Share

94 - reckless

Author: 4stratcats
last update Petsa ng paglalathala: 2026-04-08 15:24:24

Mula sa malaking salamin sa loob ng banyo, sinilip ni Alexial ang kanyang likod. Humupa na ang pamamaga pero nag-umpisang mangitim ang mga latay at tinahing sugat. Pumipintig pa rin ang kirot at kapag walang benda ay mahapding-mahapdi dahil sa aircon lalo na kapag nawala ang epekto ng iniinom niyang pain killers.

"Okay ka na?" Sumilip sa pintuan si Lyam. "Lalagyan na natin ng benda."

Tumango siya at umalis sa harap ng salamin. Lyam prepared the bandages and started wrapping half of his body wit
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • PIKUTIN ANG BILYONARYO   94 - reckless

    Mula sa malaking salamin sa loob ng banyo, sinilip ni Alexial ang kanyang likod. Humupa na ang pamamaga pero nag-umpisang mangitim ang mga latay at tinahing sugat. Pumipintig pa rin ang kirot at kapag walang benda ay mahapding-mahapdi dahil sa aircon lalo na kapag nawala ang epekto ng iniinom niyang pain killers."Okay ka na?" Sumilip sa pintuan si Lyam. "Lalagyan na natin ng benda."Tumango siya at umalis sa harap ng salamin. Lyam prepared the bandages and started wrapping half of his body with them after checking his wounds."Nasa loob ng kwarto si Yamraiha. Kakausapin ka raw," balita nito.Hindi sila nagkaroon ng pagkakataon ng bunsong kapatid na magkausap muli para maipaliwanag niya sana rito ang naging desisyon niya. Ngayon wala nang saysay kahit anong sabihin niya rito. Mahihirapan na siyang baguhin kung ano'ng gusto nitong paniwalaan pagkatapos ng nangyari.Nasa couch si Yamraiha at naghihintay nang lumabas sila ni Lyam ng banyo."Give me a ring if you need anything," sabi ng d

  • PIKUTIN ANG BILYONARYO   93 - woman in his phone

    Julie went to the window and pulled the curtain aside, tying its tail to the tapestry in the corner. Kakaakyat lamang ng araw sa silangan at ang nagdaang gabi ay nag-iiwan ng mga hamog na kumikinang sa dahon ng mga puno.Ngumiti siya at dumungaw sa ibaba. Wala na siyang hahanapin pa kung ganito kagandang tanawin ang bubulaga sa kanya tuwing umaga. Tila bumagsak ang ulap sa lambak na natatanaw niya. Umuusok habang unti-unting umaakyat pabalik sa kalawakan.Niluwagan niya ang sintas ng suot na robe at nilingon si Alexial na nasa kama. Is he sleeping? Seemed he is. But she got the feeling he is listening with her little movements.She just had her bath earlier. Kailangan niya iyon bago pa dumating ang mga kapatid ni Alexial pagkatapos ng agahan. Kapag sumugod ang mga iyon pakiramdam ni Julie ay nasa gitna siya ng pinakamagulong lansangan ng bansa. Only, stress-free because of their tricky treats.There are sixteen of them that she had met the last couple of days. Tanda niya ang mga mukha

  • PIKUTIN ANG BILYONARYO   92 - brother bullies

    It's cold. So cold. But he felt her gentle fingers raking his hair. Her lips nipping his earlobe and her warm breath in his nape. Binuksan niya ang mga mata."Good morning, sleepyhead!" masiglang bati ng magandang mukhang binangga ng kanyang paningin.His lips curved in a little smile. Must be a dream. Julie can't be here right now. Muli siyang pumikit. Pero kinagat nito ang kanyang tainga kaya napaungol siya at dumilat muli. Hindi panaginip? Nandito ang dalaga? Tinangka niyang kumilos at tumihaya mula sa pagkakataob sa kama pero kinuryente siya ng sobrang sakit na hindi niya matukoy ang pinagmumulan. Ang katawan niya'y parang senemento. Mabigat na mabigat at kumikirot."Mag-iingat ka. Magang-maga pa rin ang katawan mo, baka magdugo ang mga sugat kung pipilitin mong gumalaw," pahayag ni Julie."Julie," sambit niya."Hm? May masakit ba? Saan? Tatawagin ko ba ang doctor?" Itinago ng mapungay nitong mga mata ang pag-aalala."No. Bakit ka nandito? Nasaan ang mga bantay mo?" hindi niya mai

  • PIKUTIN ANG BILYONARYO   91 - truth

    Sa kabilang dako ng bansa, sa kinaroroonan ni Julie. Malungkot na nakatanaw sa malayo ang dalaga. Walang kaalam-alam, habang ipinaglalaban ni Alexial ang kalayaan nitong mahalin siya at pagbayaran ang kasalanang si Julie mismo ang maygawa. Kinapa ng dalaga ang cellphone niya. Nagtatalo ang isip kung tatawag o magtetext sa boyfriend. Ilang subok na ang nagawa niya ngunit hindi siya makakonekta. Tila nakapatay ang telepono ni Alexial."Ate, kay Alex po ba ito? Nakita ko roon sa laundry mo," pukaw ni Sofhie sa kanya mula sa may pintuan.Pumihit siya at agad umangat ang emosyon nang makita ang t-shirt ni Alexial na bitbit ng dalagita. Lumapit siya at kinuha iyon. Niyakap at napahikbi."Ate," hinaplos ni Sofhie ang kanyang likod."Nag-aalala ako sa kanya. Kinakabahan ako at ang sakit ng puso ko. Hindi ko maintindihan." Isinubsob niya ang mukha sa damit ni Alexial. Naiwan doon ang mabangong amoy ng binata at lalo siyang napaiyak."Anong nangyari?" marahas na tanong ni Ramses habang papalapi

  • PIKUTIN ANG BILYONARYO   90 - punished

    Ibinuga ni Alexial ang iniipong hangin sa dibdib pagkatapak ng mga paa niya sa lobby ng Nephilim Headquarters. Natanaw niya sina Rajive at Yamraiha na naghihintay sa kanya sa receiving section ng VIP lounge. Tinanguan niya ang mga ito at humigpit ang hawak sa cellphone na nasa bulsa ng kanyang pantalon. Nakapatay iyon at gustong-gusto na niyang buksan ulit pero nag-aalala siyang baka pag nakita niya ang text messages ni Julie ay tatakbo siya pabalik sa kinaroroonan ng dalaga."Sira ka ba? Bakit ka umuwi?" Kwenelyuhan siya ni Rajive. "You can choose a different way, Alex. It doesn't have to be like this. You can work at the community service," giit nito.Si Yamraiha ay ayaw siyang tingnan habang nakaigting ang mga panga at mahigpit na nakakuyom ang mga kamao. Gustong mag-amok pero nagtitimpi."There's no other way, Raj. Pagkatapos nito, pwede ko na siyang mahalin ng malaya. Sapat na iyon para sa mga sugat na tatanggapin ko," nagsalita siya sa mahinahong tono."Papatayin ko ang babaeng

  • PIKUTIN ANG BILYONARYO   89 - disappear

    Lumapit sa kanya si Alexial, kinuha ang memo at pinunit. "I'll explain further in your office."Tumango lamang siya. Pumasada ang paningin at nahinto kay Lambert na nagngingitngit kahit halatang walang naiintindihan sa nangyayari."I will be releasing names for those who are going to stay as members of the board. As of you who are not connected with this company anymore, I'll give you back your shares. That would be all, gentlemen. Thank you for coming," pinal na pahayag ni Alexial at bumaling sa kanya. "Let's go, baby. We have important things to catch up."Wala sa sariling umahon siya sa kanyang silya at humawak sa kamay ng binata. Hinayaan niya itong kaladkarin siya palabas ng conference room. Naiipon sa dulo ng kanyang dila ang maraming mga katanungan ngunit wala siyang naisatinig isa man sa mga iyon hanggang sa sinapit nila ang opisina niya."I know you're confused and wondering how all of these happen." Pagkaupo nila sa couch ay nagsimulang magpaliwanag si Alexial. "But I need y

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status