Huminga ng malalim si Kate bago siya pumasok sa malaking bahay kung saan siya nakatira. This place was her home for the past seven years of her life buhat nung ikasal siya kay Aiden Buenavista.
Kakagaling lang niya sa probinsya dahil dinalaw niya ang kanyang Lola Bien na may sakit at nanatili siya doon ng dalawang buwan dahil gusto niyang makasama ang kanyang lola.
Hindi na niya isinama si Pauleen dahil maiinip lang ito doon at hindi naman ito sanay sa buhay probinsya. Oo nga at hacienda ang lugar kung saan nandoon ang kabuhayan ng mga Hidalgo pero natitiyak niyang hindi ito magugustuhan ng kanyang anak kaya naman inihabilin niya muna ito kay Manang Siony
“Nandyan ka na pala!” sabi ni Manang Siony saka nito kinuha ang mga gamit niya
“Kamusta po kayo dito Manang?” tanong ni Kate at ngumiti naman ito
“Ayos lang kami dito, iha! Kung may problema naman, itatawag ko agad sa iyo!” sabi pa niya kay Kate
“Si Aiden po, umuuwi naman ba?”
Tumango naman si Manang kaya napanatag naman si Kate na may nakakasama si Pauleen habang wala siya dito ng dalawang buwan
“Nasaan po si Pauleen?” tanong niyang muli dahil miss na niya ang kanyang anak
“Nasa kwarto niya, iha!”
Mabait si Manang Siony at hindi naman lingid sa kaalaman niya ang kalagayan ng mag-asawa. Bagong kasal pa lang sila noon ay siya na ang kasama nila dito kaya naman nakikita niya kung ano ang pinagdadaanan ni Kate sa araw-araw.
Palagi na lang siyang pinapayuhan nito na balang araw, makikita din ni Aiden ang halaga niya. And she will just smile kahit pa wala na siyang nakakapang pag-asa sa puso niya na maayos pa silang mag-asawa.
Siguro, pagod na din siyang umasa.
“Pupuntahan ko lang po si Pauleen.” sa wakas ay sabi ni Kate saka siya pumihit para umakyat sa hagdan at puntahan ang kanyang anak
Kumatok siya sa pinto at nung nagsalita ang anak niya ay pinihit niya ang seradura at pumasok na siya sa pinto.
“Pauleen, Mommy’s here!” aniya pero nilingon lang siya ng kanyang anak at bumalik muli sa kanyang ginagawa
Halos mapaiyak na si Kate sa nakikita niya sa kanyang anak! Maaring matiis niya ang hindi magandang pagtrato sa kanya ni Aiden pero ang makita ang anak niya na lumalaking katulad ng kanyang ama, is way too much for her.
Pero anak niya si Pauleen at hindi niya ito pwedeng sukuan kaya naman nilapitan niya ito at niyakap mula sa kanya likuran.
“Ano ba ang pinagkakaabalahan mo?” tanong niya dito
Nakita niya na gumagawa si Pauleen ng bracelet na yari sa shells kaya naman napangiti siya dahil nakikita niya ang artistic side ng bata. Bagay na nakuha nito sa kanya.
“I am making a bracelet! Regalo po namin ito ni Daddy kay Tita Charlene!” masayang sabi ni Pauleen at halos hindi nakahinga si Kate sa sinabi ng kanyang anak
“Binili po ni Daddy ang materials nito abroad, Mommy! Pero may ibang gift din po yata si Daddy kay Tita para sa birthday niya. Excited na po akong ibigay kito sa kanya.”
Huminga ng malalim si Kate at pinigilan niya ang luhang nagbabadyang pumatak sa kanyang mga mata.
Sa edad ni Pauleen na anim, hindi man lang ito gumawa ng anything special for her kahit pa alam nito na birthday niya. There was no celebration kaya naman twing birthday niya, umuuwi na lang sila ni Pauleen sa bahay ng parents niya.
And in those seven years, never na nagpunta si Aiden sa birthday celebration niya. He must really hate her birthday!
“Ganun ba? I am sure, magugustuhan ni Tita Charlene ang regalo mo.” napatingin sa kanya si Pauleen at pumikit-pikit siya para hindi malaglag ang mga luha sa harap ng anak niya
“Okay ka lang, Mommy? Bakit parang sad ka?” tanong nito sa kanya
“Hindi baby! Masaya nga ako kasi nakauwi na ako dahil na-miss kita! Ikaw, na-miss mo ba si Mommy?” tanong niya sa anak niya
“Mmm….sige na Mommy, I have to finish this! Iwan niyo na po ako!” napangiti si Kate ng mapait dahil sa nakikita niya, ni hindi man lang hinanap ng anak niya ang kanyang presensya
“Okay anak! Maliligo lang si Mommy!” paalam niya pero hindi na siya sinagot ng bata dahil nagpatuloy na siya sa paggawa ng bracelet
Ano kaya ang regalo ni Aiden kay Charlene? Hindi niya mapigilang maghinanakit dahil sa tagal nilang mag-asawa, hindi siya nakatanggap ng kahit ano mula dito. Aiden supports the needs of the house pero ang personal na gastos niya ay galing sa sariling kita niya bilang sekretarya ng kanyang father in law sa kumpanya ng mga Buenavista.
Ayaw ni Aiden na magtrabaho siya pero dahil kagustuhan iyon ng kanyang biyenan, at bilang presidente pa rin siya ng kumpanya, walang nagawa si Aiden kaya naman sinabihan siya nito na hindi siya bibigyan ng pera for her personal needs dahil may pera naman siyang kinikita.
At isa yun sa maraming bagay na sinabi at ginawa ni Aiden sa kanya na nagpababa ng kumpyansa niya bilang tao at bilang babae.
Kilala siya bilang asawa ni Aiden sa kumpanya ng mga Buenavista pero wala siyang nakukuhang paggalang mula sa mga tao dito. Siguro kasi, naniniwala sila sa isang bagay na ibinibintang sa kanya ni Aiden kahit na hindi naman iyon totoo.
Taliwas kay Aiden at sa kapatid niyang si Gianna na palagi siyang pinagsasalitaan, mabait sa kanya ang mga magulang ni Aiden. Lalo na si Madam Armida, ang lola ni Aiden.
Nathan, her brother in law, ay normal lang naman. They are of the same age at hindi siya pinakitaan nito ng kagaspangan ng ugali.
Bata pa lang siya, magiliw na sa kanya ang Lola ni Aiden. Madalas siyang isama ng kanyang Daddy sa tahanan ng mga Buenavista at naging kalaro pa nga niya doon si Gianna at si Nathan. Nakakalungkot nga lang na wala na ang Daddy niya dahil kung buhay pa ito, hindi nito hahayaang masaktan siya.
Ang Mommy naman niya, iniwan ang kanyang Daddy noon tatlong gulang palang siya kaya naman ang Lola niya ang nagpalaki sa kanya.
Pagpasok niya sa kwarto ay agad siyang naligo dahil gusto na din niyang magpahinga. Pagod na din siya sa biyahe lalo at nag-commute lang naman siya paluwas ng siyudad.
After her bath ay tinuyo na niya ang kanyang buhok para makatulog na din siya hanggang sa maalala niyang tawagan si Aiden para ipaalam na nakabalik na siya.
Kahit pa alam niyang wala naman itong pakialam, she still made that call at matagal bago ito sagutin ng kanyang asawa.
“What!?” hindi na nagulat si Kate dahil sanay na siya na ganito ang pakikitungo sa kanya ng lalaking minahal niya eversince she was a teenager
Simpleng crush, puppy love hanggang sa nauwi sa one great love. Kaya nga masaya siya noong ipakasal sila ng kanilang mga magulang at kahit pa alam niyang abot-langit ang galit ni Aiden sa kanya, she still took the chance dahil umasa siya na mapapalambot din niya ang puso ng kanyang asawa.
“Nakabalik na ako.” maiksing saad ni Kate pero tahimik lang naman ang kabilang linya hanggang sa marinig niya ang isang tinig
“Aiden darling, c’mon! The water in the tub is ready!”
And then, naputol na ang linya.
Masayang sinalubong ni Rafael ang kanyang kapatid nung makababa ito ng kotse sa harap ng kanilang bahay sa hacienda. “Bunso!” excited na tawag ni Rafael saka niya niyakap si Kate na agad ding yumakap sa kanya“Kuya!” anito dahil namiss niya din ang kuya niya“Ang mga bata?” tanong agad ni Kate dahil excited na siyang ibigay ang mga pasalubong niya sa mga ito“Nasa loob! Tinutulungan nila si Trina sa kusina!” sagot naman ni Rafael saka ito bumaling kay Emir“Kamusta Emir!” ani Rafael saka nito kinamayan ang abogado ng kanyang kapatidNakilala na din ni Rafael si Emir nung lumuwas siya minsan ng Maynila para magtanong tungkol sa annulment ni Kate.“Okay lang Rafael!” nakangiting sagot nito“Tara na kayo sa loob! Nakahain na siguro si Trina at ang mga bata!” aya sa kanila ni Rafael kaya naman pumasok na sila sa loob“Tita Kate!” sabay pang sumigaw si Althea at Ramonchit saka sila tumakbo papalapit sa kanilang tiya“Kamusta na kayo! Ang laki niyo na ah!” sabi ni Kate matapos niyang hapik
Matapos ng pag-uusap nila ni Pauleen ay pumasok na si Kate sa kwarto nila ni Aiden para magimpake ng gamit niya. Inilagay din niya sa bag ang mga pasalubong na para sa pamilya ng Kuya Rafael niya.Medyo marami yun kaya naman snag maliit na maleta ang dala niya at yun naman ang inabutan ni Aiden pagpasok niya.“Kate…a-anong ibig sabihin nito…bait ka nag-iimpake?” napakunot naman ang noo ni Kate at tinignan lang niya si Aiden“Kate, huwag mo namang gawin ito! Kung nagalit ka dahil sa pagsundo ko sa iyo kanina, okay, hindi ko na uulitin! Just please, huwag mo kaming iwan! Hahanapin ka ni Pauleen!”Ang gandang panoorin si Aiden na ganito! Yung nagmamakaawa at natatakot dahil sa pag-alis niya.Ilang beses na ba niyang ginawa ito kay Aiden, dati? Ilang beses na ba siyang nagmakaawa kay Aiden na huwag umalis, hindi para sa sarili niya kung hindi para sa kanilang anak pero lalo itong nagagalit sa kanya.Na kesyo ginagamit niya pa si Pauleen!“Kate please, don ‘t do this!” ani Aiden kaya nap
Nasa opisina si Kate and she was so happy with the results of the recent collection na ni launch ng Polaris kasama ang Herrera Jewels.Marami ang kumuha ng complete set at marami pang orders na parating ayon sa report sa kanya at masaya niya itong ibinalita kay Giselle. Ipinadala din niya sa e-mail nito ang mga reports at information na kailangan niya at ngayon nga ay tumawag ito sa kanya through video call.“Hello Ma’am Giselle!” ani Kate nung sagutin niya ang tawag nito“Oh my, Kate! This is great news!” sabi ni Giselle habang tinitignan ang mga ipinadala niyang report“You did a very good job!” sabi pa nito at nagpasalamat naman si Kate sa kanya“Thank you din po Ma’am Giselle! Hindi ito magiging posible kung hindi dahil sa tiwala ninyo sa akin ni Declan!” magalang na sagot ni Kate dito“Kamusta ka naman diyan, iha? How are things going with the annulment?” tanong ni Giselle dahil aware naman siya sa nakaraan ni Kate“Medyo magulo pa po, Ma’am! Pero inaayos ko na po!” sagit ni Ka
“Pare, hinay-hinay lang!” paalala sa akin ng kaibigan kong si Gilbert habang nandito kami sa isang barMatapos kong umalis sa bahay ay dito ako dumeretso para uminom dala na din ng lungkot at sakit na nararamdman ko. Para bang wala na akong pag-asa kay Kate lalo pa at narinig ko ang magiliw na pakikipag-usap niya sa Declan na iyon.Hindi ko napigilan ang selos na nararamdaman ko at aaminin ko, ibang -iba sa pakiramdam nung halikan ko si Kate! Ang sarap sa pakiramdam pero lalo siyang nagalit sa akin lalo na nung aminin ko ang pag-ibig ko sa kanya.“Hindi ko na alam ang gagawin ko!” naghihinanakit na saad ko kay Gilbert kaya naman napailing na lang ito lalo pa at alam naman niya ang lahat ng kalokohan ko noon“Pare, hindi mo mapipilit si Kate! Pagkatapos ng ginawa mo sa kanya, hindi mo naman siguro ine-expect na ganun lang kadali ang paghingi ng tawad, tama?” ani Gilbert at alam ko naman din yunMaybe, I just didn’t expect it to hurt this much!“Alam ko naman yun, Gilbert! Ang sakit lan
Naitulak ni Kate si Aiden matapos siyang bigyan ng makapigil hiningang halik! Hindi alam ni Kate kung ano ang mararamdaman niya nung mga oras na iyon pero si Aiden, masakit sa pakiramdam niya na ganito ang ginawa ng kanyang asawa sa kanya.Mukhang hindi na talaga siya mapapatawad ni Kate!“Aiden, ano bang problema mo? Bakit mo ginawa yun?” galit na tanong nito sa kanya“Kate, please, huwag kang magalit! Gusto ko lang naman ipakita sa iyon na nagbago na ako! Na mahal kita!” napailing si Kate sa sinabi ni AidenKung noon, gusto niyang marinig ito, ngayon, hindi niya alam! Lalo pa at naaalala niya na minsan, sinabi din ni Aiden na mahal niya si Charlene!FLASHBACK:“Pwede ba Kate, huwag mo akong kwestyunin sa mga gusto kong gawin! Sino ka ba sa akala mo?” galit na angil sa kanya ni Aiden habang pababa siya ng hagdanAalis si Aiden noon at nasisiguro niya na kay Charlene na naman ito pupunta.“Aiden, nakikiusap naman ako sa iyo! Birthday ni Kuya Rafael kaya sana sumama ka naman sa amin n
Pauleen was very happy dahil sa naging outing nila this weekend at nung pauwi na nga sila ay panay pa ang hirit nito na sa next weekend, mamasyal ulit sila.Kate just kept her silence at hinayaan na lang niya na mag-usap ang mag- ama tungkol dito.Pagdating nila sa bahay that afternoon ay inasikaso muna ni Kate ang kanyang anak at sinabihan na magpahinga na muna.Matapos niyang ayusin ang gamit ni Pauleen ay nakita niya na nakatulog na ito kaya napangiti naman siya.Hindi na niya hahayaang mawala ang kanyang anak sa kanya. Lumapit siya dito and kissed her forehead saka siya maingat na lumabas sa kwarto nito.Sge entered Aiden’s room at sakto naman na nagring ang phone niya and she saw that it was Declan.“Hey!” ani KAte nung sagutin niya ang telepono niya“Kamusta?” tanong pa niya in her jolly voice“Okay lang! Nami-miss na kita!” seryosong sabi ni Declan kaya napahinga ng malalim si Kate“May problema?” tanong pa ni Declan when she heard her sigh“Wala naman D! Hindi lang kasi nangy