LOGINTahimik na nakatingin ang apat na lalaki kay Lira matapos nitong sabihin na handa na siyang palayain sila. Walang ni isa sa kanila ang agad na naniwala. Sa tagal ng panahong tiniis nila ang pagmamalupit nito, hindi nila kayang basta tanggapin ang biglaang pagbabago ng babaeng kinamumuhian nila.
Si Caleb ang unang nagsalita. “Paano namin malalaman na hindi mo lang kami niloloko?” tanong nito habang nakahalukipkip. “Ilang beses mo na kaming pinangakuan ng kung anu-ano, pero sa huli, kami pa rin ang nasasaktan.”
“Hindi ko kayo masisisi kung ayaw niyo akong paniwalaan,” sagot niya. “Pero hindi ko na gustong ipagpatuloy ang ganitong buhay. Gusto ko na rin kayong makalaya sa akin.”
Napailing si Yohan. “Kung ganun, bakit hindi mo na lang kami palayain ngayon? Bakit kailangan pa naming tulungan ka?”
“Dahil may kailangan akong malaman bago ko tuluyang maputol ang ugnayan natin.” Huminga nang malalim si Lira. “Ang tungkol sa sumpang dugo.”
Biglang nagbago ang ekspresyon ni Yohan nang marinig iyon. Maging sina Silas, Caleb, at Jace ay napatingin sa kaniya.
“Saan mo narinig ang tungkol diyan?” tanong ni Silas.
“May nabasa akong ilang bagay tungkol dito, pero hindi kumpleto. Ang alam ko may paraan para tuluyan tayong mapalaya sa isa't isa.”
“Kung alam mo pala ang tungkol doon, bakit ngayon mo lang sinasabi?” singit ni Caleb.
“Dahil ngayon ko lang naintindihan kung gaano na kalala ang sitwasyon natin.”
Hindi na siya nagdagdag ng paliwanag. Hindi naman niya kayang sabihin sa mga ito na ibang tao na ang kaharap nila at hindi na ang babaeng nanakit sa kanila.
Sa halip, lumapit siya sa maliit na mesa at kinuha ang ilang documents na inilabas niya mula sa silid ng kanyang ama. Inilapag niya ang mga ito sa harapan ng apat na lalaki.
“May nakita ako sa silid niya, basahin ninyo.”
Unang lumapit si Silas. Kinuha nito ang mga papel at isa-isang sinuri ang mga nakasulat. Habang tumatagal, lalong kumukunot ang kaniyang noo.
“Ano ito?” tanong ni Jace.
“Kasunduan sa pagitan ng pamilya ni Lira at ng mga pamilya natin,” sagot ni Silas. “Hindi lang ito tungkol sa kasal.”
Lumapit si Caleb at sumilip sa hawak nitong dokumento. “Anong ibig mong sabihin?”
Itinuro ni Silas ang isang bahagi ng papel. Nakasaad doon na ang limang lalaki ay nakatali sa isang kasunduan na ginawa bago pa man sila ikasal kay Lira. May mga kondisyon din tungkol sa kanilang mana, ari-arian, at karapatang umalis sa pamilya.
“Kapag sinubukan nating kumalas nang walang pahintulot, maaaring mawala ang lahat ng pag-aari natin,” paliwanag ni Silas. “Pati ang mga manang nakapangalan sa atin.”
Napamura nang mahina si Caleb. “Wala akong alam tungkol dito. Ang sinabi lang sa akin, wala akong ibang pagpipilian kundi ang pakasalan siya.”
“Ganoon din ang sinabi sa akin,” dagdag ni Jace. “Pero hindi ko alam na may ganito palang kasunduan.”
Nanatiling tahimik si Yohan habang binabasa ang mga papel. Nang matapos siya, ibinalik niya ang mga ito sa mesa at tumingin kay Lira. “Bakit nasa iyo ang mga dokumentong ito?”
“Nasa silid ng ama ko. Hindi ko rin alam kung bakit niya itinago.”
“Hindi mo alam?” mapait na natawa si Yohan. “Anak ka niya, ikaw ang dahilan kung bakit tayo napunta sa ganitong sitwasyon. At ngayon, sasabihin mong wala kang alam?”
Napayuko si Lira, alam niyang wala siyang karapatang magalit sa mga salitang iyon. “Alam kong mahirap paniwalaan ang sinasabi ko pero hindi ako nandito para makipagtalo sa inyo. Gusto ko lang malaman ang buong katotohanan.”
Muling kinuha ni Silas ang mga dokumento. Maingat niyang inayos ang bawat pahina, saka biglang napatigil. “Sandali lang.” Napatingin sa kaniya ang lahat. “May nawawalang pahina.”
Lumapit si Lira. “Sigurado ka?”
Tumango si Silas at itinuro ang bahaging hindi tugma sa pagkakasunod-sunod ng mga dokumento.
“May nakasulat dito na may mga kondisyon para sa tuluyang pagpapawalang-bisa ng kasunduan pero hindi kumpleto ang paliwanag. Nawawala ang pahinang naglalaman ng mga detalye.”
“Kung ganoon, kailangan nating hanapin ‘yon,” sabi ni Lira.
“Saan?” tanong ni Jace.
“Sa opisina ng ama ko, doon niya itinatago ang mahahalagang papeles niya.”
Agad na tumayo si Lira at kinuha ang kaniyang bag. Plano niyang pumunta roon bago pa malaman ng kaniyang ama na may binabago siya sa mga dating plano nito.
Ngunit bago siya tuluyang makalabas, nagsalita si Yohan. “Hindi ka pupunta roon nang mag-isa.”
Napalingon siya. “Bakit? Akala ko ba, ayaw niyong makialam sa mga ginagawa ko?”
“Hindi ibig sabihin na hindi kami nagtitiwala sa’yo ay hahayaan ka na naming gumawa ng kung ano-ano,” sagot ni Yohan. “Kapag may nangyaring masama, kami na naman ang madadamay.”
Hindi alam ni Lira kung dapat ba siyang matuwa o mainis sa sinabi nito. Kahit halatang wala pa ring tiwala sa kaniya si Yohan, may dahilan pa rin itong sumama.
“Kung gusto mong sumama, sige,” sagot niya. “Pero kailangan muna nating mahanap si Lucian.”
“Hindi mo na kailangang ipaalala sa amin,” malamig na sabi ni Jace. “Hindi namin siya basta pababayaan.”
May kung anong kirot na naramdaman si Lira sa sinabi nito. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan nila, nag-aalala pa rin ang mga lalaki sa isa't isa. Samantalang ang dating Lira, ginawa ang lahat para sirain ang samahan nila.
Bago pa sila makapag-usap muli ay biglang nag-vibrate ang cellphone ni Lira.
Isang mensahe ang pumasok mula sa hindi kilalang numero, agad niya itong binuksan. “Kung gusto mong mabuhay, huwag mong hayaang makuha ng limang asawa mo ang sumpang dugo. Hindi mo alam kung ano talaga ang pweding mangyari kapag naputol ang kasunduan.”
Napakunot noo si Lira sa mensahe.
“Ano ‘yon?” tanong ni Silas.
Hindi sumagot si Lira. Sa halip, binasa niya ulit ang mensahe, umaasang may makikita siyang detalye tungkol sa nagpadala nito, pero wala.
Hindi niya alam kung sino ang may alam sa plano nila o kung bakit siya binabalaan nito.
“May problema ba?” tanong ni Yohan nang mapansin ang pagbabago sa mukha niya.
Ipinakita ni Lira ang cellphone, binasa ni Yohan ang mensahe at agad na dumilim ang kaniyang mukha. “May nakakaalam ng ginagawa natin,” sabi nito.
“Puwedeng may gustong takutin tayo,” sagot ni Caleb. “O baka gusto tayong pag-awayin.”
“Posible,” sabi ni Silas. “Pero hindi natin puwedeng balewalain kung alam nila ang tungkol sa sumpang dugo, maaaring mas marami silang alam tungkol sa kasunduan kaysa sa atin.”
Muling tumingin si Lira sa cellphone, may isa pang mensahe na kasunod nito nang buksan niya ang litrato, tila tumigil ang paghinga niya si Lucian ang nasa larawan.
Nakatali ang mga kamay nito sa likod ng isang upuan. Gusgusin ang suot nitong damit, at may dugo sa gilid ng noo. Halatang nasaktan siya, ngunit nakataas pa rin ang kaniyang ulo habang nakatingin sa taong nasa harapan niya.
Sa likuran ni Lucian ay isang lalaking may hawak na baril. Nang makita iyon ni Caleb, agad itong lumapit. “Nasaan siya?”
Hindi makapagsalita si Lira. Nanginginig ang mga daliri niya habang pinalalaki ang larawan, umaasang may makikita siyang palatandaan kung saan ito kuha.
“Hindi natin puwedeng sayangin ang oras,” mariing sabi ni Jace. “Kailangan natin siyang mahanap.”
“Hintayin niyo, baka may iba pang mensahe,” sabi ni Silas.
Ngunit wala nang sumunod na text, tinawagan ni Lira ang numero, pero hindi ito matawagan. Sinubukan din niyang hanapin kung saan nanggaling ang litrato, subalit wala siyang makitang impormasyon.
“May gusto sa atin ang taong ito,” sabi ni Yohan habang nakatitig sa larawan. “Ang tanong ay ano?”
Napalunok si Lira, kanina ang iniisip lamang niya ay kung paano niya mapapalaya ang limang lalaki at maililigtas ang sarili mula sa masamang katapusan. Ngayon may isang buhay na nakataya at hindi niya alam kung sino ang may hawak nito.
“Hindi natin siya iiwan,” sabi niya. “Kailangan nating iligtas si Lucian.”
Tumingin sa kaniya si Yohan. Sa unang pagkakataon, hindi galit ang tanging mababasa sa mga mata nito, may pagdududa pa rin, pero tila sinusukat nito kung hanggang saan siya handang kumilos. “Kung patibong ito, baka tayong lahat ang gusto nilang mahuli,” babala nito.
“Kung ganoon, mag-iingat tayo pero hindi ako papayag na may mangyari sa kaniya dahil lang natakot tayong kumilos.”
Walang sumagot sa sinabi ni Lira. Pagkatapos ay kinuha ni Jace ang kanyang cellphone at nagsimulang tumawag sa mga dati niyang kakilala. Si Silas naman ay muling sinuri ang litrato, habang si Caleb ay hindi mapakali sa kakalakad sa loob ng silid.
Si Yohan ay nanatiling nakatayo sa tabi ni Lira. “May gusto lang akong itanong,” sabi nito dahilan para mapatingin si Lira sa kaniya. “Kung totoo ang sinabi mo at gusto mo na kaming palayain, bakit parang ikaw pa ang mas nagmamadaling iligtas kami?”
Gusto niyang sabihin na alam niya ang mangyayari sa kanila sa orihinal na kuwento. Gusto niyang ipaliwanag na ayaw niyang may mamatay pa dahil sa kasalanan ng dating Lira pero hindi niya kayang sabihin ang buong katotohanan.
“Kasi kahit galit kayo sa akin, hindi ibig sabihin na hahayaan ko na lang kayong mapahamak,” sagot niya.
Matagal siyang tinitigan ni Yohan bago tuluyang umiwas ng tingin. “Umaasa akong paninindigan mo ang mga sinasabi mo.”
Muli siyang tumingin sa litrato ni Lucian. Sa likod ng lalaking may hawak na baril, may bahagyang nakikitang p***o at isang lumang karatula. Malabo ang mga letra, ngunit tila may pangalan ng isang lugar na pamilyar sa kanya. Bago pa niya ito masuri nang mabuti, may bagong mensaheng pumasok. “Huwag kang magtitiwala kay Yohan dahil siya ang unang pumirma sa kasunduang sisira sa inyong lahat.”
Nanlaki ang mga mata ni Lira at dahan-dahan siyang napalingon kay Yohan, na noon ay nakatingin din sa cellphone niya at sa unang pagkakataon mula nang magising siya sa katawan ng kontrabida, may isang tanong na hindi niya kayang sagutin, kung gusto siyang tulungan ni Yohan, bakit may taong nagsasabing siya ang dapat niyang katakutan?
Hindi inaasahan ni Lira na si Lucian pa ang unang mag-aaya sa kaniya na lumabas ng bahay. Simula nang matanggap niya ang mga sunod-sunod na mensahe mula sa hindi kilalang numero, mas naging maingat siya sa bawat kilos niya. Hindi na rin siya basta lumalabas nang walang kasama, lalo na't hindi pa nila alam kung sino ang taong patuloy na nakikialam sa buhay nilang lima.Kaya nang makita niya si Lucian na nakasandal sa may pintuan ng sala isang hapon, nakangiti habang hawak ang susi ng sasakyan, agad siyang nagtaka.“Lira, may ginagawa ka ba ngayon? Kung wala, samahan mo naman akong lumabas. May gusto akong ipakita sa iyo,” sabi nito.Napatingin siya sa mga papel na nasa mesa bago ibinalik ang tingin kay Lucian. “Saan naman tayo pupunta? At bakit parang ang saya mo? May ginawa ka bang kalokohan na kailangan mong ilayo ako sa bahay para hindi ko malaman?”Napatawa si Lucian. “Grabe ka naman. Hindi ba puwedeng yayain lang kitang lumabas nang walang masamang dahilan? Hindi naman lahat ng gi
Halos hindi pa nakakatulog si Lira nang makarinig siya ng malakas na kalabog mula sa ibabang palapag. Napabalikwas siya sa kama at agad na napatingin sa pinto. Ilang segundo siyang nakinig, umaasang baka may nahulog lang na gamit, pero nang marinig niya ang sunod-sunod na yabag sa pasilyo, mabilis siyang bumangon at lumabas ng silid.Naabutan niya si Jace na pababa ng hagdan habang may hawak na flashlight. Nakasuot lamang ito ng itim na T-shirt at pantalon, halatang nagising din sa ingay. Nang makita siya, bahagya itong napakunot-noo.“Bakit ka lumabas? Bumalik ka na sa kuwarto mo. Titingnan ko lang kung ano ang nangyari,” sabi ni Jace habang patuloy na bumababa.“Paano ako makakatulog kung may narinig akong malakas na kalabog? Baka may pumasok na naman dito. Hindi ba natin dapat gisingin ang iba?”“Hintayin muna natin kung ano ang nangyari. Kung wala namang panganib, hindi na kailangang guluhin sila. Pero kung may makita akong kahina-hinala, tatawagin ko agad sila. Dito ka lang muna
Napansin ni Lira na may kakaiba kay Silas nitong mga nakaraang araw. Hindi ito tulad nina Caleb at Lucian na halatang nagbabago na ang pakikitungo sa kaniya. Si Silas ay nananatiling tahimik at maingat sa bawat kilos, pero mas madalas na itong mapansing nakaupo nang mag-isa, nakahawak sa braso, o napapapikit na parang may tinitiis na sakit.Noong una, inakala ni Lira na pagod lang ito sa kakahanap ng impormasyon tungkol sa sumpang dugo. Halos lahat naman sila ay abala sa paghahanap ng sagot, at hindi rin madali ang sitwasyon nila. Pero nang mapansin niyang ilang beses nang tinatanggihan ni Silas ang mga gawaing dati naman nitong kayang gawin, nagsimula siyang mag-alala.Isang umaga, nadatnan niya si Silas sa maliit na silid na ginagamit nitong pansamantalang opisina. Nakaupo ito sa harap ng laptop, pero hindi gumagalaw ang mga daliri sa keyboard. Nakapikit ito at nakasandal sa upuan, habang ang isang kamay ay mahigpit na nakahawak sa kaliwang braso.“Silas?” tawag ni Lira mula sa pint
Hindi na mapakali si Lira mula nang matanggap niya ang sunod-sunod na mensahe mula sa hindi niya kilalang numero. Kahit anong pilit niyang ituon ang isip sa mga dokumentong nasa harapan niya, bumabalik pa rin sa kaniya ang larawang kuha sa mismong pasilyo ng bahay. Ibig sabihin, may taong nakakakita sa bawat galaw niya. Mas nakakabahala pa, alam ng taong iyon na nagsisinungaling siya kay Yohan at may nalaman na siya tungkol sa simbolong nasa lumang kasunduan.Gusto niyang sabihin ang lahat sa limang lalaki, pero naaalala niya ang huling babala. Kapag nagsalita siya, maaaring isa sa kanila ang mapahamak. Hindi niya alam kung totoo ang banta o ginagamit lang iyon ng kalaban para kontrolin siya. Ang problema, wala siyang sapat na ebidensiya para isugal ang kaligtasan ng mga ito.Kaya nang lumabas siya ng silid at makitang nasa sala sina Caleb at Lucian, pinilit niyang kumilos na parang walang nangyari. Si Lucian ay abala sa kaniyang cellphone habang si Caleb naman ay nakaupo sa sofa, haw
CHAPTER 6 — Ang Mensaheng Itinago“May tinatago ka sa amin, hindi ba?”Hindi agad nakasagot si Lira sa tanong ni Yohan. Nakatayo ito sa harap niya, naghihintay ng sagot habang pilit naman niyang itinatago ang papel na natanggap niya kanina. Gusto niyang sabihin ang totoo, pero hindi niya alam kung ano ang mangyayari kapag nalaman ng limang lalaki ang banta. Paano kung lalo silang malagay sa panganib dahil sa kaniya?“Wala naman akong tinatago. Marami lang akong iniisip ngayon,” sagot niya habang iniiwasan ang tingin nito.“Lira, ilang araw na kitang napapansing parang may gusto kang sabihin pero palagi kang umaatras. Hindi kita pipilitin na sabihin sa akin ang lahat, pero sana huwag mong kalimutan na hindi mo kailangang harapin ang problema nang mag-isa. Kung may nagbabanta sa iyo o may nangyayari na hindi mo kayang ayusin, sabihin mo lang. Hindi mo kailangang magpanggap na kaya mong gawin ang lahat dahil lang ayaw mong madamay kami.”Napatigil si Lira. Hindi niya inaasahang maririnig
Hindi makapaniwala si Lira sa rebelasyon ni Yohan. Matagal nang may kasunduan ang mga pamilya nila, at pinilit lang silang ikinasal dahil sa mga nalaman niya, mas lalo niyang gustong palayain ang limang lalaki. Pero bago nila maisagawa iyon, kailangan muna nilang malaman ang tunay na dahilan sa likod ng kasunduan.Makalipas ang ilang araw, tumawag ang ospital. Nagkamalay na raw si Adrian, kaya agad na nagpunta roon si Lira kasama si Yohan ngunit pagdating nila, wala na si Adrian sa silid nito. Ayon sa nurse, may dumalaw rito at hindi na ito bumalik pagkatapos.Bago umalis, may iniwang sobre si Adrian sa ilalim ng unan. Sa loob nito ay isang maikling sulat. “Ang pagkamatay mo sa dati mong mundo ay hindi aksidente. Hanapin mo ang nawawalang pahina kung gusto mong malaman kung bakit ka narito.”Hindi mapakali si Lira, paano nalaman ni Adrian ang tungkol sa dati niyang buhay? Samantala, napansin niyang nagbabago na ang pakikitungo ng limang lalaki sa kaniya. Hindi lang sa simpleng pag-a







