Share

Chapter 15

Author: coalchamber13
last update Petsa ng paglalathala: 2026-06-15 22:55:11

REDENTOR

Hindi ko alam kung ano pa ang motibo ni Annie na sirain ang relasyon namin ng nobya ko. Isa pang matalik na kaibigan ni Amanda. Wala na ba siyang konsensiyang natitira? Kunsabagay, kaya na nga niyang patayin ang inosenteng anak namin.

Wala na akong nararamdaman sa kanya, kaya wala na siyang dahilan pa para ipilit ang sarili niya sa akin. Kahit wala pa akong nobya, hindi ko pa rin siya bibigyan ng isa pang pagkakataon. Siya na mismo ang sumira ng tiwala ko nang patayin niya ang anak nam
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Possessive Love (Police Series)   Chapter 18

    REDENTOR“Love, ilang buwan na lang, manganganak na ako. Makikita na ang magiging baby boy natin,” sabi ng asawa ko.Pitong buwan na ang pinagbubuntis niya. Nagpa-ultrasound na kami last month kaya nalaman namin ang gender ng bata. Hinimas ko ang malaking umbok na tiyan ng asawa ko.“Excited na ako, love, na makita ang anak natin.”Kumuha na ako ng katulong para hindi na magtrabaho sa loob ng bahay ang asawa ko. Gusto kong maging komportable ang asawa ko. Ayoko rin siyang nahihirapan. Gusto kong mag-focus lang siya sa pag-aalaga ng anak namin.Hinagkan ko ang labi ni Amanda. Kahit lalaki ang anak namin, napakaganda pa rin niya.“Dadalaw si Mama mamaya. Plano niyang dito muna para mabantayan ka niya. Gusto niyang siya ang mag-asikaso sa iyo kapag nanganak ka na raw.” Napasandal sa dibdib ko si Amanda.“Ayos lang iyon. Gusto kong may kasama sa bahay at may alam sa pag-aalaga ng baby. Alam mo namang first time mommy ako,” natatawang sabi niya.“Magaling si Mama sa pag-aalaga ng baby. Tin

  • Possessive Love (Police Series)   Chapter 17

    REDENTORIsang buwan na ang nakalipas magmula nang ikasal kami ni Amanda. Walang pagsidlan ang kasiyahan ko, lalo pa ngayon na magiging magulang na kami. Hindi ko in-expect na makakabuo agad.“Love, mag-resign ka na sa trabaho mo. Ako ang bahala sa pangangailangan natin. Ikaw na lang dito sa bahay. Alagaan mo na lang ang anak natin. Kaya ko namang itaguyod ang pamilya natin. Maayos naman ang suweldo ko sa pagiging pulis,” sabi ko. Gusto kong dito na lang siya sa bahay dahil napapagod siya sa duty sa ospital. Lalo pa’t buntis siya.“Love, puwede pa naman akong mag-work kahit buntis. Meron nga akong katrabaho, manganganak na nga lang pumapasok pa,” sabi nito.“Mabuti kaya niyang magtrabaho kahit buntis. Ayokong i-take risk ang buhay niyo dahil sayang ang trabaho niyo. Hindi na maganda na mag-work ka pa. Ayokong may mangyari masama sa inyo at sa anak natin. Masama ma-expose ang buntis sa ospital.” Yumakap sa akin si Amanda.“Okay, kung iyon ang gusto mo. May punto ka naman. Saka first ba

  • Possessive Love (Police Series)   Chapter 16

    REDENTOR“Anak, bakit naman biglaan ang kasal mo? Hindi ba sa simbahan ang balak mong kasal? Pangarap mo nga iyon noong wala ka pang nobya. Dahil ang sabi mo, once lang mangyayari iyon sa buhay mo. Bakit nagbago yata ang plano mo?” Ani Mama. Ayokong sabihin sa kanya ang nangyari tungkol kay Annie. Ayokong mag-alala siya sa amin ni Amanda.“Mama, napag-isip-isip kong mas mabuting simple na lang. Ilaan na lang namin ang pera para sa gastusin namin sa magiging bahay namin. Ganoon din naman, mapasimbahan o huwes , okay lang. Ang mahalaga, ikinasal kami. Gusto kong mapaganda ang pinapagawa kong bahay para sa amin ni Amanda. Alam niyo naman pangarap ko talaga noon pa na magkaroon ng sariling bahay at lupa.“Ganoon ba? Okay naman iyang naisip mo. Tutal, nakapagdesisyon na kayo at pumayag naman si Amanda. Ano pa bang magagawa ko?” Napangiti si Mama sa akin.“Kayo talaga, Ma. Siyempre, kayo ang magiging gabay namin ni Amanda sa buhay mag-asawa. Naging mabuti kayong asawa at ina para sa akin. K

  • Possessive Love (Police Series)   Chapter 15

    REDENTORHindi ko alam kung ano pa ang motibo ni Annie na sirain ang relasyon namin ng nobya ko. Isa pang matalik na kaibigan ni Amanda. Wala na ba siyang konsensiyang natitira? Kunsabagay, kaya na nga niyang patayin ang inosenteng anak namin.Wala na akong nararamdaman sa kanya, kaya wala na siyang dahilan pa para ipilit ang sarili niya sa akin. Kahit wala pa akong nobya, hindi ko pa rin siya bibigyan ng isa pang pagkakataon. Siya na mismo ang sumira ng tiwala ko nang patayin niya ang anak namin. Masaya na ako sa relasyon namin ni Amanda. Siya na ang ihaharap ko sa dambana. Kahit ano ang gawin niya, si Amanda pa rin ang pipiliin ko.Pumasok ako sa presinto. Nasa bungad pa lamang ako nang may tumawag sa pangalan ko.“Redentor!” Napatingin ako sa gilid ko. Lumapit siya sa kinatatayuan ko. Nag-igting ang panga ko.“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko na may inis. Ang kulit ng babaeng ito. “Dinadalaw kita. Nagluto ako ng pananghalian mo para hindi ka na bumili sa labas mamaya.” Paran

  • Possessive Love (Police Series)   Chapter 14

    REDENTORNagtataka ako dahil laging may nagte-text sa akin na binabalaan ako patungkol kay Amanda. Ayaw kong maniwala dahil kilala ko ang nobya ko at malaki ang tiwala ko sa kanya. Hindi niya ako magagawang lokohin.Palagi akong pinapadalhan ng taong iyon ng mga larawan na may kasamang lalaki si Amanda. Pinagtataka ko, puro stolen shot lang naman. Kaya hindi malinaw sa akin kung kausap lang ba ito ni Amanda o napadaan lang. May isang larawan na kinainis ko kasama ang bastardong kapatid ko, pero parang nag-uusap lang naman sila.Tinext ko si Amanda na hindi ko siya masusundo. Ngunit alibi ko lang iyon para masundan ko ang kilos niya. Kailangan kong malaman ang totoo. Hindi ako matatahimik hangga’t may alinlangan ako.Habang nagmamasid sa malayo. Papasok na sana si Amanda sa sasakyan nang tawagin siya ni David. Napalingon ang nobya ko. Nag-igting ang panga ko. Nangunot ang noo ko nang itulak ni Amanda si David dahil nagtangka itong hawakan at halikan sa labi nang sapilitan. Lumabas agad

  • Possessive Love (Police Series)   Chapter 13

    REDENTORHabang hinihintay si Amanda sa lobby, hindi ko maiwasang kabahan. Na-excite ako sa magiging reaction niya sa proposal ko. Hawak ko ang bulaklak at nasa bulsa ko ang singsing na ibibigay ko sa kanya. Dito ako magpo-propose sa harap mismo ng maraming tao. Because I want to show them how much I love Amanda.Hindi ko akalaing iibig muli ako. Akala ko ay hindi ko na mararamdaman ang salitang pag-ibig. Hindi ko kasi naramdaman ang mga iyon sa sarili kong ama at sa babaeng minahal ko. Pero nang makilala ko si Amanda, sa kanya ko naramdaman ang tunay na pagmamahal na hinahanap ko. Kumabog ang puso ko nang makita si Amanda. She smiles at me.“Love, pasensya na, medyo nagtagal ako sa department namin. Nagpakain kasi ang kasamahan ko.” Hinapit ko siya sa beywang at hinagkan ang noo niya.“It’s okay, my love. By the way, happy birthday,” bati ko sa kanya. Ibinigay ko ang bouquet of white roses.“Thank you.” She thanked me. Lumuhod ako sa harapan niya. Nabigla si Amanda sa ginawa ko.“Lo

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status