LOGINCara
“Did I say to raise your head?” Malamig niyang tanong kaya agad akong nagbaba ng tingin. Pakiramdam ko ay nanginginig ang buo kong katawan pero pinilit kong magpakatag. Halos pigilan ko na ang aking hininga dahil sa lalaking nasa harapan ko. “Paakyatin mo siya sa second floor, Manang Doring.” Utos niya sa babaeng kausap ko kanina. Agad naman akong pinatayo ni Manang Doring at pinasunod sa kanya. Habang umaakyat ako pataas ay para ko ring inilalagay ang sarili ko sa panganib. Sa bawat hakbang na ginagawa ko, isa-isang bomba ang sumasabog. Anong gagawin niya sa akin? Nang nasa tapat na kami ng p***o, huminto si manang Doring at ganoon na rin ako. “Sundin mo ang lahat ng utos niya.” Paalala niya sa akin sa mahinang boses na tila ba nakakatakot. Kinatok niya ang p***o, pinihit ang doorknob at pinapasok na ako. Bumungad agad sa akin ang mababang temperatura ng kuwarto, tila ba pinapaalala sa akin kung sino ang hari sa lugar na ito. “Lumapit ka,” matigas niyang utos. Naglakad ako patungo sa kanya, sinalubong ng madilim niyang tingin. “This is my doctor,” pakilala niya sa babaeng nasa tabi niya na mukhang may mataas na antas sa buhay. “She will be going to examine you for a medical examination.” Walang emosyon niyang sinabi at tiningnan niya ang babae. Agad akong pinahiga ng doktor at umalis si Mr. Peralta sa loob. Gustuhin ko mang magtanong, hindi ko na nagawa dahil maraming test ang ginawa niya. Ganito ba talaga kapag naging katulong ka ng isang tanyag na pamilya? Sige lang Cara, tiisin mo lang. Malusog ka naman kaya sigurado akong matatanggap ka. *** “She’s healthy, and fertile.” Anunsyo ng doktor sa kanya, wala siyang sinabi at pinasadahan lang ako ng tingin. Umalis na ang babae kaya ngayon ay kami na lang ang naiwan. Kumunot ang noo ko. Ang kabang naramdaman ko kanina ay tila napalitan ng isang tanong. Anong ginagawa niya? “You’re good, healthy, and fertile just like what I need. I’ll deposit the 500 thousand then the other half will be at the end of the month.” Walang paligoy-ligoy niyang sinabi. Napakunok ako. Kumuha ng lakas ng loob. “Ano pong gagawin ko, sir?” Tanong ko, pilit kong pinapa-steady ang boses ko. “Babaeng maipresenta kay Lolo bilang magbibigay ng tagapagmana ko.” Nalaglag ang aking panga. “You’re not going to be a maid, but a mother of my heir.” Patuloy niya. Halos kapusin ako ng hininga sa kanyang sinabi. Napakurap ako at napatakip sa aking bibig. Magdadala ng magiging tagamana niya? “Do you agree or disagree, Miss Valderama?” Tanong niya, tinapik niya sa kanyang lamesa ang kanyang kuko tila ba naghihintay sa sagot ko. Ang bawat tunog ng kanyang kuko ay nagpapahiwatig na tila naiinip na siya sa tagal kong magbigay ng desisyon. Puwede bang umatras muna? Kaya ko ba talagang gawin ito? Pero kung hindi…maaaring mawala sa akin ang aking tatay at hindi ko iyon kakayanin. Ngunit kapalit naman nito ang dignidad ko. Pero mahalaga pa ba ang dignidad mo kung nag-aagaw-buhay na ang tatay mo, Cara? Mahirap ka lang Cara kaya kailangan mong tanggapin ang katotohanan. Taas noo akong tumingin sa kanya, sinalubong ng madilim niyang mga mata. “Papayag ako sa isang kondisyon, Mr. Peralta.” Tumaas ang kanyang kilay, pero hindi siya nagsalita. “Kailangan ko ng bayad sa bawat buwan na nasa sinapupunan ko ang anak mo.” Tumawa siya, isang malamig at malalim na tawa. Nakakatakot. “Gahaman ka rin masyado.” “Hindi lang basta-basta ang hinihiling mo, Mr. Peralta.” Walang emosyon kong sinabi. Tumiim ang kanyang bagang at saglit akong tinapunan ng tingin. “Deal," maikli niyang sinabi at binigyan ako ng cheke. "You may now go, and I’ll ask for your presence when I need you." Kahit hindi kaya ng tuhod kong umalis sa lugar na iyon, naglakad pa rin ako palabas. *** Wala akong inaksayang oras. Kailangan ni tatay na magamot kaya nagbayad agad ako sa cashier. Pagbabayad ko, biglang nag-iba ang ihip ng hangin; inasikaso nila kami nang maayos, pinalipat kami ng kuwarto at itinuring kaming espesyal na tao sa loob ng ospital. May pinapirmahan sila sa akin na isang mahalagang dokumento. Binasa ko iyon para makasiguro at para maayos na, kaya agad na akong lumagda. “Well going to start the surgery, Miss Valderama.” Nakangiting anunsyo ng nurse at inilipat nila si Tatay sa isang bed stretcher, tapos dinala sa OR. Sumunod ako, kaso lang ay hindi ako puwedeng pumasok. “Anong oras po kaya matatapos ang operasyon ni Tatay?” “Tatlong oras po dahil mahaba ang proseso. Sige po, ma’am.” Sambit niya at umalis. Abot-abot ang tahip ng kaba sa dibdib ko. Halos maiyak na ako habang naghihintay kay tatay. Hindi ako mapakali. Palakad-lakad ako nang back and forth habang nakatingin sa orasan. Sa bawat paggalaw ng kamay ng orasan, lalong bumibigat ang dibdib ko. "Sana po ay maging maayos ang tatay ko.' Bulong ko. Napaupo ako sa may upuan, mahigpit ang paghawak ko sa aking damit habang nakatingin sa p***o ng OR na may lumalabas-pasok na mga nurse at doktor. Pagkatapos ang paghihintay sa mahigit na tatlong oras, lumabas ang doktor na nag-opera kay Tatay kaya tumayo ako at nilapitan siya. “Good news, Miss Valderama, the operation is successful, but he needs to take meds para po magtuloy-tuloy ang kanyang paggaling.” Nakangiting sambit ng doktor at may iniwang listahan sa akin. Kailangan ko ngang bumalik at madaliin ang mga kailangan kong gawin para kay Mr. Peralta upang mapabilis ang paggaling ni Tatay. Dahil kung magdedepende lang ako sa sahod ko sa fast food. Kulang na kulang pa iyon. “Kaya ko ‘to,” bulong ko sa aking sarili. Sa bawat araw na nasa ospital si Tatay, mas lumalaki ang bill ng ospital namin, kaya habang hindi pa ako pinatawag ni Mr. Peralta, kailangan kong humanap pa ng part-time job. Ngunit hindi pa rin iyon sapat. Isang araw, tumunog ang cellphone ko. Hindi iyon pamilyar na numero, pero sinagot ko pa rin—baka importante. Hindi nga ako nagkamali. “Pinapatawag ka ni Mr.Peralta, Cara.” Mabilis akong nag-ayos. Naligo at naglinis ng katawan upang maging handa sa anumang maaaring mangyari. Dahil simula nang pumayag ako sa alok niya, alam kong pagmamay-ari na niya ako at kaya na niyang gawin ang gusto niya sa akin. “Kailangan na kailangan mo talaga ng pera?” Mapang-insultong tanong niya, hindi ako nagsalita. Kahit gusto kong ipagtanggol ang sarili ko, nilunok ko ang aking pride. “My lolo wants an heir for a month, so I need you to bear my heir next month.” Nanlaki ang aking mga mata. “P-pero—" “No buts, Cara, unless you give me back the money I paid you first.” Humigpit ang kapit ko sa laylayan ng puting bestidang suot ko. Magpakumbaba ka lang, Cara, dahil ikaw ang nangangailangan. “Bigyan mo muna ako ng kalahating milyon bago ako pumayag sa maaaring mangyari sa atin.” Matapang kong sinabi. Pinatunog niya ang kanyang dila sa ilalim ng kanyang pisngi, tapos ay tumingin sa akin ng maigi. Tiningnan ko rin siya pabalik. Naglakad siya papalapit sa akin at lalong sumisikip ang malawak na kuwartong ito habang papalapit siya sa gawi ko. Nanginginig ang buong katawan ko. Kahit ang aking lalamunan ay naging mahigpit. He stopped midway, but leaned closer until I could feel his hot breath in my cheek. “I need to mark you first before I give it to you, woman.” His voice hoarse, halos makalimutan ko na ang huminga at na-froze na lang ako sa aking kinatatayuan.CaraAna tried to hold back her tears, but even so...a single drop of her tears slid down her cheek. Until they came one by one, like a fall. Hindi niya mapigilan. Sunod-sunod ang bawat pagpatak ng luha mula sa kanyang mga mata; kahit anong gawin ko, hindi pa rin siya matapos-tapos sa pag-iyak. It was the first time I saw her this vulnerable—siguro ay minahal niya talaga si Tyler at gusto niyang magbago ang lalaki. "Akala ko dati, hindi naman niya itutuloy ang balak niyang gawing pain si Ethan para saktan si Tristan." Kumunot ang noo ko, naintriga sa sinabi niya habang humihingos. She wipes her tears using the back of her hands. "Mr. Peralta was unfair to his son," humupa na ang kanyang pag-ikot. Lumunok siya. Hindi pa rin siya makatingin sa akin. I massaged her back, trying to ease the pain she had been holding on to. After all, alam ko naman na kinikimkim niya lang ang lahat sa sarili niya at ngayon lang niya ito inilabas. "Tyler saw how unfair the old Peralta was to his f
CaraIlang beses akong napakurap. Hindi lang...Isa.Dalawa.Tatlo. Maraming beses na. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin o gagawin ko. Parang hindi nag-sync sa utak ko ang nalaman ko. Si Tyler? Si Tyler ang tumulong sa akin sa buong buhay ko. Si Tyler na halos protektahan ako sa lahat, pati na maging sa kanyang sariling lolo. Siya pala talaga ang mastermind ng lahat? Tumigil ang aking mundo at halos wala nang marinig. Did I hear it right? Talaga bang si Tyler… ang mastermind ng lahat? Siya ang puno't dulo ng lahat ng ito. Halos matumba ako sa aking kinatatayuan; mabuti na lang at nakaabang si Ana upang hawakan ang kamay ko at mabalanse ako, kaya hindi ako tuluyang natumba. I was shaking. I didn't know if it was because I was angry or because I had discovered that Tyler was the real culprit. Pero paano? Anong ginawa ni Tristan para umabot si Tyler sa ganito?Naglakad si Ana patungo sa bench. Sumunod ako sa kanya. "Tyler was jealous of Tristan." Panimula niya, napalu
Third Person's Pov Bumalik si Cara sa mansyon ni Tyler. Umaasa siyang babalikan siya ni Tristan doon… She even tried to call the man, but he didn't answer. Mas lalo siyang nabahala. She paced back and forth outside the house, biting her lip and thinking about what she might do. Alam niyang manganganib ang buhay nila kung bigla na lamang siyang susulpot sa bahay ng matandang Peralta. And if that happens...it will be their end. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang cellphone at halos ayaw na niyang bitawan ito. Muntik pang mabasag dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya. Nagsimula na siyang makaramdam ng kakaiba—tila ba hindi siya mapakali habang iniisip kung nasaan ngayon at kung ano na ang nangyayari kina Tristan at Ethan. Lingid sa kaalaman ni Cara, nagsimula na ang pagputukan ng baril ng bawat panig nina Tyler at Tristan sa warehouse. "Duwag ka!" sigaw ni Tristan habang nakatago sa May poste. "Palagi ka na lang nakatago sa likod ng mga tauhan mo."Malakas na humalak
Third Person's Pov "Tyler?" Bulong ni Tristan sa hangin habang nakatingin kay Tyler nang diretso na ngayon ay mala-demonyong ngumisi. Ilang beses siyang napakurap, hindi makapaniwala. Hindi inakalang ang lalaking minsan niyang pinagkatiwalaan ay siya pala ang tatraydor sa kanya. Tapos nag-flashback sa kanya ang lahat. Mula noong una kung kailan ay nagdududa siya sa lalaki pero benalewala niya ang lahat dahil sigurado siyang hindi magagawa ni Tyler na traydurin kahit pa iniisip niya noong una na trinaydor siya nito. Dahil nalaman ng matandang Peralta kung nasaan siya. Hindi pa rin niya inisip na… siya pala ang may kagagawan ng lahat ng ito. Simula noong una pa lang. Simula pa noong mga panahong akala ng lahat na ang matandang Peralta ang may kagagawan ng lahat. Kaya pala… kaya pala halos kampihan siya ng mga lalaki dahil ito pala ang plano niya. Ang alisin sa isipan ni Tristan na siya ang kalaban. Malaki ang ngisi nito. May hawak na baril. Ang kanyang mga tauhan ay nakapal
Tristan She let us go. She... really did let us go. I sarcastically laughed. Hindi ako makapaniwala.Pabalik-balik sa isipan ko ang sinabi niya sa akin noon. "I let you and Ethan go," she said it casually. Like she didn't care about us, though I know she cared. I could still see how her lips quivered, how she couldn't meet my eyes, even if she were trying her best to act tough. Alam kong ayaw niyang sabihin ang bagay na iyon, pero wala siyang magawa. Pero bakit hindi niya kami ilaban? Kami nang anak niya? As much as I wanted to hate her, I couldn't. I couldn't blame her. After all, she would choose us to be safe rather than us...being dead. Well, tama naman siya. Wala naman talaga kaming laban sa matandang Peralta. He was powerful. A lot of connections.Marami siyang tauhan.Mayaman. Isang pitik niya lang, tapos na kami. Of course, I understand, Cara. Kahit ako, kung hindi lang ako nakahanda sa maaaring mangyari—I would back out of this situation. Alam kong wala kam
CaraI cried the whole time. Noong umalis siya. Noong iniwan niya ako.Umiyak lang ako nang umiyak sa sala hanggang sa mapagod ako. Napaluhod na ako sa carpet habang sinisigaw ang katangahan ko. Why am I crying when it's all I want? Bakit ba ang tanga ko pagdating sa ganitong bagay? Hindi ko alam kung bobo ba ako o sadyang hindi lang ako mag-isip nang tama at mukhang nawala na sa katinuan. Pagkatapos kong sabihin iyon, did I expect him to at least comfort me? The fvck with your mindset, Cara. Bobo ka nga para isipin mo ang bagay na iyon. Mas lalong tumulo ang aking mga luha. I tried to wipe them away with the back of my hand. Still, it was nothing...para lang akong tanga dahil iiyak rin naman ulit ako habang pinapahiran ko ang aking sarili. I was staring out of nowhere, then laughing at how foolish I was. "E-Ethan," bulong ko sa sarili ko. "I'm sorry if I had to give you up even if I don't want to." Nahihirapan kong sinabi. "Ayokong gawin iyon, ayokong isipin mo na… hindi







