Se connecterPauwi na sila ng bahay. Pagsakay sa kotse ay walang imik ang dalawa. Nakakabinging katahimikan ang nakapalibot, ngunit mararamdaman mo ang insecurity ni Thaddeus.
Malayo ang isip ni Thaddeus sa mga binitawang salita ng kanyang boss tungkol kay Zephanie bago sila umalis. Napa-paranoid siya at mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Napansin naman ni Zephanie na paliko-liko ang kotseng minamaneho ni Thaddeus. "Hon, ano'ng ginagawa mo?! Ibabangga mo ba ang kotse?" nag-aalalang tanong niya. Bumalik sa ulirat si Thaddeus nang marinig ang babala ni Zephanie na mababangga na sila. Sa isip-isip niya, bibigyan si Zephanie ng mas mataas na posisyon kaysa sa kanya, kung sakaling tatanggapin nito ang alok. Ngunit hindi iyon ang pinaplano ni Roger. Lingid sa kaalaman ng dalawang nagtataksil sa kanya, hindi alam ni Roger ang mga kalokohang nagaganap sa pagitan ng kanyang asawa at empleyado. Doon sila nagkakamali. Minsa'y nakatanggap ng balita si Roger mula sa isang baguhang secretary. Inakala ng secretary na siya ang taong nasa loob ng kanyang opisina noong araw na iyon. At base sa kanyang pagkakwento, ang taong iyon ay nagtutugma kay Thaddeus. Hindi nabanggit ng secretary ang kanyang pangalan dahil bago pa lamang siya dito. Sa pasilyo ay mayroon karatula ng mga taong humahawak ng kumpanya. mula sa CEO hanggang sa Team leader. Medyo natuklap na ang mukha ni Roger kaya hindi ito nakilala ng baguhang secretary. At ang litrato ni Thaddeus ay hindi nakapaskil, kusang tinanggal iyon ni Thaddeus noon. Dahil sa bihirang pagbisita niya at ang palaging pagtambay ni Thaddeus kasama si Hermogenia, nagkamali ng pagkakakilanlan ang bagong secretary. Binigyan siya ng mga litrato ng mga empleyado upang tukuyin kung sino ang kanyang nakita. "Sino dyan sa lima?"tanong ni Roger. "Yung tao na ito....mula sa kaliwa. Siya lang ang palaging kasama ni Mrs.Goldwell" ani ng secretary. "Thanks for giving me the answers I need. Now I know who's lurking behind my back, but first of all, we need to find strong evidence to pin him down" "I'm glad to be of help. Call me anytime, sir." "Thanks again, you May go now. Dismissed.* Umalis na ang secretary. Tumayo mula sa upuan si Roger at tumalikod para tumingin sa bintana habang iniisip ang kanyang natuklasan. "You're good at everything. No wonder you managed to get Hermogenia behind my back." bulong nito sa isip. Ngayon nalaman na ni Roger ang pagtataksil ng kanyang asawa, hindi niya nais maghiganti at ipahiya ang dalawa sa harap ng maraming tao. Sa halip ay ipapaubaya niya ang kanyang asawa at malaya itong mamili ng kanyang kagustuhan. Kaya naman nag organisa siya ng party upang magkita kita silang apat. Alam ni Roger ang mga maaring mangyayari, kailangan niya na lang ito pagdugtungin para mabuo ang konklusyon. Samantala, nakauwi ng ligtas ang dalawa. Kaagad na nagbihis si Zephanie. Tumungo naman sa kwarto si Thaddeus at kinuha ang cellphone mula sa kanyang bulsa. May gusto siyang tawagan na isang tao. "Hello?" sabi niya "Hi, bakit ka napatawag ganitong oras?!" tanong ng boses na nasa cellphone "Kailangan natin magkita, ipapaliwanag ko sayo ang lahat May gusto siyang tawagan na isang tao. "Hello?" bungad ni Thaddeus. "Hi! Bakit ka napatawag nang ganitong oras?" tanong ng boses mula sa kabilang linya. "Kailangan nating magkita. Ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat." "O-okay. Isang oras lang. Mukhang bantay-sarado ako kay Roger," sagot nito. Ang taong iyon ay si Hermogenia. Kailangan nilang mag-usap tungkol kina Roger at Zephanie. "Alis lang ako. May pupuntahan lang akong kaibigan," paalam ni Thaddeus. "Sige, ingat ka. Bumalik ka kaagad dahil may party mamaya," sagot ni Zephanie. Bahagyang tumaas ang kilay ni Thaddeus sa narinig. Hindi niya inaasahang magiging interesado si Zephanie sa party. Sandali niya itong pinagmasdan, tila nagtataka sa biglaang pagbabago ng kilos nito. "Matanong nga kita, nag-uusap ba kayo ni Roger? May idea ka ba kung bakit ka pinapapunta mamaya?" usisa ni Thaddeus, na tila naintriga sa sinabi ni Zephanie. "Hindi ko alam," mabilis na sagot ni Zephanie. Lumapit si Thaddeus at tinuro siya ng daliri. "Malaman ko lang na may itinatago kang sikreto sa akin, malintikan ka sa akin!" Nagulat si Zephanie sa akusasyon nito. Wala naman talaga siyang itinatago, kaya hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang hinala ng kanyang asawa. Tumalikod na si Thaddeus at nagmamadaling lumabas ng p***o. Padabog pa niyang isinara ang p***o. Napaisip naman si Zephanie sa ikinikilos ng kanyang asawa. Hindi niya maiwasang magtaka kung bakit tila balisa at iritable ito. Thirty minutes later... Nagkita sina Thaddeus at Hermogenia sa isang parke. "Ano ba ang kailangan mo at bigla-bigla mo akong pinapunta rito?" tanong ni Hermogenia. "Namimiss mo ba ako?" pabirong tanong niya. Ngunit hindi natinag si Thaddeus sa seryosong usapan. Nanatili itong nakatitig sa kanya, halatang nababahala sa maaaring mangyari. "Thaddeus! Thaddeus! Thaddeus! Hoy! Naririnig mo ba ako?" sambit ni Hermogenia. Ikinakaway pa niya ang kanyang kamay sa harap ng mukha nito dahil para bang naging estatwa si Thaddeus sa sobrang pagkakaupo nito. Tila malalim ang iniisip at hindi man lang nagre-react sa mga tawag niya. "May nabanggit ba sayo si Roger patungkol sa aking asawa?" diretso na tanong nito. "Ahh! Hahahaha... Pinapunta mo ba ako rito para itanong lang 'yan?!" natatawang sambit ni Hermogenia. "Ang weird lang kasi. Out of nowhere, gusto ni Roger na sumama si Zephanie sa party mamaya. Ang sabi pa niya, bibigyan daw niya ito ng posisyon," sambit ni Thaddeus, tila nagtataka sa plano ni Roger. "Baka gagawin siyang janitress. Nag-resign na kasi 'yung nasa mansion," pabirong sagot ni Hermogenia. "Hindi puwedeng mangyari 'yon! Gusto ko siyang itali sa bahay dahil doon siya nararapat! Wala siyang karapatang magtrabaho. Baka lumaki ang ulo no'n kapag nangyari 'yon. Hayys..." Sandali siyang napahinga bago muling nagsalita. "Medyo nagsisisi ako na pinakasalan ko siya. Dahil matapos ang lahat, hindi ko na nakikita ang future ko kasama siya," dagdag ni Thaddeus, halatang dismayado. Lumapit si Hermogenia at lumingkis ang mga braso nito sa katawan ni Thaddeus. "Bakit? Ako na ba ang future mo?" malanding tanong ni Hermogenia habang nakangiti. "Huwag kang mag-alala. Sooner or later, magfa-file na ako ng divorce. Nasasakal na ako sa kanya, at gusto ko nang magsama tayo." Hays...kung nakilala lang sana kita noon pa, edi sana matagal na tayong magkasama," malambing na tugon ni Thaddeus. Habang abala sa paglalambingan ang dalawa, hindi napansin ni Thaddeus na sunod-sunod na pala ang mga missed call na natanggap niya mula kay Zephanie. Gayunpaman, may iniwang text message si Zephanie sakaling hindi niya masagot ang mga tawag nito. Samantala, nag-ring ang cellphone ni Hermogenia. Isang tawag iyon mula kay Roger. Agad niyang inilayo si Thaddeus upang hindi ito makita sa camera. Mabilis siyang bumalikwas, inayos ang kanyang damit, saka sinagot ang tawag. "The party starts soon. Where are you now?" tanong ni Roger. "I'm at the park. Sinamahan ko lang 'yung friend ko," palusot ni Hermogenia. Napansin ni Roger na may bahagyang bahagi ng isang damit na nahagip ng kanyang mata sa video call. Panglalaki ang damit na iyon. "Okay, sweetie. Take care and come back home early before the party starts." "Yes, dear. I'll call you later." Agad na ibinaba ni Hermogenia ang tawag. "Babe, I need to go home na. My time's up. Kailangan ko nang makabalik bago pa maghinala si Roger," sambit niya. Niyakap at hinalikan niya si Thaddeus bago tuluyang magpaalam. "Text mo ako kung ano-ano ang mga ganap, ah," paalala ni Thaddeus. "Of course." Tuluyan nang umalis si Hermogenia at nagtungo sa kanyang kotse. Sinundan naman siya ng tingin ni Thaddeus hanggang sa tuluyan itong mawala sa kanyang paningin. Sa kabilang banda, nakatayo si Roger sa loob ng kanyang kuwarto habang marahang iniikot ang hawak na wine glass na may lamang champagne. Mula sa kinatatayuan niya, pinagmamasdan niya ang paghahanda para sa nalalapit na party. "Mahuhuli ko rin kayo. Hindi rin magtatagal, madudulas din ang inyong mga dila," bulong niya sa sarili. Bahagya siyang napangisi bago tuluyang humalakhak, tila natutuwa sa planong unti-unti niyang binubuo sa kanyang isipan.Umaga na. Maagang nag-impake si Zephanie habang mahimbing pang natutulog ang kaniyang asawa. Matapos maisara ang kaniyang maleta, lumapit siya sa kama upang silipin si Thaddeus. Aakma na sana siyang lumapit dito nang biglang tumunog ang cellphone nito. Napahinto siya at napatingin sa screen. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang mabasa ang pangalang nakalagay doon. Hermogenia. Lalong lumakas ang paghihinala ni Zephanie. Naisip niya ang mga sinasabi nito sa tuwing may pupuntahan kahit day-off niya patungo sa kanyang kaibigan. Gayunman, pinili niyang huwag nang magtanong. Sa loob ng tatlumpung araw, wala na siyang karapatang kay Thaddeus ayon sa napagkasunduan. Lumabas na siya ng pintuan. Nilingon niya muna ito ng matagal. Mamimiss niya ang bahay. Maya-maya pa'y dumating ang black na kotse na magsusundo sa kanya. Sumakay na siya at tuluyang iniwan si Thaddeus. Habang nasa byahe, hndi niya maiwasang mag-isip kung may namamagitan na ba talaga sa kaniyang asawa at kay Her
Nagsimula na ang party. Halos lahat ng empleyado ng kumpanya ni Roger ay dumalo, mula sa mga nasa matataas na posisyon hanggang sa mga ordinaryong manggagawa.Kilala si Roger sa pantay-pantay na pagtrato sa lahat ng kaniyang tauhan, anuman ang kanilang katayuan sa kumpanya. Para sa kaniya, bawat isa ay may mahalagang papel sa tagumpay ng kanilang organisasyon.Dumalo rin sina Zephanie at Thaddeus sa nasabing selebrasyon.Hindi pa man nagtatagal ang dalawa sa venue ay sunod-sunod nang lumapit ang mga executive at katrabaho ni Thaddeus upang batiin siya sa kaniyang promotion."Congratulations, Thad!""Well deserved!"Ilan lamang iyon sa mga bati na paulit-ulit niyang natanggap. Halos lahat ay nais makipagkamay sa kaniya, dahilan upang maging sentro siya ng atensiyon nang gabing iyon.Samantala, mula sa balkonahe, napansin sila ni Roger. Bahagya siyang napangiti nang makita ang dalawa.Mukhang kumakagat na ang mga ito sa kaniyang plano.Agad siyang bumaba upang personal silang salubungin
Pauwi na sila ng bahay. Pagsakay sa kotse ay walang imik ang dalawa. Nakakabinging katahimikan ang nakapalibot, ngunit mararamdaman mo ang insecurity ni Thaddeus. Malayo ang isip ni Thaddeus sa mga binitawang salita ng kanyang boss tungkol kay Zephanie bago sila umalis. Napa-paranoid siya at mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Napansin naman ni Zephanie na paliko-liko ang kotseng minamaneho ni Thaddeus. "Hon, ano'ng ginagawa mo?! Ibabangga mo ba ang kotse?" nag-aalalang tanong niya. Bumalik sa ulirat si Thaddeus nang marinig ang babala ni Zephanie na mababangga na sila. Sa isip-isip niya, bibigyan si Zephanie ng mas mataas na posisyon kaysa sa kanya, kung sakaling tatanggapin nito ang alok. Ngunit hindi iyon ang pinaplano ni Roger. Lingid sa kaalaman ng dalawang nagtataksil sa kanya, hindi alam ni Roger ang mga kalokohang nagaganap sa pagitan ng kanyang asawa at empleyado. Doon sila nagkakamali. Minsa'y nakatanggap ng balita si Roger mula sa isang baguhang s
Dumating na ang kinabukasan, hindi maipinta sa mukha ni Thaddeus na kasama niya ang asawa niya sa kanyang special na araw. Promotion day niya yon. Alas otso na ng umaga, tumawag ulit si Roger. "Magkita tayo sa restaurant. Ibibigay ko sayo ang address. Ang call time ay alas dyes." "okay sir, kikilos na po" mahinang sagot ni Thaddeus. Pagkatapos ng tawag, tumungo si Thaddeus sa kwarto nilang mag asawa. Napatitig ito ng matagal, at hindi maipinta ang kanyang mukha. Tila kinasusuklaman niya ang kanyang asawa. Bumaba ito sa kusina, kumuha ng isang basong tubig at umakyat ulit pabalik. Pagkabalik niya, ibinuhos niya ito sa natutulog na si Zephanie. "Ahhhhhhhhhh! Ano yon?" sigaw ni Zephanie. Napabalikwas ito mula sa kanyang higaan. "Gumising kana! Maligo ka nang mabuti at meron tayong pupuntahan. Ayusin mo pananamit mo at huwag na huwag mo akong ipahiya." "S-saan?" Tanong ni Zephanie. "Huwag na maraming tanong, kilos na!" Pagmamadali ni Thaddeus. Nagmadali na kumilos
Sa isang tahimik na middle-class neighborhood nakatira si Zephanie Alecto kasama ang asawa niyang si Thaddeus Grant. Sa unang tingin, maaaring isipin ng sinumang makakakita sa kanila na isa silang ordinaryong mag-asawa. Maayos ang kanilang bahay, maganda ang kanilang pamumuhay, at isa lamang sa kanila ang nagtatrabaho. Hindi pupwede magtrabaho si Zephanie ayon kay Thaddeus, ito ay para lamang sa may kakayahan at mataas na estado ng buhay. Sa likod ng saradong pintuan, malayo sa kung ano ang nakikita ng mga tao ang tunay na buhay ni Zephanie. Hindi siya kailan man itinuring ni Thaddeus bilang asawa. Para sa kanya, isa lamang siyang alila. Araw-araw, maagang gumigising si Zephanie upang asikasuhin ang buong bahay. Siya ang naghahanda ng pagkain, naglalaba, naghuhugas ng pinggan, naglilinis ng bawat silid, at sinisigurong walang anumang bagay na makapagbibigay ng dahilan kay Thaddeus para magalit. Pagsapit ng hapon, halos hindi na niya maramdaman ang bigat ng katawan niya matapos







