"An island for my name?" tanong ni Psalm. Naguguluhan."I won the bid to develop an island partnered by the government. It is in the Private Partnership Program. Since 60% ang inaalok kong allocated budget, binigay nila ang privilege na pangalanan ang isla. Naisip kong ipangalan sa iyo. Tourist distination iyon at isa sa madalas puntahan ng mga turista. Kapag nagsimula na ang trabaho dadalhin kiya roon." Hinawakan ni Darvis ang kamay niya. "Ganoon ba, thank you. Masyado ka namang thoughtful sa wife mo," aniyang ngumiti."Of course, I will love you forever, Psalm."Walang pinalagpas ang taga-media kaya naging highlight ng kaganapan ang pagregalo ni Darvis sa isla kay Psalm. Isinunod ang signing of MOA at brief discussion para sa mangyayaring development. Naka-flash sa video wall ang plano at pinaliliwanag ni Darvis ang bawat detalye. Dahil kumalat kaagad sa internet ang lunch meeting, naging positibo ang resulta at nang sumunod na araw ay umangat muli ang stocks ng Florencio Group.
Napansin kaagad ni Psalm ang biglang paghihigpit ni Darvis sa paligid niya. Naglagay na ito ng stanby guards sa labas ng mansion at tuwing umaalis siya kahit pupunta lang ng simbahan ay may sumusunod sa kaniya. Hindi siya nagrereklamo at baka lalong magduda ang asawa niya. "Madam, pumasok kagabi rito si Sir at naghalungkat sa mga gamit sa cabinet," report ni Lucille sa kaniya habang pinaliliguan nila sa loob ng banyo si Chowking. "Ano sa palagay mo ang hinahanap niya?" naiintrigang tanong niya sa katulong."Baka ang cellphone n'yo kasi tiningnan din niya ang ilalim ng mga unan at ang drawers sa sidetable.""Nakita ka ba niya?""Hindi po.""Mabuti naman. Tingin ko ang cellphone nga ang hinahanap niya. Baka balak niyang i-wiretap para malaman niya kung ano ang pag-uusapan namin ni Ymir.""May ideya na po kaya siya na plano n'yo siyang iwanan?" "Hindi ko alam, siguro. Pumunta siya ng ancestral house. Siguro sinabi ni mommy na alam ko na ang tungkol sa kanilang dalawa ni Pearl at ang p
Pinilipit ni Psalm ang nanlalamig pa ring mga kamay. Medyo nanginginig ang malantik niyang mga daliri dahil sa tension na hindi pa lubusang humuhupa. Narito siya sa clinic ni Ymir. Sinundo siya nito kanina roon F-estate at pinalipat sa sasakyan nito. Habang nasa biyahe sila ay nag-report si Roy tungkol sa nangyari sa kaniya roon sa ancestral house at kung ano ang ginawa ni Senyora Matilda. "Drink this." Ibinigay ng doctor ang basong may malamig na fruit juice. "You'll be okay," he assured her. Hinaplos nito sa likod ng kamay ang kaniyang pisngi. Katatapos lang niyang dutdutan iyon ng cold compress. Namula kasi at may bakat ng palad ni Senyora Matilda. "Huwag ka na munang umuwi ng mansion. Magpahinga ka roon sa villa," mungkahi ng doctor at itiniklop ang isang tuhod sa sahig. "Hahanapin ako ni Darvis.""Nag-aalala ka sa asawa mong bugok?""Ymir, wala pa sa 3/4 ang progress ng plano ko. Ngayong nalaman kong may iba siyang properties na hindi dineklara sa statement of asset niya, m
Sa labas ng compound ng F-estate ay nag-aabang ang sasakyan ni Ymir. Bumaba ang doctor at sumandal sa bungad ng hood, bitbit ang cellphone. Nag-miss call siya kay Darvis. Maya-maya pa y nag-retun call ang lalaki."Ano'ng kailangan mo, Dr. Venatici?" matigas nitong tanong."Pinatawag ng mommy mo si Psalm, hindi mo ba pupuntahan?""Si Mommy? How do you know? Ah, for sure, my wife told you. Why would I wonder? Mas naging close pa yata kayo ngayon.""Hindi ko papatulan iyang marumi mong utak. Gawain mo iyan, kinakain mo kahit ang sarili mong hipag. While I am only protecting my people, including your wife. She is under the protection of Venatici Empire, expect me to interfere, Darvis.""Watch your words, Venatici. I can sue you for slander.""And I have the evidence to fight you in court, gusto mo ba ng kopya ng kababuyan ninyo ni Pearl Hermosa?"Natahimik si Darvis sa kabilang linya. Nang magsalita itong muli ay mababa na ang tono. Bahag pala ang buntot."Hanggang ngayon hindi ka pa rin t
"Huwag kang pumunta mag-isa, isama mo si Roy." Instruct ni Ymir mula sa kabilang linya ng cellphone. Ngumiti si Psalm. "Oo, naghihintay na siya sa akin sa lobby," aniyang kaagad lumabas pagkahinto ng elevator sa ground floor ng building. "Sinabi mo ba kay Darvis na gusto kang kausapin ng mommy niya?" tanong ng doctor."Hindi na. Busy siya sa office. Katatapos lang ng meeting namin sa public relations, may taga-media na um-attend.""Hindi ideal na pupunta kang mag-isa roon kung may issue sa iyo ang biyenan mo. Buntis ka. Lagi mong nakakalimutan na mag-doble ingat.""Oo na po, para kitang tatay niyan, eh. Huwag kang mag-alala, kasama ko naman si Roy at sabi niya, may iba pa kaming escort. Look-out lang daw pero nakahanda lagi if ever may emergency.""Okay, be careful and call me if anything.""Thank you." Kinawayan ni Psalm ang driver-bodyguard. Mabilis itong kumilos at pinagbukasan siya ng pinto. "Saan tayo, Madam?" "Sa ancestral house ng mga Florencio."Tumango ito at nag-focus na
"Ano'ng kailangan nýo sa akin?" kabadong tanong ni Pearl sa mga pulis na pumasok sa sala."May nagsampa ng reklamo laban sa iyo, Ms. Hermosa. Pwede ka ba naming imbitahan sa presinto?""Reklamo? Sino'ng nagsampa?" Si Psalm kaya? Wala siyang ibang maisip na pwedeng gumawa nito. Pero natilihan siya nang lumitaw ang bulto ni Senyora Matilda mula sa may pintuan."Officers, bakit hindi pa ninyo dinampot ang babaeng iyan?" matapang na atungal ng matandang babae, banaag sa mukha ang iritasyon. "T-Teka lang po, Senyora! Ano po ang kasalanan ko?" Tulirong apela ni Pearl."Nagtatanong ka pa? You are trying to deceive me. Kailangan mo nang mailigpit doon sa loob ng selda bago mo pa tuluyang sirain si Darvis at ang buong pamilya ko!""Hindi, mali po kayo! Wala akong ganoong intensiyon, Senyora!" gulantang na bulalas ni Pearl. Pilit lang niyang winaglit sa isip ýong tagpo roon sa ancestral house ng mga Florencio kung saan dumating si Madam Lucresia. Malamang may sinabi ang tv host. Siniraan siya