Share

Chapter 179

last update publish date: 2026-09-26 22:17:54
Naging abala ang pamilyang Quinn sa mga sumunod na araw. Lahat ng naka-schedule na meeting ng magkapatid na sina Nathan at Nikko sa labas ng Quezon City ay kinansela. Siniguro nilang natututukan nila ang pagpapagamot at pagbuti ng kalagayan ng matandang nag-alaga sa kanila, na parang tunay nilang ina, mula nang mawala na ang kanilang Mommy.

“Nikko, ikaapat na araw ko na rito sa ospital, hindi man lang bumisita ang fiancée mo,” puna ni Nanay Andeng habang kumakain ng tanghalian.

Si Cielo ang nags
Lilian Alexxis

Yakap, Nikko!

| 4
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Analyn Bermudez
nag expect pa naman ako Ms Lilia. pag nakita na ni Nikko si helgay magbabago na ito at lalong hindi na makikipagsex sa ibang babae..hays .mukhang mas gusto ko ipareha si helga sa ibang lalaki wag na kay Nikko hahaha
goodnovel comment avatar
rosselleela
Akala ko naman pag nakita niya si Helga mawawalan na siya ng amor kay cindy
goodnovel comment avatar
CellieA
Hugs nikko....andyan nman si Helga
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 181

    Masama ang loob ni Cindy na sumakay sa sasakyang na-book na papunta sa airport. Ilang ulit niyang sinubukang tawagan si Nikko para bawiin ang nasabi niya kanina, ngunit nalilipat lang ang tawag kay Vincent.Napatitig siya sa mga sasakyang kasabay nila sa biyahe sa EDSA. Nagpanggap siyang galit kanina sa lalaki para puntahan siya sa kanyang unit. Plano sana niyang akitin ito para may mangyari sa kanila bago siya umalis. Dalawang araw na kasi siyang delayed at ngayon lamang ito nangyari sa kanya. Nag-aalala siya na baka buntis siya at ang estrangherong naka-sex niya sa BGC ang ama, dahil laging may suot na condom si Nikko tuwing may mangyayari sa kanila. Napahawak siya sa kanyang ulo. Sakaling buntis siya, tiyak na malaking kahihiyan iyon at siguradong pagagalitan siya ng kanyang ama.Nagtipa siya muli ng text message sa lalaki.Cindy to Nikko:I’m sorry, Babe. Mag-usap tayo pagbalik ko.Ilang ulit niyang tinitigan ang kanyang mensahe, pero hindi man lamang iyon basahin ng kanyang fianc

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 180

    “Dalawang buwan kang mawawala, tapos ngayon mo lang sinasabi sa akin at sa call pa?” hindi makapaniwalang sabi ni Nikko kay Cindy.“Nagkasakit kasi ang road manager na may hawak sa US Tour Concert ng mga Filipino singers na ito. Malaking project ito para sa event company ko at hindi ko basta puwedeng pabayaan,” paliwanag ni Cindy sa kanya sa telepono.“At paano ang kasal nina Kuya at Cielo? That’s three months from now!” aburidong sabi ng lalaki. “My team is on it. At kaya ko naman i-monitor ang progress ng suppliers thru emails and calls,” paniniguro sa kanya ni Cindy.“Bahala ka!” inis na sabi ni Nikko. Napatingin siya sa suot niyang relo. Nagjo-jogging siya kanina nang maramdaman niya ang vibration ng kanyang cellphone. Kung alam lang niya na sisirain lang ni Cindy ang araw niya, hindi na sana niya sinagot ang tawag ng babae. Ibababa na sana niya ang tawag nang muling magsalita ang babae. “Baka puwede mo akong ihatid ngayong umaga sa airport. Bati na tayo, please?”Napauwang ang

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 179

    Naging abala ang pamilyang Quinn sa mga sumunod na araw. Lahat ng naka-schedule na meeting ng magkapatid na sina Nathan at Nikko sa labas ng Quezon City ay kinansela. Siniguro nilang natututukan nila ang pagpapagamot at pagbuti ng kalagayan ng matandang nag-alaga sa kanila, na parang tunay nilang ina, mula nang mawala na ang kanilang Mommy.“Nikko, ikaapat na araw ko na rito sa ospital, hindi man lang bumisita ang fiancée mo,” puna ni Nanay Andeng habang kumakain ng tanghalian.Si Cielo ang nagsusubo sa kanya ng lugaw at tinolang isda. Mas magana ngayon ang matanda kumain dahil sa wakas may isda na sa kanyang rasyon. Umay na umay kasi siya sa lugaw ng ilang araw pero walang magawa.Nagkatinginan sina Nikko at Cielo. Hindi nakakibo agad ang lalaki dahil ngayon din lang niya naalala si Cindy mula nang iwan niya ito sa Nexus Hotel. Napakibit-balikat siya. “Busy siguro.”Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Andeng. “Si Capt. Marcelo, nga tatlong beses na akong dinalaw, tapos siya na mapapang

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 178

    “Nanay, tinakot niyo po kami ni Kuya,” parang batang sabi ni Nikko habang yakap ang matandang nagpalaki sa kanila ni Nathan at nakasiksik ang kanyang ulo sa balikat nito.Nagkamalay na ngayong umaga si Andeng at mga nag-aalalang mukha nina Nathan at Nikko ang bumungad sa kanya. Tinapik ni Andeng ang braso ni Nikko na nakayakap sa kanya. “Sorry, Hijo. Hindi ko nga alam kung bakit bigla na lang sumikip ang dibdib ko.”Nagkatinginan ang magkapatid. Hindi nila alam kung paano sasabihin sa matanda na inatake ito sa puso at mabuti na lamang at mabilis ang naging kilos ng mga tauhan sa kanilang farm at agad isinugod ang matanda sa ospital.May kumatok sa p***o at marahan iyong bumukas. Palumpon ng makukulay na bulaklak ang naunang pumasok, kaya kumunot ang noo ng tatlo. Pagkuwan, lumitaw ang nakangiting maamong mukha ni Helga. “Good morning!” bati niya, na lumaki ang mga mata nang makitang gising na ang pasyente. “Gising na ang pasyente natin!”Napalingon si Andeng kay Nikko dahil napansin

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 177

    Nakasandal si Nikko sa headboard ng kama sa isang suite sa Nexus Hotel. Nilingon niya si Cindy na nakatulog na sa kanyang tabi matapos nilang maka-dalawang round. Payapa na tingnan ang magandang mukha ng kanyang fiancée, pero kanina habang naghahapunan sila, nagtalo sila dahil kay Heaven. Iniisip niya na siguro nga mali siya dahil hindi niya sinagot ang mga text at tawag kanina ng babae, kaya galit siyang sumugod sa mall dahil sa pag-aakalang may kasama siyang ibang babae. Mas nagalit pa ito dahil hindi rin niya ito pinalapit kanina sa kanila ni Heaven. Nag-alala lang naman siya dahil sinabihan na siya dati ni Cindy na i-correct si Heaven at huwag nang magpatawag ng daddy dahil hindi naman niya kaano-ano ang bata, pero hindi niya iyon kayang gawin. Katwiran niya, bata lang naman si Heaven at wala siyang nakikitang masama kung tawagin siyang daddy ng isang bata na sabik na magkaroon ng ama. Naikuyom niya ang kanyang kamao sa inis sa tunay na ama ng bata. Nag-vibrate ang kanyang phone

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 176

    “Daddy, can I tell my classmates that you are my daddy?” Kumunot ang noo ni Nikko at napatitig sa malulungkot na kulay abong mga mata ni Heaven. Parang may tumusok sa dibdib niya. “Sure!”Kuminang ang mga mata ng bata at agad na napangiti. “Hindi na nila ako tatawaging ampon!”Lalong nagsalubong ang makakapal na kilay ng lalaki. “Tinawag ka nilang ampon?”Lumabi si Heaven. “Opo.”“Anong sinabi mo sa kanila?” nakatiimbagang niyang tanong.“Sabi ko hindi, pero ayaw nila maniwala kasi since last year pa kami classmates and never nila nakita ang real dad ko, laging si Mommy Isla ang nag-a-attend ng school activities dahil busy rin si mommy ko sa school at work,” malungkot na kuwento ng bata.“Kapag hindi busy ang Daddy sa work, pupuntahan kita sa school mo para makilala ko iyang mga classmates mo,” seryoso niyang sagot.Lumiwanag ang mukha ng bata. “Talaga po?”Ngumiti siya. “Yes, my baby. Ubusin mo na ang food mo.”Masiglang kumain muli si Heaven. Tinitigan ni Nikko ang bata at hindi niy

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 06 

    Halos pigilan ni Cielo ang paghinga nang magsimulang sumuot sa kanyang ilong ang amoy ng pamilyar na pabango ni Nathan. Crisp, outdoor, and woody scent. Iyon mismo ang paborito niyang perfume para sa lalaki. Ang amoy ng balat ni Nathan na nagpapabaliw sa kanya noon. Nagtama ang kanilang paningin a

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 05

    Pinagkagat ni Cielo ang kanyang mga bagang upang pigilan ang sarili niyang magmukhang nagulat sa mukha ng lalaki na sa puwesto niya ngayon ay kanyang tinitingala kahit pa nasa tatlong pulgada ang heels ng suot niyang sapatos. Lubha pa rin itong matangkad nang malayo sa kanya.Sabay pang gumala ang

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 02

    Napahawak sa kanyang dibdib si Cielo pagliko niya sa kalsadang tutumbok sa gate ng JNQ Motors Automobile Factory. Oras ng pagdating ng mga empleyado, kaya abala ang pedestrian gate, pati ang pasukan ng mga sasakyan. Pagdating niya sa gate, isang friendly smile ang ibinungad sa kanya ng guwardiya. N

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 01

    Mabilis na lumambitin sa leeg ni Cielo ang kanyang mahigit tatlong taong gulang na anak na lalaki nang huminto sa lobby ng malaking mall ang sinasakyan nilang EV Taxi. Isang yakap na mahigpit at isang matunog na halik na agad nagpalakas ng kanyang loob. Ilang bagay na nagpapaalala kay Cielo kung ga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status