ログインCHAPTER 150“Babe,”Dahan- dahan kong minulat ang aking mga mata nang marinig ang boses ni Ninong Dwayne.“I don’t want to wake you up but it’s lunch time already. Nakahanda na ang pagkain sa labas, sabay na tayong kumain,” aniya at hinaplos ang aking noo. Tinanggal niya ang mga nakaharang na buhok doon at pinatakan ng halik ang aking noo. “Anong oras na? Napasarap ata ang tulog ko. Uuwi na rin ako maya- maya dahil iniwan ko si Davina doon sa bahay,” wika ko at mabagal akong bumangon. Inalalayan agad ako ni Ninong Dwayne.“Ipapahatid kita sa driver dito sa kumpanya, hindi ka pwedeng bumabyahe ng mag- isa dahil baka kung ano ang mangyari sa ‘yo sa daan. I still have a meeting at 1 pm so I can’t go home with you,” wika niya. Naiintindihan ko naman iyon. “Ayos lang, Ninong. Hindi mo ako kailangang ihatid, unahin mo muna ang trabaho para may pambili tayo ng gatas ng mga anak mo,” pagbibiro ko sa kanya.Sa pangalawang anak namin ay breastfeed pa rin kaya hindi kami nagkaroon ng problema
CHAPTER 149"Yes, tell them i am gonna be 30 minutes late. May importante lang akong inaasikaso. Thank you," Iyon ang aking narinig bago sinara ni Ninong Dwayne ang pintuan. May meeting pala siya, sinundo na siya ng secretary niya dahil late na ito. "Ninong, hihintayin na lang kita dito. Unahin mo muna ang meeting mo. Mahalaga 'yon," sabi ko sa kanya nang makarating ito sa aking harapan at muling umupo sa aking tabi."Nothing is more important than this, babe," sagot niya. “Pag- uusapan natin ulit ang tungkol dito kapag tapos na ang meeting mo. Sa ngayon, unahin mo muna iyon,” seryosong wika ko.May isang taong gustong sumira sa aming dalawa ni Ninong Dwayne. Hindi ko alam kung sino o paano. Paano napunta ang marka ng lipstick na iyon sa damit ni Ninong Dwayne ng hindi niya nalalaman.“Later, when we got home you should let me see the long sleeve that I wore,”Tumango ako at sumang- ayon sa kanyang sinabi.“Ipapakita ko mamaya sa ‘yo, Ninong,” seryosong sagot ko.“I think someone
CHAPTER 148“What’s on your mind? Tell me...”Kinuha niya ang aking kamay at pinaglaruan niya ang aking daliri gaya ng ginagawa niya sa akin. “I know kagabi ka pa ilap sa akin, hinihintay lang kitang magsalita. Kasi alam mo namang ayaw kitang pinipilit,” malambing na sabi niya. Tumango ako sa kanya.Bumuga ako ng hangin at tumingin sa gilid upang kumuha muna ng bwelo. Kinagat ko ang aking pang- ibabang labi upang pigilan ang mga luha ko. “Let’s talk calmly. Wait, let me get you a glass of water first,” wika niya at mabilis na tumayo.Inilapag niya ang isang baso ng tubig sa center table at muli na namang hinawakan ang aking kamay. “Okay, tell me about it, babe. Tell me what’s bothering you,” sabi niya. “Niloloko mo ba ako, Ninong?” walang prenong tanong ko sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig ang aking katanungan sa kanya. Napaawang pa ang kanyang mga labi.“Babe, of course not! Hindi kita niloloko... hindi kita kayang lokohin. Ano pa ang silbi ng paghihintay ko sa
CHAPTER 147"Aalis ka, Rizza? Saan ang punta mo?" tanong ni Ate April sa akin nang makita niyang nakabihis ako.Isang simpleng bestida na tube ang aking sinuot at cardigan. Half shoes lang din sa aking paa. May malit na sling bag akong dala na ang laman ay cellphone at wallet lang."Oo, Manang. May pupuntahan lang ako saglit. Babalik din kaagad ako, patingnan na lang si Davina at ang shop," bilin ko sa kanila.Bandang alas dies na ng umaga. Balak kong puntahan si Ninong Dwayne sa kumpanya niya. Ayaw kong manatili rito. Kailangang mag- imbestiga rin ako. Mali pala na masyado akong nagtiwala. Hindi pala dapat. Kailanman hindi ko siya pinagdudahan. Pero ano itong ginagawa ko ngayon? Napapansin na ni Ninong Dwayne bago siya umalis kanina na hindi maganda ang timpla ng mukha ko sa kanya. Iwas na iwas ako at tanging mga anak lang namin ang binibigyan ko ng pansin. Nagiging extra malambing nga ito sa akin bago umalis. Taxi lang ang aking sinakyan at hindi na ako nagpahatid sa driver nam
CHAPTER 146"Good evening, babe," bati ni Ninong sa akin nang dumating na ito.Nakasanayan na nitong humalik sa aking labi sa tuwing umuuwi siya. Ngunit sa pagkakataong ito ay iniwas ko ang aking labi kaya tumama ang labi niya sa aking pisngi. Bukod pa doon, hindi ko rin ito hinintay sa sala. Araw- araw, kahit pagod ako ay hinihintay ko siyang dumating sa sala upang sabay kaming kumain ng hapunan. Pero ngayon, nauna akong kumain ng hapunan at hindi ko rin ito hinintay sa baba.Naabutan niya lang akong nakahiga sa kama namin."Are you okay? You did not wait for me downstairs," nag- aalalang tanong nito sa akin. Yumuko ulit ito at inamoy ang aking balikat. Ang isang kamay niya rin ay dumiretso sa aking tiyan at sandaling hinimas iyon."Ayos lang ako," maikling sagot ko sa kanya. Nakatagilid ako at nakaharap sa bintana ng aming kwarto. Nasa likod ko naman ito kaya hindi ko nakikita ang mukha niya."Kumain ka na ba?" Muli na naman nitong inamoy ang aking balikat."Oo, tapos na ako. Sum
CHAPTER 145Malakas ang kabog ng aking dibdib sa aking nakita. Kailangan kong itigil ang kung ano mang ginagawa ko upang titigan ng mabuti ang long sleeve ni Ninong na kulay puti.Ano ang ibig sabihin nito? Kung kailan magiging tatlo na ang anak naming dalawa, tsaka pa ito magloloko sa akin?Sumikip ang dibdib ko habang iniisip kong magloloko si Ninong Dwayne. Malaki ang tiwala ko kay Ninong Dwayne, hindi ko nga tinitingnan ang cellphone niya dahil privacy niya iyon. Naging tulala ako sa buong araw at iyon lang ang laman ng aking isipan. "Ayos ka lang ba, Rizza? Matamlay ka ata ngayong araw? Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Manang Anne dahil napansin nito ang aking pagiging tahimik sa buong araw.Dapat pa ba akong magtiwala kay Ninong Dwayne? Hindi ko inisip na darating ang araw na pagdududahan ko ang pagmamahal ko sa kanya. Nagawa niya bang magloko sa akin? May naging kulang pa ba ako upang maghanap pa siya ng ibang babae? Hindi ko ba naibigay sa kanya ang lahat at ang iba

![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





