Mag-log in
Cyanne’s POV
“Hello po, Tita,” putol ni Javier. “Ako po si Javier… fiancé ni Cyanne.”
Parang may humatak sa dibdib ko. Natigilan ako sa sarili kong paghinga. Hindi ko inakalang magpapakilala siya agad kay Mama hindi lang bilang boyfriend, kundi bilang mapapangasawa.
“A-anong fiancé?” Halatang nabigla si Mama. “Wala pa ngang napapakilalang boyfriend sa’kin ’tong si Cyanne, tapos sasabihin mong ikaw ang mapapangasawa ng anak ko?”
“Ma…” mabilis kong singit, pilit hinahabol ang tamang paliwanag. “Totoo ’yung sinabi ni Javier. Hindi ko lang siya agad napakilala kasi naging busy ako sa trabaho. Tapos naospital ka pa… kaya, ewan, nawala na sa isip ko.”
Tinitigan ako ni Mama na parang hinahanap sa mukha ko ang bitak ng kasinungalingan.
“Bakit naman kayo agad magpapakasal? Gaano na ba kayo katagal?”
Sumagot si Javier nang hindi natitinag. “Hindi naman po sa tagal nasusukat ’yon, Ma’am. Kung totoo po ang pagmamahalan, hindi na kailangan ng mahabang paghihintay para magdesisyon.”
Saglit na tumahimik si Mama at sa katahimikang ’yon, mas lalo akong kinabahan.
“Teka,” mariing sabi niya. “Huwag mong sabihing nabuntis mo ang anak ko kaya mo siya pakakasalan.”
Halos malaglag ang panga ko. Agad akong napalingon kay Javier pero imbes na magulat, napangiti pa siya na parang nakakatawa ang akusasyon. Siniko ko siya nang marahan pero may diin.
“Naku, Ma,” inis kong sabi, “tumigil ka nga diyan. Hindi ako buntis, okay? Ang bata ko pa para magbuntis.”
“Ayun na nga eh.” Hindi pa rin bumababa ang kilay ni Mama. “Ang bata mo pa. Bakit ka agad magpapakasal? Sigurado ka na ba sa kanya?”
Ramdam kong humigpit ang hawak ni Javier sa kamay ko, parang sinasabing nandito lang ako. O baka huwag kang bibitaw.
“Oo, Ma,” sagot ko, mas buo ang boses kaysa sa nararamdaman ko. “Sigurado na ’ko. Hindi naman ako papayag ikasal kung hindi ako sigurado, ’di ba?”
Huminga nang malalim si Mama, saka bahagyang tumango.
“Hm. Sige. Maupo na kayo.” Nagbago ang tono niya, pero may nananatiling pag-iingat. “Bakit ka nga pala napadalaw? Wala ka bang pasok ngayon?”
“Naka-leave po ako,” sagot ni Javier bago pa man ako makapagsalita. “Pumunta po kami rito kasi magbabayad na po kami sa ospital… para ma-operahan na po kayo.”
Nanlaki ang mata ni Mama. Alam niya alam naming lahat na hindi gano’n kadaling maglabas ng halagang kailangan para sa operasyon niya.
“T-talaga ba, anak?” Nanginginig ang boses niya. “Totoo ba ’yan?”
Hindi ko napigilan ang luha. Lumapit ako at naupo sa gilid ng kama niya, hinawakan ang kamay niyang malamig.
“Opo, Ma,” sabi ko, pilit pinipigilan ang hikbi. “Gagaling ka na. Makakauwi na tayo.”
“Sandali.” Pinisil niya ang kamay ko, mas mahigpit kaysa sa inaasahan ko. “Saan ka kumuha ng pambayad? Hindi kalakihan ang sahod mo para makapag-ipon ng milyon. May inutangan ka ba? Kung nangutang ka lang, anak, huwag mo na muna akong pa-operahan. Kaya ko pa naman.”
“Hindi ako nangutang, Ma.” Napalingon ako kay Javier, at nakita kong ngumiti siya ’yung ngiting kalmado, parang may kontrol siya sa lahat. “Si Javier, Ma. Siya ang magbabayad ng operasyon mo.”
Sumunod ang tingin ni Mama sa kanya, nag-iba ang anyo mula sa pagkabigla, papunta sa pag-unawa.
“Gano’n ba…” Marahan niyang tumango. “Salamat, Javier. Sigurado akong mahal mo nga talaga ang anak ko, dahil hindi biro ang presyo ng operasyon ko.”
“Mas mahal ko po ang anak n’yo,” sagot ni Javier, nakangiti.
Kung hindi ko lang alam ang totoong dahilan sa likod ng lahat ng ito, baka kinilig na ’ko. Baka hinayaan ko na lang ang sarili kong maniwala.
“Mabuti naman,” sabi ni Mama. “Maraming salamat dahil hindi mo pinabayaan ang anak ko. Sige… dahil diyan, hindi na ’ko tutol sa kasal n’yo.”
Sa mga sumunod na sandali, nagkuwentuhan lang kami sa kwarto. Masaya akong nakikitang magaan ang dibdib ni Mama, na para bang pansamantalang napalitan ng pag-asa ang bigat ng sakit. Mabilis ding naging komportable si Javier ngumingiti, sumasagot, nakikisabay. Masyadong natural.
At doon ako kinabahan lalo.
Dahil habang tumatagal, mas nagiging mahirap isipin kung paano ko sasabihin kay Mama ang totoo. Ayokong magsinungaling… pero wala rin akong pagpipilian.
Naputol ang tawa namin nang pumasok ang isang nurse.
“Ms. Cyanne, ito na po ’yung mga papeles na kailangan n’yo sa Billing Section,” sabi niya. “Pagkatapos n’yong mabayaran ang partial payment ng operation, pupunta na raw po si Doc dito.”
“Sige po, salamat,” sagot ko, kinuha ang mga papel.
“Babe, ako na,” biglang sabi ni Javier.
“Ako na,” mariin kong tanggi, kahit alam kong wala akong laban sa bilis niya. “Ikaw na nga magbabayad, tapos ikaw pa mag-aasikaso.”
“Dito ka na lang.” Banayad ang boses niya pero hindi mapipigilan. “Bantayan mo si Mama. Akin na.”
Natahimik ako sa kung gaano kadaling lumabas sa bibig niya ang salitang Mama, na parang matagal na siyang may karapatan. Napangiti si Mama sa reaksyon ko. At bago pa ako makipagtalo, nahablot na ni Javier ang papel at lumabas ng kwarto na parang sanay na sanay.
Pagkaalis niya, dahan-dahang nagsalita si Mama.
“Alam mo, anak… nakikita kong mahal ka talaga ni Javier.”
Napatingin ako sa kanya. “Paano mo nasabi, Ma? Ngayon mo lang naman kami nakitang magkasama.”
“Ayun na nga.” Malambot ang tinig niya. “Ngayon ko lang kayo nakita, pero kita ko sa mata niya kung paano ka niya tinitingnan. Puno ng pagmamahal. Hindi lahat ng lalaki kayang gawin ang ginagawa niya.”
Kung alam mo lang, Ma. May kapalit ang kabaitan niya. May presyo ang bawat ngiti at bawat “para sa’yo.” Pero hindi ko puwedeng sabihin.
Ngumiti na lang ako.
Pinatulog ko muna si Mama. Mukhang matagal pa ang operation niya, at kailangan niya ng pahinga. Umupo ako sa sofa at hinintay si Javier, habang ang isip ko’y bumabalik sa nangyari kagabi.
Wala lang kaya ’yon sa kanya?
O baka ngayon lang siya ganito kaingat dahil sa nangyari kagabi?
Napapailing ako sa sarili ko. Para akong baliw na bigla na lang napapangiti sa alaala ng mga halik niya na parang naroon pa rin sa balat ko ang init, ang bigat ng mga sandaling ayokong aminin na hinanap ng katawan ko.
Kung sana lang totoo ang lahat.
Pero alam kong hindi. May katapusan ang palabas na ’to kapag nakuha na niya ang mana niya.
Natigil ang pagda-daydream ko nang bumukas ang pinto. Pumasok si Javier, nakangiti pero hingal, parang galing sa mahabang habol.
“Sorry, natagalan,” bungad niya. “Ang haba ng pila sa billing. Pero okay na nabayaran ko na. Tapos nakasalubong ko si Doc. Susunod na raw siya rito.”
Inabutan ko siya ng tubig. Ininom niya agad, saka tumabi sa’kin.
“Patingin.” Kinuha ko ang resibo, at nanlaki ang mata ko.
Binayaran niya nang buo.
“Huy,” bulalas ko, “akala ko partial payment lang? Bakit binayaran mo na lahat?”
Nakangiti lang siya, parang wala lang. “Naisip ko, gano’n din naman. After operation, babayaran din ’yung balance. Why not pay it in full para wala nang hassle pagkatapos at para asikasuhin agad nila si Mama.”
“Mama ka diyan,” natatawa kong sabi, kahit may bigat sa lalamunan ko. “Pero… salamat. Hindi ko akalain na buo mo nang babayaran ngayon.”
Humaplos ang kamay niya sa kamay ko. Nagulat ako sa lambot, sa init.
“Basta para sa’yo,” mahinang sabi niya, “lahat gagawin ko.”
Tumingin siya sa mga mata ko, hindi kumukurap, parang gusto niyang lunurin ako roon. Unti-unti siyang lumapit at sa halip na umatras, nanatili ako. Parang may parte sa akin na naghihintay.
Nakita kong bumaba ang tingin niya sa labi ko.
Teka… hahalikan niya ba ako?
Hinawakan niya ang pisngi ko at lalo pang lumapit. Konti na lang, dadampi na ang labi niya sa akin. Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko, hinintay ang sandaling magtatagpo ang dalawa naming hininga.
Hindi ko alam kung bakit… pero parang gusto ko ring mangyari.
Javier’s POV Dahan-dahang ipinikit ni Cyanne ang mga mata habang papalapit ako sa kanya. Para bang hinihintay niya talaga ang halik ko at sa totoo lang, ako rin.Hindi ko maipaliwanag ang sarili ko tuwing nakikita ko ang mga labi niya. Simula nang may nangyari sa amin kagabi, parang may kulang sa araw ko kapag hindi ko iyon naaalala. Para bang hinahanap-hanap ko na ang init at lambot na minsan ko nang natikman.Mas lalo akong lumapit. Pumikit na rin ako. Konti na lang at magdidikit na ang mga labi naminNang biglang bumukas ang pinto.Agad kaming napamulat at sabay umayos ng upo, parang dalawang batang nahuling gumagawa ng kalokohan.“Ah, Ms. Cyanne… sorry po. Nakaabala po ata ako,” sabi ng nurse na pumasok.Dali-daling tumayo si Cyanne. Kita ang hiya sa mukha niya pulang-pula ang pisngi, halatang naabutan kami sa mismong sandaling muntik na kaming maghalikan sa loob ng kwarto.“Ay hindi po kayo abala,” mabilis niyang sagot, pilit binabawi ang composure. “Ano po ba ’yon? May schedule
Cyanne’s POV“Kailangan na agad ma operahan ng nanay mo, dahil kung hindi ay mas lalo lang lulubha ang kanyang kalagayan. Hindi biro ang sakit ng nanay mo kaya kailangan niyo itong ma agapan”“Magkano ho ba ang kailangan para maoperahan na po ang nanay ko?” naiiyak kong tanong, halos mawala ang boses ko sa kaba at takot.“Hindi ko pa masabi ang eksaktong halaga,” mahinahon niyang sagot. “Bukod sa operasyon, may doctor’s fee pa, mga gamot, at hiwalay ang bayad sa kwarto na gagamitin ng nanay mo.” Maingat na nagbuntong-hininga ang doktor bago tumingin sa hawak niyang papel.“Hindi ko pa masasabi ang eksaktong total na halaga,” paliwanag niya. “Pero base sa kondisyon ng nanay mo at sa magiging procedure, posibleng umabot ito ng mga isa hanggang dalawang milyon. Bukod pa riyan ang doctor’s fee, mga gamot, at hiwalay pa ang bayad sa kwarto.”Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Saan ako kukuha ng ganun kalaking pera?Nanlambot ang tuhod ko at napahawak ako sa gilid ng mesa para hindi
Javier’s POV“Ilang beses ko pa ba sasabihin sa inyo na wala akong pakialam sa mana at sa kumpanya n’yo? Bakit kailangan n’yo akong pilitin sa isang bagay na labag sa loob ko?”“Ikaw lang ang nag-iisang anak at tagapagmana namin,” mariing sagot ni Daddy. “Ayaw naming mapunta kung kanino lang ang pinaghirapan namin ng Mommy mo. Hindi naman mahirap ang hinihiling namin kailangan mo lang magpakasal sa lalong madaling panahon para makuha mo ang mana at ang posisyon bilang CEO ng kumpanya natin. Ano ba ang hindi mo maintindihan doon?”“Iyon na nga mismo ang hindi ko maintindihan,” sagot ko. “Bakit kailangang may kapalit bago n’yo ibigay ang mana? Pwede naman n’yo akong gawing CEO kung kailan n’yo gusto hindi naman ako nag mamadali na hawakan ang kumpanya. Bakit ba kayo nagmamadali? Hindi pa naman kayo mamamatay, ’di ba?”“BASTOS KA TALAGA!” sigaw ni Daddy. “Ano, gusto mo bang hintayin mo muna kaming mamatay bago ka magpakasal?”“Matanda na kami, Javier,” biglang sabat ni Mommy. “Gusto lang
Javier’s POVIlang araw akong hindi mapakali matapos ang gabing iyon sa bar. Paulit-ulit kong tinitingnan ang phone ko, naghihintay ng kahit isang mensahe mula kay Cyanne. Hindi ko alam kung aasa ba ako o tatanggapin na baka hindi niya kayanin ang alok ko at hindi ko siya masisisi kung ganoon dahil hindi naman biro ang tulong na inalok ko sa kanya.Pero isang umaga, nag-vibrate ang phone ko.Cyanne: Pwede ba tayong mag-usap? Sa personal sana.Hindi ko namalayan na napangiti ako.Nagkita kami sa isang tahimik na coffee shop, malayo sa ingay ng bar at sa mundong pilit siyang nilalamon. Simple lang ang suot niya walang make-up na makapal, walang damit na sumisigaw ng atensyon. At doon ko lalo na-realize… ibang-iba siya sa mga babaeng nakilala ko sa mga bar.Umupo siya sa harap ko, halatang kinakabahan. Hawak niya ang tasa ng kape na parang doon siya kumukuha ng lakas ng loob.“Pinag isipan ko muna talaga ‘yung alok mo,” panimula niya. “Hindi kasi madali ang hinihingi mo, pero iniisip ko
Cyanne’s POVNagising ako sa hindi pamilyar na katahimikan. Walang busina sa labas, walang ingay ng kapitbahay ibang-iba sa maliit naming inuupahan noon ni Mama. Sandali akong nakatitig sa kisame bago ko tuluyang maalala kung nasaan ako.Condo ni Javier.Dahan-dahan akong bumangon at lumabas ng kwarto. Diretso ako sa kusina at nagtimpla ng kape, umaasang ang simpleng gawain na iyon ay makapagpapakalma sa isip ko. Malinis ang paligid, halos walang bakas ng ibang tao parang kontrolado ang lahat, kabaligtaran ng buhay kong puno ng biglaang problema.Habang hinahalo ko ang kape, may narinig akong yapak.“Good morning.”Napalingon ako at bahagyang nagulat. Nakatayo si Javier sa bungad ng kusina, bagong gising, simple lang ang suot. Wala ang pormal at malamig na anyo niya. Tao lang siya normal.“Good morning, ah mag luluto sana ko ng almusal natin kaso napansin kong wala ka ng stocks. Kaya nag timpla nalang ako ng kape” sagot ko, may kaunting hiya sa boses.“Ganun ba, hindi kasi ako madalas
CHAPTER 5Javier’s POVNaging maayos naman ang pagpapakilala ko kay Cyanne kagabi, medyo nabawasan na ang kaba ko. Ang hindi ko lang maintindihan, bago ako matulog ay nakatanggap ako ng message mula kay Mommy.Pinapapunta niya ako ulit sa mansyon.May kailangan daw kaming pag-usapan.Hindi ako nag-atubili. Maaga akong umalis at nag-iwan na lang ng maikling note sa ref para mabasa ni Cyanne pag gising niya.Pagdating ko sa mansyon, diretso akong tumungo sa study room. Doon daw kami mag-uusap.At doon ko na-realize hindi ito basta simpleng usapan.Sa study room lang kami nagkakaharap kapag seryoso ang pag-uusapan. At base pa lang sa bigat ng katahimikan, alam kong may paparating na hindi ko magugustuhan.“Anak,” panimula ni Mommy,, “kailangan natin mag-usap tungkol kay Cyanne.”“May problema ba?” tanong ko. Kumabog ang dibdib ko.“Makipag hiwalay ka na kay Cyanne dahil hindi kayo pwedeng magpakasal,” diretsong sabi ni Dad.Parang may humampas sa akin. “Ha? Anong ibig n’yong sabihin?”Nag







