Share

CHAPTER SEVEN

Author: Zephyrine
last update publish date: 2026-11-13 23:54:15

KINABUKASAN maaga akong pumasok sa Villegas Corporation. Para ipagpatuloy ang pagiging sekretarya ko, Hindi ko nga alam kung anong uri ng kabaliwan ang sumapi sa akin nang pirmahan ko ang kontrata bilang Secretary ng lalaki na iyon pero dahil Kay Jason ay titiisin ko na lang ang kamalasan na nangyayari ngayon sa buhay ko, kung matatawag ko nga bang kamalasan nga ito ngayon.

Pero ano nga bang laban ko? Mas mataas ang sahod, doble ang porsyento ng komisyon, at higit sa lahat, kailangan ko ang perang ito para kay Jason. Isa pa, mas gusto ko nang nasa ilalim ako ng mga mata niya kaysa sa nagtatago ako sa kanya para mabantayan ko rin ang mga gagawin ni Jonathan, kinakabahan man sa bawat tawag o imbestigasyon na baka sikretong isagawa niya likod ko. Kung gusto niyang mag-imbestiga, ibibigay ko sa kanya ang mukha ng isang Armia na palaban at hindi na lang basta tatahimik pa.

“Armia,” natigilan ako sa pag-aayos ng mga dokumento sa ibabaw ng aking table na ilang metro lang ang layo sa malaking glass door ng opisina ni Jonathan. Mabilis akong tumayo, dinala ang hawak kong tablet, at pumasok sa kanyang office kung saan nakaupo siya habang seryosong nakatitig sa kanyang laptop.

“Bakit po, Mr. Villegas may kailangan ka ba?” malamig at pormal kong tanong, at sadyang idiniin ang apelyido niya para ipaalala ang propesyonal naming agwat.

Hindi agad siya sumagot. Dahan-dahan siyang umangat ng tingin, at ang mga matang iyon mga matang madilim at puno ng hindi masabi-sabing emosyon ay dumapo sa deriksyon ko. Habang ramdam ko ang bigat ng titig niya, na parang binibiyak ang bawat pader na itinayo ko sa aming dalawa.

“Mr. Villegas?” ulit niya sa aking tawag, ang boses ay mababa, may bahid ng sarkasmo at pamilyar na lambot na lalong nagpakabog sa dibdib ko.

“We spent five years apart, Armia, and suddenly you’re back in my office calling me by my last name like we’re total strangers. Kailan pa tayo naging pormal na dalawa?”

“Noong araw na pinili mong itapon ang lahat ng pagiging malapit natin, Jonathan,” mabilis kong ganti, hindi nagpapatalo sa kanyang mga titig. “At isa pa, nandito ako bilang personal secretary mo, hindi bilang dating asawa mo. Let’s keep it professional kung ayaw mong magbitiw ako agad ngayong araw.”

Tumayo siya mula sa kanyang upuan. Ang tangkad niya ay lalo pang nagbigay-diin sa espasyo sa pagitan naming dalawa.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin, ang bawat hakbang niya ay mabigat at may awtoridad, habang ako naman ay awtomatikong napaatras hanggang sa sumayad ang likod ko sa pintø ng kanyang opisina.

“You think you can just resign whenever you want?” mahinang bulong niya habang huminto sa harap ko, ilang pulgada na lang ang pagitan. “Pinirmahan mo ang kontrata para sa sarili mong kagustuhan, Armia. O baka naman... kaya ka lumapit nang tuluyan sa akin ay dahil gusto mo ring malaman kung hanggang saan ko kayang patunayan ang sarili ko sa iyo?”

“Ang kapal naman ng mukha mo,” bulalas ko, nanginginig ang boses sa halo-halong galit at kakaibang init na dulot ng lapit niya. “Wala akong panahon sa mga ilusyon mo. May meeting ka sa board of directors sa loob ng dalawampu’t limang minuto, at kailangan mo nang tapusin ang financial report na hawak ko. Kaya kung maaari lang, kung wala ka naman kailangan ay lumayo ka sa akin dahil nagtatrabaho ako ng maayos.”

Ngumiti siya, isang tipid at mapanganib na ngiti na nagpatigil sa mga salita sa lalamunan ko.

“You’re shaking, Armia.”

“Dahil sa galit!” depensa ko agad, hinawi ang braso niya nang bahagya para makawala sa pagkakakulong ko sa pintuan ng iharang niya ang braso niya sa akin.

“Isang beses pang lumapit ka nang ganito habang nasa loob tayo ng opisina mo, kakalimutan ko ang kontratang pinirmahan ko at ibabato ko sa mukha mo ang tablet na ito.” Naiinis na tugon ko at akma kong iniumang ang tablet sa malapit sa mukha nito.

Pangisi-ngisi naman siyang bumalik sa kanyang mesa, habang nakataas ang isang kamay tanda ng pagsuko, ngunit hindi nawala ang nakakalokong tingin sa mga mata niya. Na para bang natutuwa pa siya sa bawat pagtataray at pag-iwas ko rito.

“Fine. Let’s talk about business,” seryosong sabi niya habang umuupo ulit, bagamat ang tono niya ay may halong lambing na pilit nitong kinukubli. “By the way, I saw you yesterday. Sa labas ng gusali. Kasama mo iyong lalaking naghatid sa iyo rito.”

Humigpit naman ang kamay ko sa paghawak sa hawak kong tablet. At ang tinutukoy niya ay ang kasamahan ko sa isang proyekto noon na nagkataong nag-abot sa akin ng payong nang umulan noong nakaraang linggo, nakasabayan ko siya kanina sa may labasan kaya ng alukin ako ng kakilala ko na sumakay ay pumayag na ako, dahil kaibigan ko naman ang taong iyon at para na rin makalibre ng sakay lalo na at inabutan na naman ako ng trapik.

“Kailan pa naging trabaho ng isang CEO ang makialam sa personal na buhay ng secretary niya? Kung sino man ang kasama ko o naghatid sa akin, wala na kayong roon, Mr. Villegas.” Mataray kong sagot at itinaas ang aking baba para tumingin sa kanya ng diretso.

“Mayroon akong pakialam kung ang lalaking iyon ay umaaligid sa babaeng pagmamay-ari ko noon, at hanggang ngayon sa paningin ko,” mariin niyang sagot, ang boses ay biglang lumalim at tumigas, may halong selos na hindi na niya nagawang itago kaya napataas ang kilay ko.

“Hindi mo na ako pagmamay-ari. Dahil tapos na tayo, Jonathan! Paulit-ulit ko bang kailangang sabihin sa iyo na may iba nang takbo ang buhay ko? Na hindi na ako ang dating Armia na magpapa-utos at iiyak sa sulok dahil sa mga pinagsasabi mo!” sigaw ko nang may diin at inis sa boses ko.

“Kung talagang tapos na tayo, bakit hanggang ngayon ay hindi mo ako magawang titigan nang matagal sa mga mata nang walang emosyon?” ganti niya, mabilis ding tumayo at humakbang papalapit ulit sa akin.

“At bakit hanggang ngayon, kapag binabanggit ko ang nakaraan, ay tila kinakabahan ka? Don’t lie to me, Armia. I know you still feel something.” Maitim na tingin ang iginawad niya.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa naging tinig niya. At tama siya, at iyon ang pinakamasakit. Kahit anong galit ang itanim ko sa puso ko sa loob ng limang taon, ang simpleng presensya niya, ang init ng boses niya, at ang kakaibang selos na pinapakita niya ngayon ay sapat para sirain ang mga pader na binuo ko.

Pero hindi ko ipapakita. Hindi ngayon lalo na at nararamdaman kong unti-unting lumalapit ang panganib na baka madulas ako at malaman niya ang tungkol kay Jason. Kung ngayon pa lang ay ganito na siya katalas sa bawat galaw ko, paano pa kaya kapag nalaman niyang may anak kaming dalawa?

“Napaka-ilusyunero mo naman, Jonathan,” pilit kong tinatatagan ang aking boses, pati na rin ang mukha ko kahit nanginginig na ang mga kamay ko.

“Kung iyan ang gusto mong paniwalaan, sige. Sayo na ang paniniwalang iyan. Ngunit narito lang ako para sa trabaho, para sa sweldo, at para sa pamilya ko at hinding-hindi ka na kasama doon.”

Bago pa man siya makapagsalita o makahakbang ulit para pigilan ako, mabilis na akong tumalikod at agad na binuksan ang pintø ng opisina niya, at lumabas nang may mabibigat na hakbang.

Pagdating ko sa aking desk, napahawak ako nang mahigpit sa gilid ng mesa habang humihinga nang malalim. Ang dibdib ko ay parang sasabog sa halo-halong emosyon kanina, galit, pangamba, at ang pamilyar na init na sa kanya ko lang sabay-sabay na nararamdaman.

‘Hindi ka pwedeng magpadala, Armia, kapag nalaman niya ang totoo, kukunin niya sa iyo ang nag-iisang dahilan kung bakit ka patuloy na mabuhay at lumalaban sa buhay.’ Bulong ko sa aking sarili habang pinupunasan ang bahagyang pawis sa aking noo.

ITUTULOY

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Zephyrine
pa add Naman sa library ninyo salamat sa magbabasa nito I appreciate that...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • RECLAIMING HIS RUNAWAY EX-WIFE   CHAPTER TEN

    ARMIA HINDI ko alam kung gaano katagal kaming nanatili sa loob ng tahimik na sasakyan, habang ang init ng kanyang palad ay nanunuot sa nanginginig kong palad na hawak niya. Ang bawat paghinga ko ay mabigat, at tila ba ang bawat hibla ng katinuan ko ay unti-unting nauupos sa bawat pulgadang paglapit ng kanyang mukha.Gusto ko siyang itulak. Gusto kong hilahin ang kamay ko sa pagkakahawak niya at sabihing…‘Huwag kang umasta na parang may karapatan ka pang hawakan ako’, pero ang traydor kong katawan ay nanatiling nakapako sa kinauupuan ko. Ang amoy ng pamilyar na pabango niya na humahalo sa malamig na hangin ng aircon ay parang kawit na humihila sa akin pabalik sa mga panahong wala pang sugat, walang galit, at walang limang taon ng pagdurusa.“Jonathan… itigil mo na ito nababaliw ka na.” Nanginginig kong bulong, sapat na para marinig niya iyon. Habang unti-unting humigpit ang hawak niya sa aking kamay bago dahan-dahang bumaba ang tingin niya sa aking mga labi. Ramdam ko ang pagpigi

  • RECLAIMING HIS RUNAWAY EX-WIFE   CHAPTER NINE

    ARMIA NANG sumapit ang alas-sais ng gabi, akala ko ay nakatakas na ako. Inayos ko na ang mga gamit ko sa ibabaw ng mesa, handang-handang tumakbo ako papuntang elevator pauwi kay Nanay Belen at kay Jason, nang bumukas ang pinto ng executive office.Lumabas si Jonathan. Suot na niya ang kanyang itim na suit na mas lalong nagpalitaw sa tindig at kagwapuhan niya, hawak ang kanyang attachcase sa isang kamay habang ang kabilang kamay ay nakasuksok sa bulsa ng pantalon. Malamig at seryoso ang mukha nito, ngunit may kakaibang kislap ng determinasyon sa mga mata nang dumapo iyon sa akin.“Saan ka pupunta?” tanong niya, ang boses ay may awtoridad na nagpatigil sa mga paa ko.“Uuwi na pi,” mabilis kong sagot nang hindi tumitingin nang diretso sa kanya. “Tapos na ang working hours ko, Mr. Villegas. Kung wala na kayong ipag-uutos, mauuna na ako.”“Hindi ko sinabing tapos na ang trabaho mo para sa araw na ito,” sagot niya habang naglalakad palapit sa akin. “Kailangan ko ang personal secretary ko s

  • RECLAIMING HIS RUNAWAY EX-WIFE   CHAPTER EIGHT

    ARMIA HINDI ko hinayaang magtagumpay si Jonathan na sirain ang araw ko. Matapos ang mainit na tagpo naming iyon sa loob ng kanyang opisina, ibinuhos ko ang buong atensyon ko sa trabaho. Nag-ayos ako ng mga dokumento, nag-verify ng mga schedule, at sinigurong walang kahit isang maliit na detalye ang makakaligtaan. Ayokong magbigay ng kahit anong dahilan para masabihan niya akong incompetent.Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Bandang hapon, habang nagdadala ako ng karagdagang financial statements sa kanyang mesa nang walang katok-katok, dahil naiinis pa rin ako sa kanya ay naabutan ko siyang may kausap sa telepono.Natigilan ako sa pintø. Nakatalikod siya habang nakatanaw sa malawak na glass window ng kanyang opisina, maluwag ang kurbata at bahagyang gusot ang manggas ng kanyang polo.“I don’t care about the board’s approval on that specific clause. Just fix it,” seryoso at malamig na utos niya sa kausap bago ibinagsak ang linya.Pagharap niya, agad ding sumalubong sa akin ang mga

  • RECLAIMING HIS RUNAWAY EX-WIFE   CHAPTER SEVEN

    KINABUKASAN maaga akong pumasok sa Villegas Corporation. Para ipagpatuloy ang pagiging sekretarya ko, Hindi ko nga alam kung anong uri ng kabaliwan ang sumapi sa akin nang pirmahan ko ang kontrata bilang Secretary ng lalaki na iyon pero dahil Kay Jason ay titiisin ko na lang ang kamalasan na nangyayari ngayon sa buhay ko, kung matatawag ko nga bang kamalasan nga ito ngayon. Pero ano nga bang laban ko? Mas mataas ang sahod, doble ang porsyento ng komisyon, at higit sa lahat, kailangan ko ang perang ito para kay Jason. Isa pa, mas gusto ko nang nasa ilalim ako ng mga mata niya kaysa sa nagtatago ako sa kanya para mabantayan ko rin ang mga gagawin ni Jonathan, kinakabahan man sa bawat tawag o imbestigasyon na baka sikretong isagawa niya likod ko. Kung gusto niyang mag-imbestiga, ibibigay ko sa kanya ang mukha ng isang Armia na palaban at hindi na lang basta tatahimik pa.“Armia,” natigilan ako sa pag-aayos ng mga dokumento sa ibabaw ng aking table na ilang metro lang ang layo sa malaki

  • RECLAIMING HIS RUNAWAY EX-WIFE   CHAPTER SIX

    ARMIA MARIING nakatitig sa akin ang mga mata ni Jonathan, matapos niya akong halikan. Ramdam ko ang pag-wawala ng sarili kong dibdib sa kaba. Kaya ang bawat tibok niyon ay parang tambol na nagmamadaling tumalon palabas. Halos mawalan na ako ng balanse ang mga tuhod ko, pero pinilit ko pa ring itayo ang natitira kong pride. Hinding-hindi ako magpapadala sa lalaking ito. Not this time. Not after everything he put me through.“Ang kapal ng mukha mong halikan ako!”galit kong saad.Ngunit ngumiti lang ito ng nakakaloloko Kaya lalo akong naasar dito.“Palalagpasin ko ang ginawa mo sa akin, Mr. Villegas at iisipin ko na lang na hindi mo iyon sinasadya, ngunit kapag inulit mo iyon ay kakasuhan kitang harassment, kapag hindi mo pa ako pinakawalan, at tsaka naghihintay na si Jason sa akin.” Mariing kong saad, pero may diin ang bawat salita para ipakita sa kanyang hindi ako natatakot. “Let him wait a little longer, We’re not done talking yet, Armia. Pasensya ka na kung nahalikan kita hin

  • RECLAIMING HIS RUNAWAY EX-WIFE   CHAPTER FIVE

    ARMIA ANG bawat araw na lumilipas ay parang paglalakad sa ibabaw ng manipis na yelo, dahil isang maling hakbang ko lamang ay maaari akong lumubog sa malamig at malalim na tubig ng katotohanan. Sa kabila ng mabibigat na responsibilidad at presyon sa bagong posisyon, pinanatili ko ang aking propesyonalismo at determinasyon na itago ang tunay na katotohanan ukol sa aking anak.“Ms. Bronel, kailangan ko na ang summary report para sa Q3 logistics expansion bago mag-a-alas-dose,” malamig na utos ni Mr. Vergara habang dumadaan sa aking mesa at nagpatong ng makakapal na folder.“Opo, Sir. Nirereview ko na lang po ang huling adjustments at ipapadala ko na sa opisina ninyo bago mag-tanghalian,” magalang at matatag ko namang sagot habang ipinapakita ang ngiti.“Good. Alam kong maaasahan ka rito sa executive floor, Armia. Keep up the good work,” pagpupuri niya bago tuluyang naglakad patungo sa conference room.Pagkaalis niya, ay napabuntong-hininga ako nang malalim. Hinawakan ko ang gilid n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status