LOGIN
Cara
“Hindi na ito madadala ng medesina na lang, Miss Valderama. “ Nakataas ang kilay na sinabi ng nurse sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa kaya medyo nanliit ako. Binalingan niya ako ng tingin. “At kung hindi agad mapaopera ang tatay mo, maaaring may masamang mangyari sa kanya.” Dagdag pa nito na tuluyan ng nagpaguho ng mundo ko. Hindi ko kayang mawala si tatay, hindi ko kaya lalo at siya na lang ang nag-iisang kasama ko sa buhay. “N-nurse gawin niyo po ang lahat upang magamot ang tatay ko.” “Magagawa lang namin ‘yan kung may pera kang idedeposit para sa operasyon niya.” Napalunok ako. Pera? Wala ako no’n. Anong gagawin ko? Pikit-mata akong nagtanong. “Magkano po?” “Kalahating milyon hija at sususmatutal na isang milyon dahil kailangan niya ng medisina pagkatapos ng opera.” Ang doktor na nagcheck kay tatay ang sumagot. Pinagmasdan niya akong mabuti, napalunok ako sa paraan ng kanyang pagtitig sa akin pero tinatagan ko ang aking loob. Pero nanlamig ang buong katawan ko nang maalala kung anong sinabi niya. Saan ako kukuha ng ganoon kalaking pera? “And we need to do the operation as possible, because your father’s condition is critical.” Mabigat na sinabi ng doktor bago nila ako iniwan. Imbes na magmukmok na lang ako doon at magtanong kung saan ako kukuha ng pera ay minabuti kong lumabas upang humingi ng tulong sa mga kakilala ko. “Naku Cara, hindi kita mapapahiram ng ganyang kalaking pera.” Mabilis na sagot ng manager ko sa isang fast food. “P-pero ma’am kailangan ko—“ napailing siya. “Masyadong mataas ang isang milyon, isang libo lang ang kaya ko.” Nanlumo ako. Para akong binabsakan ng langit at lupa. Paano na ang tatay ko? “Pero gusto mo ba talagang kumita ng ganyan kalaking pera?” Tumango ako, desperada. Tinapik niya ang balikat ko, pinagmasdan ang aking mukha at katawan. “May alam akong mabilis na pagkakakitaan…kaso nga lang ay hindi ako sigurado kung papayag ka.” “Ano po ‘yon? Kahit ano basta para sa tatay ko.” Nagkibitbalikat siya at tumalikod. “Si Mr. Peralta, mahal magbayad sa kanyang katulong.” Kumunot ang noo ko. Katulong? Mr. Peralta? Sino naman iyon? Nang makita ang paglukot ng aking mukha, lumapit siya sa akin para bumulong. “Si Mr. Peralta ay matagal ng naghahanap ng personal maid kaya kailangan mabait ka sa kanya para tumagal ka.” “B-bakit?” “Hindi ko alam, pero milyones siya kung magbayad sa kanyang katulong kapag tumagal ng isang buwan.” Napalunok ako, ilang beses. “Pero ang balita ko’y walang tumatagal sa kanya,” she paused. “Pero wala naman akong nababalitaan na may masamang nangyayari.” Ngumiti siya, hinawakan ang magkabilang balikat ko. “Basta, kakaiba si Mr. Peralta kaya kailangan good girl ka lang.” Nagsitaasan ang aking mga balahibo habang iniisip pa lang kung ano ba talaga ang kayang gawin ni Mr. Peralta. Lunukin ko na lang muna ang pride ko dahil hindi naman ako ipinanganak na mayaman. Dahil mahihirap, bawal magreklamo. Hindi ako nagsalita pero may ibinigay na damit, sandal at make up ang manager sa akin. “Suotin mo ‘to para maging presentable ka naman tingnan.” Sambit niya kaya napatingin ako sa aking kasuotan na parang basahan na. “Mahigpit si Mr. Peralta. Ang kailangan mo lang gawin ay sundin ang mga patakaran niya at wala kang magiging problema.” Sinabi niya, akala ko ayniyon na pero may pahabol pa siya. “Siya nga pala, paalala na masyadong malamig at ruthless ang lalaking iyon kaya dapat behave ka lang, ‘kay?” Ayaw ko man, wala akong nagawa kundi ang tumango na lang. Huminga ako ng malalim at agad na nagtungo sa lugar. Pinindot ko ang doorbell. Umihip ang malamig na hangin habang nakatayo ako sa may pintuan, hinihintay ang pagbukas ng gate. “Ikaw na ba si Miss Cara Valderama?” Isang babaeng nasa mid 40’s ang bumukas ng gate. Wala siyang kahit anong emosyon na ipinapakita at malamig ang kanyang pakikitungo. “Opo,” magalang kong sagot. Nauna siyang naglakad, sumunod naman ako. “Gusto kong malaman mo na bawal mong sabihin sa labas kung anong nasaksihan o narinig mo sa loob. At higit sa lahat, sundin mo ang utos ni sir at magtatagal ka dito.” Tumango lang ako kahit hindi naman niya nakikita. Malawak ang area bago makarating sa mismong mansyon na tila nababalot ng kadiliman. Gusto kong humakbang paatras pero kailangan kong magpakatatag. Hindi ako puwedeng magpakita ng kahinaan. Ang kailangan ko lang gawin ay maging good girl at may milyones na ako. Iyon lang. Tahimik ang buong mansyon. Walang maririnig kundi ang tunog ng aking sapatos sa marmol na sahig. Para bang kahit ang hangin ay natatakot gumawa ng ingay. Nakapagtatakang wala akong nakikita kahit ni isang larawan sa lawak ng mansion na ito, at ang mga katulong ay nakayuko lang palagi na tila ba natatakot na may makita o masabi. Hindi ko na lang iyon pinansin at nakinig na lang ako sa babae habang sinasabi niya ang sandamakmak na mga utos na alam kong hindi ko naman kayang sauluhin. “Bawal kang umakyat sa floorth floor, maglilinis ka lang sa labas at higit sa lahat bawal kang makipag-usap sa kahit kanino maliban kung inuutusan ka.” Nilingon niya ako, nakataas ang kanyang kilay. “maliwanag ba?” “O-opo,” mabilis kong tugon sa kabila ng panginginig ng aking labi. Nasa sahig lamang ang aking tingin, hindi kayang tingnan ang babae dahil sa takot. Mahigpit ang paghawak ko sa aking palda. “Magsimula ka ng maglinis,” matigas niyang utos na parang bato. Sinunod ko ang sinabi niya ngunit bago man ako makapaglinis ay isang malamig, at matigas na boses ang aking narinig. At tila ba ang buong paligid ay tumigil nang magsalita siya, na maging paghinga ko ay pinigilan ko. “Is that the new maid?” Nag-angat ako ng tingin. At doon ay nakita ko ang lalaking sinasabi ni manager na handang magbayad ng milyones para lang sa isang maid. Si Mr. Peralta.Cara Mukhang naramdaman ni Ana na may something, kaya hinila niya ako palabas bago pa ako makita ng tatlong pamilyar na mukha. Dumaan kami sa likod. Tapos, nang makarating kami doon, sandali akong natulala. Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko. Pero isang tanong lang ang gusto kong masagot… Anong ginagawa ni Crystal dito? Ipinikit ko ang aking mga mata; kailangan ko lang maging propesyonal. Iyon lang. Makikipag-usap ako sa kanila na parang wala lang, tapos aalis na parang wala lang din. Iyon lang. Ganoon lang kabilis.
Cara I was driving my Tesla, tapping my fingers at the wheel while driving smoothly. Bumalik siya? Bakit kaya? Anong kuwento niya bukod sa pagiging workaholic niya? Di ba dapat ay nasa honeymoon stage pa sila? I don't know, and why am I even thinking about those things? Ano bang karapatan ko? Di ba, at wala naman, kaya sana ay manahimik na lang ako!Pero habang papalapit ako sa bahay, may napamataan akong pamilyar na kotse sa labas ng gate. Hindi ako puwedeng magkamali.Why is he here? At paano siya nakapasok sa loob? Mabilis kong inilagay sa garahe ang kotse at pagkatapos ay pumasok sa loob. Pagbukas ko ng pinto, natagpuan ko si Tyler at si Ethan na masayang nagkukuwentuhan. Bakit siya pinapasok ng anak ko? Mukhang naramdaman nila ang presensya ko. Ethan ran towards me while Tyler
Cara Months had passed since Tatay died. I was still mourning his death, crying in my room whenever I had time, but in the morning—I moved forward. May anak ako. Kailangan niya ako. Unti-unti, masasanay na rin kami na wala na si Tatay. Nakapag-adjust na rin si Ethan, kahit pa nakikita kong nahihirapan siyang tanggapin ang mapait na katotohanan, dahil minsan din naman naming pinangarap na makasama kaming tatlo sa hirap at ginhawa. Pero naisip na rin namin na ganoon talaga ang buhay. Kahit anong gawin mo, may mawawala at kailangan mo lang mag-move forward dahil hiram lang natin ang buhay natin. This year was the most painful in my life.
Tristan Habang hindi pa naman ako pinapakilala ng gobernador, nagsindi muna ako ng sigarilyo. Kasi lang, may narinig akong tumatalbog na bola. Nang hinahanap ko kung nasaan iyon, may nakita akong maliit na bata. What is he doing here? And where are his parents? Napakapabaya naman nila. Paano kung anong mangyari sa batang 'to? Naglakad ako palapit sa kanya. Hindi naman ako fond ng mga bata, pero parang may nagtulak sa akin na lapitan siya. Ewan ko ba pero bahala na nga. Wala namang mawawala kung sakali. Umupo ako sa tabi niya. Sinulyapan niya ako, pero agad ding ibinaling ang tingin niya sa bola niya. Tsk. Mas importante pa ba ang bola kaysa sa akin?
Cara Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Parang ang bilis lang ng mga pangyayari. Gumising ako isang umaga tapos biglang wala na si Papa… Inatake siya ng kanyang sakit. Hindi niya sinabi sa akin na bumabalik pala ang karamdaman niya dahil ayaw na niyang maging pabigat. Isipin mo 'yon, hinihintay na lang pala niya kung kailan siya mawawala sa mundong ito lalo na at nasa maayos na ang kalagay ko at ng apo niya. Ang naalala ko pa ay nagtatawanan pa kami—kulitan, habulan —tapos ngayon… ililibing na siya. Tuluyan na naming hindi na siya makikita. Mabuti na lang at may kaibigan ako katulad nina Ana, Yna, at Alisha, kaya sila ang nag-asikaso sa pagkain para sa mga bisita habang kami naman ni Ethan ay nakatingin lang
Cara Mahal kong Anak, Cara, kapag nabasa mo ang sulat na ito, sigurado akong nasa kabaong na ako, kung sakaling kaya ko man. Alam ko, iniisip mo na pinalitan ko na ang mama mo ng tiya mo. Pero kahit kailan, hindi ko magagawa iyon sa mama mo. Siya lang ang bukod-tanging babaeng iniirog ko. At nang dumating ka, ikaw na ang naging pangalawa. Nang magkasakit ang nanay mo, ginawa ko ang lahat upang magkaroon ng perang pambayad sa kanyang mga gamot at mga bill. Ni hindi namin sinabi iyon sa'yo dahil alam namin ni Mama mo na baka tumigil ka sa pag-aaral at magtrabaho na lang. Gusto namin na mas maging masagana ang buhay mo. Gusto kong makapagtapos ka ng pag-aaral, anak, kasi iyan ang pangarap ko at ng mama mo. Na maging isa kang engineer. Pero talagang mapait ang kapalaran dahil kinuha na ang mama mo at iniwan tayo. Nakalabas ng ospital ang mama mo dahil sa pera ng tiya mo at ang kapalit no'n ay ako. Walang alam







