LOGINARMIA HINDI ko alam kung gaano katagal kaming nanatili sa loob ng tahimik na sasakyan, habang ang init ng kanyang palad ay nanunuot sa nanginginig kong palad na hawak niya. Ang bawat paghinga ko ay mabigat, at tila ba ang bawat hibla ng katinuan ko ay unti-unting nauupos sa bawat pulgadang paglapit ng kanyang mukha.Gusto ko siyang itulak. Gusto kong hilahin ang kamay ko sa pagkakahawak niya at sabihing…‘Huwag kang umasta na parang may karapatan ka pang hawakan ako’, pero ang traydor kong katawan ay nanatiling nakapako sa kinauupuan ko. Ang amoy ng pamilyar na pabango niya na humahalo sa malamig na hangin ng aircon ay parang kawit na humihila sa akin pabalik sa mga panahong wala pang sugat, walang galit, at walang limang taon ng pagdurusa.“Jonathan… itigil mo na ito nababaliw ka na.” Nanginginig kong bulong, sapat na para marinig niya iyon. Habang unti-unting humigpit ang hawak niya sa aking kamay bago dahan-dahang bumaba ang tingin niya sa aking mga labi. Ramdam ko ang pagpigi
ARMIA NANG sumapit ang alas-sais ng gabi, akala ko ay nakatakas na ako. Inayos ko na ang mga gamit ko sa ibabaw ng mesa, handang-handang tumakbo ako papuntang elevator pauwi kay Nanay Belen at kay Jason, nang bumukas ang pinto ng executive office.Lumabas si Jonathan. Suot na niya ang kanyang itim na suit na mas lalong nagpalitaw sa tindig at kagwapuhan niya, hawak ang kanyang attachcase sa isang kamay habang ang kabilang kamay ay nakasuksok sa bulsa ng pantalon. Malamig at seryoso ang mukha nito, ngunit may kakaibang kislap ng determinasyon sa mga mata nang dumapo iyon sa akin.“Saan ka pupunta?” tanong niya, ang boses ay may awtoridad na nagpatigil sa mga paa ko.“Uuwi na pi,” mabilis kong sagot nang hindi tumitingin nang diretso sa kanya. “Tapos na ang working hours ko, Mr. Villegas. Kung wala na kayong ipag-uutos, mauuna na ako.”“Hindi ko sinabing tapos na ang trabaho mo para sa araw na ito,” sagot niya habang naglalakad palapit sa akin. “Kailangan ko ang personal secretary ko s
ARMIA HINDI ko hinayaang magtagumpay si Jonathan na sirain ang araw ko. Matapos ang mainit na tagpo naming iyon sa loob ng kanyang opisina, ibinuhos ko ang buong atensyon ko sa trabaho. Nag-ayos ako ng mga dokumento, nag-verify ng mga schedule, at sinigurong walang kahit isang maliit na detalye ang makakaligtaan. Ayokong magbigay ng kahit anong dahilan para masabihan niya akong incompetent.Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Bandang hapon, habang nagdadala ako ng karagdagang financial statements sa kanyang mesa nang walang katok-katok, dahil naiinis pa rin ako sa kanya ay naabutan ko siyang may kausap sa telepono.Natigilan ako sa pintø. Nakatalikod siya habang nakatanaw sa malawak na glass window ng kanyang opisina, maluwag ang kurbata at bahagyang gusot ang manggas ng kanyang polo.“I don’t care about the board’s approval on that specific clause. Just fix it,” seryoso at malamig na utos niya sa kausap bago ibinagsak ang linya.Pagharap niya, agad ding sumalubong sa akin ang mga
KINABUKASAN maaga akong pumasok sa Villegas Corporation. Para ipagpatuloy ang pagiging sekretarya ko, Hindi ko nga alam kung anong uri ng kabaliwan ang sumapi sa akin nang pirmahan ko ang kontrata bilang Secretary ng lalaki na iyon pero dahil Kay Jason ay titiisin ko na lang ang kamalasan na nangyayari ngayon sa buhay ko, kung matatawag ko nga bang kamalasan nga ito ngayon. Pero ano nga bang laban ko? Mas mataas ang sahod, doble ang porsyento ng komisyon, at higit sa lahat, kailangan ko ang perang ito para kay Jason. Isa pa, mas gusto ko nang nasa ilalim ako ng mga mata niya kaysa sa nagtatago ako sa kanya para mabantayan ko rin ang mga gagawin ni Jonathan, kinakabahan man sa bawat tawag o imbestigasyon na baka sikretong isagawa niya likod ko. Kung gusto niyang mag-imbestiga, ibibigay ko sa kanya ang mukha ng isang Armia na palaban at hindi na lang basta tatahimik pa.“Armia,” natigilan ako sa pag-aayos ng mga dokumento sa ibabaw ng aking table na ilang metro lang ang layo sa malaki
ARMIA MARIING nakatitig sa akin ang mga mata ni Jonathan, matapos niya akong halikan. Ramdam ko ang pag-wawala ng sarili kong dibdib sa kaba. Kaya ang bawat tibok niyon ay parang tambol na nagmamadaling tumalon palabas. Halos mawalan na ako ng balanse ang mga tuhod ko, pero pinilit ko pa ring itayo ang natitira kong pride. Hinding-hindi ako magpapadala sa lalaking ito. Not this time. Not after everything he put me through.“Ang kapal ng mukha mong halikan ako!”galit kong saad.Ngunit ngumiti lang ito ng nakakaloloko Kaya lalo akong naasar dito.“Palalagpasin ko ang ginawa mo sa akin, Mr. Villegas at iisipin ko na lang na hindi mo iyon sinasadya, ngunit kapag inulit mo iyon ay kakasuhan kitang harassment, kapag hindi mo pa ako pinakawalan, at tsaka naghihintay na si Jason sa akin.” Mariing kong saad, pero may diin ang bawat salita para ipakita sa kanyang hindi ako natatakot. “Let him wait a little longer, We’re not done talking yet, Armia. Pasensya ka na kung nahalikan kita hin
ARMIA ANG bawat araw na lumilipas ay parang paglalakad sa ibabaw ng manipis na yelo, dahil isang maling hakbang ko lamang ay maaari akong lumubog sa malamig at malalim na tubig ng katotohanan. Sa kabila ng mabibigat na responsibilidad at presyon sa bagong posisyon, pinanatili ko ang aking propesyonalismo at determinasyon na itago ang tunay na katotohanan ukol sa aking anak.“Ms. Bronel, kailangan ko na ang summary report para sa Q3 logistics expansion bago mag-a-alas-dose,” malamig na utos ni Mr. Vergara habang dumadaan sa aking mesa at nagpatong ng makakapal na folder.“Opo, Sir. Nirereview ko na lang po ang huling adjustments at ipapadala ko na sa opisina ninyo bago mag-tanghalian,” magalang at matatag ko namang sagot habang ipinapakita ang ngiti.“Good. Alam kong maaasahan ka rito sa executive floor, Armia. Keep up the good work,” pagpupuri niya bago tuluyang naglakad patungo sa conference room.Pagkaalis niya, ay napabuntong-hininga ako nang malalim. Hinawakan ko ang gilid n







