LOGINKABANATA 7 — Sa Likod ng Mapagmasid na Mga Mata
Madaling araw na nang makarating sila sa bahay. Tahimik ang buong paligid—ang ilaw sa poste sa labas ay nagsisilbing tanging saksi sa pagbabalik nila mula sa isang gabi ng mahaba at makahulugang paglalakbay. Malayo ang lugar na pinuntahan nila para lang sa isang hapunan, pero para kay Lucas, sulit ang bawat kilometro… lalo na’t kasama niya si Celestine. Nilingon niya ang katabi. Tulog na tulog si Celestine sa passenger seat, bahagyang nakasandal ang ulo sa bintana, ang buhok ay bahagyang tumatakip sa kanyang pisngi. May bahagyang unti-unting pagbuka sa labi nito, tanda ng pagkakahimbing. Banayad ang paghinga nito, halos sabay sa pintig ng puso ni Lucas na tila may sariling sinasayaw sa tahimik na musika ng gabi. Napangiti siya. Walang ingay. Walang salita. Pero sa kanyang paningin, nagsisigawan ang mga damdamin. Hindi niya maiwasang titigan ito. Nagniningning ang mukha nito sa ilalim ng liwanag ng poste, kahit pa pagod ang bakas sa ilalim ng mata. Marahil ay dahil sa laro kanina—naglaro ito ng volleyball kasama ang mga kaibigan, at buong hapon ay nasa labas, tapos sinorpresa pa niya ng biyahe para sa isang dinner na malayo sa lungsod. Wala siyang narinig na reklamo mula rito. Wala rin siyang hiningi kundi ang sandaling presensya niya. “At ngayon…” bulong ni Lucas sa sarili, “...eto siya. Tahimik. Payapa. At ako, masaya kahit pinapanood lang siya.” Hinawi niya nang marahan ang buhok sa pisngi ni Celestine gamit ang daliri. Dahan-dahan. Para bang isang maling galaw lang ay magigising ito at mawawala ang perpektong tagpong iyon. “Ang ganda mo pa rin,” bulong niya. “Kahit noon pa man. Siguro hindi mo maalala, pero tanda ko pa kung paano tayo unang nagkatagpo.” Sandaling pumikit si Lucas. Bumalik sa alaala. Isang araw sa gitna ng tag-init. Elementarya pa sila noon. May mga palarong barangay, at si Celestine—maliit, maingay, pero may laging hawak na yoyo—ay isa sa mga batang laging nakikipagtalo. Nandoon si Lucas, tahimik lang, nanonood mula sa gilid. Nang magkaroon ng sigawan sa grupo ng mga bata, siya ang unang lumapit para awatin ang gulo. At sa pagkakataong iyon, unang beses siyang tinapunan ni Celestine ng matalim na tingin. “Sino ka?” tanong nito noon. “Bakit ka nakikialam?” Hindi niya sinagot. Ngumiti lang siya. At doon nagsimula ang lahat. Isang alaala na napakasimple, pero iyon ang unang beses na tumibok ang puso niya nang iba. Pinagmasdan niyang muli ang mukha ng babaeng ngayon ay kanyang asawa na. Ilang taon na ang lumipas. Maraming nangyari. Maraming nasaktan. Pero ngayong gabi, habang pinagmamasdan niya ito, naroon pa rin ang damdaming hindi naglaho. Marahan niyang hinaplos ang pisngi nito gamit ang daliri. Malamig ang balat ni Celestine, marahil dahil sa aircon sa loob ng sasakyan. Ngunit para kay Lucas, iyon ang pinakakomportableng lamig na naramdaman niya—sapagkat bahagi ito ng taong matagal na niyang minahal. Ilang minuto rin siyang nakatitig, bago siya dahan-dahang bumaba ng kotse. Binuksan niya ang pinto sa kabilang bahagi at maingat na inabot si Celestine. Wala itong reaksyon. “Antok na antok ka na talaga,” mahina niyang bulong. “Tulog ka lang, Tin. Ako na ang bahala.” Maingat niyang binuhat ang babae—isang kamay sa likod, isa sa ilalim ng tuhod. Parang isang prinsesa na inililigtas sa sarili nitong pagod. Hindi siya alintana ng bigat. Wala ring pakialam kahit napakahimbing ng gabi at baka may makakita sa kanila. Ang mahalaga, mapanatili niyang mahimbing ang tulog nito. Pagkapasok sa bahay, dumeretso siya sa kwarto. Binuksan ang ilaw, inilatag nang dahan-dahan si Celestine sa kama. Muli niyang inayos ang buhok nito, inalis ang sapatos, at tinakpan ng kumot. Naupo siya sa gilid ng kama. Tahimik. Tinitigan ang natutulog nitong mukha, habang unti-unting nilalamon ng lamig ng gabi ang kanyang dibdib—hindi dahil sa lamig ng paligid, kundi sa katotohanang hanggang dito na lang muna siya. Hindi niya puwedeng puwersahin ang kahit anong damdamin mula sa babae. Pero puwede niyang iparamdam, araw-araw, na hindi na siya mawawala. “Kung puwede lang sanang ibalik ang lahat,” bulong niya. “Kung puwede lang…” Tumayo siya. Pumunta sa mesa sa gilid ng kama, kinuha ang basong may lamang tubig, at inilapag sa bedside table, baka sakaling paggising nito’y uhaw. Tapos, saka siya lumabas ng kwarto. Ngunit sa huling sandali, lumingon siya muli. Sa kanyang isipan, umaalingawngaw pa rin ang mga salitang hindi niya masambit nang harapan. “Mahal kita, Tin. At kahit hindi mo pa ako mapatawad, hihintayin kita.” Kinabukasan. Mainit ang sinag ng araw na tumatama sa kurtina ng silid. Kumalat sa loob ng kwarto ang gintong liwanag ng umaga, marahang gumuguhit sa sahig at kumot. Dahan-dahang dumilat si Celestine, nag-unat ng kaunti, saka napangiwi nang maramdaman ang kirot sa katawan—marahil ay dulot ng sunod-sunod na spike, block at dive sa laro kahapon, idagdag pa ang mahaba at nakakapagod na biyahe pabalik mula sa malayong lugar kung saan siya dinala ni Lucas para sa hapunan. Napabuntong-hininga siya. Muli niyang inikot ang paningin sa loob ng silid. Tahimik. Malinis. At doon sa tabi ng kama, nakalapag ang isang basong may lamang tubig. Agad siyang napakunot-noo. Lumapit siya at napansin ang isang maliit na papel na nakadikit sa ilalim ng baso. "Alam kong pagod ka. Inayos ko lang lahat para ‘di ka na maabala pag gising mo. — Lucas" Saglit siyang napahinto. Parang may kung anong kumalabit sa kanyang puso. Hindi niya akalaing ganito pala si Lucas. Maalalahanin. Tahimik lang, pero may paraan para iparamdam na inaalala ka niya—hindi sa salita kundi sa gawa. Napangiti siya. Bahagyang umiling habang hinawakan ang papel. “Lucas…” mahinang sambit niya. May halong pagkalito sa tinig. Akala niya ay magiging masalimuot ang bawat araw na magkasama sila sa iisang bubong. Na hindi sila magkasundo. Na baka araw-araw ay puro away at sagutan ang mangyari. Pero heto siya ngayon, nagigising sa isang tahimik at payapang umaga, na parang normal lang ang lahat—na para bang may asawang nagaalaga sa kanya… gaya ng isang tunay na mag-asawa. Napaisip tuloy siya. Hindi ba’t si Tricia, ang pinsan niyang itinakda sana kay Lucas, ay kusa ring tumakas para lang iwasan ang kasal? Bakit nga ba? Ano ang nakita o hindi nakita ni Tricia kay Lucas na siya, ngayong katabi na ito gabi-gabi, ay unti-unting nadidiskubre? “Haist,” mahinang buntong-hininga ni Celestine. “Dapat ko pa bang isipin ‘yon?” Tumayo siya mula sa kama at lumapit sa bintana. Marahang binuksan ang kurtina. Sinalubong siya ng mas maliwanag na liwanag ng araw, at tanaw niya mula roon ang maliit na hardin sa likod ng bahay. Namumukadkad ang ilang halaman, may mga ibong tila masayang sumasabay sa simoy ng hangin. Maganda ang umaga. Tahimik. Presko. Tila ba isang bagong panimula ang binubuo sa bawat sinag ng araw na dumadampi sa kanyang balat. Isinara niya ang bintana at naglakad palabas ng kwarto. Habang bumababa ng hagdan, naamoy niya agad ang pamilyar na bango ng kape. May kahalong amoy ng sinangag at itlog—simpleng almusal pero sapat para magbigay ng aliwalas. Tahimik siyang bumaba, pilit na hindi lumikha ng ingay. At sa pagbukas ng ilaw mula sa kusina, agad niyang nasilayan ang likuran ni Lucas. Naka-tshirt lang ito, kulay puti, at naka-shorts. Nakatayo sa harap ng kalan, abala sa paghalo ng niluluto. Ang buhok nito ay bahagyang magulo, marahil ay kagigising lang din. Ngunit kahit ganoon, hindi pa rin maitatanggi ang taglay nitong tikas. Matangkad, matikas, at tila hindi kailanman tinablan ng pagod ang tindig nito. Kalmado. Mapanatag. Hindi niya maiwasang titigan ito. Mula sa paraan ng pagkakatuwid ng likod nito, sa paggalaw ng bisig habang hinahalo ang ulam, hanggang sa banayad na pagyuko nito para patayin ang kalan… parang may kung anong hindi niya maipaliwanag na humahatak sa kanya para manatiling nakatingin. Para itong si Adonis—ang diyos ng kagandahan sa mitolohiya. At kung may sinumang babae ang makakakita rito ngayon, tiyak mahuhumaling. Napakagat-labi siya. “Celestine,” saway niya sa sarili sa isipan. “Ano bang iniisip mo? Mali 'to.” Umiwas siya ng tingin. Ngunit hindi pa siya nakakalayo nang bigla siyang mapaatras sa pagkabigla—lumingon si Lucas, kasabay ng pagbati nito. “Good morning,” nakangiti itong nagsalita. May halong pilyong ningning ang mga mata nito. Bahagya siyang napalunok. “M-morning…” sagot niya. Nauutal. Hindi makatingin nang diretso. Nahuli siya sa titig! At ang pinakamasaklap, alam ng asawa niya! Nagtangka siyang ibaling ang tingin sa ibang direksyon, ngunit naramdaman niyang unti-unti na ring namumula ang kanyang pisngi. “Kanina ka pa nariyan?” tanong pa ni Lucas, hindi pa rin nawawala ang mapang-asar ngunit malambing na ngiti sa labi. “Uh... mga ilang segundo lang. Hindi naman matagal…” mabilis niyang tugon, sabay kunwaring abala sa paghahanap ng baso sa kabinet. “Ah, akala ko kanina mo pa ako pinagmamasdan habang nagluluto,” biro ni Lucas. Napahinto siya. Lumingon ng bahagya. “Hindi naman…” mahina niyang tanggi. “Nagkataon lang.” “Ah, gano’n ba?” Tila aliw na aliw ito. “Kasi parang kanina... parang may humahanga.” Napakagat siya ng labi at nagkunwaring tumingin sa ref. “Mukhang nagyeyelo ‘tong kape ko ah,” sabay bukas ng ref kahit alam niyang wala namang koneksyon doon ang kape. Tahimik na natawa si Lucas. “Okay lang, Tin. Huwag kang mahiya.” “Hindi ako nahihiya,” mabilis niyang sagot. “Totoo?” tugon nito, habang nagbubuhos ng kanin sa plato. “Kasi para sa ‘di nahihiya, pulang-pula ka ngayon.” “Hmph!” Pinili na lang niyang maupo sa mesa, saka iniharap ang sarili sa bintana. “Hindi mo na lang kasi ako ginising kagabi.” “Gusto ko kasing mapahinga ka nang maayos,” sagot ni Lucas habang inilalapag ang dalawang plato ng almusal sa mesa. “Pagod ka kahapon. Di ba sabi mo sa volleyball team mo, last full game n’yo ‘yon bago magsara ang season?” “Tama,” aniya. “Pero kahit papaano, gusto ko sanang makatulong sa pag-aayos.” “Tin,” tumigil ito sandali. “Pagod ka. At gusto kong maalagaan ka kahit sa simpleng paraan.” Napatingin siya sa lalaki. At sa mga salitang binitiwan nito, naramdaman niya ang isang malamig na haplos sa kanyang puso. Hindi ito basta-basta sinasabi. May bigat. May damdamin. “Salamat,” mahinang sambit niya. Napangiti si Lucas. “Walang anuman. Kasal tayo, di ba?” Tumahimik ang paligid. Nagtagpo ang kanilang mga mata. At sa loob ng ilang segundong iyon, parang tumigil ang mundo. Wala na ang ingay ng bentilador. Wala ang kulisap sa labas ng bintana. Tanging ang titig ni Lucas ang kanyang nakikita—diretso, tapat, at hindi kailanman nag-alinlangan. Naunang umiwas ng tingin si Celestine. “Mainit ‘tong sinangag, ha,” sabay kuha ng kutsara. “Tinimplahan ko ng paborito mong toyo,” ani Lucas. Napatingin siyang muli. “Alam mo ‘yon?” tanong niya. Tumango si Lucas. “Matagal na kitang kilala, Celestine. Kahit sabihin mong hindi tayo close noon, matagal ko nang pinagmamasdan ka.” Tahimik muli si Celestine. Kinurot siya ng munting damdamin. Bakit parang… totoo? Bakit parang may tinatamaang bahagi ng kanyang puso ang bawat salitang sinasabi nito? Wala siyang sinagot. Kumain siya nang tahimik, habang si Lucas ay patuloy lang ang kwento—kung paano niya pinili ang lugar na dinalhan sa kanya kagabi, kung paano niya siniguradong may menu na walang allergy si Celestine, kung paano siya nagdasal na sana magustuhan nito ang sorpresa niya. Tahimik lang siyang nakikinig. Pero sa loob-loob niya, may munting sigaw: “Bakit ganito? Bakit parang may iba?” ani ng isip niya.KABANATA 22 — ANG HULING HAKBANG NI CELESTINEMalakas ang sigawan. Ang tunog ng tambol at palakpak ay umaalingawngaw sa buong arena. Sa bawat rally ng bola, parang pumipintig din ang puso ko. Ang scoreboard ay halos dikit na dikit—23-23—isang pagkakamali lang at puwedeng tapos na ang set.“Focus, girls! Isa na lang, isa!” sigaw ni Coach Martinez mula sa gilid. Pawis na pawis siya, pero kitang-kita sa mata niya ang apoy ng pag-asa.Tiningnan ko ang paligid. Ang mga ilaw ng arena ay nakakasilaw, pero hindi ko alintana. Ang mga mata ng libu-libong manonood ay nakatuon sa amin—sa bawat hakbang, bawat paghinga, bawat dampi ng bola sa kamay. Ramdam ko ang bigat ng moment.“Celestine, ready ka?” tanong ni Regina, ang setter namin. Nakataas ang isang kilay niya, pero alam kong iyon ay para itago ang kaba.Ngumiti ako. “Paliparin mo ‘yan. Ako na bahala.”Tumunog ang pito ng referee. Tumalon ang kalaban para sa serve. Mabilis, matalim, at may halong pwersa—ang bola ay lumipad na parang kidlat.
KABANATA — SEMI-FINALS NG VOLLEYBALLMainit ang hangin sa loob ng arena, hindi lang dahil sa aircon na halos hindi nakakaabot sa bawat sulok, kundi dahil sa tensyon at excitement ng mga nanonood. Halos lahat ng tao sa paligid ay nakapikit sa laro, mga mata’y nakasaksak sa bawat galaw ng mga manlalaro, bawat palo, bawat spike na tumatama sa court. Ang sigawan, hiyawan, at palakpak ay halos magkasabay, parang musika ng kabataan at passion.“Ay, grabe talaga si Celestine!” sigaw ng isang tagahanga mula sa gilid, hawak ang bandera at sombrero. “Ang bilis ng reflex niya!”Pumaloob sa isip ko ang lahat ng training na ginawa namin sa gym—ang tuwing puyat kami, ang bawat pag-ikot ng bola sa aming mga kamay, at ang walang katapusang drills. Ngayon, ang lahat ng iyon ay nasa court na, at bawat kilos ay tila eksaktong tugma sa mabilis na ritmo ng laro.Mabilis akong bumalik sa court matapos malampasan ang kalaban sa huling rally. Nararamdaman ko ang adrenaline sa bawat hakbang. Sinalo ko ang bol
KABANATA — SA BAHAY NG ABUELO (LUCAS POV)Wala talaga akong balak dumalo sa pagpupulong ng pamilya ngayong gabi. Sa totoo lang, mas gugustuhin ko pang nasa gym ngayon, nanonood ng laban ni Celestine. Semifinals na iyon, at alam kong matagal na niyang pinaghirapan ang pagkakataong ito. Pero siya mismo ang nagsabi sa akin kaninang umaga habang nag-aalmusal kami, “Okay lang, Lucas. Mas importante ‘yang meeting niyo. Focus ka muna sa pamilya mo. Ako na ang bahala rito.”Napabuntong-hininga ako habang nagmamaneho papunta sa bahay ng abuelo ko. Paulit-ulit kong tinanong ang sarili ko kung tama bang pumunta ako rito. Gusto kong nando’n para sa kanya, pero ayokong biguin ang pamilya ko—lalo na’t ang Abuelo ko pa ang tumawag ng pagpupulong.Pagdating ko sa lumang bahay, agad akong sinalubong ng malamlam na liwanag mula sa veranda. Ang malawak na hardin ay maayos pa rin, may mga tanim na rosas na inaalagaan ng mga hardinero mula noon pa. Sa bawat pagyapak ko sa graba ng daan, tila bumabalik ako
KABANATA — SA SEMIFINALS (TIN POV)“Tin, ayos ka lang ba?” tanong ng kaibigan ko at kasamahan sa team na si Regina, habang pinupunasan nito ang pawis sa leeg gamit ang maliit na tuwalya.“Ah?” napalingon ako sa kanya, tila nagulat pa. Nasa locker room kami ng gym—dalawa na lang kaming naiwan dahil halos lahat ay nasa labas na para mag-ayos at magpainit bago magsimula ang laban namin sa semifinals ng volleyball.“May sakit ka ba? Tila wala ka sa sarili mo. Ilang araw na kitang napapansin, may problema ba?” sunod-sunod nitong tanong sa akin habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.Umiling ako ng marahan, pilit na ngumingiti. “Wala akong problema, wala rin akong sakit. Okay lang din kami ni Lucas,” mahinang tugon ko, sabay ayos ng buhok ko sa harap ng salamin.“Hmm…” nakataas ang kilay ni Regina, halatang hindi naniniwala. “Kung wala ka namang problema, bakit para kang lutang? Para kang may iniisip na napakalalim. Halos ilang beses na kitang tinawag kanina, di mo pa rin ako sinasa
---Ang Umagang May HalikMataas na ang araw nang magising ako. Hindi ko agad namalayan na nakatulog pala ako nang gano’n kapayapa kagabi. Matagal na rin mula nang huli kong maramdaman na ligtas ako—na parang kahit anong mangyari, may balikat akong masasandalan.Pagmulat ng aking mga mata, una kong nakita ang puting kisame na may mga simpleng molding na may disenyong dahon. Ilang segundo pa bago ko napagtanto kung nasaan ako—ang guest room sa bahay ng mga magulang ni Lucas.At doon ko lang naramdaman ang init ng kamay na nakahawak sa akin.Halos maluwa ang mga mata ko nang makita kong sa tabi ko pala si Lucas, payapang natutulog at nakaunan ako sa braso nito. Hindi ako agad nakagalaw. Parang biglang humigpit ang paligid, at ang tanging maririnig ko ay ang marahang tibok ng puso naming dalawa.Ang dibdib niya ay bahagyang tumatama sa balikat ko sa bawat paghinga niya. Mainit. Kalma. Totoo.Pumikit ako sandali, sinusubukang pigilan ang pagngiti.“Diyos ko, Celestine, anong ginagawa mo?
Kabanata: Sa Loob ng Bahay, Sa Loob ng PusoMasaya at magaan ang naging hapon ni Celestine kasama ang pamilya ni Lucas. Masigla ang mga kwentuhan habang nagkakainan sa hardin, tawa nang tawa ang mga pinsan at pamangkin ni Lucas habang naglalaro sa likod-bahay, at ang mga matatanda nama’y abala sa mas seryosong pag-uusap ukol sa negosyo, pamilya, at buhay-buhay.Hindi na ganoon kabigat ang nararamdaman niya. Kung noong una ay parang may harang sa pagitan nila ng pamilya ng kanyang asawa, ngayon ay tila isa na rin siyang bahagi ng mundong iyon. Lalo na nang mahuli niyang nakatitig sa kanya si Lucas, bahagyang nakangiti, parang sinasabi ng mga mata nitong, “Sabi ko sa’yo, kayang-kaya mo.”Pagkatapos ng hapunan, abala silang lahat sa sala—relaxing mood, may soft jazz na tumutugtog sa background at malamig ang simoy ng hangin na pumapasok sa malalaking bintana ng bahay. Ang ilan ay naka-recline sa sofa, may hawak na wine glass o kape, habang ang iba nama’y nakaupo sa sahig na may throw pil







