Share

Punta del Sol 1: Sweet Obsession
Punta del Sol 1: Sweet Obsession
Author: Seer Sha

Simula (Sweet Obsession)

"No!" mariin kong protesta kay Papa nang sabihin niyang ililipat ako ng paaralan.

"Adrielle, maganda roon. All your cousins are there. Remember, Ate Sandy? Hindi ba gusto mo siya?" pang-uuto ni Papa sa akin.

Hindi ko gusto si Ate Sandy, wala lang akong choice noon nang pilitin nila akong magbakasyon sa isla. Si Ate Sandy lang ang palagi kong nakakasama kaya mukhang close kami.

"No, no, no!" Tumalikod ako at humalukipkip.

Yeah! I am spoiled, arrogant kid- iyan ang sabi ng mga kamag-anak namin, lalong-lalo na sa mga side ni Mama sa isla. Though, they tried to lower down their voices or even whispered it, pero parang magnet ang eardrum ko para hindi marinig ang lahat ng sinasabi nila sa akin.

Hindi ako galit o naaasar sa kanila dahil totoo naman. Kahit ako ay aminado na sa mura kong edad, may attitude na akong hindi magugustuhan ng iba, kahit na mga kamag-anak ko.

Narinig ko ang buntong-hininga ni Mama na tila ba nauubusan na sa kanyang pasensiya.

"Adrielle, listen sweetie, nasa Punta del Sol ang bagong kabuhayan natin. Papa doesn't want to work here anymore, ako rin. Ayaw mo no'n, hindi na kami magta-trabaho dahil nasa manggahan at sa iyo na ang atensiyon namin," paliwanag ni Mama.

"Still, no!"

"Adrielle Lyn!" she scowled.

Seriously? She was really shouting on me?

Nanlalaki ang mga mata kong hinarap siya. Hindi ako nasigawan ni Mama kahit kailan, kahit na si Papa. At dahil nag-iisang anak ako, lahat ng ayaw at gusto ko ay tinutupad naman nila. Pero bakit ngayon?

We are not rich. Shall we say, my parents are just hard-working that they can provide what I want. Ayun lang ang lamang nila. Through their hardworks, they invested my mother's part- ang dalawang ektaryang lupain niya na pinamana sa kanya nina Lolo at Lola. Sa narinig ko, half of the lot was planted with sugarcane and the other one hectare was for the mangoes. Medyo nag-boom ito kaya naisipan ng dalawa na mas ituon ang atensiyon sa pananim.

May father is a liason officer in one of the agencies in Davao Government. Si Mama naman ay Sales Leader ng Avon, no wonder why all of our undergarments up to chemical products for the body are came from Avon.

"Mama..." usal ko.

"You already pushed all my buttons, Adrielle and that's enough! After a month, we will live in Punta del Sol, you will transfer a school and you will follow us! Magulang mo kami at sa pamilyang ito, anak ka lang."

Padabog siyang umalis sa harap ko. My mouth quivered as I heard the slam of the door.

Iiling-iling na napabuntong-hininga si Papa. I didn't expect it!

I eyed to him, asking for some help.

"Ang tigas kasi ng ulo mo," aniya sa malumanay na boses.

Pati rin siya? Wala akong kakampi!

"Go to sleep now. Bukas na tayo mag-uusap..."

Papa kissed my forehead and left my room. Napanguso akong sumandal sa headboard ng higaan ko.

Agad-agad? Puwede bang hintayin na muna nilang pagsawaan ko ang siyudad bago ako biglain ng ganito?

I had been to that place. At sinasabi ko, hindi ko gusto ang lugar. Walang mall, puro puno ng niyog at mangga ang makikita mo sa paligid. Sa daan naman ay halos taniman ng mais. At ang ayaw ko roon, they eat corn as a rice? Iba ang lasa!

City is where I grew up. Bakit agad-agad na aalis?

"Uy, marami raw mangga sa Samal at saging. Lalo na sa Punta del Sol," sabi ni Venus, ang isa sa mga kaklase ko.

Naikuwento ko sa kanila ang balak naming paglipat. Pero tila walang bahid na lungkot sa mga reaksiyon nila.

"Oo nga. Tapos, malapit sa dagat. Alam mo Adrielle, maputi raw ang buhangin doon!" bulalas pa ni Summer.

"And? Ayaw ko ro'n. Boring! Walang internet, at higit sa lahat, walang mall," tugon ko sa kanila.

"Ano ka ba? Sasakay ka lang ng bangka for fifteen minutes, puwede ka ng mag-mall," sagot ni Venus na nilukot ang panyo at ginawang headband.

Hindi pa rin ako kumbinsido. Punta del Sol is still the most boring places I had ever visited for my ten years of my life! Surely, I will never love the place.

"Kumurap ka naman, Adrielle!" natatawang saway ni Papa sa akin nang napansing tulala akong nakatanaw sa alon ng dagat nang umarangkada ang barge na sinasakyan namin.

Ang ferry boat o barge ang sasakyang pandagat na bumabiyahe papuntang Samal galing Davao at parehong sasakyan din ang bumabalik papuntang siyudad.

There are two ways to reach Island Garden City of Samal, either ride a motorboat, intended only for human passengers or ferryboat where vehicles can transport. At dahil dala namin ang Tamaraw FX van ni Papa na pinaglumaan na ng panahon dahil sa medyo kinakalawang na, kailangan naming sumakay ng barge.

Inilipat ko ang mga mata sa papalayong pantalan. I am not expecting that I will be far from the city. Iba na namang mga kaibigan, kung mayroon man. Kids there are very elusive. Hindi namamansin at ang iba, lalo na ang mga pinsan ko ay halos mahiyain. Tanging si Ate Sandy lang ang nakakasundo ko roon kahit sabihin na dalaga na ito. Idagdag na rin ang mga bahay na malayo sa isa't isa dahil sa mga kanya-kanyang lote. And take note, it is not the same distance in our village in the city na block lang ang pagitan. Sa isla, isang buong lote na sumusukat minsan ng ektarya. Swerte na lang kung nasa compound kayo. And based on my experience-vacation two years ago, kailangan ko pang maglakad ng halos dalawampung minuto bago marating ang bahay nina Ate Sandy kung manggagaling ako kina Lola. It's definitely a waste of time!

Sa bahay pa ng lola ko ay de baterya ang kuryente kaya limit kaming manuod ng T.V.

Iniisip ko pa lang ang magiging buhay roon ay tila hindi ako makaka-survive.

I will be doomed!

I may be overacting. Ten minutes lang naman ang biyahe pero ang hassle na. Kung mamamasyal ako, kailangan ko pang suungin ang maalon na dagat bago makipagkita kina Venus at Summer? How pathetic!

"Ady, masasanay ka rin. Nagbago na rin ang Punta del Sol. Marami ng bahay, may kuryente na. At, malalaki na ang mga pinsan mo. Tiyak, magkakasundo kayo."

Pinalubo ko ang mga pisngi at muling tiningnan ang malakas na alon na humahampas sa gilid ng barge.

Sana nga... Sana maka-adjust talaga ako.

Kunot-noo akong naglakad sa likuran nina Mama at Papa nang bumaba kami ng sasakyan.

Naiilang ako sa pa-karatola ng mga pinsan kong medyo may katandaan sa akin.

I remembered Kuya Richard, mahilig siya sa basketball, si Ate Ana na nakatatandang kapatid ni Ate Sandy at si Ate Sandy mismo ay narito.

I was grateful for the effort pero nakatingin ang mga pasaherong bumababa sa loob ng barge sa amin. Kailangan ba ng ganito? Wala naman kami sa airport, ah! And passengers in the barge were just less than twenty, isali na ang mga sakay sa kanilang mga sasakyan, kaya okay na sigurong salubungin kami na walang karatola.

WELCOME TO SAMAL, ADREL.

Mali pa ang spelling ng pangalan ko!

Ate Sandy giggled as she kissed me on the cheek. I smiled wryly to her. Hindi ako maarte pero hindi ako sanay na hinahalikan, maliban lang kay Mama at Papa.

"Sa wakas! Taga isla na rin ang prinsesa ng manggahan at asukarera ng Punta del Sol!" bulalas ni Kuya Richard.

Inaasar nila ako! Hindi ba, ang gandang pa-welcome ito? Ano na lang 'pag nandoon na ako and all of my cousins will be gathered to tease me. Iba ako sa kanila. They find me maarte kaya good luck na lang sa akin. They will bully me for the rest of my life!

Hinampas ni Ate Ana si Kuya Richard sa braso at nakangising humarap sa akin.

"Welcome, Adrielle. Alam mo bang matagal ka na naming gustong makilala ng lubusan. Ngayon na rito na kayo titira, mahaba-habang bonding-ngan 'to," aniya at ginalaw ang sky blue headband na may ribbon sa ulo ko.

Ayaw kong hinahawakan ito ng kahit na sino! Hmmp!

"Saan ka sasakay? Mas maganda sa motor namin," yaya ni Ate Sandy sabay turo sa isang habal-habal na motor.

Nakasimangot ako nang pinaandar ni Kuya ang motorsiklo at parang torotot na umalingawngaw sa buong pantalan.

I remembered this yellow Kawasaki motorcycle who used to be utilized as a coconut service. Nilalagay sa gilid ng motor ang malalaking kaing habang hinahakot ang mga niyog para gawing kopra. Ito ang kabuhayan ng mga magulang ni Mama. Kung hindi pagsasaka, ay kopra naman o hindi kaya ay monggo ang inaani nila.

Ibinalik ko ang tingin kay Ate Sandy at mariing umiling.

"Ayaw ko. Kina Mama na ako sasakay," sagot ko at nagmamadaling pumasok sa loob ng sasakyan namin.

I will never ride that dreadful and noisy motorcycle! Ever!

"Anak, why don't you enjoy the view outside. Nasa fifteen minutes pa bago natin marating ang Punta del Sol," sabi ni Mama sa akin.

I know. Aside from riding a boat, we need to travel using a service car or usually, a habal-habal motorcycle before we reach the barrio of Punta del Sol. So hassle!

Hindi ako sumagot at masungit na inilinga ang paningin.

Nadadaanan namin ang isang pribadong resort. Wala itong bakod kaya kitang-kita ang mapuputing buhangin sa dalampasigan. I came closer to the window to see it clearly. Ang mga mangroves na may maliliit at malalaki ay nakatanim sa gilid ng dagat.

Ang tayog din ng mga niyog dito, may iilan na sa tingin ko ay mga ligaw na puno ng saging sa tabi ng daan.

The cemented road ended maybe a half kilometer from the wharf. Sabi ni Mama, pinapasemento pa raw kaya magtitiis muna sa lubak-lubak na daan.

Maliit lamang ang kalsada papunta sa baryo. Two cars can occupy the whole road in opposite way.

Sa tabi ng daan ay mga halaman ng mais. Sa tingin ko ay malapit na ang anihan dahil matatayog na ang mga ito. I saw Lola Tere, my mom's mother harvested the corn plants before. There are also few kids playing beside the road, ang ibang mga tao ay may mga bakang dala at pinapastol ang mga alaga sa mga halamang ligaw.

Papa suddenly held the break when a goat crossed the street! Nauntog pa ako sa likod ng upuan ni Papa.

"Anak ng-"

Nakita ko ang batang hinahabol ang kambing. Nakawala yata ito at sa daan pa talaga tumakbo. Muntik ng masagasaan!

Itiningala ko ang paningin. Wala pang poste rito noon, ah. Ngayon, mayroon na. Sana nga talaga ay may kuryente na rito at hindi na baterya ng sasakyan ang gamit nina Lola.

Kinamot ko ang noo kahit wala namang makati. I scratched because of frustration.

Iba ang nararamdaman ko sa lugar! May negative vibes akong nafe-feel. And the feeling of missing my place. Ngayon pa lang ay nangungulila na ako sa dati naming tirahan.

Surely, I will never love this new environment! Never!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status