Partager

KABANATA 5

last update Date de publication: 2026-11-07 17:35:15

Umaga na. Maagang nag-impake si Zephanie habang mahimbing pang natutulog ang kaniyang asawa. Matapos maisara ang kaniyang maleta, lumapit siya sa kama upang silipin si Thaddeus.

Aakma na sana siyang lumapit dito nang biglang tumunog ang cellphone nito. Napahinto siya at napatingin sa screen.

Nanlaki ang kaniyang mga mata nang mabasa ang pangalang nakalagay doon.

Hermogenia.

Lalong lumakas ang paghihinala ni Zephanie. Naisip niya ang mga sinasabi nito sa tuwing may pupuntahan kahit day-off niya patungo sa kanyang kaibigan.

Gayunman, pinili niyang huwag nang magtanong. Sa loob ng tatlumpung araw, wala na siyang karapatang kay Thaddeus ayon sa napagkasunduan.

Lumabas na siya ng pintuan. Nilingon niya muna ito ng matagal.

Mamimiss niya ang bahay.

Maya-maya pa'y dumating ang black na kotse na magsusundo sa kanya.

Sumakay na siya at tuluyang iniwan si Thaddeus.

Habang nasa byahe, hndi niya maiwasang mag-isip kung may namamagitan na ba talaga sa kaniyang asawa at kay Hermogenia.

Pinagtataksilan na kaya siya ni Thaddeus?

Napabuntong-hininga siya. Sa kabila ng lahat, umaasa pa rin siyang nagkakamali lamang siya ng hinala.

Lumipas ang isang oras. Nakarating na si Zephanie sa bahay ni Roger.

Lumipas ang ilang oras hanggang sa tuluyan nang makarating si Zephanie sa bahay ni Roger.

Pagpasok niya sa guest room, nadatnan niya itong nakaupo sa sofa habang humihigop ng kape at nagbabasa ng diyaryo. Tila matagal na nitong hinihintay ang kaniyang pagdating.

Ibinaba ni Roger ang diyaryo at bahagyang ngumiti nang makita siya.

"Welcome home, Zephanie," bati nito.

Inasikaso siya ng mga katulong sa loob ng bahay. Mula sa kanyang kwarto, sa kanyang CR, at sa lahat na pagmamay-ari ni Hermogenia.

Sumunod si Roger sa itaas, pinaalis ang katulong niya at isinara ang p***o.

"Di ba may gusto kang malaman kagabi?" tanong ni Roger habang nakatitig nang diretso kay Zephanie.

Napatitig sa kaniya si Zephanie, naghihintay sa susunod nitong sasabihin.

"Nagtataksil sa iyo ang asawa mo, Zephanie. May relasyon sila ni Hermogenia," madiin ngunit mahinahong pahayag ni Roger.

Piliting itinanggi ni Zephanie sa sarili ang mga sinabi ni Roger. Napaupo siya sa kanyang kama.

Tuluyan nang bumigay ang damdamin ni Zephanie. Napahagulgol siya ng iyak habang pilit na tinatanggap ang katotohanang matagal na palang nagtataksil sa kaniya ang kaniyang asawa.

Hindi rin naiwasan ni Roger na makaramdam ng awa sa kaniya.

"Hindi ako nagulat na tinanggap ni Thaddeus ang hamon ko. Alam kong papayag siya sa ganoong kasunduan," mahinahong sabi ni Roger.

Bigla namang tayo ni Zephanie mula sa pagkakaupo sa kama niya.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Roger.

"Pupuntahan ko sila."

Nag-commute lamang si Zephanie pauwi. Hindi na siya nag-aksaya ng oras dahil determinado siyang komprontahin ang dalawa at alamin ang buong katotohanan.

Samantala, kakarating lamang ni Hermogenia sa bahay nina Thaddeus. Padabog itong kumakatok sa pintuan, ngunit walang sumasagot.

Mahimbing pa rin ang tulog ni Thaddeus at walang kamalay-malay sa nangyayari sa labas.

Hindi nagtagal ang biyahe ni Zephanie.

Malapit na siyang makarating sa kanilang bahay.

Samantala, paulit-ulit na tinatawagan ni Hermogenia ang cellphone ni Thaddeus.

"Sagutin mo naman, lintik ka!" wika nito.

Naiwang nakabukas pala ang p***o. Papasok na sana si Hermogenia ngunit hindi pa man ito nakapaghubad ng sapatos ay narinig na niya ang isang matalim na tinig mula sa likuran.

"Ang aga-aga mo namang dumalaw sa asawa ko! Ahas kang babae ka!"

Napalingon si Hermogenia. Nanlaki ang mga mata nito nang makita si Zephanie na nakatayo sa may pintuan.

"Zephanie? Anong ginagawa mo rito?"

"Magandang tanong. Dapat ako ang nagtatanong niyan sa iyo. Bakit ka nandito at bakit napakadalas mong tawagan ang asawa ko?!"

Napairap si Hermogenia at bahagyang ngumisi.

"Kung simpleng tawag lang, bakit hindi ka na lang tumawag sa oras na hindi tulog ang asawa ko? O baka naman nasanay ka nang makuha ang atensiyon niya kahit anong oras?"

"Watch your mouth, Zephanie!"

"Why? Did I hit a nerve?"

Napahakbang palapit si Hermogenia.

"Huwag kang umasta na para bang alam mo ang lahat. Hindi mo alam kung ano ang namamagitan sa amin ni Thaddeus."

Napangiti nang mapait si Zephanie.

"Talaga? At kailangan ko pa bang malaman? Sapat na sa akin ang nakita kong pangalan mo sa cellphone niya. Pati ang mga titig ninyo sa isa't isa, hindi ninyo maitago!"

"Kung ganoon, bakit hindi mo tanungin ang asawa mo? Bakit ako ang kinokompronta mo?"

"Kung alam mo lang kung ilang beses akong pinili ni Thaddeus kaysa sa iyo" dagdag pa niya.

Nagpintig ang mga tainga ni Zephanie at bigla nalang siyang sumabog.

Bigla niyang hinablot ang buhok ni Hermogenia at hinila ito papasok sa kusina.

"Aray! Bitawan mo ako, baliw ka ba?!" sigaw ni Hermogenia habang pilit na kumakawala.

"Akala mo ba makakalusot ka sa akin?!" gigil na sigaw ni Zephanie.

Nang makapasok sila sa kusina, nagsimula silang mag-agawan at magtulakan. Kapwa sila hindi nagpapatalo.

Hinawakan ni Hermogenia ang braso ni Zephanie upang makawala, ngunit lalo lamang uminit ang kanilang pagtatalo.

"You're crazy! Wala kang karapatang saktan ako!"

"At wala ka rin karapatan agawin sa akin ang asawa ko!!!" sigaw ni Zephanie.

Nagpatuloy ang kanilang rambulan habang umaalingawngaw sa buong bahay ang kanilang mga sigawan.

Nagtulakan ang dalawa habang patuloy na nagsasabunutan.

Matagumpay na naitulak ni Hermogenia si Zephanie at tuluyan siyang nakawala sa pagkakahawak nito.

Hindi na siya nag-aksaya ng oras at dali-daling umakyat sa hagdan patungo sa silid kung saan natutulog si Thaddeus.

Ngunit hindi siya basta pinabayaan ni Zephanie. Agad niya itong hinabol, determinadong hindi palalampasin ang pagkakataong iyon.

Bago pa man tuluyang makarating sa itaas, muli silang nagkaharap sa hagdan.

"Akala mo makakatakas ka sa akin?!" galit na sigaw ni Zephanie.

"Get off me, Zephanie!" sigaw naman ni Hermogenia.

Sa gitna ng kanilang pag-aagawan, malakas na itinulak ni Hermogenia si Zephanie.

Nawalan ito ng balanse at tuluyang gumulong pababa sa hagdan. Isang malakas na kalabog ang umalingawngaw sa buong bahay nang tumama ang ulo nito sa huling baitang.

Biglang natigilan si Hermogenia.

Nawala ang kaninang tapang sa mukha nito habang nakatingin kay Zephanie.

"Zephanie?" mahinang tawag niya.

Nagising naman si Thaddeus at lumabas ng kanyang kwarto. Ang unang nakita niya ay si Hermogenia na tulala sa hagdan.

Lumapit siya dito at nasaksihan niya ang walang buhay na si Zephanie na nakahandusay sa hagdan.

Patay na si Zephanie. Mabilis na nakarating kay Roger ang malagim na balita, at labis siyang nabigla sa sinapit ng babae.

Samantala, kusang sumuko si Hermogenia sa mga pulis at naharap sa kasong kaugnay ng pagkamatay ni Zephanie.

Sa kabila ng kaniyang paliwanag na pagtatanggol lamang sa sarili ang kaniyang ginawa, hindi ito tinanggap ng korte. Matapos ang paglilitis, napatunayang guilty siya at tuluyang nakulong.

Naging miserable naman ang buhay ni Thaddeus.

Nawala sa kaniya si Zephanie, habang nakulong naman ang babaeng naging dahilan ng pagkasira ng kaniyang pagsasama.

Sa huli, huli na nang mapagtanto ni Thaddeus ang halaga ng lahat ng bagay na binalewala niya.

ONE YEAR LATER

Hindi tinanggal ni Roger si Thaddeus sa kumpanya. Malaki pa rin ang naiaambag nito sa operasyon ng negosyo at isa ito sa mga taong tumutulong upang patuloy na umunlad ang kumpanya.

Gayunpaman, malaki na ang ipinagbago ng kanilang samahan.

Naging malamig ang pakikitungo nila sa isa't isa, at trabaho na lamang ang kanilang pinag-uusapan.

Samantala, may bagong aplikante para sa posisyon ng personal secretary ni Roger.

Dahil personal niyang makakasama ang taong mapipili para sa posisyon, nagpasya siyang siya mismo ang magsagawa ng panayam.

Matapos suriin ang résumé ng kandidato, pinatawag niya ito sa kaniyang opisina.

"Please send the next applicant in," utos ni Roger sa kaniyang receptionist.

Ilang sandali pa, kumatok ang kandidato sa p***o.

"Come in," tugon niya.

Dahan-dahang bumukas ang p***o at pumasok ang aplikante.

Nanlaki ang mga mata ni Roger. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakita. Ang babaeng nakatayo sa harap niya ay walang iba kundi si Zephanie.

Ilang segundo siyang natigilan, tila hindi makapaniwala sa sariling mga mata.

"Z-Zephanie?" pautal na sambit niya.

Ngunit nanatiling kalmado ang babae. Bahagya lamang itong ngumiti bago magalang na bumati.

"Good morning, Mr. Roger. I'm here for the interview."

Para bang isang taong muling nabuhay mula sa hukay, nagbalik si Zephanie matapos ang lahat ng nangyari.

Ngunit hindi na siya ang dating babaeng kilala ni Roger.

May bago siyang pagkatao at iisa lamang ang layunin—ang maghiganti sa mga taong naging dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • REBIRTH: HE TRADED ME AWAY, I CAME BACK A BILLIONAIRE   KABANATA 5

    Umaga na. Maagang nag-impake si Zephanie habang mahimbing pang natutulog ang kaniyang asawa. Matapos maisara ang kaniyang maleta, lumapit siya sa kama upang silipin si Thaddeus. Aakma na sana siyang lumapit dito nang biglang tumunog ang cellphone nito. Napahinto siya at napatingin sa screen. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang mabasa ang pangalang nakalagay doon. Hermogenia. Lalong lumakas ang paghihinala ni Zephanie. Naisip niya ang mga sinasabi nito sa tuwing may pupuntahan kahit day-off niya patungo sa kanyang kaibigan. Gayunman, pinili niyang huwag nang magtanong. Sa loob ng tatlumpung araw, wala na siyang karapatang kay Thaddeus ayon sa napagkasunduan. Lumabas na siya ng pintuan. Nilingon niya muna ito ng matagal. Mamimiss niya ang bahay. Maya-maya pa'y dumating ang black na kotse na magsusundo sa kanya. Sumakay na siya at tuluyang iniwan si Thaddeus. Habang nasa byahe, hndi niya maiwasang mag-isip kung may namamagitan na ba talaga sa kaniyang asawa at kay Her

  • REBIRTH: HE TRADED ME AWAY, I CAME BACK A BILLIONAIRE   KABANATA 4

    Nagsimula na ang party. Halos lahat ng empleyado ng kumpanya ni Roger ay dumalo, mula sa mga nasa matataas na posisyon hanggang sa mga ordinaryong manggagawa.Kilala si Roger sa pantay-pantay na pagtrato sa lahat ng kaniyang tauhan, anuman ang kanilang katayuan sa kumpanya. Para sa kaniya, bawat isa ay may mahalagang papel sa tagumpay ng kanilang organisasyon.Dumalo rin sina Zephanie at Thaddeus sa nasabing selebrasyon.Hindi pa man nagtatagal ang dalawa sa venue ay sunod-sunod nang lumapit ang mga executive at katrabaho ni Thaddeus upang batiin siya sa kaniyang promotion."Congratulations, Thad!""Well deserved!"Ilan lamang iyon sa mga bati na paulit-ulit niyang natanggap. Halos lahat ay nais makipagkamay sa kaniya, dahilan upang maging sentro siya ng atensiyon nang gabing iyon.Samantala, mula sa balkonahe, napansin sila ni Roger. Bahagya siyang napangiti nang makita ang dalawa.Mukhang kumakagat na ang mga ito sa kaniyang plano.Agad siyang bumaba upang personal silang salubungin

  • REBIRTH: HE TRADED ME AWAY, I CAME BACK A BILLIONAIRE   KABANATA 3

    Pauwi na sila ng bahay. Pagsakay sa kotse ay walang imik ang dalawa. Nakakabinging katahimikan ang nakapalibot, ngunit mararamdaman mo ang insecurity ni Thaddeus. Malayo ang isip ni Thaddeus sa mga binitawang salita ng kanyang boss tungkol kay Zephanie bago sila umalis. Napa-paranoid siya at mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Napansin naman ni Zephanie na paliko-liko ang kotseng minamaneho ni Thaddeus. "Hon, ano'ng ginagawa mo?! Ibabangga mo ba ang kotse?" nag-aalalang tanong niya. Bumalik sa ulirat si Thaddeus nang marinig ang babala ni Zephanie na mababangga na sila. Sa isip-isip niya, bibigyan si Zephanie ng mas mataas na posisyon kaysa sa kanya, kung sakaling tatanggapin nito ang alok. Ngunit hindi iyon ang pinaplano ni Roger. Lingid sa kaalaman ng dalawang nagtataksil sa kanya, hindi alam ni Roger ang mga kalokohang nagaganap sa pagitan ng kanyang asawa at empleyado. Doon sila nagkakamali. Minsa'y nakatanggap ng balita si Roger mula sa isang baguhang s

  • REBIRTH: HE TRADED ME AWAY, I CAME BACK A BILLIONAIRE   KABANATA 2

    Dumating na ang kinabukasan, hindi maipinta sa mukha ni Thaddeus na kasama niya ang asawa niya sa kanyang special na araw. Promotion day niya yon. Alas otso na ng umaga, tumawag ulit si Roger. "Magkita tayo sa restaurant. Ibibigay ko sayo ang address. Ang call time ay alas dyes." "okay sir, kikilos na po" mahinang sagot ni Thaddeus. Pagkatapos ng tawag, tumungo si Thaddeus sa kwarto nilang mag asawa. Napatitig ito ng matagal, at hindi maipinta ang kanyang mukha. Tila kinasusuklaman niya ang kanyang asawa. Bumaba ito sa kusina, kumuha ng isang basong tubig at umakyat ulit pabalik. Pagkabalik niya, ibinuhos niya ito sa natutulog na si Zephanie. "Ahhhhhhhhhh! Ano yon?" sigaw ni Zephanie. Napabalikwas ito mula sa kanyang higaan. "Gumising kana! Maligo ka nang mabuti at meron tayong pupuntahan. Ayusin mo pananamit mo at huwag na huwag mo akong ipahiya." "S-saan?" Tanong ni Zephanie. "Huwag na maraming tanong, kilos na!" Pagmamadali ni Thaddeus. Nagmadali na kumilos

  • REBIRTH: HE TRADED ME AWAY, I CAME BACK A BILLIONAIRE   KABANATA 1

    Sa isang tahimik na middle-class neighborhood nakatira si Zephanie Alecto kasama ang asawa niyang si Thaddeus Grant. Sa unang tingin, maaaring isipin ng sinumang makakakita sa kanila na isa silang ordinaryong mag-asawa. Maayos ang kanilang bahay, maganda ang kanilang pamumuhay, at isa lamang sa kanila ang nagtatrabaho. Hindi pupwede magtrabaho si Zephanie ayon kay Thaddeus, ito ay para lamang sa may kakayahan at mataas na estado ng buhay. Sa likod ng saradong pintuan, malayo sa kung ano ang nakikita ng mga tao ang tunay na buhay ni Zephanie. Hindi siya kailan man itinuring ni Thaddeus bilang asawa. Para sa kanya, isa lamang siyang alila. Araw-araw, maagang gumigising si Zephanie upang asikasuhin ang buong bahay. Siya ang naghahanda ng pagkain, naglalaba, naghuhugas ng pinggan, naglilinis ng bawat silid, at sinisigurong walang anumang bagay na makapagbibigay ng dahilan kay Thaddeus para magalit. Pagsapit ng hapon, halos hindi na niya maramdaman ang bigat ng katawan niya matapos

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status