi dahil sa pressure kundi dahil sa kagustuhang manalo, hindi lamang para sa sarili kundi para sa mga taong naniniwala sa kaniya.Samantala, ilang minuto bago ang pagsisimula ng laro, dumating si Lucas sa arena. Kasama niya ang dalawa sa mga pinakamatagal na kaibigan at business partners—sina Gian at Roel. Kapwa naka-formal attire pa ang mga ito, ha