Share

Chapter 9

Author: MystiCat
last update Last Updated: 2026-02-09 17:08:51

Cyanne’s POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Pagmulat ko, agad kong pinagmasdan ang paligid at doon ko lang tuluyang napagtanto ang nangyari kagabi.

Lumingon ako sa tabi ko. Nandoon si Javier, mahimbing pang natutulog, nakayakap ang mga braso niya sa bewang ko kaya hindi ko alam kung paano ako babangon nang hindi siya magigising.

Ramdam ko ang kirot sa buong katawan ko. Hindi ko akalaing may mangyayari sa amin—lalo na’t hindi ko pa siya lubos na kilala. Huminga ako nang malalim bago ko dahan-dahang inangat ang kanyang braso upang makawala sa pagkakayakap niya.

“Good morning,” mahinang bulong niya.

Hindi ko pa man tuluyang natatanggal ang braso niya ay gising na pala siya.

“U-uhm… good morning din,” nahihiya kong sagot.

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin muli at ibaon ang mukha niya sa leeg ko.

“How are you feeling?” bulong niya sa tenga ko, dahilan para manindig ang balahibo ko.

“Ha?” Napabangon siya nang bahagya at tumingin sa akin.

“Kamusta pakiramdam mo? Do you feel sore?”

Bigla akong nakaramdam ng hiya. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya.

“Ah… okay lang naman. Medyo masakit lang, pero kaya ko naman.”

“Sorry,” seryoso niyang sabi. “I just got carried away. Hindi ko sinasadya. Kung gusto mong umatras sa arrangement natin, okay lang. Maiintindihan ko.”

“Hindi ako uurong,” mabilis kong sagot. “Kailangan ko ang pera para kay Mama, ’di ba? At saka… yung nangyari sa’tin siguro kalimutan na lang natin.”

“Hmmm. Okay, if you say so,” tugon niya, kahit hindi pa rin niya inaalis ang pagkakayakap sa akin.

“Ah, Javier… baka pwede mo na akong bitawan. Pupunta na ako sa kwarto ko. Maghahanda pa ako pupunta ako sa ospital.”

“Ay, sorry,” sabi niya sabay bitaw. “Ang bango mo kasi. Sasamahan na kita sa ospital para hindi ka na mag-commute.”

“Huwag na, kaya ko naman. Sanay na ako.”

“Sasama na nga ako,” giit niya. “Besides, gusto kong makilala ang mama mo. At ayusin na rin natin yung operation niya.”

Napatingin ako sa kanya, nagulat sa sinabi niya.

“Teka… bakit aayusin na natin? Hindi pa naman tayo okay sa parents mo. Hindi mo pa nga nakukuha ang mana mo,” paalala ko.

“Ako na ang bahala doon,” sagot niya ng walang alinlangan. “Ang mahalaga, mapa-operahan na natin ang mama mo.”

Napangiti ako. Sa wakas, mapapagamot ko na si Mama.

“Sige… kung ’yan ang gusto mo. Maraming salamat, Javier. Hindi mo alam kung gaano mo napagaan ang loob ko.”

“Maligo na tayo para makaalis na. Mag-drive-thru na lang tayo ng almusal.”

“A-anong maligo na tayo?”

Napatawa siya. “Silly girl. Ikaw sa CR mo, ako sa CR ko. Ano ba ang iniisip mo? Sabay tayong maliligo?” ngumisi siya. “Pwede rin naman gusto mo ng round two?”

Biglang uminit ang pisngi ko.

“Linawin mo kasi ang sinasabi mo! At anong round two ka riyan? Manigas ka,” sabi ko bago ako tumayo at naglakad palabas.

Narinig ko pa ang tawa niya bago ko tuluyang isinara ang pinto.

Pagpasok ko sa kwarto, hindi pa rin nagsi-sink in sa isip ko ang nangyari kagabi. Hindi ko akalaing maibibigay ko ang sarili ko sa isang lalaking hindi ko pa lubos na kilala. Hindi ko naman pinagsisisihan sa totoo lang, may kilig pa nga tuwing naaalala ko.

Pero kailangan kong ipaalala sa sarili ko kung ano lang kami. Magkaibang-magkaiba ang mundo naming dalawa. Malabong magkagusto siya sa isang tulad ko.

Pinilit kong itaboy ang mga isipin at dumiretso sa banyo. Simpleng jeans at oversized shirt lang ang sinuot ko.

Paglabas ko ng kwarto, kasabay ko ring lumabas si Javier.

“Are you ready?” tanong niya.

“Oo, tara na.”

Sa kotse, nagulat pa ako nang buksan niya ang pinto para sa akin. Hindi niya ginawa iyon noong unang beses akong sumakay sa kotse niya.

Tinanong niya kung anong gusto kong almusal. Nahihiya akong mag-request kaya sabi ko na lang kahit ano. Mas lalo akong nagulat nang lumiko siya papuntang Starbucks. Sa tanda ko, hindi pa ako nakakatikim ng kape roon masyado kasing mahal.

“Ano sa’yo?” tanong niya.

Hindi ko alam ang isasagot. “Ikaw na lang ang bahala. Kung ano sa’yo, ganoon na rin sa akin.”

Tumango siya at umorder.

 Narinig ko ang boses niya: “One venti Cold Brew, one venti Iced Caramel Macchiato, and two Four Cheese Flat Bread.”

Napatingin ako sa kanya. Magkaiba ang inorder niyang kape.

“Iba ang in-order ko sa’yo,” sabi niya bago pa ako makapagtanong. “Baka hindi mo magustuhan yung kape ko medyo matapang kasi.”

“Salamat… at salamat din pala sa pagsama mo,” mahina kong sabi. “Hindi naman kailangan. Baka may lakad ka pa nakakaabala lang ako.”

Ngumiti siya. “Never kang magiging abala sa akin.”

Hindi nagtagal, nakuha rin namin ang order. Sa kotse na kami kumain at maya-maya pa’y nakarating na kami sa ospital.

Pag-akyat namin sa kwarto ni Mama, sakto namang palabas ang doktor.

“Doc, kamusta po ang Mama ko?” agad kong tanong.

“Buti at nandito ka,” sabi niya. “Hindi na maganda ang lagay ng Mama mo. Habang tumatagal, lalo lang siyang mahihirapan. Kaya ang maipapayo ko sayo ay paoperahan mo na ang mama mo bago pa mahuli ang lahat.”

Nanlambot ako. Mabuti na lang at agad hinawakan ni Javier ang kamay ko.

“Doc,” biglang sabi ni Javier, “ako na po ang bahala sa bayad ng operation niya. Saan po ba kami magbabayad?”

Napatingin ako sa kanya. “Javier… sigurado ka ba?”

“Oo,” sagot niya nang may ngiti. “Para mapanatag ka.”

“Mabuti kung ganoon,” tugon ng doktor. “Aayusin ko na ang mga papeles. Babalik ako rito mamaya, tapos dumiretso kayo sa cashier para sa downpayment.”

Nang umalis ang doktor, napatingin ako kay Javier.

“Maraming salamat,” sabi ko. “Huwag kang mag-alala, susuklian ko ang tulong mo.”

Ngumiti lang siya at inaya akong pumasok sa kwarto.

Nakita ko si Mama, nakahiga at nanonood ng TV.

“Cy, anak, nandito ka na pala,” sabi niya. “Teka… sino ’yang kasama mo? Parang ngayon ko lang siya nakita. Magkahawak pa kayo ng kamay boyfriend mo ba ’yan?”

Napatingin ako sa kamay naming magkahawak pa rin.

“Ah… Ma—”

“Hello po, Tita,” putol ni Javier. “Ako po si Javier… fiancé po ni Cyanne.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Paid to Say I Do   Chapter 11

    Javier’s POV Dahan-dahang ipinikit ni Cyanne ang mga mata habang papalapit ako sa kanya. Para bang hinihintay niya talaga ang halik ko at sa totoo lang, ako rin.Hindi ko maipaliwanag ang sarili ko tuwing nakikita ko ang mga labi niya. Simula nang may nangyari sa amin kagabi, parang may kulang sa araw ko kapag hindi ko iyon naaalala. Para bang hinahanap-hanap ko na ang init at lambot na minsan ko nang natikman.Mas lalo akong lumapit. Pumikit na rin ako. Konti na lang at magdidikit na ang mga labi naminNang biglang bumukas ang pinto.Agad kaming napamulat at sabay umayos ng upo, parang dalawang batang nahuling gumagawa ng kalokohan.“Ah, Ms. Cyanne… sorry po. Nakaabala po ata ako,” sabi ng nurse na pumasok.Dali-daling tumayo si Cyanne. Kita ang hiya sa mukha niya pulang-pula ang pisngi, halatang naabutan kami sa mismong sandaling muntik na kaming maghalikan sa loob ng kwarto.“Ay hindi po kayo abala,” mabilis niyang sagot, pilit binabawi ang composure. “Ano po ba ’yon? May schedule

  • Paid to Say I Do   Chapter 1

    Cyanne’s POV“Kailangan na agad ma operahan ng nanay mo, dahil kung hindi ay mas lalo lang lulubha ang kanyang kalagayan. Hindi biro ang sakit ng nanay mo kaya kailangan niyo itong ma agapan”“Magkano ho ba ang kailangan para maoperahan na po ang nanay ko?” naiiyak kong tanong, halos mawala ang boses ko sa kaba at takot.“Hindi ko pa masabi ang eksaktong halaga,” mahinahon niyang sagot. “Bukod sa operasyon, may doctor’s fee pa, mga gamot, at hiwalay ang bayad sa kwarto na gagamitin ng nanay mo.” Maingat na nagbuntong-hininga ang doktor bago tumingin sa hawak niyang papel.“Hindi ko pa masasabi ang eksaktong total na halaga,” paliwanag niya. “Pero base sa kondisyon ng nanay mo at sa magiging procedure, posibleng umabot ito ng mga isa hanggang dalawang milyon. Bukod pa riyan ang doctor’s fee, mga gamot, at hiwalay pa ang bayad sa kwarto.”Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Saan ako kukuha ng ganun kalaking pera?Nanlambot ang tuhod ko at napahawak ako sa gilid ng mesa para hindi

  • Paid to Say I Do   Chapter 2

    Javier’s POV“Ilang beses ko pa ba sasabihin sa inyo na wala akong pakialam sa mana at sa kumpanya n’yo? Bakit kailangan n’yo akong pilitin sa isang bagay na labag sa loob ko?”“Ikaw lang ang nag-iisang anak at tagapagmana namin,” mariing sagot ni Daddy. “Ayaw naming mapunta kung kanino lang ang pinaghirapan namin ng Mommy mo. Hindi naman mahirap ang hinihiling namin kailangan mo lang magpakasal sa lalong madaling panahon para makuha mo ang mana at ang posisyon bilang CEO ng kumpanya natin. Ano ba ang hindi mo maintindihan doon?”“Iyon na nga mismo ang hindi ko maintindihan,” sagot ko. “Bakit kailangang may kapalit bago n’yo ibigay ang mana? Pwede naman n’yo akong gawing CEO kung kailan n’yo gusto hindi naman ako nag mamadali na hawakan ang kumpanya. Bakit ba kayo nagmamadali? Hindi pa naman kayo mamamatay, ’di ba?”“BASTOS KA TALAGA!” sigaw ni Daddy. “Ano, gusto mo bang hintayin mo muna kaming mamatay bago ka magpakasal?”“Matanda na kami, Javier,” biglang sabat ni Mommy. “Gusto lang

  • Paid to Say I Do   Chapter 3

    Javier’s POVIlang araw akong hindi mapakali matapos ang gabing iyon sa bar. Paulit-ulit kong tinitingnan ang phone ko, naghihintay ng kahit isang mensahe mula kay Cyanne. Hindi ko alam kung aasa ba ako o tatanggapin na baka hindi niya kayanin ang alok ko at hindi ko siya masisisi kung ganoon dahil hindi naman biro ang tulong na inalok ko sa kanya.Pero isang umaga, nag-vibrate ang phone ko.Cyanne: Pwede ba tayong mag-usap? Sa personal sana.Hindi ko namalayan na napangiti ako.Nagkita kami sa isang tahimik na coffee shop, malayo sa ingay ng bar at sa mundong pilit siyang nilalamon. Simple lang ang suot niya walang make-up na makapal, walang damit na sumisigaw ng atensyon. At doon ko lalo na-realize… ibang-iba siya sa mga babaeng nakilala ko sa mga bar.Umupo siya sa harap ko, halatang kinakabahan. Hawak niya ang tasa ng kape na parang doon siya kumukuha ng lakas ng loob.“Pinag isipan ko muna talaga ‘yung alok mo,” panimula niya. “Hindi kasi madali ang hinihingi mo, pero iniisip ko

  • Paid to Say I Do   Chapter 4

    Cyanne’s POVNagising ako sa hindi pamilyar na katahimikan. Walang busina sa labas, walang ingay ng kapitbahay ibang-iba sa maliit naming inuupahan noon ni Mama. Sandali akong nakatitig sa kisame bago ko tuluyang maalala kung nasaan ako.Condo ni Javier.Dahan-dahan akong bumangon at lumabas ng kwarto. Diretso ako sa kusina at nagtimpla ng kape, umaasang ang simpleng gawain na iyon ay makapagpapakalma sa isip ko. Malinis ang paligid, halos walang bakas ng ibang tao parang kontrolado ang lahat, kabaligtaran ng buhay kong puno ng biglaang problema.Habang hinahalo ko ang kape, may narinig akong yapak.“Good morning.”Napalingon ako at bahagyang nagulat. Nakatayo si Javier sa bungad ng kusina, bagong gising, simple lang ang suot. Wala ang pormal at malamig na anyo niya. Tao lang siya normal.“Good morning, ah mag luluto sana ko ng almusal natin kaso napansin kong wala ka ng stocks. Kaya nag timpla nalang ako ng kape” sagot ko, may kaunting hiya sa boses.“Ganun ba, hindi kasi ako madalas

  • Paid to Say I Do   Chapter 5

    CHAPTER 5Javier’s POVNaging maayos naman ang pagpapakilala ko kay Cyanne kagabi, medyo nabawasan na ang kaba ko. Ang hindi ko lang maintindihan, bago ako matulog ay nakatanggap ako ng message mula kay Mommy.Pinapapunta niya ako ulit sa mansyon.May kailangan daw kaming pag-usapan.Hindi ako nag-atubili. Maaga akong umalis at nag-iwan na lang ng maikling note sa ref para mabasa ni Cyanne pag gising niya.Pagdating ko sa mansyon, diretso akong tumungo sa study room. Doon daw kami mag-uusap.At doon ko na-realize hindi ito basta simpleng usapan.Sa study room lang kami nagkakaharap kapag seryoso ang pag-uusapan. At base pa lang sa bigat ng katahimikan, alam kong may paparating na hindi ko magugustuhan.“Anak,” panimula ni Mommy,, “kailangan natin mag-usap tungkol kay Cyanne.”“May problema ba?” tanong ko. Kumabog ang dibdib ko.“Makipag hiwalay ka na kay Cyanne dahil hindi kayo pwedeng magpakasal,” diretsong sabi ni Dad.Parang may humampas sa akin. “Ha? Anong ibig n’yong sabihin?”Nag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status