Partager

KABANATA 4

last update Date de publication: 2026-11-07 16:14:42

Nagsimula na ang party. Halos lahat ng empleyado ng kumpanya ni Roger ay dumalo, mula sa mga nasa matataas na posisyon hanggang sa mga ordinaryong manggagawa.

Kilala si Roger sa pantay-pantay na pagtrato sa lahat ng kaniyang tauhan, anuman ang kanilang katayuan sa kumpanya. Para sa kaniya, bawat isa ay may mahalagang papel sa tagumpay ng kanilang organisasyon.

Dumalo rin sina Zephanie at Thaddeus sa nasabing selebrasyon.

Hindi pa man nagtatagal ang dalawa sa venue ay sunod-sunod nang lumapit ang mga executive at katrabaho ni Thaddeus upang batiin siya sa kaniyang promotion.

"Congratulations, Thad!"

"Well deserved!"

Ilan lamang iyon sa mga bati na paulit-ulit niyang natanggap. Halos lahat ay nais makipagkamay sa kaniya, dahilan upang maging sentro siya ng atensiyon nang gabing iyon.

Samantala, mula sa balkonahe, napansin sila ni Roger. Bahagya siyang napangiti nang makita ang dalawa.

Mukhang kumakagat na ang mga ito sa kaniyang plano.

Agad siyang bumaba upang personal silang salubungin.

Nang magtagpo ang mga mata nina Zephanie at Hermogenia, hindi naiwasang titigan ng huli ang babae mula ulo hanggang paa. Napansin niya kung gaano kaganda ang pagkakaayos nito.

Bahagya siyang napakunot-noo. Kahit ayaw niyang aminin, hindi niya maiwasang ikumpara ang sarili kay Zephanie.

Samantala, nakipagbeso-beso naman si Thaddeus kay Hermogenia nang magkita sila.

"Dito na pala kayo. Ikaw ang center of attraction ngayon, Thad," bati nito.

"Oo nga, eh. Nakakahiya namang isipin na ginawa ito para lang sa akin," kunwaring nahihiyang sagot ni Thaddeus habang napakamot sa ulo.

Maya-maya, dumating si Roger at muling binati ang empleyado.

"Congratulations again, Thad. I threw this party for you," nakangiting sambit niya.

"Thank you, sir. Nag-abala pa kayo," magalang na tugon ni Thaddeus.

Hindi nagtagal ay nagsimula na ang programa. Sinundan ng awarding ceremony ang opening remarks, kung saan kinilala ang mga empleyadong nagpakita ng natatanging serbisyo sa kumpanya.

Ngunit ang tunay na star of the night ay walang iba kundi si Thaddeus.

Iginawad sa kaniya ang dalawang parangal: ang Loyalty Award at Leadership Award.

Buong pagmamalaking umakyat siya sa podium upang tanggapin ang mga ito.

"Thanks to my boss. I appreciate it so much," pasasalamat niya habang hawak ang kaniyang mga parangal.

Bumuhos ang masigabong palakpakan mula sa mga dumalo. May ilan pang naghiyawan bilang pagbati sa kaniyang tagumpay.

Kitang-kita sa mukha ni Thaddeus ang kasiyahan. Para sa kaniya, patunay ang mga parangal na iyon na pinahahalagahan ng kumpanya ang kaniyang serbisyo.

Pagkatapos ng awarding ceremony, nagsimula na ang kainan.

Inihanda ang isang marangyang banquet na may iba't ibang pagkaing inihanda ng mahuhusay na chef sa siyudad. Nakalatag sa mahahabang mesa ang mga pagkaing maaaring pagpilian ng mga panauhin.

Tumungo sina Zephanie at Thaddeus upang kumuha ng kanilang makakain.

Bago pa man makapili si Zephanie, agad na nagpaalala ang kaniyang asawa.

"Huwag masyadong takaw-tingin. Kumuha ka lang ng sakto. Watch your manners."

Napatingin si Zephanie sa kaniya bago bahagyang ngumiti.

Hindi naman nakaligtas kay Roger ang kanilang pag-uusap.

"Ang kaunti pa rin ng laman ng plato mo, Zephanie. Hindi ka naman ganyan dati, ah," pabirong komento niya.

Napangiti lamang si Zephanie. Alam niyang totoo ang sinabi ni Roger. Matagal na silang magkakilala nito, bago pa man sila nagkakilala ni Thaddeus.

Nauwi sa tawanan ang kanilang biruan.

Maya-maya, tinawag ni Roger ang isang waiter at nagpalagay ng mga inumin sa kanilang mesa. Inalok niya si Thaddeus ng isang baso.

"We're gonna be drinking all night. And don't worry, we're closed tomorrow, so all of you can take a rest for the day," masiglang sabi niya.

Dahil sa engrandeng okasyon, tila wala itong balak na madaliin ang pagtatapos ng gabi. Gusto niyang sulitin ng lahat ang selebrasyon.

Unti-unting nawala ang pagdududa sa isip ni Thaddeus. Sa halip, nagpasiya siyang magpakasaya at namnamin ang bawat sandali ng gabing iyon.

Isang gabing hinding-hindi niya malilimutan.

---

Lumipas ang ilang oras at nagsimula nang malasing ang mga panauhin. Si Thaddeus ay hindi na rin nakaligtas sa sunod-sunod na tagay.

Gayunpaman, nananatili pa rin siya sa kaniyang ulirat nang bigla siyang tawagin ni Roger.

"Thad, bibigyan kita ng challenge," panimula ng kaniyang boss.

Agad na napatingin si Thaddeus dito.

"Ano 'yan, Sir? Sasayaw ba? Sige! Sige! Game ako diyan!" masiglang tugon niya.

Bahagyang ngumiti si Roger bago ibinato ang isang tanong.

"Kaya mo bang ipagpalit ang asawa mo sa loob ng thirty days? Exchange wives tayo."

Biglang natigilan si Thaddeus.

Unti-unting nawala ang ngiti sa kaniyang mukha. Hindi niya agad naproseso ang narinig.

Samantala, napalingon din sina Hermogenia at Zephanie kay Roger. Pareho silang nagulat sa hindi inaasahang hamon nito.

"Seryoso ka ba?!" salubong na tanong ni Hermogenia, halatang hindi makapaniwala.

Hindi naman agad sumagot si Roger. Sa halip, ibinaling niya ang atensiyon kay Thaddeus.

"Bibigyan kita ng sampung milyon at panibagong promotion kung magtatagumpay ka."

Napatingin si Thaddeus sa kaniyang boss. Saglit siyang natahimik bago nagkunwaring nag-isip.

"Pasensya na po, Sir. Hindi ko matatanggap ang alok ninyo," kunwaring pagtanggi niya.

Nagkatinginan sina Hermogenia at Thaddeus. Mababakas sa kanilang mga mata ang tuwang nararamdaman nila sa naging sagot nito.

Samantala, nanatiling tahimik si Zephanie.

Hindi siya nagsalita ni nagpakita ng anumang pag-aalinlangan. Buo ang tiwala niyang hindi magpapadala si Thaddeus sa tukso, gaano man kalaki ang halagang iniaalok ng kaniyang boss.

Ngunit iyon ang pagkakamali niya.

"Kung hindi mo tatanggapin ang alok ko, ipagpapawalang-bisa ko ang promotion mo at mananatili kang Senior Manager."

Biglang nagbago ang ekspresyon ni Thaddeus.

Ginagamit ni Roger ang kaniyang posisyon at kapangyarihan upang gipitin ang empleyado. Tila sinasadya niyang ilagay ito sa alanganin at subukin kung hanggang saan ang kaya nitong isakripisyo para sa sariling kapakanan.

"Huwag naman po, Sir. May iba pa ba kayong suhestiyon na puwede kong pagpilian?" pakipot na tanong ni Thaddeus.

"Wala nang iba. Isang tanong, isang sagot," mabilis na tugon ni Roger.

Saglit na napatingin si Thaddeus kay Hermogenia. Pagkatapos ay ibinaling niya ang tingin sa kaniyang boss.

"D-deal, Sir. I accept your challenge."

Tuluyan nang pumayag si Thaddeus.

"Then, starting tomorrow, Hermogenia is yours, and Zephanie will be mine."

Para bang biglang nanahimik ang paligid ni Zephanie.

Mahigpit siyang napahawak sa kaniyang damit. Napakuyom din ang kaniyang mga kamao habang pinipigilan ang sarili na magpakita ng anumang reaksiyon.

Napakabilis niya lang palitan.

Hindi niya akalaing ganoon kadali para sa kaniyang asawa na isuko siya kapalit ng isang promotion at pera.

"Zephanie, come with me. We're going to talk right away," utos ni Roger.

Dahan-dahang napalingon si Zephanie kay Thaddeus.

Nagtagpo ang kanilang mga mata. Tila naghihintay pa siya ng anumang senyales mula sa kaniyang asawa, umaasang pipigilan siya nito.

Ngunit bahagyang umiling lamang si Thaddeus, senyales na sumama na siya kay Roger.

Walang nagawa si Zephanie kundi tumayo at sumunod.

---

Lingid sa kaalaman ng lahat, hindi pala talaga lasing si Roger.

Samantala, nang makalayo na si Zephanie, agad na nagyakapan sina Thaddeus at Hermogenia. Hindi nila maitago ang kasiyahan sa nalalapit nilang pagsasama.

Ngunit sa kabila ng ngiti ni Thaddeus, may bumabagabag pa rin sa kaniyang isipan.

"Oh? Hindi ka ba masaya na makakasama mo ako?" tanong ni Hermogenia habang nakatingin sa kaniya.

"Gusto, siyempre. Pero hindi ko maiwasang isipin kung bakit ganoon ang hamon ni Boss sa atin. Hindi kaya may nalaman na siya?" sagot ni Thaddeus.

"Baka tine-test ka lang. Malay mo, prank challenge lang pala pagdating ng isang linggo. Hahaha!" pabirong sabi ni Hermogenia.

Hindi nakisabay sa pagtawa si Thaddeus.

Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa sa naging desisyon niya o manghinayang sa posibleng kahihinatnan nito.

---

Samantala, pagkasara pa lamang ng p***o ng pribadong silid ay agad nang nagsalita si Zephanie.

"Sir Roger, ano po ba talaga ang nangyayari?"

Hindi maitago sa kaniyang mukha ang pagkabahala.

"Bakit ninyo naisipang magbigay ng ganoong klaseng hamon? Nagbibiro lang po kayo kanina, hindi ba?"

Sunod-sunod ang kaniyang mga tanong. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari.

Sa halip na sumagot agad, dahan-dahang ibinaba ni Roger ang basong hawak niya sa ibabaw ng mesa.

"Sa tingin mo ba, nagbibiro ako, Zephanie?" malamig niyang sagot.

Napatingin si Zephanie sa kaniya.

"Pero bakit kami ni Thaddeus?! Bakit kailangan pang umabot sa ganito?"

Saglit na natahimik si Roger. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang lumapit sa babae.

"May mga bagay na hindi mo pa alam tungkol sa asawa mo, Zephanie."

Napatigil si Zephanie.

"At gusto kong malaman mo kung sino talaga ang taong pinakasalan mo."

Huminto ang mundo ni Zephanie. Sa unang pagkakataon, nagkaroon ng pagdududa sa kanyang isip at puso.

"Hindi ko kayo maintindihan, sir."

ngumisi si Roger.

"Malalaman mo rin. Pero bago ang lahat, may gusto akong sabihin sa iyo... bukas ay mag impake kana at tumungo dito sa bahay"

Tumango na lamang si Zephanie at tsaka umalis.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • REBIRTH: HE TRADED ME AWAY, I CAME BACK A BILLIONAIRE   KABANATA 5

    Umaga na. Maagang nag-impake si Zephanie habang mahimbing pang natutulog ang kaniyang asawa. Matapos maisara ang kaniyang maleta, lumapit siya sa kama upang silipin si Thaddeus. Aakma na sana siyang lumapit dito nang biglang tumunog ang cellphone nito. Napahinto siya at napatingin sa screen. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang mabasa ang pangalang nakalagay doon. Hermogenia. Lalong lumakas ang paghihinala ni Zephanie. Naisip niya ang mga sinasabi nito sa tuwing may pupuntahan kahit day-off niya patungo sa kanyang kaibigan. Gayunman, pinili niyang huwag nang magtanong. Sa loob ng tatlumpung araw, wala na siyang karapatang kay Thaddeus ayon sa napagkasunduan. Lumabas na siya ng pintuan. Nilingon niya muna ito ng matagal. Mamimiss niya ang bahay. Maya-maya pa'y dumating ang black na kotse na magsusundo sa kanya. Sumakay na siya at tuluyang iniwan si Thaddeus. Habang nasa byahe, hndi niya maiwasang mag-isip kung may namamagitan na ba talaga sa kaniyang asawa at kay Her

  • REBIRTH: HE TRADED ME AWAY, I CAME BACK A BILLIONAIRE   KABANATA 4

    Nagsimula na ang party. Halos lahat ng empleyado ng kumpanya ni Roger ay dumalo, mula sa mga nasa matataas na posisyon hanggang sa mga ordinaryong manggagawa.Kilala si Roger sa pantay-pantay na pagtrato sa lahat ng kaniyang tauhan, anuman ang kanilang katayuan sa kumpanya. Para sa kaniya, bawat isa ay may mahalagang papel sa tagumpay ng kanilang organisasyon.Dumalo rin sina Zephanie at Thaddeus sa nasabing selebrasyon.Hindi pa man nagtatagal ang dalawa sa venue ay sunod-sunod nang lumapit ang mga executive at katrabaho ni Thaddeus upang batiin siya sa kaniyang promotion."Congratulations, Thad!""Well deserved!"Ilan lamang iyon sa mga bati na paulit-ulit niyang natanggap. Halos lahat ay nais makipagkamay sa kaniya, dahilan upang maging sentro siya ng atensiyon nang gabing iyon.Samantala, mula sa balkonahe, napansin sila ni Roger. Bahagya siyang napangiti nang makita ang dalawa.Mukhang kumakagat na ang mga ito sa kaniyang plano.Agad siyang bumaba upang personal silang salubungin

  • REBIRTH: HE TRADED ME AWAY, I CAME BACK A BILLIONAIRE   KABANATA 3

    Pauwi na sila ng bahay. Pagsakay sa kotse ay walang imik ang dalawa. Nakakabinging katahimikan ang nakapalibot, ngunit mararamdaman mo ang insecurity ni Thaddeus. Malayo ang isip ni Thaddeus sa mga binitawang salita ng kanyang boss tungkol kay Zephanie bago sila umalis. Napa-paranoid siya at mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Napansin naman ni Zephanie na paliko-liko ang kotseng minamaneho ni Thaddeus. "Hon, ano'ng ginagawa mo?! Ibabangga mo ba ang kotse?" nag-aalalang tanong niya. Bumalik sa ulirat si Thaddeus nang marinig ang babala ni Zephanie na mababangga na sila. Sa isip-isip niya, bibigyan si Zephanie ng mas mataas na posisyon kaysa sa kanya, kung sakaling tatanggapin nito ang alok. Ngunit hindi iyon ang pinaplano ni Roger. Lingid sa kaalaman ng dalawang nagtataksil sa kanya, hindi alam ni Roger ang mga kalokohang nagaganap sa pagitan ng kanyang asawa at empleyado. Doon sila nagkakamali. Minsa'y nakatanggap ng balita si Roger mula sa isang baguhang s

  • REBIRTH: HE TRADED ME AWAY, I CAME BACK A BILLIONAIRE   KABANATA 2

    Dumating na ang kinabukasan, hindi maipinta sa mukha ni Thaddeus na kasama niya ang asawa niya sa kanyang special na araw. Promotion day niya yon. Alas otso na ng umaga, tumawag ulit si Roger. "Magkita tayo sa restaurant. Ibibigay ko sayo ang address. Ang call time ay alas dyes." "okay sir, kikilos na po" mahinang sagot ni Thaddeus. Pagkatapos ng tawag, tumungo si Thaddeus sa kwarto nilang mag asawa. Napatitig ito ng matagal, at hindi maipinta ang kanyang mukha. Tila kinasusuklaman niya ang kanyang asawa. Bumaba ito sa kusina, kumuha ng isang basong tubig at umakyat ulit pabalik. Pagkabalik niya, ibinuhos niya ito sa natutulog na si Zephanie. "Ahhhhhhhhhh! Ano yon?" sigaw ni Zephanie. Napabalikwas ito mula sa kanyang higaan. "Gumising kana! Maligo ka nang mabuti at meron tayong pupuntahan. Ayusin mo pananamit mo at huwag na huwag mo akong ipahiya." "S-saan?" Tanong ni Zephanie. "Huwag na maraming tanong, kilos na!" Pagmamadali ni Thaddeus. Nagmadali na kumilos

  • REBIRTH: HE TRADED ME AWAY, I CAME BACK A BILLIONAIRE   KABANATA 1

    Sa isang tahimik na middle-class neighborhood nakatira si Zephanie Alecto kasama ang asawa niyang si Thaddeus Grant. Sa unang tingin, maaaring isipin ng sinumang makakakita sa kanila na isa silang ordinaryong mag-asawa. Maayos ang kanilang bahay, maganda ang kanilang pamumuhay, at isa lamang sa kanila ang nagtatrabaho. Hindi pupwede magtrabaho si Zephanie ayon kay Thaddeus, ito ay para lamang sa may kakayahan at mataas na estado ng buhay. Sa likod ng saradong pintuan, malayo sa kung ano ang nakikita ng mga tao ang tunay na buhay ni Zephanie. Hindi siya kailan man itinuring ni Thaddeus bilang asawa. Para sa kanya, isa lamang siyang alila. Araw-araw, maagang gumigising si Zephanie upang asikasuhin ang buong bahay. Siya ang naghahanda ng pagkain, naglalaba, naghuhugas ng pinggan, naglilinis ng bawat silid, at sinisigurong walang anumang bagay na makapagbibigay ng dahilan kay Thaddeus para magalit. Pagsapit ng hapon, halos hindi na niya maramdaman ang bigat ng katawan niya matapos

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status