RECLAIMING HIS RUNAWAY EX-WIFE

RECLAIMING HIS RUNAWAY EX-WIFE

last updateHuling Na-update : 2026-11-15
By:  Zephyrine In-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 Rating. 1 Rebyu
10Mga Kabanata
36views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

ISANG huling habilin ng yumaong nakatatandang kapatid ang nagtulak kay Armia Bronel, upang maging maybahay ng lalaking matagal na niyang lihim na minamahal si Jonathan Villegas na dating fiance ng kanyang ate. Subalit ang kasal na iyon ay naging isang malamig na rehas. Para kay Jonathan, si Armia ay anino lamang ng namayapang kasintahan, isang paalala ng pusong hindi pa niya maibigay sa iba, kaya’t pinili niyang ituring itong estranghera at ibuhos ang buong panahon sa trabaho. Nang hindi na makayanan ni Armia ang pagiging gapos sa isang pag-ibig na walang patutunguhan, naglakas-loob siyang humingi ng kalayaan at naghain ng annulment. Ngunit bago sila tuluyang mag hiwalay ay nagyaya si Jonathan na mag inuman muna sila kaya ang isang gabing puno ng alak at hinagpis ang nagmarka ng kanilang huling sandali bilang mag-asawa, isang gabing nag-iwan ng lihim na binhi nang walang nakakaalam. Makalipas ang limang taon, nagbalik si Armia sa lungsod bitbit ang sariling tagumpay bilang isang ina at career woman, na handang tahakin ang buhay malayo sa nakaraan. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana, dahil ang kompanyang pinapasukan niya bilang isang simpleng supervisor ay biglang binili ng isang makapangyarihang bilyonaryo na ngayon, ang kanyang dating asawa.

view more

Kabanata 1

CHAPTER ONE

ARMIA

TAHIMIK ang buong silid-ospital, at ang tanging tunog lamang ng heart monitor ang bumasag sa kalagitnaan ng gabi. Habang nakahiga si Ate Angela, habang mahigpit na nakahawak sa aking mga kamay. May sakit itong tumor at lumala na ang sakit nito na hindi na naagapan pa ng chemotherapy.

Maputla ang kanyang mukha, ngunit may kakaibang kapayapaan sa kanyang mga mata, bago siya tuluyang pumikit ng pang habangbuhay.

Ngunit bago ang huling hininga niya, bumulong siya ng mga katagang tuluyang nagpabago sa takbo ng aking buhay.

“Armia... pakiusap, tuparin mo ang huling hiling ko. Alagaan mo si Jonathan... ikaw ang maging asawa niya para sa akin.”

Iyon ang mga salitang nag-iwan ng matinding kirot at gulat sa dibdib ko. Hanggang sa huling sandali, ang lalaking pinakamamahal ko at fiance niya, ang iniisip niya.

Lingid sa kaalaman ng lahat, matagal ko nang itinatago ang pagsinta kay Jonathan Villegas, noon pa man, bago pa man siya naging nobyo ng aking kapatid ay lihim ko na itong minahal. Pero hindi ko kailanman inakala na sa ganitong paraan ko siya makakamit.

Makalipas ang ilang mga araw pagkatapos ng libing, narito na ako ngayon sa mansiyon ng mga Villegas. Ang lamig ng hangin sa labas ay sumasalamin sa bigat ng nararamdaman ko habang nakatayo sa tapat ng sala.

Bumukas ang p***o at iniluwa nito si Jonathan. Suot pa rin niya ang itim na polo shirt, at bakas sa kanyang guwapong mukha ang pagod at matinding pighati.

“Armia, are you okay? You’ve been so quiet since the funeral.” Mahina niyang tawag sa pangalan ko habang lumalapit.

Tiningnan ko siya nang diretso sa mga mata. Ramdam ko ang mabilis na kabog ng dibdib ko. ‘Calm down, Armia. Kayanin mo ito.’

“I’m trying, Jonathan, kailangan nating pag-usapan ang huling hiling ni Ate Angela.” Sagot ko naman habang pilit na ngumiti kahit nanginginig ang aking mga labi.

Napatigil siya. Umupo siya sa malapit na sofa at napahilamos ng mukha gamit ang kanyang mga palad.

“I know. It’s... it’s too sudden, Armia. Ang hirap intindihin ng lahat ng ito.”

Lumapit ako at marahang naupo sa tabi niya. Nilakasan ko ang loob ko para sabihin ang desisyong nagpabigat nang husto sa konsensya ko.

“Alam ko kung gaano kasakit ito para sa iyo, Jonathan. But we have to honor her wish. Tutuparin ko ang pangako ko kay Ate.”

Inangat niya ang kanyang ulo at seryoso akong tinitigan.

“Do you really want this, Armia? Huwag mong pilitin ang sarili mo just because you feel obligated to fulfill her dying wish. Marriage is not a joke.”

“Hindi ito laro para sa akin, I am doing this willingly. Papakasalan kita, Jonathan.”

Seryosong tugon ko habang pinipigilang lumandas ang mga luha sa aking mga mata.

Natahimik naman siya. Kitang-kita ko ang pag-aalangan at gulo sa kanyang mga mata. Para sa kanya, si ate Angela lang ang mahal niya. Hindi niya alam na ang puso kong ito ay matagal nang tumitibok para sa kanya, kahit na alam kong hinding-hindi niya ako mapapansin sa paraang gusto ko.

“If this is what Angela wanted... then I will agree, pero Armia, let’s be clear about this. I can’t promise you a normal marriage right away. My heart is still broken.” Basag niya sa katahimikan habang bumuntong-hininga nang malalim.

“I understand, wala akong hinihinging kapalit, Jonathan. Ang mahalaga, matupad natin ang huling hiling niya.” Mabilis kong sagot.

Tumayo siya at marahang hinawakan ang aking balikat.

“Thank you, Armia. You always know how to be strong for everyone. Pero huwag sana mahulog ang loob mo sa akin, dahil mahal na mahal ko pa rin ang ate mo, I’m doing this, dahil hiniling ito ng ate mo sa atin.” Seryoso nitong saad bago ito tuluyang tumayo.

“Naiintindihan ko,” malungkot

na sagot ko ngunit hindi ko iyon pinahalata dito.

Pagkaalis niya sa sala, saka lang ako tuluyang napabuntong-hininga. Totoo ngang tinanggap ko ang pagiging asawa niya para kay Ate, ngunit sa kaibuturan ng aking puso, lihim akong nasasaktan dahil alam kong pangalan lang niya ang maibibigay niya sa akin, ngunit hinding-hindi ang kanyang puso at pagmamahal.

LUMIPAS ang mga linggo na ng maikasal kami sa huwes ay tila ba walang katapusang pag-ikot sa isang madilim na silid ang nangyayari. Ang akala ko, ang pagiging mag-asawa namin ni Jonathan ang magiging simula ng unti-unti kong pag-abot sa kanyang mga kamay.

Ngunit nagkamali ako. Ang pagsasama naming dalawa ay walang idinulot kundi sunod-sunod na kirot at matinding paghihirap ko emosyonal.

Trinato niya ako na parang isang estranghera na nakatira lamang sa ilalim ng kanyang bubong. Madalas siyang umiiwas sa akin, sapagkat alam kong sa tuwing titingin siya sa akin, ang nakikita lamang niya ay ang multo ng yumaong fiance nito, ang aking kapatid na si Angela.

Ang mga ngiting minsa lang iginawad niya ay hindi kailanman naging akin. Ang bawat pagdikit niya sa akin ay may pag-iingat, at ang bawat salita ay may limitasyon.

“Jonathan, kumain ka muna. I prepared dinner,” mahina kong alok habang nakatayo sa tapat ng kanyang home office nang gabing iyon.

Hindi man lang niya inangat ang kanyang mukha mula sa mga dokumentong binabasa niya. Tumikhim lang siya bago malamig na sumagot.

“No, Armia. I’m busy. Kumain ka na lang kung gusto mo, huwag mo akong intindihin, kakain na lang ako kapag nagutom ako, wala ka namang obligasyon sa akin kaya malaya kang gawin ang mga gusto mo.”

Ganoon na lang palagi ang kanyang sagot sa tuwing lumalapit ako sa kanya para sabay kaming kumain o kaya mangungumusta sa maghapo.niya. Palaging may pader sa pagitan namin. Palaging may multo ng nakaraan na mas makapangyarihan kaysa sa kasalukuyan.

Kaya habang tumatagal, ang pagmamahal na iningatan ko nang ilang taon ay unti-unting napalitan ng labis na sakit. Napagtanto ko na habang pinipilit naming tuparin ang huling hiling ni Ate, ay ang unti-unti namang pagpatay sa sarili ko sa mga pag iwas niya sa akin.

Ayaw ko na. Ayaw ko nang maging anino lamang ng aking kapatid. At higit sa lahat, gusto ko na siyang palayain mula sa isang kasalang pilit na nakatali lamang sa isang obligasyon o pangako.

Kahit hindi niya naman ako sinasaktan o pinapakitaan ng masamang ugali ay nararamdaman kong lalo lamang siyang lumalayo sa akin, sa bawat buwang lumilipas.

Umabot naman kami ng anim na buwan na ganun lang ang set up na parang magkasama lang kami na parang hindi niya ako nakikita. Subalit ako ay napapagod na dahil habang tumatagal ay para na kaming estranghero sa isa’t isa baka mamalayan na lang namin na hindi na kami magkakilala.

Tulad ng dati tahimik na naman ang buong mansiyon dahil nag over time si Jonathan sa kanyang opisina. At ang tanging malamlam na ilaw sa sala lamang ang aking kasama na nagbibigay-liwanag sa dilim habang ako ay nakaupo sa sofa.

Mahigpit kong hawak ang isang brown envelope na naglalaman ng mga dokumentong matagal ko nang pinag-isipan. Mga papel ng annulment, habang matiyaga ko naman siyang hinihintay.

At ilang sandali pa ang lumipas, narinig ko na ang pagbukas ng pintuan sa labas. Pumasok si Jonathan, suot ang kanyang amerikana na nakasabit na ngayon sa kanyang balikat. Bakas sa kanyang mukha ang pagod ng buong araw.

Nang mapatingin ito sa gawi ko ay natigilan siya nang makita akong gising pa at naghihintay naman sa kanya sa sala.

“Armia? Bakit gising ka pa? May problema ba?” tanong niya habang inilalagay ang kanyang mga gamit sa ibabaw ng mesa.

Tumayo naman ako nang dahan-dahan. Kinuha ko ang sobre na nasa mesa at iniabot ko ito sa kanya nang may katatagan sa kabila ng panginginig ng aking mga kamay.

“J-Jonathan, ilang buwan na tayong ganito,

hindi ka ba napapagod? We tried our best to honor ate Angela’s wish. Pero nakikita ko kung gaano ka nahihirapan. At pagod na rin ako sa ganitong sitwasyon.”

Marahan kong saad, na may seryoso at diretso kong tiningnan ang kanyang mga mata na nagulat sa aking inabot.

“What is this?” Napakunot ang noo niya. habang nagtatanong at tinititigan ang sobre na hawak ko. Hindi niya ito binuksan, ngunit parang alam na niya ang nilalaman nito.

“A-annulment papers, Jonathan, I am letting you go. Hindi mo na kailangang magtiis pa sa kasalang ito dahil lamang sa pangako natin kay Ate Angela, sapat na rin siguro ang anim na buwan na natupad na nating ang huling hiling niya.” Malinaw na sambit ko.

Sumikip man ang lalamunan ko, ngunit pinilit kong maging matatag. Biglang lumapit si Jonathan, sa akin at bakas ang gulat at pagtataka sa kanyang mukha na hindi ko maintindihan kasi dapat ay matuwa siya.

“Are you out of your mind, Armia? Ano na naman ito? Bigla-bigla ka na lang magdedesisyon ng ganito?” madiin na tanong nito.

“Pagod na kasi akong maging anino ng kapatid ko! Pagod na rin akong makita kang umiiwas sa akin, dahil ang mukha ni Ate ang nakikita mo tuwing tinitingnan mo ako! Kung gusto mo siyang alalahanin, gawin mo nang malaya ka. Hindi mo na ako kailangan!” malungkot na sagot ko.

Natahimik naman si Jonathan. Napatulala siya sa akin, tila ba ngayon lang niya ako nakita nang buo, hindi bilang kapatid ni ate Angela, kundi bilang si Armia na may sariling nararamdaman, nasasaktan, at lumalaban.

“Armia… It’s not that simple… I try naman na subukan kang pakisamahan at tanggapin, kaso hindi pa sa ngayon, I love Angela so much… but I try to save our marriage, and started to like you! But…” basag ang boses na tawag niya sa pangalan ko, habang nagpapaliwanag.

“‘Yun ang akala mo, pero sa loob-loob mo hindi mo ako kayang mahalin o magustuhan dahil alam kong hindi ko mapapalitan si Ate riyan sa puso mo, kahit wala na siya! Kaya hinihiling ko na pirmahan mo na ang mga papel na iyan. Palayain mo na ako... pati na rin ang sarili mo.” Pagtatapos ko sa gusto pa nitong sabihin, habang pinunasan ang mga luhang pilit na kumakawala sa aking mga mata.

ITUTULOY

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Rebyu

Xielyne J.
Xielyne J.
High recommended! basahin n'yo na po, maganda at interesting ang plot niya!
2026-11-15 11:56:01
1
0
10 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status