Partager

REBIRTH: HE TRADED ME AWAY, I CAME BACK A BILLIONAIRE
REBIRTH: HE TRADED ME AWAY, I CAME BACK A BILLIONAIRE
Auteur: Paul Anderson

KABANATA 1

last update Date de publication: 2026-11-03 20:51:13

Sa isang tahimik na middle-class neighborhood nakatira si Zephanie Alecto kasama ang asawa niyang si Thaddeus Grant.

Sa unang tingin, maaaring isipin ng sinumang makakakita sa kanila na isa silang ordinaryong mag-asawa. Maayos ang kanilang bahay, maganda ang kanilang pamumuhay, at isa lamang sa kanila ang nagtatrabaho.

Hindi pupwede magtrabaho si Zephanie ayon kay Thaddeus, ito ay para lamang sa may kakayahan at mataas na estado ng buhay. Sa likod ng saradong pintuan, malayo sa kung ano ang nakikita ng mga tao ang tunay na buhay ni Zephanie.

Hindi siya kailan man itinuring ni Thaddeus bilang asawa. Para sa kanya, isa lamang siyang alila.

Araw-araw, maagang gumigising si Zephanie upang asikasuhin ang buong bahay. Siya ang naghahanda ng pagkain, naglalaba, naghuhugas ng pinggan, naglilinis ng bawat silid, at sinisigurong walang anumang bagay na makapagbibigay ng dahilan kay Thaddeus para magalit.

Pagsapit ng hapon, halos hindi na niya maramdaman ang bigat ng katawan niya matapos ang paglilinis.

Ngunit kahit pagod na pagod na siya, hindi niya maaaring basta-basta ipahinga ang sarili.

Alam niyang anumang oras ay maaaring umuwi si Thaddeus.

At kapag may nakita itong mali, alam na ni Zephanie kung ano ang kasunod.

Nang gabing iyon, nakaupo lamang si Zephanie sa gilid ng sofa. Nakayuko siya habang pinupunasan ang pawis sa noo. Masakit ang kanyang likod at nanginginig pa ang kanyang mga kamay dahil sa pagod.

Biglang bumukas ang pintuan, at sabay siya napatingin siya sa orasan.

Maaga nang kaunti kaysa karaniwan si Thaddeus.

Agad na tumayo si Zephanie.

Pumasok si Thaddeus Grant na may dalang briefcase. Hindi man lamang nito binati ang asawa. Sa halip, dumiretso ang lalaki sa sala at nagsimulang magmasid sa paligid.

Tahimik na sinundan ni Zephanie ang bawat

kilos nito.

Lumapit si Thaddeus sa isang mesa at pinadaan ang daliri sa ibabaw nito.

Tiningnan niya ang kanyang daliri.

Walang alikabok.

Lumipat siya sa isa pang bahagi ng bahay.

Muli niyang sinuri ang mga kasangkapan.

“Malinis ba talaga rito?” malamig niyang tanong.

“Oo, kakatapos ko lang" mahinang sagot ni Zephanie.

Muli siyang yumuko upang suriin ang ibabaw ng kabinet.

May nakita siyang napakaliit na butil ng alikabok.

Agad nagbago ang kanyang mukha.

“Zephanie!!!" sigaw ni Thaddeus.

Napahigpit ang pagkakahawak ni Zephanie sa laylayan ng kanyang damit.

“B-bakit?" pautal na tanong niya.

“Hindi ba't sinabi ko sa iyong linisin nang mabuti ang bahay?!”

“Nilinis ko yan, hon. Baka—”

“Baka ano?! Kung naglinis ka talaga, wala ako makakapa dapat na katiting na alikabok!!”

Naputol ang sasabihin niya matapos siyang barahin ni Thaddeus.

Alam niyang walang saysay ang pagpapaliwanag.

May asthma si Thaddeus at sensitibo ito sa alikabok. Kahit maliit na dami lamang nito ay maaaring mag-trigger ng kanyang allergy. Ngunit sa halip na unawain ang sitwasyon at tulungan ang asawa, ginagamit niya iyon bilang dahilan upang paulit-ulit na pagalitan si Zephanie.

“Ulitin mo! At dapat pagbalik ko...dapat pulido ang paglinis mo!" utos niya.

Napatingin si Zephanie sa buong bahay.

Pagod na pagod na siya.

Pero wala siyang nagawa kundi kunin muli ang basahan.

“Masusunod, uulitin ko."

At muli siyang nagsimulang maglinis.

Habang pinagmamasdan siya ni Thaddeus, wala man lamang bakas ng awa sa mukha nito.

Para kay Zephanie, hindi na iyon isang tahanan.

Isa iyong lugar kung saan kailangan niyang magtrabaho para lamang maiwasang magalit ang kanyang asawa.

At sa bawat araw na lumilipas, lalo niyang nararamdaman na unti-unti niyang nawawala ang sarili niya.

Bawat pagkakamali ay may kaakibat na parusa.

Iyon ang naging buhay ni Zephanie mula nang mapangasawa niya si Thaddeus Grant.

Hindi kailangan ni Thaddeus ng malaking dahilan upang magalit. Kapag nagkaroon ito ng problema sa trabaho, kailangan niyang may masisi.

At kadalasan, si Zephanie ang pinakamadaling pagbuntunan ng galit.

Kahit wala siyang kinalaman sa problema, hahanapan siya ni Thaddeus ng pagkakamali.

"Ta-tama na… masakit na ang mga kamay ko!" umiiyak na sambit niya habang nagmamakaawa.

Hindi siya pinakinggan ni Thaddeus.

Sa halip, ipinagpatuloy nito ang pagpaparusa sa kanya na para bang wala siyang halaga.

Nakayuko si Zephanie at pilit na pinoprotektahan ang sarili habang tinitiis ang bawat hagupit.

Hindi na siya makapalag.

Wala na rin siyang lakas para ipagtanggol ang sarili.

Sa mga sandaling iyon, hindi asawa ang tingin sa kanya ni Thaddeus. Para lamang siyang isang alilang kailangang sumunod sa bawat utos nito.

Unti-unti nang nawala sa mukha ni Zephanie ang dating sigla. Ang babaeng minsang kilala sa kanyang kagandahan ay halos hindi na makilala. Sa halip na alindog, pagod at pangamba ang mababakas sa kanyang mukha.

Si Thaddeus Grant ay isang manager sa isang malaking corporate company na pagmamay-ari ng bilyonaryong si Roger Jones Goldwell.

Mataas ang posisyon ni Thaddeus sa kumpanya, at sa loob ng ilang taon ay pinatunayan niyang kaya niyang umakyat sa mas mataas na antas. Ngayon, isang linggo na lamang ang hinihintay niya bago ang inaasam niyang promotion.

Ngunit kasabay ng pagkakataong iyon ay ang matinding pressure.

Mas mataas na posisyon ang nangangahulugan ng mas malaking responsibilidad. Habang papalapit ang araw ng promotion, lalo ring tumitindi ang stress ni Thaddeus. Sa halip na harapin nang maayos ang problema, nauuwi ang lahat sa galit na ibinubuhos niya sa kanyang asawa.

Si Zephanie naman ay hindi estranghero sa kumpanyang iyon.

Bago siya naging asawa ni Thaddeus, naging personal secretary siya ni Roger Jones Goldwell. Maayos ang kanyang trabaho at matagal niyang pinagsilbihan ang bilyonaryo.

Ngunit nagbago ang lahat nang magdesisyon silang ni Thaddeus na magsama sa iisang bubong.

Nag-resign si Zephanie sa kanyang trabaho upang asikasuhin ang kanilang pagsasama at bumuo ng sarili nilang pamilya.

Noong una, inakala niyang iyon ang simula ng isang masayang buhay.

Hindi niya kailanman inisip na ang pagbitaw niya sa kanyang career ay magiging simula rin ng pagkawala ng kanyang kalayaan.

Ngayon, habang abala si Thaddeus sa paghahabol sa promotion na matagal na niyang hinihintay, si Zephanie naman ay naiwan sa loob ng kanilang bahay—malayo sa dating trabaho, malayo sa dating buhay, at unti-unting nawawala ang sariling pagkatao.

Hindi niya alam na ang promotion na pinapangarap ni Thaddeus ang siya ring magiging simula ng pagbabagong magpapabaligtad sa kanilang buhay.

"Malapit na ang promotion mo, hon" mahinang sagot ni Zephanie.

Tumaas ang kilay ni Thaddeus habang kumakain sila sa hapag-kainan.

"Eh anong paki mo?! Wala Kana doon" sambit nito.

Tila nawalan na ng gana si Thaddeus kumain at umalis na siya sa hapag-kainan.

Kinuha ni Thaddeus ang kanyang cellphone at tumungo sa sala.

Ilang sandali pa ang lumipas bago niya narinig ang tunog ng kanyang telepono.

May tumatawag at isang kilalang tao iyon.

Pagtingin niya sa screen, agad siyang tumuwid.

ROGER JONES GOLDWELL

Agad niyang sinagot ang tawag.

"Good evening, sir! Bakit po kayo napatawag?"

Ngunit hindi iyon ang inaasahan niyang marinig.

"Thaddeus, may kailangan tayong pag-usapan tungkol sa promotion mo."

Agad na napangiti si Thaddeus.

"Yes, sir. Tungkol po ba saan?"

"Bukas ko na sasabihin .Gusto kitang makita bukas ng umaga. At teka, may isa pa akong kahilingan."

"Anything, sir."

Saglit na natahimik si Roger sa kabilang linya.

Pagkatapos ay binigkas nito ang mga salitang tuluyang nagpawala sa ngiti ni Thaddeus.

"Isama mo ang asawa mo. Gusto kong makausap si Zephanie Alecto."

Nanlaki ang mga mata ni Thaddeus.

"Si... Zephanie?"

"Yes. Your wife."

Napatitig siya sa direksiyon ng hapag-kainan kung saan nakaupo pa rin ang kanyang asawa.

"Bakit nyo po siya kailangan makausap, sir?"

Hindi agad sumagot si Roger.

Ngunit nang magsalita ito, isang pangungusap lamang ang sinabi nito.

"Because I have a position waiting for her."

Natigilan si Thaddeus.

Hindi niya alam kung bakit, ngunit sa unang pagkakataon matapos ang maraming taon, pakiramdam niya ay may bagay na hindi niya kayang kontrolin.

At ang mas ikinagulat niya—

Hindi para sa kanya ang panibagong posisyong iniaalok ni Roger kundi para iyon sa kanyang asawa.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • REBIRTH: HE TRADED ME AWAY, I CAME BACK A BILLIONAIRE   KABANATA 5

    Umaga na. Maagang nag-impake si Zephanie habang mahimbing pang natutulog ang kaniyang asawa. Matapos maisara ang kaniyang maleta, lumapit siya sa kama upang silipin si Thaddeus. Aakma na sana siyang lumapit dito nang biglang tumunog ang cellphone nito. Napahinto siya at napatingin sa screen. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang mabasa ang pangalang nakalagay doon. Hermogenia. Lalong lumakas ang paghihinala ni Zephanie. Naisip niya ang mga sinasabi nito sa tuwing may pupuntahan kahit day-off niya patungo sa kanyang kaibigan. Gayunman, pinili niyang huwag nang magtanong. Sa loob ng tatlumpung araw, wala na siyang karapatang kay Thaddeus ayon sa napagkasunduan. Lumabas na siya ng pintuan. Nilingon niya muna ito ng matagal. Mamimiss niya ang bahay. Maya-maya pa'y dumating ang black na kotse na magsusundo sa kanya. Sumakay na siya at tuluyang iniwan si Thaddeus. Habang nasa byahe, hndi niya maiwasang mag-isip kung may namamagitan na ba talaga sa kaniyang asawa at kay Her

  • REBIRTH: HE TRADED ME AWAY, I CAME BACK A BILLIONAIRE   KABANATA 4

    Nagsimula na ang party. Halos lahat ng empleyado ng kumpanya ni Roger ay dumalo, mula sa mga nasa matataas na posisyon hanggang sa mga ordinaryong manggagawa.Kilala si Roger sa pantay-pantay na pagtrato sa lahat ng kaniyang tauhan, anuman ang kanilang katayuan sa kumpanya. Para sa kaniya, bawat isa ay may mahalagang papel sa tagumpay ng kanilang organisasyon.Dumalo rin sina Zephanie at Thaddeus sa nasabing selebrasyon.Hindi pa man nagtatagal ang dalawa sa venue ay sunod-sunod nang lumapit ang mga executive at katrabaho ni Thaddeus upang batiin siya sa kaniyang promotion."Congratulations, Thad!""Well deserved!"Ilan lamang iyon sa mga bati na paulit-ulit niyang natanggap. Halos lahat ay nais makipagkamay sa kaniya, dahilan upang maging sentro siya ng atensiyon nang gabing iyon.Samantala, mula sa balkonahe, napansin sila ni Roger. Bahagya siyang napangiti nang makita ang dalawa.Mukhang kumakagat na ang mga ito sa kaniyang plano.Agad siyang bumaba upang personal silang salubungin

  • REBIRTH: HE TRADED ME AWAY, I CAME BACK A BILLIONAIRE   KABANATA 3

    Pauwi na sila ng bahay. Pagsakay sa kotse ay walang imik ang dalawa. Nakakabinging katahimikan ang nakapalibot, ngunit mararamdaman mo ang insecurity ni Thaddeus. Malayo ang isip ni Thaddeus sa mga binitawang salita ng kanyang boss tungkol kay Zephanie bago sila umalis. Napa-paranoid siya at mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Napansin naman ni Zephanie na paliko-liko ang kotseng minamaneho ni Thaddeus. "Hon, ano'ng ginagawa mo?! Ibabangga mo ba ang kotse?" nag-aalalang tanong niya. Bumalik sa ulirat si Thaddeus nang marinig ang babala ni Zephanie na mababangga na sila. Sa isip-isip niya, bibigyan si Zephanie ng mas mataas na posisyon kaysa sa kanya, kung sakaling tatanggapin nito ang alok. Ngunit hindi iyon ang pinaplano ni Roger. Lingid sa kaalaman ng dalawang nagtataksil sa kanya, hindi alam ni Roger ang mga kalokohang nagaganap sa pagitan ng kanyang asawa at empleyado. Doon sila nagkakamali. Minsa'y nakatanggap ng balita si Roger mula sa isang baguhang s

  • REBIRTH: HE TRADED ME AWAY, I CAME BACK A BILLIONAIRE   KABANATA 2

    Dumating na ang kinabukasan, hindi maipinta sa mukha ni Thaddeus na kasama niya ang asawa niya sa kanyang special na araw. Promotion day niya yon. Alas otso na ng umaga, tumawag ulit si Roger. "Magkita tayo sa restaurant. Ibibigay ko sayo ang address. Ang call time ay alas dyes." "okay sir, kikilos na po" mahinang sagot ni Thaddeus. Pagkatapos ng tawag, tumungo si Thaddeus sa kwarto nilang mag asawa. Napatitig ito ng matagal, at hindi maipinta ang kanyang mukha. Tila kinasusuklaman niya ang kanyang asawa. Bumaba ito sa kusina, kumuha ng isang basong tubig at umakyat ulit pabalik. Pagkabalik niya, ibinuhos niya ito sa natutulog na si Zephanie. "Ahhhhhhhhhh! Ano yon?" sigaw ni Zephanie. Napabalikwas ito mula sa kanyang higaan. "Gumising kana! Maligo ka nang mabuti at meron tayong pupuntahan. Ayusin mo pananamit mo at huwag na huwag mo akong ipahiya." "S-saan?" Tanong ni Zephanie. "Huwag na maraming tanong, kilos na!" Pagmamadali ni Thaddeus. Nagmadali na kumilos

  • REBIRTH: HE TRADED ME AWAY, I CAME BACK A BILLIONAIRE   KABANATA 1

    Sa isang tahimik na middle-class neighborhood nakatira si Zephanie Alecto kasama ang asawa niyang si Thaddeus Grant. Sa unang tingin, maaaring isipin ng sinumang makakakita sa kanila na isa silang ordinaryong mag-asawa. Maayos ang kanilang bahay, maganda ang kanilang pamumuhay, at isa lamang sa kanila ang nagtatrabaho. Hindi pupwede magtrabaho si Zephanie ayon kay Thaddeus, ito ay para lamang sa may kakayahan at mataas na estado ng buhay. Sa likod ng saradong pintuan, malayo sa kung ano ang nakikita ng mga tao ang tunay na buhay ni Zephanie. Hindi siya kailan man itinuring ni Thaddeus bilang asawa. Para sa kanya, isa lamang siyang alila. Araw-araw, maagang gumigising si Zephanie upang asikasuhin ang buong bahay. Siya ang naghahanda ng pagkain, naglalaba, naghuhugas ng pinggan, naglilinis ng bawat silid, at sinisigurong walang anumang bagay na makapagbibigay ng dahilan kay Thaddeus para magalit. Pagsapit ng hapon, halos hindi na niya maramdaman ang bigat ng katawan niya matapos

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status