FAZER LOGINREDENTORKahit ayokong makita pa si Annie, kailangan ko siyang makausap tungkol sa kasong isasampa ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya inaamin ang ginawa sa asawa ko. Matigas talaga ang babaeng iyon!“Bakit gusto mo akong makausap? Iuurong mo na ba ang demanda? Hindi ko aaminin ang binibintang niyo sa akin. I am innocent! Wala akong pakialam sa ebidensya niyo! Gawa-gawa niyo lang ‘yon!” Gusto kong matawa sa sinasabi niya. Talagang makapal ang mukha niya na isipin na inosente siya. Nakita naman sa CCTV kung paano niya sinaktan si Amanda.“Nagpunta ako dito hindi upang sabihing iuurong ko ang demanda. Mananagot ka sa batas! Ayoko na sanang makita ka, pero kailangan ko pa rin dahil itutuloy ko ang demanda laban sa iyo! Kahit saan man tayong korte magpunta hindi ako titigil na mabubulok ka sa bilangguan.” Parang hindi kakikitaan ng takot si Annie. Alam kong gagawa ng paraan ang pamilya nito para lang mabayaran ang hustisya. Hindi ako susuko. Alam kong hindi lahat ng tao ay kaya nila
Sobra akong nag-alala nang tumawag si Amanda sa akin. Buti nakabalik na ako sa presinto nang tumawag siya, kaya sinagot ko.Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag may masamang nangyari kay Amanda at sa anak namin. Ang huli lang niyang nabanggit ay ang pangalan ni Annie. Mananagot sa akin ang babaeng iyon! Hindi ko siya mapapatawad kapag may masamang nangyari sa mag-ina ko.“Kuya. . .” Inabutan ako ng tubig ni David. Kinuha ko iyon.“Salamat.” Naupo siya sa tabi ko.“Mabuti na lamang at nakita ko si Amanda. Nagkataon na may bibilhin akong pagkain kaya doon ako nagpunta,” sabi nito. Napangiti ako. Malaki ang utang na loob ko kay David. Siya ang nagligtas kay Amanda at sa anak namin. Tinapik ko ang balikat nito. Siguro ito na ang tamang pagkakataon na magkaayos na kami ng kapatid ko. Magiging ama na ako. Dapat magandang ehemplo ako sa magiging anak ko.“Salamat. Kung wala ka doon, malamang may masamang nangyari na sa mag-ina ko,” sabi ko.“Wala iyon, kuya. Naging mabuting magkaibiga
REDENTOR“Love, ilang buwan na lang, manganganak na ako. Makikita na ang magiging baby boy natin,” sabi ng asawa ko.Pitong buwan na ang pinagbubuntis niya. Nagpa-ultrasound na kami last month kaya nalaman namin ang gender ng bata. Hinimas ko ang malaking umbok na tiyan ng asawa ko.“Excited na ako, love, na makita ang anak natin.”Kumuha na ako ng katulong para hindi na magtrabaho sa loob ng bahay ang asawa ko. Gusto kong maging komportable ang asawa ko. Ayoko rin siyang nahihirapan. Gusto kong mag-focus lang siya sa pag-aalaga ng anak namin.Hinagkan ko ang labi ni Amanda. Kahit lalaki ang anak namin, napakaganda pa rin niya.“Dadalaw si Mama mamaya. Plano niyang dito muna para mabantayan ka niya. Gusto niyang siya ang mag-asikaso sa iyo kapag nanganak ka na raw.” Napasandal sa dibdib ko si Amanda.“Ayos lang iyon. Gusto kong may kasama sa bahay at may alam sa pag-aalaga ng baby. Alam mo namang first time mommy ako,” natatawang sabi niya.“Magaling si Mama sa pag-aalaga ng baby. Tin
REDENTORIsang buwan na ang nakalipas magmula nang ikasal kami ni Amanda. Walang pagsidlan ang kasiyahan ko, lalo pa ngayon na magiging magulang na kami. Hindi ko in-expect na makakabuo agad.“Love, mag-resign ka na sa trabaho mo. Ako ang bahala sa pangangailangan natin. Ikaw na lang dito sa bahay. Alagaan mo na lang ang anak natin. Kaya ko namang itaguyod ang pamilya natin. Maayos naman ang suweldo ko sa pagiging pulis,” sabi ko. Gusto kong dito na lang siya sa bahay dahil napapagod siya sa duty sa ospital. Lalo pa’t buntis siya.“Love, puwede pa naman akong mag-work kahit buntis. Meron nga akong katrabaho, manganganak na nga lang pumapasok pa,” sabi nito.“Mabuti kaya niyang magtrabaho kahit buntis. Ayokong i-take risk ang buhay niyo dahil sayang ang trabaho niyo. Hindi na maganda na mag-work ka pa. Ayokong may mangyari masama sa inyo at sa anak natin. Masama ma-expose ang buntis sa ospital.” Yumakap sa akin si Amanda.“Okay, kung iyon ang gusto mo. May punto ka naman. Saka first ba
REDENTOR“Anak, bakit naman biglaan ang kasal mo? Hindi ba sa simbahan ang balak mong kasal? Pangarap mo nga iyon noong wala ka pang nobya. Dahil ang sabi mo, once lang mangyayari iyon sa buhay mo. Bakit nagbago yata ang plano mo?” Ani Mama. Ayokong sabihin sa kanya ang nangyari tungkol kay Annie. Ayokong mag-alala siya sa amin ni Amanda.“Mama, napag-isip-isip kong mas mabuting simple na lang. Ilaan na lang namin ang pera para sa gastusin namin sa magiging bahay namin. Ganoon din naman, mapasimbahan o huwes , okay lang. Ang mahalaga, ikinasal kami. Gusto kong mapaganda ang pinapagawa kong bahay para sa amin ni Amanda. Alam niyo naman pangarap ko talaga noon pa na magkaroon ng sariling bahay at lupa.“Ganoon ba? Okay naman iyang naisip mo. Tutal, nakapagdesisyon na kayo at pumayag naman si Amanda. Ano pa bang magagawa ko?” Napangiti si Mama sa akin.“Kayo talaga, Ma. Siyempre, kayo ang magiging gabay namin ni Amanda sa buhay mag-asawa. Naging mabuti kayong asawa at ina para sa akin. K
REDENTORHindi ko alam kung ano pa ang motibo ni Annie na sirain ang relasyon namin ng nobya ko. Isa pang matalik na kaibigan ni Amanda. Wala na ba siyang konsensiyang natitira? Kunsabagay, kaya na nga niyang patayin ang inosenteng anak namin.Wala na akong nararamdaman sa kanya, kaya wala na siyang dahilan pa para ipilit ang sarili niya sa akin. Kahit wala pa akong nobya, hindi ko pa rin siya bibigyan ng isa pang pagkakataon. Siya na mismo ang sumira ng tiwala ko nang patayin niya ang anak namin. Masaya na ako sa relasyon namin ni Amanda. Siya na ang ihaharap ko sa dambana. Kahit ano ang gawin niya, si Amanda pa rin ang pipiliin ko.Pumasok ako sa presinto. Nasa bungad pa lamang ako nang may tumawag sa pangalan ko.“Redentor!” Napatingin ako sa gilid ko. Lumapit siya sa kinatatayuan ko. Nag-igting ang panga ko.“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko na may inis. Ang kulit ng babaeng ito. “Dinadalaw kita. Nagluto ako ng pananghalian mo para hindi ka na bumili sa labas mamaya.” Paran
REDENTORHabang hinihintay si Amanda sa lobby, hindi ko maiwasang kabahan. Na-excite ako sa magiging reaction niya sa proposal ko. Hawak ko ang bulaklak at nasa bulsa ko ang singsing na ibibigay ko sa kanya. Dito ako magpo-propose sa harap mismo ng maraming tao. Because I want to show them how much
REDENTOR“Ma, bakit gising ka pa?” tanong ko kay nanay nang makita ko pa siyang gising. Kadarating ko lang galing sa trabaho.“Hinihintay kita, anak. Nagluto ako ng paborito mo,” sabi niya. Niyakap ko ang aking ina at hinagkan ang kanyang noo.“Salamat, Ma. Siguradong marami na naman akong kakainin
REDENTOR“Mukha kang gago diyan sa hitsura mo Reden. Hindi mo bagay ang umakyat nang ligaw,” natatawang sabi ng kaibigan kong si Alexandro Dela Costa , ang pulis na matulis.Napatingin ako sa hitsura ko. Well, hindi ako sanay sa ganitong formal na damit. May hawak pa akong bulaklak. Hindi naman ako
REDENTORHindi ko maialis ang tingin sa babaeng kausap ni Alex. May laro kaming basketball ngayon. Sumali kami sa ligang para sa lugar namin. Isinali namin si Alex dahil sponsor siya sa susuotin naming sapatos.Hindi naman kasi namin kaya bumili ng sapatos na panglaro namin. Working student ang kar







