hello mga mahal, mamayang gabi po ang chapter 92, thank you sa pagbabasa!
Pinirmahan ni Psalm ang annulment papers at nag-phocopy ng dalawa. Ang isa ay nilagay niya sa box kasama ang original copies ng sonogram. Hinubad niya ang suot na wedding ring at ikinulong sa palad ang wedding ring. "Minahal kita, Darvis. Minahal kita ng sobra. Pero hangga't hindi mo inaamin sa akin ang kataksilan mo kasama si Pearl, patuloy kang magkakasala sa kasal natin at mas magiging mabigat ang parusang ibibigay ko sa iyo. Kaya palalayain na kita. Ngayon, pwede mo nang gawin ang gusto mo nang hindi kailangang magtago at matakot sa anino ko."Ipinatong niya sa ibabaw ng sonogram ang wedding ring. Saka niya tinakpan ang box at nilasuhan ng kulay itim. Ibinalik niya iyon sa pinagtataguan. Kasama ang ilang gifts ni Darvis sa kaniya noong nanliligaw pa lamang ito.Itinuturing niyang mas mahalaga pa kaysa kahit ano'ng kayamanan ang mga iyon. Ang pagbitaw niya sa mga bagay na iyon ay tulad ng pagpapalaya niya sa asawa at sa puso niya mula sa gapos ng sakit at pagmamahal. Masikip ang
"Na-kompirma mo ba, Fred?" tanong ni Psalm na itinigil muna ang pag-trace ng charcoal pencil sa draft design na nasa sketchpad. "Opo, Madam. Ise-send ko sa inyo ang itinerary mamaya." Tango ng secretary habang inaayos ang mga pipirmahang papeles sa ibabaw ng desk. "Na-book ko na ang dalawang tickets. May beach house pala roon sa isla." Lumingon ito sa kaniya."So, balak akong dalhin doon ni Darvis?" Muli niyang itinuon ang atensiyon sa ginagawa. Parehas silang work from home ng asawa. Ngayon lang ay sumaglit ito ng FG para sa meeting at si Fred na ang pinaasikaso nito sa mga dokumentong kailangang mapirmahan. Ang iba roon ay facsimile lang ng signature ni Darvis ang kailangang i-attach."Yata, Madam." Lumapit sa kaniya si Fred. "Nag-utos na rin siyang mag-setup ng security cameras pati manpower ng moving personnel na magbabantay sa paligid ay dinagdagan niya. Masama po ang kutob ko.""Ikukulong niya ako roon sa isla, ganoon ba? Malayo kay Dr. Venatici?""Parang ganoon nga ang plano
"I don't care what Pearl told you about. Nasa sa inyo na kung maniniwala kayo sa kaniya, ang importante sa akin hindi malaman ni Psalm. Binalaan ko na kayo, oras na makarating sa kaniya ang mga pinagsasabi ni Pearl, malilintikan kayong lahat sa akin," babala ni Darvis sa ina na kausap niya sa kusina habang naghahanda ng makakain ni Psalm. Gabi na. Almost midnight at sumilip siya kanina roon sa guest room. Nagtatrabaho pa rin ang asawa. Tinatapos ang designs para sa summer collection ng Amara's Fashion."And your wife had the audacity to order you around and made you cook for her? Hindi ko iyan ginawa sa daddy mo noon," iritableng komento ng senyora. "Bakit, Mom? Nagloko rin ba si Dad noon? May affair ba siya sa ibang babae? Kulang pa ito kung tutuusin para makabawi ako kay Psalm sa kasalanan ko.""Ikaw ang head ng angkan natin. Kahit gaano kalaki ang kasalanan mo sa kaniya, obligado siyang patawarin ka. Dapat nga siyang magpasalamat at tinanggap natin siya sa pamilyang ito. Saan siy
"An island for my name?" tanong ni Psalm. Naguguluhan."I won the bid to develop an island partnered by the government. It is in the Private Partnership Program. Since 60% ang inaalok kong allocated budget, binigay nila ang privilege na pangalanan ang isla. Naisip kong ipangalan sa iyo. Tourist distination iyon at isa sa madalas puntahan ng mga turista. Kapag nagsimula na ang trabaho dadalhin kiya roon." Hinawakan ni Darvis ang kamay niya. "Ganoon ba, thank you. Masyado ka namang thoughtful sa wife mo," aniyang ngumiti."Of course, I will love you forever, Psalm."Walang pinalagpas ang taga-media kaya naging highlight ng kaganapan ang pagregalo ni Darvis sa isla kay Psalm. Isinunod ang signing of MOA at brief discussion para sa mangyayaring development. Naka-flash sa video wall ang plano at pinaliliwanag ni Darvis ang bawat detalye. Dahil kumalat kaagad sa internet ang lunch meeting, naging positibo ang resulta at nang sumunod na araw ay umangat muli ang stocks ng Florencio Group.
Napansin kaagad ni Psalm ang biglang paghihigpit ni Darvis sa paligid niya. Naglagay na ito ng stanby guards sa labas ng mansion at tuwing umaalis siya kahit pupunta lang ng simbahan ay may sumusunod sa kaniya. Hindi siya nagrereklamo at baka lalong magduda ang asawa niya. "Madam, pumasok kagabi rito si Sir at naghalungkat sa mga gamit sa cabinet," report ni Lucille sa kaniya habang pinaliliguan nila sa loob ng banyo si Chowking. "Ano sa palagay mo ang hinahanap niya?" naiintrigang tanong niya sa katulong."Baka ang cellphone n'yo kasi tiningnan din niya ang ilalim ng mga unan at ang drawers sa sidetable.""Nakita ka ba niya?""Hindi po.""Mabuti naman. Tingin ko ang cellphone nga ang hinahanap niya. Baka balak niyang i-wiretap para malaman niya kung ano ang pag-uusapan namin ni Ymir.""May ideya na po kaya siya na plano n'yo siyang iwanan?" "Hindi ko alam, siguro. Pumunta siya ng ancestral house. Siguro sinabi ni mommy na alam ko na ang tungkol sa kanilang dalawa ni Pearl at ang p
Pinilipit ni Psalm ang nanlalamig pa ring mga kamay. Medyo nanginginig ang malantik niyang mga daliri dahil sa tension na hindi pa lubusang humuhupa. Narito siya sa clinic ni Ymir. Sinundo siya nito kanina roon F-estate at pinalipat sa sasakyan nito. Habang nasa biyahe sila ay nag-report si Roy tungkol sa nangyari sa kaniya roon sa ancestral house at kung ano ang ginawa ni Senyora Matilda. "Drink this." Ibinigay ng doctor ang basong may malamig na fruit juice. "You'll be okay," he assured her. Hinaplos nito sa likod ng kamay ang kaniyang pisngi. Katatapos lang niyang dutdutan iyon ng cold compress. Namula kasi at may bakat ng palad ni Senyora Matilda. "Huwag ka na munang umuwi ng mansion. Magpahinga ka roon sa villa," mungkahi ng doctor at itiniklop ang isang tuhod sa sahig. "Hahanapin ako ni Darvis.""Nag-aalala ka sa asawa mong bugok?""Ymir, wala pa sa 3/4 ang progress ng plano ko. Ngayong nalaman kong may iba siyang properties na hindi dineklara sa statement of asset niya, m