LOGINMatagal kaming nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa biglang nabulabog ang tahimik na condo dahil sa paulit-ulit na tunog ng doorbell. Mukhang gigibain na ang pintuan. Si Leo na mismo ang nagmadaling umalis upang buksan iyon bago pa man masira.Agad akong napatayo mula sa couch nang marinig ang pamilyar na mga boses ng mga pumasok."Nasaan ang babaeng iyon?! Maiah Angela!" Si Luna iyon, rinig na rinig hanggang dito sa sala ang boses na tila handang pumatay ng tao."Luna, lower down your voice! Nakakahiya, condo ito ng sikat na Sandoval!" suway naman ni Chloe sa kaniya."Anong nakakahiya?! Huy! Ikaw babae ka, two-faced ka rin, no! Kanina halos sigawan at murahin mo ang guard dahil ayaw tayong papasukin, ngayon namang nakita mo itong driver ni Nikolai, nag-bait-baitan ka bigla riyan?!"Kinagat ko ang aking labi, biglang nakaramdam ng bagong kaba. I felt like, bukod sa problema sa nakaraan, ito ang mas malalang problemang kakaharapin ko ngayon.Mabilis silang nakarating sa sala, halos
"Is that..." Humina ang boses ko. Ang hangin sa aking lalamunan ay tila biglang naubos.Walang gumalaw sa amin sa loob ng silid. Nakatayo lang din si Leo, parang nag-aabang sa magiging reaksyon ko.It wasn't Cleah nor any other person I suspected.The woman in the video... it was my... mom.Anong ginawa niya diyan? Did she really do it? Pero para saan? Anong motibo niya?Kinagat ko ang aking labi hanggang sa malasahan ko ang dugo, nang unti-unti kong maramdaman ang bigat ng damdamin na dumagan sa dibdib ko.Pero mas lalo akong nagulat nang may isa pang pigura ang biglang sumulpot sa video.Naka-itim ang taong iyon, nakasuot ng cap, at sa isang mabilis na galaw ay tinakpan nito ng panyo ang ilong ng mama ko mula sa likuran. Hindi makita ang mukha ng salarin sa anggulo ng camera, pero malinaw kong nakita kung paano pilit na nanlaban ang mama ko, humihingi ng saklolo, hanggang sa unti-unti siyang nanghina at tuluyang nawalan ng malay. Pagkatapos ay binuhat siya ng estranghero palabas ng
"Sino iyan?! Maiah Angela! Bakit kaboses ni Nikolai?! Huwag mong sabihing..."Napabuntong-hininga ako, hindi malaman kung paano sasagutin ang nagwawalang kaibigan ko. Tumango ako kay Nikolai na nanatiling nakatayo sa harapan ko.Hindi siya umalis doon, mukhang napansin niya ang stress sa mukha ko kaya mas lalo pa siyang lumapit. Napasandal ako sa railings ng terrace, pinalibutan niya ako ng kaniyang mga braso, ikinulong ang katawan ko sa pagitan niya at ng bakal.Nagulat ako nang bigla niyang agawin ang cellphone sa aking kamay. Bago ko pa man ito mabawi ay mabilis niyang pinindot ang screen para i-loudspeak ang tawag."Maya?! Nasaan ka—?!""Luna, this is Nikolai," pagputol niya sa histerikang boses ni Luma habang ang kaniyang mga mata ay marahang nakatitig sa akin.Lumunok ako. Biglang tumahimik ang kabilang linyaPara bang may narinig silang boses ng multo na hindi nila inaasahang maririning ulit pagkatapos ng mga nangyayari."Maya is with me..." patuloy ni Nikolai."Anong ginawa mo
Hinampas ko siya sa kaniyang balikat. Humalakhak siya at inilayo ang mukha sa akin. Binunot niya ang cellphone sa kaniyang bulsa bago ito ibinigay sa akin.Kinuha ko iyon mula sa kaniya at inirapan siya. "Baliw."Tumawa lamang siya at bumalik sa kaniyang ginagawa na parang walang nangyari.Mabilis kong tinipa ang number ni Chloe. Hindi ko kasi kabisado ang bagong numero ni Luna dahil pinalitan niya iyon. Nagpatuloy naman si Nikolai sa kaniyang pagluluto, sumandal ako sa countertop habang pinagmamasdan siya sa kaniyang ginagawa, hinihintay ang pagsagot sa kabilang linya."Hello?" boses iyon ni Chloe sa unang ring pa lang. Ngunit bago pa ako makapagsalita— "Tara na! Chloe! Tangina nito, nakikipagtawagan pa sa mga lalaki niya!" narinig kong boses naman ni Luna sa background.Napalunok ako bigla. Puno ng tensyon at mukhang nagkakagulo nga sila roon."Baliw! May tumatawag na unregistered number!" sagot naman ni Chloe sa kaibigan ko, pilit itong pinatatahimik. "—Baka scammer iyan, hingan
It's been one day since we started investigating. We talked a lot yesterday about the past, siyempre. Masakit, nakakapagod, pero kahit paano ay nabawasan ang tinik sa dibdib ko.Kaya nga lang, dahil sa dami ng nalaman ko, ngayon ko lang din naalala na hindi ko pa pala natatawagan sina Luna! Imposibleng hindi sila nagpapanic sa pagkawala ko!Pumasok ako sa kusina, at naabutan ko kaagad si Nikolai na seryosong nagluluto. Bahagya akong tumigil sa may hamba ng pintuan at tahimik siyang pinagmasdan mula sa likod. He was wearing nothing but sweatpants, showing off his broad shoulders and the flexing muscles of his back as he moved around the kitchen.Biglang gumuhit ang tipid na ngiti sa aking labi. Feeling ko, panaginip lang ang lahat ng ito. Sa isang gabi lang, biglang nagbago ang takbo ng mundo ko.Tila naramdaman niya ang presensya ko kaya lumingon siya sa aking pinanggalingan.Naabutan niya akong parang sirang nakangiti habang nakatitig sa kaniya kaya naman agad na tumaas ang kaniyang
Looking back, I was just a simple woman who deserved to love and be loved. Ang gusto ko lang naman noon ay mamuhay nang payapa, bigyan ng magandang buhay si Lola, at piliin ang kaunting kasiyahan para sa sarili ko. Pero nang dahil lang sa isang desisyon, nagbago ang lahat."If I didn't enter your lives, siguro hindi nangyari ang lahat ng 'to. If I didn't allow myself to get tangled with you and your family, siguro maayos at tahimik ang buhay nating lahat ngayon," sambit ko. Pero kahit na ganoon, kahit sa kabila ng pagpili ko sa maling desisyon na iyon, may parte pa rin sa akin ang masaya... dahil nagkaroon ako ng anak na nagpabago sa buhay ko, at nakilala ko ang kapatid ko."Wala akong choice kundi ang umalis at magtago. Hindi ko alam na na-aksidente ka, wala akong alam! Pinagtago ako ni Lola sa ibang bansa para protektahan ako, at doon ko lang nalaman ang balita. At iyong mga faked footage? Lahat ng iyon ay napanood ko habang nagtatago!" Habang pasan ko ang anak mo!Narinig ko ang
“Ano?! Kasal? Nababaliw ka na ba?!”Halos mapasigaw ako sa loob ng kotse. Mabuti na lang at malalim na ang tulog ni Tala kaya hindi siya nagising. Agad kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at dinala ang sarili ko palapit sa pinto ng kotse, palayo kay Nikolai.“You think marriage is ju
Halos lumabas ang mga mata ko sa gulat. Tumingin ako kay Nikolai na kasalukuyang nakatitig sa amin na parang nakakita ng multo. Ang mukha niya kanina na punong-puno ng galit ay biglang napalitan ng matinding kalituhan.“No! I won’t go home unless Auntie Maya comes with us! I want her to be my new m
“Huhuhu… Daddy… Where are you?”Mas lalong lumakas ang iyak ng bata habang sumasabay ang buhos ng ulan. Bilang isang mabuting tao, lumapit ako, binalewala ang sarili kong basang damit at ang sakit sa puso. Agad akong lumuhod sa harap niya para mapantayan siya.“Hey, sweetie… Bakit ka nandito sa ula
“Maya! Maya, babe, are you in there?!”Palapit nang palapit ang boses ni Kenji. Naririnig ko na rin ang ingay ng ilang reporter na sumusunod sa kaniya, nagtatanong tungkol sa kontrobersiyal na halik nila ni Chloe sa live broadcast. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sasabog na yata ako sa halo-h







