LOGIN
Pearl: Ate, buntis ako. Ang asawa mo ang ama.
Umuga sa sakit ang buong katawan ni Psalm nang mabasa ang chat. Gusto niyang bitiwan ang cellphone at ihulog na lamang sa sahig. Pero may bagong message na pumasok. Pearl: Huwag mo akong sisihin. Tatlong taon na kayong kasal pero hindi mo pa rin mabigyan ng anak si Darvis. Ilang beses lang kaming nagtalik at heto nabuntis ako agad. Mariing kinagat ni Psalm ang ibabang labi at hindi na tinikis ang mga luha. Pinabayaan niyang isa-isang malaglag hanggang sa mistulang ilog iyon na bumaha pababa sa mga pisngi niya. Hindi niya inasahan na darating siya sa puntong ito. Kahit minsan ay hindi niya pinagdudahan ang pag-ibig ng kaniyang asawa. Ano pa ba ang kulang sa kaniya? Ano ba ang naging pagkakamali niya para parusahan siya ng ganito ni Darvis? At sa dinami-rami ng babae, kapatid pa talaga niya ang kinabit nito? Pearl: Ate, wala ka naman talagang kuwenta, alam mo iyan. Kasunod ng huling chat na iyon ay ang photo ng pregnancy test pack. Nakabandera roon ang dalawang pulang linya, indikasyon na buntis nga ang kapatid. Banayad na hinaplos ni Psalm ang kaniyang tiyan at sumilip ang mapait na ngiti sa sulok ng labi. Tatlong taon na siyang kasal kay Darvis. Buong Sto. Dominggo ay naniniwalang mahal siya ng lalaki at kahit kailan ay hindi siya nito magagawang saktan. Ayon nga sa karamihan, mabuting lalaki raw ang natagpuan niya at pagpapala iyon dahil sa mga kawanggawa ng kaniyang ninuno noon. Pero walang nakakaalam. Si Darvis Florencio ay anak lamang sa labas at hindi tanggap ng pamilya nito. Ramdam ni Psalm noon ang pait ng mga pinagdaanan ng lalaki dahil dumanas din siya ng kaparehas na karanasan. Hanggang sa hindi na niya natiis ang patuloy na pagmamaliit kay Darvis at ang pagkasadlak nito sa impeyernong pinagkulungan dito ng sariling mga kamag-anak. Buong tapang niyang hinawakan ang kamay ni Darvis noon at inakay ito palabas sa madilim na mundong nilikha ng pamilya nito. Sinamahan niya ang lalaki, pinapalakas ang loob upang magkaroon ng pag-asa habang hinahabol nito ang tiwala ng mga Florencio, kungsaan ang pagmamahal ay mahirap makamit dahil sariling interes ang inuuna ng bawat isa. Tinulungan niya ang asawa na maging lider ng angkan at makuha ang kapangyarihang kailangan nito. Nagtagumpay ang lalaki. Saka siya nito inalok ng kasal at kaagad siyang pumayag. Galante si Darvis. Hindi siya tinipid bagkus ay binigyan siya ng engrandeng kasal. Lahat ng bagay na kailangan niya ay nakukuha niya sa isang pitik lang ng daliri. Isa siyang asawa na kinaiinggitan ng mga kababaehan sa buong bansa. Kompleto at masaya ang buhay niya. Pero kailan nga ba nagbago si Darvis? Tatlong buwan na ba? Tama. Tatlong buwan na nga ang lumipas mula nang gabing iyon. Ang gabing kasing itim ng tinta at naglunod sa kaniya sa matinding pagkawasak. Nagpunta noon si Psalm sa Haven 101, isang exclusive club na madalas bisitahin ni Darvis. Balak niya kasing sorpresahin ang asawa. Ngunit sa bungad pa lang ng pinto'y narinig na niya ang kaibigan at kababata ng lalaki na tinutudyo ito. "'Tol, plano mo bang manatiling loyal sa piling ng asawa mo habang buhay? Ayaw mo talagang tikman ang ligaw na mga bulaklak sa tabi-tabi?" kantiyaw nitong naglalaro ang halakhak sa tono. "Tigilan mo nga ako, Jun." "Grabe, ano'ng klase kang lalaki kung hindi ka marunong magtaksil, di ba, guys?" Naghanap pa ito ng kakampi mula sa ibang mga naroon. "Matagumpay ka, ma-impluwensya, tinitingala. Dapat may mga babae ka sa labas ng tahanan mo na handa laging bigyan ka ng good time." Natanaw ni Psalm na napawi ang ngiti sa labi ni Darvis. Pahinamad itong sumandal sa sofa at sinuyod ng malamig na tingin ang mga naroon. "Gusto mo ba ng gulo?" may babala sa timbre nito. Natahimik ang lahat. Ang iba na kanina ay natawa at nakisali sa asaran ay biglang natakot at namutla. Halos lumuhod ang mga ito at pagsasampalin ang sarili. Alam ng mga kaibigan nito na si Psalm ang kahinaan ni Darvis. Ngunit, biglang nagsalita ang lalaki. "Pero, ano nga ba ang lasa ng ligaw na mga bulaklak. Nasubukan mo na ba, Jun?" Muli nitong binalingan ang kaibigan. "Boring mag-stay sa iisang tao. Masyadong makaluma si Psalm. Isang posisyon lang ang alam at hindi marunong lumandi. Kahit sino mabo-bore sa kaniya. At tama ka. Pag-aari ko na ngayon ang Florencio Group of Companies. Pero siya lang ang babaeng pinayagan kong tumayo sa aking tabi. Kapag nalaman ng buong mundo, pagtatawanan ako." "Iyon naman pala! Nagising ka rin sa katotohanan!" hiyaw ni Jun. Naging maingay ulit ang paligid at pumaligid kay Darvis ang iba pang mga kaibigan nito, kaniya-kaniyang hirit kung gaano ka-exciting ang ligaw na mga bulaklak. Ginuguyo ng mga ito ang lalaki na huwag hayaan ang sariling tumandang mag-isa. "Pero huwag ninyong ipaalam kay Psalm ang tungkol sa usapan natin dito, may kalalagyan kayo sa akin," babala ni Darvis. Halatang matagal na nitong sumubok na gumamit ng ibang babae para pawiin ang libog. Mahal siya nito, alam ni Psalm iyon. Siya ang babaeng mapalad na nakapuwesto sa tuktok ng puso nito, ang nag-iisang pag-ibig na kikilanin nito sa buong buhay. Pero dapat nga siguro niyang tanggapin. Lalaki ang asawa niya, hindi monghe. Sobrang hirap siguro para rito ang suklian ng katapatan lahat ng sakripisyo niya. Nawalan ng ganang umiyak si Psalm o ang pumasok at gumawa ng eksena. Tahimik siyang umalis, sa gitna ng malamig na gabi ay binalot ng hindi maipaliwanag na kirot ang puso niya at marahil ay hindi kinaya ng sistema niya ang sobrang stress. Nilagnat siya pagkauwi siya ng bahay nila. Umuwi rin naman agad si Darvis nang malaman nitong nagkasakit siya. Nanatili sa tabi niya ang asawa ng halos buong linggo para personal siyang alagaan. Kaso nang makatanggap ito ng tawag na alam niyang galing sa ibang babae, nagdahilan ito agad na may madaliang trabaho sa kompanya na kailangang ayusin. Iniwan din siya kahit may sakit. Kailangan niyang manatiling mahinahon. Sinikap ni Psalm na ikalma ang sarili. Pagkaalis ni Darvis ay tinawagan niya ang isang malapit na kaibigan. "Tulungan mo akong gumawa ng pekeng car accident. Gusto kong iwan si Darvis. Pero babawiin ko muna lahat sa kaniya bago ako aalis." "May nangyari ba?" "He is cheating on me and I can't take it. Please, tulungan mo ako." "Ano bang ginawa niya? Nahuli mo ba in act?" "Kailangan ko pa bang dumating sa puntong iyon? Baka mapatay ko lang sila." "Sige, titingnan ko kung ano'ng magagawa ko. Kaya lang buo na ba talaga ang isip mo? Paano kung naguguluhan lang pala si Darvis sa ngayon?" tanong ng kaibigan niya. "Dinig ko ang lahat ng sinabi niya. Huwag kang mag-alala ako na ang bahala. Hindi kita idadamay sakaling malaman niya ang plano ko." Nasa tono ni Psalm ang determinasyon na tapusin na kung anuman ang mayroon sa pagitan nila ng asawa niya. Dapat lang din. Sa kaniya nagsimula ang pagmamahalan nila. Pero dahil sa kataksilan ni Darvis, matatapos iyon at siya ang gagawa.Masigla at masaya ang buong villa. Nag-host ng dinner banquet si Darvis para sa pamilya upang i-celebrate ang pagbubuntis ni Lexy. Off-limits sa media at exclusive lamang para sa kamag-anak ang party. Tuwang-tuwa naman si Lexy sa mga regalong natatanggap. Feeling niya tuloy ay manganganak na siya bukas. "Nga pala, may close door meeting na naman kayo kanina ni Kuya Ymir. Ano bang pinag-usapan ninyo? Hindi ka nagkukwento kahit noong nagkita kayo ni Mommy," usisa niya sa asawa. "Hayaan mo na iyon, kunting problema lang at kaya ko nang ayusin. Right now, mag-focus tayo sa baby natin, okay?" Hinaplos nito ang kaniyang balakang."Pero, Darvis, kailangan kong malaman kung may problema tayo para alam ko kung saan lulugar o kung may kailangan akong gawin para hindi lumala. Hindi makatutulong sa akin iyang paglilihim mo, I am not a sheltered princess. I am a survivor of abuse, remember that." May bahid ng inis sa kaniyang tono. Darvis let out a sigh. "Alright, I'll tell you later. Mag-enjoy
"Money can move mountains as it can bend the law. If the price is right, money can buy everything, even superficial happiness," sabi ni Darvis at sumandal sa railing ng balcony. Kausap niya ang mga magulang. Wala siyang ibang mapagsabihan tungkol sa bagong krisis na sumusubok ngayon sa pagsasama nilang dalawa ni Lexy. Naghihintay siya na may isang tao na magsabing hindi kailangang ipawalang-bisa ang kasal niya. This is one thing that he is willing to fight in order to keep even if it costs him his life. "Darvis!" tili ni Lexy mula sa loob ng kuwarto. Naaalarmang tumakbo sila ng mga magulang niya papasok pero binalya siya ng yakap ng asawa. Natatawa pero naluluha itong lumundag-lundag habang nasa mga bisig niya. "Tingnan mo!" Ipinakita nito ang test pack. Dalawang pulang guhit? "Buntis ako!" tili nito at lumipat ng yakap kay Senyora Matilda. "Congratulations, hija!"Nagkatawanan na rin sila ng daddy niya. Ayaw niyang i-spoil ang kaligayahan ng asawa kahit pa posibleng parte pa ri
Nabasa ni Darvis ang dokumentong ipinasa ni Ymir sa email niya. Marriage certificate nina Lexy at Jacob Smith, dated last year and the wedding venue was in New York. Sabi ng doctor kanina sa phone 'wag siyang maniwala kahit authenticated ang papeles at certified true copy ang hawak nila. Gusto niyang tanungin si Lexy pero nag-aalala siyang baka makadagdag lang sa stress ng asawa. Siguradong ide-deny nito ang marriage certificate na iyon at walang dudang paniniwalaan niya anuman ang sasabihin nito. "Sir, ready na silang lahat sa conference," abiso ni Fred sa kaniya. Kung wala sana siyang meetings ngayong araw, gusto niyang pagtuunan ng atensiyon ang tungkol kina Lexy at Jacob. Tumayo siya at lumabas sa likod ng kaniyang desk. He went out of the office and directed towards the conference. An important guest is waiting for him inside other than the dignitaries and delegates of their new business venture."Don Romano," lumapit siya sa matanda at nakipagkamay rito. "Congratulations for
Alas-diyes pa lang ng umaga pero panay na ang hikab ni Lexy, hindi pa rin siya tinantanan ng antok kahit sapat naman ang tulog niya sa gabi. Buti na lang at tapos na ang meeting nila ni Sunday sa tatlong clients. Tagumpay rin nilang naayos ang kontrata ng import-export services na ni-require ng mga kliyente. "Buntis ka ba? Kanina ka pa humihikab," komento ni Sunday. Nagpalitan sila ng mga dokumentong pipirmahan. Signatory silang dalawa sa lahat ng paper trail na papasok at lalabas ng opisinang iyon. "Bakit? Gusto mong maging ninang ng baby ko?" tikwas ang kilay niyang tugon. Umirap ito at itinuon ang paningin sa papeles na lalagdaan. "Hindi ka mai-insecure na mas maganda pa sa mommy ang magiging ninang ng anak mo?" "Kanino mo narinig na mas maganda ka sa akin? May sira sa mata ang taong nagsabi no'n. Dapat magpa-EO na siya.""Ayaw mo lang aminin.""Bakit ko aaminin ang hindi naman totoo?" Binalingan niya ang phone na tumunog at agad naalerto ang sistema nang makita kung sino ang t
Isang linggo pagkatapos ng honeymoon trip nila sa isla, naging active ang morning sickness ni Lexy. Tinatamad siyang bumangon sa umaga. Kahit mataas na ang sikat ng araw ay inaantok pa rin siya. Laging masakit ang ulo niya at nasusuka siya. Pero kapag iniisip niyang buntis siya sa anak nila ni Darvis, bumabawi ang sigla niya. Pagkatapos ihain ang agahan ay nag-brew siya ng kape para sa asawa. Maglilinis siya mamaya pagkaalis nito. Medyo magulo pa ang kitchen dahil nagdagdag siya ng mga gamit. Lumipat na sila sa bahay na binili ni Darvis para sa kaniya. Natutuwa siya sumama sa kaniya ang lalaki. Akala niya ay roon pa rin ito mananatili sa penthouse. Nasaklot niya ang sikmura nang sumigid na naman ang asim paakyat sa lalamunan niya. Mabilis siyang uminom ng maligamgam na tubig. Humupa ang kulo sa tiyan niya."Are you okay?" Dinaluhan siya ni Darvis na kapapasok lamang ng dining room at nakita siyang nakayukyok sa sandalan ng silya. "Nasusuka na naman ako," angal niyang tipid na ngumi
"Okay lang ba si Lexy?" tanong ni Psalm kay Ymir na nagtitimpla ng gatas para sa kaniya. Isinampa niya ang mga binti sa kinauupuang L-shaped sofa. "She will be fine. Kasama niya si Darvis and they're spending their honeymoon right now at the island." Pumihit ang asawa niya bitbit ang personalized thumbler na may pangalan niya. Naroon ang gatas at sinamahan na rin nito ng prutas para sa digestion. "Did you schedule for Lexy's treatment?" "I referred her to a multi-disciplinary team.""Hindi mo personal na iha-handle?""Psalm, I need to concentrate on your recovery, okay? Si Darvis na ang bahala kay Lexy. I will assist if necessary but I can't compromise your health status."Saglit siyang nawalan ng imik. It's been week since she gave birth to their twins through C-section. She is staying here at the cabin suite of Ymir in the hospital. Maraming surgeries na naka-kalendaryo ang asawa niya pero gusto nitong maging hands on sa pag-aalaga sa kaniya kaya rito na muna sila nag-stay. Si An







