MasukKABANATA 6 — Laban sa Court at Lihim na Panonood
Bawat hampas ng bola sa palad ni Celestine ay may kasamang bigat—bigat ng tahimik na pagod, ng tensyon, at ng damdaming pilit niyang isinasantabi. Isang maling galaw, isang maling diskarte, at maaaring mawala ang pagkakataon nilang makapasok sa finals ng Philippine Women’s Volleyball League—isang prestihiyosong semi-pro league na dinarayo ng libu-libong manonood at sinusubaybayan sa buong bansa. Naririto ang mga pinakamagagaling. Hindi na ito simpleng collegiate competition. Dito, ang bawat play ay karera. Ang bawat galaw, reputasyon. "Focus, Tin!" sigaw ng coach nilang si Coach Remo mula sa sideline. Tumango siya at bumalik sa posisyon. Seryoso ang mga mukha ng kanyang mga teammates, halatang kabado pero determinado. Ang kalaban nilang team ay hindi basta-basta—champions ng nakaraang season. Pero hindi sila papayag na maging hadlang iyon para mawalan ng pangarap. Ang arena ay halos mapuno. May LED screens, may mga camera crew sa bawat gilid. Sa gitna ng ingay at sigawan ng libo-libong tagahanga, si Celestine ay parang nasa ilalim ng tubig. Tahimik. Mabigat. Hindi maka-focus. “Time out!” sigaw ni Coach Remo. “Ayusin n’yo ang spacing! Celestine, nasaan ka na naman? Hindi ikaw ‘yan!” “Sorry, Coach,” mahinang sagot niya. "Sorry won't win this game. Balik-loob, Tin. This is national-level competition. Hindi ito ensayo." Alam niyang tama ang coach. Pero hindi niya masabi sa kanila na ibang laban ang bumabagabag sa kanya—ang tahimik na digmaan ng puso’t isipan, ang lalaking nagugulo ang mundo niya. Bumalik siya sa court, mas buo na ang loob. She needed to fight. This wasn’t just a match. It was a battle to prove herself—not just as an athlete, but as a woman, as a wife, as someone trying to find her place in this whirlwind of a marriage. Nasa kanya ang serve. Huminga siya nang malalim. Tumalon. Pak! Diretso sa depensa ng kalaban. Malakas. Matalas. Ace. Umugong ang crowd. Sigawan. Tilian. Muling humugot ng lakas si Celestine. Isa pang serve. Isa pang puntos. Isa pang sigawan ng pangalan niya mula sa bleachers. At doon niya na siya naramdaman. Parang hindi lang ordinaryong mata ang nakatingin. Sa bawat kilusan niya, bawat palo, may matang sumusubaybay—hindi lang nanonood, kundi nangungusap. Sa isang dead ball situation, napatitig siya sa crowd. Mabilis lang. Isang sulyap. Doon niya siya nakita. Si Lucas. Nasa front row, sa pinakagitna ng viewing deck, hindi maikakaila ang presensiya ng lalaki. Hindi lang dahil sa itsura o tindig—kundi dahil sa kung paanong tumigil ang oras sa pagitan nila sa mismong sandaling nagtama ang mga mata nila. Kasama nito ang dalawang lalaki—mga kaibigan siguro. Kapwa naka-business casual, halatang hindi estudyante o basta tagahanga lang. Baka mga kakilala sa mundo ng negosyo o trabaho. Pero ang mas malinaw: siya ang pinapanood ni Lucas. Hindi ang buong laro. Hindi ang team. Siya lang. Parang umikot ang mundo ni Celestine. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o kabahan. Bakit siya nandito? Paano niya nalaman? Napatingin siya muli. Nakangiti si Lucas, bahagya lang. Hindi malapad. Hindi malisyoso. Isang simpleng ngiti na may dalang init. Bigla siyang napalingon. Pilit pinakalma ang sarili. Hindi ka pwedeng magpaapekto, Celestine. Hindi ngayon. Bumalik ang laro. At sa isang paraan na hindi niya inaasahan, naging lakas ang presensiya ng lalaki. Sa halip na manghina, mas tumatag ang loob niya. Sa bawat spike, sa bawat dive, tila mas magaan ang katawan. Mas buo ang diskarte. Mas mainit ang dugo. --- Fourth set. 2 sets to 1 ang kalaban. Kailangan nilang maipanalo ang set na ito para magkaroon ng chance sa deciding fifth. May rally. Tumalbog ang bola sa ere. Tumalon si Celestine—mataas, buong lakas. At habang nasa ere siya, parang bumagal ang paligid. Bago pa siya humampas, naisip niya ang mga mata ni Lucas. Ang ngiti nito. Ang katahimikang hatid nito. Pak! Diretso sa open court. Puntos. Nagtayuan ang mga tao. “Go Celestine!” sigaw ng ilan. Maging ang commentator ay sumigaw sa mic: “That’s a textbook cross-court hit by Celestine Ramirez!” Muling nagbalik ang hininga niya. Pero hindi pa tapos. --- Match point. 24-23. Isa na lang. Isang puntos para ma-force ang fifth set. At nasa kanya ulit ang serve. Tumitig siya sa bola. Huminga. Tumingin sa taas ng net. Tumalon. Pak! Bola sa kalaban. Good receive. Quick set. Fast attack. Pero nandoon si Celestine. Tumalon para sa block. Pak! Na-block niya. Tumama sa net, bumagsak pabalik sa kalaban. Hindi na na-recover. Puntos. Panalo sa fourth set. --- Nagsigawan ang mga tao. Nagtatalunan ang teammates niya. Pero ang mga mata ni Celestine ay muling bumalik sa crowd. At nandoon pa rin si Lucas. Tahimik lang. Hindi pumalakpak. Hindi sumigaw. Pero ang tingin nito sa kanya—parang sinasabing, “Kaya mo. Nandito lang ako.” --- Pagkatapos ng laro, habang pauwi na, lumapit si Regina sa kanya. “Tin. May naghihintay sa labas ng locker room. Naka-blue polo. Tall. Gwapo. Mukha yatang kilala mo.” Napalunok siya. “Si Lucas?” Ngumiti lang si Regina. “Sino pa ba? Aba’y kung ‘di ko pa siya kilala, akala ko artista.” --- Lumabas siya ng locker room. Maayos ang buhok. Malinis ang mukha. Hindi niya alam kung bakit pinilit niyang ayusin ang sarili—pero alam niyang gusto niyang maganda siyang tingnan… sa mata ng lalaking iyon. Nandoon nga si Lucas. Nakasandal sa poste, hawak ang isang malamig na tubig. Bago siya lumapit sa asawa ay tumingin muna siya sa paligid at nang masiguro niyang walang ibang tao, saka lang siya naglakad palapit dito. “Para sa’yo,” abot nito ng tubig. “Salamat,” maikling sagot niya. Tahimik silang naglakad papunta sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan nito. Tumigil siya at hinarap ang asawa. “Dala ko ang kotse ko,” wika niya at akmang maglalakad na sana patungo sa sasakyan nang matigilan siya sa paghakbang. “Sa akin ka na sasabay,” malumanay na sabi nito. “Si Mang Ador na lang ang mag-drive pauwi ng kotse mo.” Akmang magsasalita siya nang pagbuksan na siya ni Lucas ng pinto ng kotse. Wala na siyang nagawa kundi pumasok. “Ang galing mo kanina,” ani Lucas habang inaandar ang sasakyan. “Hindi ko aakalain na ganito ka pala sa court.” “Hindi ko rin akalain na manonood ka,” sagot naman niya. “Regina told me. At sabi niya, makakabuti raw kung makita ko kung sino si Celestine bilang atleta, hindi lang bilang asawa sa papel.” Tuluyan nang nakalabas ang kotse sa parking area. "Na-enjoy mo ba?" tanong ni Celestine, habang hawak pa rin ang bote ng tubig. "Oo. Pero hindi lang dahil sa laro." Napalingon siya. “Bakit?” “Dahil nakita ko kung paano ka lumaban. Hindi lang para sa team. Kundi para sa sarili mo. At sa isang banda… gusto kong maging parte,” makahulugang wika nito. Hindi siya nakapagsalita. Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman. Pero isang bagay ang sigurado—mas lalo siyang nalilito… at mas lalo siyang naaapektuhan. “Gusto mong kumain muna bago tayo umuwi?” alok ni Lucas. “Sige, nagutom na rin ako,” saad niya. --- Lumipas ang halos isang oras ng biyahe nila. Hindi niya alam ang eksaktong lugar, pero sabi ni Lucas, nasa parte na raw sila ng Rizal. Tahimik. Malamig ang simoy ng hangin. Nasa isang overlooking rest house-style na kainan sila na may view ng city lights. Habang kumakain ng sinigang at inihaw na pusit, napagmasdan niya si Lucas na tila mas relaxed ngayon. Malayo sa tensyonadong lalaking una niyang nakilala. “Ang sarap pala ng ganitong simple lang,” ani Celestine. “Masarap kasi kasama kita,” sagot ni Lucas. “Walang pressure. Walang expectations. Ikaw lang.” Isang saglit na katahimikan. Ngunit sa katahimikan na iyon, naramdaman niya ang unti-unting pagbukas ng pinto ng puso niya. Hindi pa man niya alam kung saan patungo ang relasyong ito, pero ang gabi’y tila nagsisimula nang maging isang pahina ng pagbabago sa kanilang dalawa.KABANATA 22 — ANG HULING HAKBANG NI CELESTINEMalakas ang sigawan. Ang tunog ng tambol at palakpak ay umaalingawngaw sa buong arena. Sa bawat rally ng bola, parang pumipintig din ang puso ko. Ang scoreboard ay halos dikit na dikit—23-23—isang pagkakamali lang at puwedeng tapos na ang set.“Focus, girls! Isa na lang, isa!” sigaw ni Coach Martinez mula sa gilid. Pawis na pawis siya, pero kitang-kita sa mata niya ang apoy ng pag-asa.Tiningnan ko ang paligid. Ang mga ilaw ng arena ay nakakasilaw, pero hindi ko alintana. Ang mga mata ng libu-libong manonood ay nakatuon sa amin—sa bawat hakbang, bawat paghinga, bawat dampi ng bola sa kamay. Ramdam ko ang bigat ng moment.“Celestine, ready ka?” tanong ni Regina, ang setter namin. Nakataas ang isang kilay niya, pero alam kong iyon ay para itago ang kaba.Ngumiti ako. “Paliparin mo ‘yan. Ako na bahala.”Tumunog ang pito ng referee. Tumalon ang kalaban para sa serve. Mabilis, matalim, at may halong pwersa—ang bola ay lumipad na parang kidlat.
KABANATA — SEMI-FINALS NG VOLLEYBALLMainit ang hangin sa loob ng arena, hindi lang dahil sa aircon na halos hindi nakakaabot sa bawat sulok, kundi dahil sa tensyon at excitement ng mga nanonood. Halos lahat ng tao sa paligid ay nakapikit sa laro, mga mata’y nakasaksak sa bawat galaw ng mga manlalaro, bawat palo, bawat spike na tumatama sa court. Ang sigawan, hiyawan, at palakpak ay halos magkasabay, parang musika ng kabataan at passion.“Ay, grabe talaga si Celestine!” sigaw ng isang tagahanga mula sa gilid, hawak ang bandera at sombrero. “Ang bilis ng reflex niya!”Pumaloob sa isip ko ang lahat ng training na ginawa namin sa gym—ang tuwing puyat kami, ang bawat pag-ikot ng bola sa aming mga kamay, at ang walang katapusang drills. Ngayon, ang lahat ng iyon ay nasa court na, at bawat kilos ay tila eksaktong tugma sa mabilis na ritmo ng laro.Mabilis akong bumalik sa court matapos malampasan ang kalaban sa huling rally. Nararamdaman ko ang adrenaline sa bawat hakbang. Sinalo ko ang bol
KABANATA — SA BAHAY NG ABUELO (LUCAS POV)Wala talaga akong balak dumalo sa pagpupulong ng pamilya ngayong gabi. Sa totoo lang, mas gugustuhin ko pang nasa gym ngayon, nanonood ng laban ni Celestine. Semifinals na iyon, at alam kong matagal na niyang pinaghirapan ang pagkakataong ito. Pero siya mismo ang nagsabi sa akin kaninang umaga habang nag-aalmusal kami, “Okay lang, Lucas. Mas importante ‘yang meeting niyo. Focus ka muna sa pamilya mo. Ako na ang bahala rito.”Napabuntong-hininga ako habang nagmamaneho papunta sa bahay ng abuelo ko. Paulit-ulit kong tinanong ang sarili ko kung tama bang pumunta ako rito. Gusto kong nando’n para sa kanya, pero ayokong biguin ang pamilya ko—lalo na’t ang Abuelo ko pa ang tumawag ng pagpupulong.Pagdating ko sa lumang bahay, agad akong sinalubong ng malamlam na liwanag mula sa veranda. Ang malawak na hardin ay maayos pa rin, may mga tanim na rosas na inaalagaan ng mga hardinero mula noon pa. Sa bawat pagyapak ko sa graba ng daan, tila bumabalik ako
KABANATA — SA SEMIFINALS (TIN POV)“Tin, ayos ka lang ba?” tanong ng kaibigan ko at kasamahan sa team na si Regina, habang pinupunasan nito ang pawis sa leeg gamit ang maliit na tuwalya.“Ah?” napalingon ako sa kanya, tila nagulat pa. Nasa locker room kami ng gym—dalawa na lang kaming naiwan dahil halos lahat ay nasa labas na para mag-ayos at magpainit bago magsimula ang laban namin sa semifinals ng volleyball.“May sakit ka ba? Tila wala ka sa sarili mo. Ilang araw na kitang napapansin, may problema ba?” sunod-sunod nitong tanong sa akin habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.Umiling ako ng marahan, pilit na ngumingiti. “Wala akong problema, wala rin akong sakit. Okay lang din kami ni Lucas,” mahinang tugon ko, sabay ayos ng buhok ko sa harap ng salamin.“Hmm…” nakataas ang kilay ni Regina, halatang hindi naniniwala. “Kung wala ka namang problema, bakit para kang lutang? Para kang may iniisip na napakalalim. Halos ilang beses na kitang tinawag kanina, di mo pa rin ako sinasa
---Ang Umagang May HalikMataas na ang araw nang magising ako. Hindi ko agad namalayan na nakatulog pala ako nang gano’n kapayapa kagabi. Matagal na rin mula nang huli kong maramdaman na ligtas ako—na parang kahit anong mangyari, may balikat akong masasandalan.Pagmulat ng aking mga mata, una kong nakita ang puting kisame na may mga simpleng molding na may disenyong dahon. Ilang segundo pa bago ko napagtanto kung nasaan ako—ang guest room sa bahay ng mga magulang ni Lucas.At doon ko lang naramdaman ang init ng kamay na nakahawak sa akin.Halos maluwa ang mga mata ko nang makita kong sa tabi ko pala si Lucas, payapang natutulog at nakaunan ako sa braso nito. Hindi ako agad nakagalaw. Parang biglang humigpit ang paligid, at ang tanging maririnig ko ay ang marahang tibok ng puso naming dalawa.Ang dibdib niya ay bahagyang tumatama sa balikat ko sa bawat paghinga niya. Mainit. Kalma. Totoo.Pumikit ako sandali, sinusubukang pigilan ang pagngiti.“Diyos ko, Celestine, anong ginagawa mo?
Kabanata: Sa Loob ng Bahay, Sa Loob ng PusoMasaya at magaan ang naging hapon ni Celestine kasama ang pamilya ni Lucas. Masigla ang mga kwentuhan habang nagkakainan sa hardin, tawa nang tawa ang mga pinsan at pamangkin ni Lucas habang naglalaro sa likod-bahay, at ang mga matatanda nama’y abala sa mas seryosong pag-uusap ukol sa negosyo, pamilya, at buhay-buhay.Hindi na ganoon kabigat ang nararamdaman niya. Kung noong una ay parang may harang sa pagitan nila ng pamilya ng kanyang asawa, ngayon ay tila isa na rin siyang bahagi ng mundong iyon. Lalo na nang mahuli niyang nakatitig sa kanya si Lucas, bahagyang nakangiti, parang sinasabi ng mga mata nitong, “Sabi ko sa’yo, kayang-kaya mo.”Pagkatapos ng hapunan, abala silang lahat sa sala—relaxing mood, may soft jazz na tumutugtog sa background at malamig ang simoy ng hangin na pumapasok sa malalaking bintana ng bahay. Ang ilan ay naka-recline sa sofa, may hawak na wine glass o kape, habang ang iba nama’y nakaupo sa sahig na may throw pil







