Ramdam ni Kate ang panginginig ng katawan niya the moment she heard Charlene’s voice in the background. Although aware na siya sa affair ni Aiden sa babaeng ito, hindi niya pa rin maiwasang masaktan.
Malinaw sa kanya na si Charlene ang priority niya lalo at kinamumuhian siya ni Aiden dahil sa kasalanang hindi naman niya ginawa.
Kahit ganun si Adam, pinagsilbihan niya ito at naging ulirang asawa siya. She makes it a point na siya ang nag-aasikaso ng pagkain ni Aiden lalo pa at may diet itong sinusunod.She did everything to please him pero bato ang puso ni Adam sa kanya ay kahit pa ganun she still tried her best. She made sure everything na kailangan nito ay naihahanda niya kahit pa nawalan na siya ng pag-asa na magbabago pa ang pakikitungo nito sa kanya.
Bago umuwi si Aiden nakahanda na ang mga gamit niya at ganun din naman pagpasok nito sa umaga. They never share the same bed at buhat nung ipanganak niya si Pauleen, he never touched her. Pero hindi na iniisip ni Kate ang bagay na iyon dahil ang mahalaga, umuuwi sa kanila si Aiden.
Kahit pa si Pauleen na lang ang dahilan ng pag-uwi niya, ipinagpasalamat pa rin ito ni Kate pero hindi pala ito magtatagal.
Pagtuntong ni Pauleen ng three years old ay doon nalaman ni Kate ang tungkol kay Charlene Figueroa. The same year na hindi na halos umuuwi si Aiden sa bahay. Sa isang linggo, dalawa o tatlong beses lang siya nandito para kamustahin ang anak niya.
Hindi niya alam kung kailan at kung paano ito nakilala ni Aiden pero naging malinaw sa kanya ang affair ng dalawa noong aksidenteng makita niya ang mga ito sa isang hotel.
May meeting sa nasabing hotel ang kanyang father in law at kasama siya nito noong panahon na iyon. Paalis na sila noon at papasok naman si Aiden at ang isang babae na halos magpabuhat na sa kanya habang papasok sa hotel.
Mabuti nalang, hindi ito nakita ng biyenan niya at nung umuwi si Aiden ay agad niya itong tinanong pero nagalit pa ito sa kanya.
“Wala kang karapatang pakialaman ako, Kate! Huwag mong isipin na porke pinakasalan kita, may say ka na sa buhay ko!” gigil na sagot ni Aiden sa kanya
“Aiden, kasal tayo! Baka naman pwedeng igalang mo iyon dahil pinag-uusapan na tayo ng mga tao lalo at binabalandra mo sa publiko ang babae mo!” paliwanag ni Kate sa kanyang asawa pero pinagtawanan lang siya ni Aiden
“Do you really think I care? Alam ng mga taong sinasabi mo ang dahilan kung bakit kita pinakasalan, Kate! Kaya wala akong pakialam kung pag-usapan nila tayo!” matigas na sagot ni Aiden
“Bakit ba sa akin mo pa rin isinisisi yun, Aiden! Wala naman akong kasalanan dahil biktima lang din ako!” naiiyak na sabi ni Kate
Pero wala ng puwang sa puso ni Aiden ang mga paliwanag niya. For him, Kate is a liar and a cunning woman! And he detest her for that!
“Dahil yun ang totoo, Kate! At habang nabubuhay ako, hinding-hindi kita mapapatawad! Kung hindi lang dahil kay Pauleen, hinding-hindi kita pakakasalan!”
Hindi na nakapagsalita si Kate matapos niyang marinig ang sinabi ni Aiden. At sa loob ng pitong taon, nasanay na siya at ang puso niya sa pananakit ng asawa.
Emotional stress is far more worse than physical pain. Kung paano niya kinaya, yun ay dahil sa anak niya pero sa nakikita niyang pakikitungo ni Pauleen sa kanya, nawawalan na din siya ng pag-asa!
Limang taon na si Pauleen nung minsang isama ito ni Aiden para mamasyal. Gusto niyang sumama pero hindi ito pumayag at dahil ayaw niyang magalit ito sa kanya, hindi na siya nagpumilit.
At halos gumuho ang mundo niya noong masayang umuwi si Pauleen matapos ang kanilang pamamasyal at bukambibig na niya si Charlene at tinatawag na niya itong Tita.
Sinumbatan niya si Aiden dahil para sa kanya, sobra-sobrang pang-iinsulto na ito sa kanyang pagkatao at sa pagiging ina niya.
Sino bang matinong lalake ang isasama ang anak niya sa lakad na kasama ang kabit niya?
She cried a river lalo nung magkibit-balikat lang si Aiden at sabihing masyado siyang insecure kay Charlene.
Galit na galit siya kay Aiden at kay Charlene at lahat ng iyon ay isinasalaysay niya sa kanyang Lola Bien.
Wala namang magawa ang Lola niya dahil may edad na din ito. Pero isa lang ang sinasabi nito sa kanya at para sa kanya, suntok sa buwan na iyon.
‘Makikita din ni Aiden ang halaga mo’
Naisip niya, hindi siguro! Dahil sa nangyayari ngayon, baka nga hinihintay na lang ni Aiden na mamatay na siya para maging malaya na sila ng babae niya.
Mahirap ang sitwasyon ni Kate lalo na noong magkasakit ang Lola niya. Wala na siyang masabihan ng kanyang mga problema lalo at umalis na din sa bansa ang matalik na kaibigan niyang si Deniz.
Palagi naman itong tumatawag sa kanya at alam niyang malaki na ang galit nito kay Aiden dahil sa mga nababalitaan niyang pagtataksil nito.
She even convinced her to file for annulment pero hindi naman iyon sumagi sa isip ni Kate, not until today na napagod na siya sa kanyang sitwasyon.
Sagad na din ang pang-unawa at pasensya niya kaya naman nag-iisip na siya na gawin ang payo sa kanya ni Deniz.
“Paano ang anak ko?” tanong niya dito noong minsang magkausap sila dahil kahit ganun si Pauleen, anak pa rin niya ito
“Ikaw ang nanay kaya may karapatan ka pa rin sa bata! You can have joint custody, Kate! Uso naman ang co-parenting!” paliwanag sa kanya ni Deniz
Pero natatakot pa rin si Kate na baka gamitin ni Aiden ang pera at impluwensya niya para mawalan siya ng karapatan kay Pauleen kaya naduduwag siyang gawin ang bagay na ito.
Nahilot ni Kate ang sentido niya dahil pakiramdam niya, sumasakit na iyon sa mga bagay na gumugulo sa isip niya.
Bibigay na nga yata siya at mukhang mauuna pa siya sa kanyang Lola Bien.
Nagpasya na siyang matulog dala na din ng pagod at hindi na niya inisip na balikan si Pauleen para asikasuhin. Alam niyang mali, pero hindi niya maiwasang sumama ang loob sa kanyang anak na nagpapakita ng hindi magandang ugali sa kanya.
Siguro, bukas na lang dahil talagang pagod na siya.
Naalala niya si Aiden as she closed her eyes at naisip niya na kausapin na ito ng masinsinan bukas tungkol sa annulment ng kasal nila. Masyado ng matagal at kung ito ang paraan para manumbalik ang respeto niya sa kanyang sarili, gagawin niya kahit masakit.
Palalayain na niya si Aiden!
Nagulat nalang siya nung mag-ring ang telepono niya at nung abutin niya ito ay nakita niyang si Aiden ang tumatawag. Ayaw na sana niya itong sagutin pero ginawa pa rin niya lalo at ayaw tumigil sa pagtunog ang telepono niya.
“Bakit ang tagal mong sagutin?” tanong niya dito
“Natutulog na ako!” maiksing sagot niya
“Ihanda mo ang gamit ni Pauleen bukas, ipapasundo ko siya bukas ng umaga! Isang linggo kaming mawawala!” pahayag ni Aiden at alam na ni Kate ang dahilan
Dahil birthday ni Charlene, aalis sila.
“Okay! Yun lang ba?” matabang na sagot niya at nung hindi na sumagot si Aiden, pinatay na niya ang telepono.
Pagdating ni Camilla sa restaurant ay nagkataon na nandoon si Menchie kaya naman kinuha na niya ng pagkakataon na iyon para magpaalam sa kanyang kaibigan. At gaya ng napagdesisyunan niya, hindi niya sinabi sa kaibigan niya ang tungkol sa trabahong papasukin niya.“Biglaan naman yata yan, Camilla?” tanong ni Menchie sa kanya nung magkausap sila sa kusinaNagpaalam na din siya sa mga kasamahan niya sa kusina at nalulungkot ang mga ito sa biglaang pag-alis niya.“Alam mo naman na nakasanla ang bahay at lupa namin, sissy. Lalong magagalit sa akin ang Mommy pag hindi ko yun natubos.” malungkot na pahayag ni Camilla“Hindi mo naman kasi kasalanan yun, Camilla!” naiinis na saad ni Menchie pero hinawakan agad ni Camilla ang kamay ng kanyang kaibigan“Oo sissy pero may obligasyon ako sa Mommy ko. Ayaw ko din namang mawala ang bahay dahil yun na lang ang naiwan sa amin ni Daddy!” sagot ko sa kaibigan ko“Hay naku, e teka, ano bang trabaho ang papasukin mo doon sa Davao?” tanong ni Menchie at na
Hindi na mapakali si Camilla lalo na at hindi siya nakatulog noong nagdaang gabi dahil sa pag-iisip niya sa offer sa kanya ni Declan.Hindi niya alam kung ano ang gagawin dahil na rin sa mga kondisyon na inilatag sa kanya kagabi ni Declan.Isang taon!Isang taon siyang maninirahan kasama si Declan sa isang bubong at ayon dito, hindi siya tatanggap ng kahit anong trabaho.So ano ba ang magiging papel niya sa buhay ni Declan? “Nakikinig ka ba?” napitlag bigla si Camilla nung marinig niya ang malakas na tinig ng kanyang inaBinalingan niya ito at gaya ng dati, salubong na naman ang kilay nito habang nakatingin sa kanya.“Mommy, ano po yun?” tanong niya dahil sa lalim ng pag-iisip niya, hindi niya narinig kung ano ang sinasabi nito“Ano bang iniisip mo ha! Kanina pa ako salita ng salita dito, hindi ka naman pala nakikinig!” galit sa saad ng kanyang ina“Mommy, sorry po! Huwag na po kayong magalit!” saad ni Camilla dahil hinihingal na ang kanyang ina at natatakot na siya na baka mapano
Sumunod si Camilla kay Declan palabas ng casino at hindi nga niya alam kung tama ba ang ginawa niyang pagpayag sa kagustuhan nito dahil sa mga oras na ito, nagsisimula na siyang kabahan.Tama ba ang naging desisyon niya at kung sakali ba, hindi siya mapapahamak? Ano ba ang laban niya sa lalaking ito kung sakali man na gawan siya ng masama nito?Naglakad ang lalaki sa parking lot at huminto ito sa harap ng magarang sasakyan saka siya inayang sumakay doon.Naramdaman ni Declan ang pag-aalinlangan kay Camilla kaya naman nagtanong siya dito.“Natatakot ka ba sa akin?” tanong ni Declan kaya napakurap pa si Camilla na halatang nag-iisip din“Hindi naman…” bulong niya pero sapat naman para marinig ni Declan“Huwag kang mag-alala! Gaya ng sinabi ko sa iyo, isang dinner lang! Gusto lang talaga kitang makausap!” saad ni Declan kaya napakunot naman ang noo ni Camilla“Bakit mo ako gustong makausap?” nagtatakang tanong ni Camilla She looked at Declan at nakita niya kung paano ito ngumiti.“Hind
Pagbukas ng pinto ay ay agad na pumasok ang tatlong lalaki na pawang naka business suit at sila ang makakasama nila Camilla ngayong gabi sa casino.Nakadama ng kaba si Camilla pero pinilit niyang itago iyon dahil kailangan niyang gawin ito. Kailangan niyang gawin ang lahat para matubos ang bahay at lupa nila dahil nangangamba siya na baka nga tuluyan na siyang itakwil ng Mommy niya.Ang Mommy nalang niya ang meron siya at hindi siya papayag na pati ito, mawala na din sa kanya.Isa-isa ng lumapit sa kanila ang mga bagong dating napaangat ang tingin niya sa lalaking pumili sa kanya.“Hi! Ako nga pala si Damian!” saad nito at kung titignan ang lalaking nasa harap niya, masasabing nasa late forties or early fifties na ito“Hello sir! Shantel po, your escort for tonight!” nakangiting sagot din ni Camilla dito“Let’s go, para makarami!” anito kaya kumapit na agad sa Camilla sa nakalahad na barso nitoNaglakad na sila palabas ng hotel room para makapunta sa casino kung saan maglalaro ang mga
“Anong oras ka na ba nakauwi kagabi?” tanong ng Tiya Azon ni Camilla nung umagang iyon habang umiinom ng kape ang dalagaAlas-dose na din kasi siyang nakauwi kagabi dahil nahihirapan siyang sumakay ng taxi matapos niyang bumili ng gamot na kailangan ng Mommy niya.Nakita niya ang perang matanggap niya mula kay Chit at sampung libo lang ito kaya naman nakaramdam siya ng lungkot.Malaki pa ang kailangan niyang ipunin na pera at baka nga sa desperasyon na nararamdaman niya, pumayag na siya na hindi lang page-escort ang gawin niya.Wala naman ng mawawala sa kanya dahil sabi nga ng iba, sira na ang hymen niya pero hindi naman niya ito pinagsisihan.Dahil mas pagsisisihan niya kung natuloy siyang pumasok sa kumbento ng labag sa kanyang kalooban.Mas magiging kasalanan sa Diyos kung nandoon nga siya pero hindi naman siya masaya!At yun ang naging mitsa ng away nila ng kanyang Mommy kaya ito inatake. At wala siyang ibang sinisi kung hindi ang sarili niya.At sa araw-araw na ginawa ng Diyos, i
Kumurap si Declan at napatunayan niya na hindi siya dinadaya ng kanyang paningin! Si Camilla talaga ang babaeng kasama ni Congressman Stanley na kaibigan din ni Aiden.Pero bakit Shantel ang pangalan na sinabi ni Aiden at hindi Camilla?Kumapit ulit si Camilla sa braso ni Stanley nung makabalik na siya buhat sa restroom at paminsan-minsan, sumasali naman siya sa usapan ng magkakaibigan. At nung maglibot sila ay doon nakakuha ng pagkakataon si Declan na tanungin si Aiden tungkol sa dalaga.“Pare, natatandaan mo ba si Camilla?” tanong ko kay Aiden at nagkataon naman na lumapit na din sa amin si Kate“Camilla?” tanong ni KAte sa akin dahil yun ang narinig niya noong makalapit siya“She is here Kate!” sagot ko naman sa kaibigan ko“D, bakit ba kung saan ka nagpupunta, nandoon si Camilla! Una, noong binyag ni Mathias, ngayon naman, dito? Baka naman namamalikmata ka lang?” ani Kate pero umiling si Declan sa kanya“Sigurado ako! Pare, si Shantel, siya si Camilla!” baling ni Declan kay Aiden