ASIA’S POV Ilang oras na ang lumipas. Tahimik ang paligid. Ramdam ni Asia ang banayad na alon na tila himbing na rin sa antok, pero unti-unting bumubukas ang mga mata niya. Pagdilat niya, wala na sa tabi niya si Wild. Napabalikwas siya ng bangon. “Wild?” tawag niya, nanginginig ang boses. “Uncle Wild?” Tumayo siya at lumabas ng silid. Sinilip ang paligid ng barko, at habang naglalakad siya ay mas lalo siyang kinabahan. “Iniwan niya ako...” bulong niya sa sarili. Parang may humigpit sa dibdib niya. Pero bago pa man tuluyang malunod sa kaba, nakita niya ito. Nakatalikod si Wild, nakatayo sa deck, tanaw ang kalangitan at papalapit na lupa. Agad siyang lumapit, parang batang hindi mapakali. “Uncle Wild!” Lumingon si Wild. Nagulat siya, pero hindi niya pinahalata. “Bakit?” tanong nito, kunot ang noo. “Akala ko... iniwan mo na ako,” sabi ni Asia, sabay buntong-hininga. “Gising ako at wala ka sa tabi ko. Na-stress ako, baka iniwan mo ako dito mag-isa.” Napatin
Third Person POV – Eksena sa BARKO “I gotta go,” sabi ni Wild habang sinusulyapan ang oras sa mamahaling wristwatch niya. “Ha? Hindi pa nga ako tapos kumain, paalis ka na?” reklamo ni Asia habang may hawak pang kutsara, kalahati pa ang lugaw sa mangkok. “Malelate ako. Ayoko maiwan ng barko,” malamig at diretso ang boses ni Wild, sabay talikod at mabilis na naglakad palayo. “Sandali lang!” sigaw ni Asia, napaatayo agad at napaiwan ang tray ng pagkain sa mesa. Pero malalaki ang hakbang ni Wild. Ang bilis niya maglakad, parang may rocket launcher sa sapatos. Si Asia naman, halos tumakbo na sa paghabol. Saka lang siya naabutan si Wild nang makarating ito malapit sa port gate. “Uncle Wild!” hingal na tawag ni Asia. Huminto si Wild at lumingon. Napangiwi siya. “Ano na naman?” “Isasama mo ‘ko,” sabi ni Asia, pigil pa ang hininga. “Ha?” tinaasan siya ng kilay ni Wild. “Hindi pwede.” “Gusto ko sumama. Ayoko mag-isa sa bahay! Please?” “Asia,” mariing sabi ni Wild, kita ang inis. “Hin
Asia’s POVHabang papalayo si Wild, may kung anong kurot sa dibdib niyang pilit niyang isinasantabi. Pero bago pa siya tuluyang makalayo, isang bagay ang sumuntok sa kanyang konsensya.Tahimik.Napalingon siya ng bahagya — at doon niya nakita si Asia, nakaupo sa gilid ng bangketa, hawak-hawak ang tiyan, bahagyang nakayuko. Hindi man niya marinig, alam niyang isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito. Parang batang nawawala sa lugar. Parang gutom.Tumigil si Wild.Napamura siya sa sarili.“Put—ano ba ‘tong babaeng ‘to…” bulong niya, ngunit alam niyang hindi niya kayang palampasin iyon. Umikot siya pabalik.“Asia!” tawag niya, medyo may inis sa boses. “Nag-aartista ka ba diyan?”Tumingala si Asia, pagod ang mga mata at mapungay. “Nagugutom ako,” mahinang sagot.Napailing na lang si Wild, saka sumenyas sa driver. “Tara, kakain muna ‘to bago ihatid.”---Isang maliit na kainan sa gilid ng daungan ang pinuntahan nila. Walang kaarte-arte, pero mainit ang kape at bagong luto ang
“Boss, may nasiraan po ata sa gitna ng daan,” sabi ng driver ni Wild habang bumagal ang takbo ng sasakyan nila paglapit sa tulay. Hindi agad umimik si Wild, nakasandal lang siya sa upuan habang nakatingin sa labas, pagod, tahimik, at mukhang wala sa mood. Isang mabigat na araw ang dumaan sa kanya — pero sa kabila ng pagod ay napilitan siyang mapatingin sa daan. Sa liwanag ng headlights, kita nila ang isang lumang taxi na nakahimpil sa gilid ng kalsada. Ilang lalaki ang nakatambay malapit doon, may hawak na mga bote ng alak, halakhakan, at bastos na biro ang umaalingawngaw sa paligid. “Ayos ‘yan pre, ganda pala nito sa personal.” “‘Wag kang matakot, miss… laro lang…” Napakunot ang noo ni Wild. Hindi niya gusto ang naririnig niya. Mabilis niyang tiningnan nang mas maigi ang eksenang ginugulo ng mga lasing. At doon niya nakita — si Asia. Si Asia na nakayuko, nanginginig, halatang takot na takot. Pilit siyang pinoprotektahan ng sarili niyang bag habang unti-unting napapalibu
Asia’s POV Nag-aayos pa lang ako ng gamit ko sa kwarto nang biglang tumunog ang cellphone ko. Si Mama. “Hello, Ma?” sagot ko agad habang inaayos ang pagkakasuklay ng buhok ko sa salamin. “Anak, si Mama ito. Ikaw na muna ang bahala sa bahay, ha?” sabi niya sa kabilang linya. “Umalis muna kami ni Romano. May pupuntahan kami sa probinsiya niya. Mga isang linggo rin kami siguro ro’n.” Napahinto ako. “Ah… ganun po ba?” pilit kong sinagot, kahit sa totoo lang, parang may kumurot sa dibdib ko. “Ingat po kayo.” Pagkababa ng tawag, naupo ako sa kama. Nakatulala lang ako sa sahig. Isang linggo. Isang buong linggo akong mag-isa sa bahay. Wala man lang ingay. Wala akong kakuwentuhan. Wala akong maaasahang boses na bubungad sa akin pag-uwi ko. Tahimik. Malamig. At sobrang lungkot. Napabuntong-hininga ako. Pakiramdam ko, sunod-sunod ang sapak sa akin ng buhay. Una si Wild… tapos si Jasper at Trista… at ngayon, pati si Mama. Lahat sila, parang may kanya-kanyang tinakasan — at ako a
Asia POVNasa trabaho na ako, maaga akong pumasok ngayon. Hindi ko alam kung dahil ba excited ako o gusto ko lang makaiwas sa mga tanong ni Mama. Wala rin naman kasi akong gana pa na pag-usapan ‘yon. Kanina, habang nasa locker room kami ni Angie, hindi ko na rin napigilan.“Alam mo, buntis si Mama,” sabi ko bigla habang inaayos ang buhok ko sa harap ng salamin.Napalingon sa akin si Angie. “Ha? Totoo? Sa edad niyang ‘yon?”Tumango ako, pilit kong iniwasan ang mapanghusga niyang tingin. “Oo. Binigyan pa nga siya ng bagong sasakyan ni Romano. Para raw safe si Mama habang buntis.”Tahimik si Angie saglit, pero ngumiti rin siya. “Aba, ang sweet ni Tito Romano, ha. Jackpot si Mama mo.”Ngumiti ako pabalik pero may kumurot sa dibdib ko.Sa totoo lang... parang nainggit ako.Masaya si Mama. May lalaking seryosong nagmamahal sa kanya. May bagong sasakyan. May bagong buhay sa sinapupunan. At ako? Heto ako, nasa trabaho, naka-hairnet at suot ang medyo masikip kong uniporme dahil hindi pa ako na