Share

Episode 20: Abolish

Maingat akong kumislot mula sa kinauupuan nang iayos ang nalilis na damit atsaka matamang pinagmasdan si Mr. Trevino na siyang walang kaimik-imik dahil nakabaling ang buong atensyon sa harapan ng kaniyang laptop.

Pinagmasdan ko lamang itong gawin ang mga bagay na alam kong mahalaga dahil nasisiguro kong mayroon itong kinalaman sa kompanya ngunit kusa ang tumigil nang kaswal nitong damputin ang libro mula sa gilid ng mga paplas na kanina pa niya binabalingan ng tingin.

Nalukot ang noo ko nang paliitin ang awang ng mga mata, sinisubukang basahin ang pabalat ng libro. “Tips to be a good husband?" bulong ko sa sarili.

Ano na namang trip nito? Lakas ng tama, ah!

Naibalik ko ang blangkong ekspresyon nang salubungin ang kaniyang mga madidilim na mata. “What?" singhal nito. Nakatitig ito sa akin na animo'y isang tigreng gutom na gutom na nakakita ng karne.

Hindi ko alam kung bakit ako nito pinapasok sa opisina at sungitan lamang ng ganito. Kaswal niya akong pinuntahan sa kwarto para papuntahin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status