Share

CHAPTER FIVE

Author: Zephyrine
last update publish date: 2026-11-01 12:43:17

ARMIA

     ANG bawat araw na lumilipas ay parang paglalakad sa ibabaw ng manipis na yelo, dahil isang maling hakbang ko lamang ay maaari akong lumubog sa malamig at malalim na tubig ng katotohanan. Sa kabila ng mabibigat na responsibilidad at presyon sa bagong posisyon, pinanatili ko ang aking propesyonalismo at determinasyon na itago ang tunay na katotohanan ukol sa aking anak.

“Ms. Bronel, kailangan ko na ang summary report para sa Q3 logistics expansion bago mag-a-alas-dose,”  malamig na utos ni Mr. Vergara habang dumadaan sa aking mesa at nagpatong ng makakapal na folder.

“Opo, Sir. Nirereview ko na lang po ang huling adjustments at ipapadala ko na sa opisina ninyo bago mag-tanghalian,” magalang at matatag ko namang sagot habang ipinapakita ang ngiti.

“Good. Alam kong maaasahan ka rito sa executive floor, Armia. Keep up the good work,” pagpupuri niya bago tuluyang naglakad patungo sa conference room.

Pagkaalis niya, ay napabuntong-hininga ako nang malalim. Hinawakan ko ang gilid ng aking mesa at pilit na pinakalma ang aking sarili. Bilang isang ulila na walang ibang masandalan kundi ang sarili ko, natutunan kong maging matatag. Wala akong pamilyang hihingian ng saklolo mula pa noong pumanaw ang aking ate. Ngunit ang pagiging malapit sa mismong taong pinakamay-ari ng puso ko noon at ama ng aking anak ngayon ay isang uri ng pagpapahirap sa sarili na hindi ko kailanman inakalang kakayanin ko.

Sa kabilang banda, hindi tuluyang isinusuko ni Jonathan ang kanyang mga hinala. Patuloy nitong minamanmanan ang bawat kilos ko at naghahanap ng mga maliliit na butas o ebidensya na magpapatunay sa kanyang hinala habang unti-unting sumisidhi ang tensyon at emosyon sa pagitan naming dalawa sa loob ng opisina.

Bandang alas-dos ng hapon, habang abala ako sa pag-encode ng mga datos, narinig ko ang pagbukas ng p***o ng pribadong opisina ni Jonathan. Lumabas siya na may hawak na isang pirasong dokumento, ang kanyang mukha ay seryoso at may bakas ng pag-iisip. Habang fahan-dahan siyang naglakad patungo sa aking mesa.

“Armia,” tawag niya sa aking pangalan, mababa ang tono. Kaya agad akong tumayo at yumuko nang bahagya. 

“Yes, Sir? May problema po ba sa mga dokumentong ipinasa ko kanina?”

Tumigil siya ilang pulgada lamang mula sa aking mesa. Isinandal niya ang kanyang katawan sa gilid ng divider habang matamang nakatitig sa akin. 

“Wala namang mali sa mga dokumento, Armia. Perpekto ang pagkagawa mo, gaya ng dati. Pero may napansin lang ako habang binabasa ko ang personal information sheet mo sa HR file.”

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. 

Nanigas ang aking buong katawan, at ang paghinga ko ay naging mababaw. 

“P-personal information sheet po? Bakit po?” nanginginig kong tanong, bagamat pinilit kong maging matatag ang aking boses.

“Dito nakasaad na wala kang ibang kamag-anak kundi ang yumaong si Angela,” mariin niyang wika, habang ang kanyang mga mata ay nanunuot sa bawat reaksiyon ko. 

“Kung walang ibang kamag-anak bukod sa kanya, paano nagkaroon ka ng pamangkin na sinasabi mo? Sino ang kapatid o pinsan na pinanggalingan ng batang iyon?”

Sumikip ang dibdib ko. Hindi ko inakalang titingnan niya pati ang HR file ko! Mabilis akong umiling at sinalubong ang kanyang mapanuring titig.

“Mr. Villegas, may mga kamag-anak kaming nasa malalayong probinsya at sa ibang bansa na hindi na namin masyadong nakasama o nailagay sa lumang records ko dahil lumaki kaming mag-isa ni Ate,” pagdadahilan ko, pilit na pinapalabas na totoo ang aking sinasabi. 

“Hindi ko po kailangang ilagay ang buong angkan ko sa isang simpleng record sheet.” Dugtong ko pa.

“Is that so?  O baka naman pilit mong tinatakpan ang katotohanan dahil alam mong may malaki kang sekretog itinatago sa akin?” sarkastikong tanong niya habang bahagyang ngumiti nang may pag-aalinlangan. 

“Wala akong itinatago, Sir, kung wala na po kayong ibang gustong ipagawa, maaari ko na bang ipagpatuloy ang trabaho ko?”

seryoso at mariin kong tugon habang diretsong tiningnan ang kanyang mga mata. 

Natahimik naman siya. Sinuri niya ang mukha ko nang ilang segundo bago dahan-dahang tumango. 

“Fine. Magpatuloy ka na. Pero huwag kang mag-alala, Armia... mahahanap ko rin ang sagot sa mga tanong ko.”

Habang umiigting ang tensiyon sa opisina, lalo pang pinatindi ni Jonathan ang kanyang mga hakbang upang dikitan ako 

sa tuwing may pagkakataon. 

Ginagamit nito ang mga pulong at dokumentong kailangang pirmahan upang personal na magtungo sa desk ko at sinasadyang basagin ang mga pader na maingat kong itinayo para sa aming dalawa.

KINABUKASAN, habang kasagsagan ng pagka-busy ang lahat dahil sa pagdating ng mga investors mula sa ibang bansa, sunod-sunod ang naging tawag sa aking intercom mula sa opisina ni Jonathan.

“Armia, dalhin mo rito ang kopya ng Q4 budget proposal ngayon na,” utos niya sa kabilang linya.

“Opo, Sir, papunta na po,” mabilis kong sagot.

Tumayo na ako at kinuha ang folder mula sa drawer, at naglakad patungo sa kanyang opisina. Pagpasok ko, nakita ko siyang nakatayo sa tabi ng malaking glass window, nakapamulsa habang tanaw ang kalangitan ng lungsod. Dahan-dahan akong lumapit sa kanyang mesa at inilapag ang folder.

“Nandito na po ang Q4 budget proposal, Sir. Na-check ko na po ang lahat ng figures kasama ang finance team,” pormal kong saad sa kanya.

Hindi siya lumingon agad. Pagkaraan ng ilang sandali, dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin. Sa halip na maupo sa kanyang silya, huminto siya malapit sa aking kinatatayuan hanggang sa naramdaman ko na ang init ng kanyang hininga.

“Bakit parang iniiwasan mo ako tuwing nagkakaroon tayo ng pagkakataong mag-usap nang tayong dalawa lamang, Armia?” mahina at seryosong tanong niya, habang ang boses nito ay may kakaibang lambot na pumupunit sa puso ko.

“Hindi po kita iniiwasan, Mr. Villegas,” pagdadahilan ko habang bahagyang umatras palayo sa kanya, “Abala lang po ako sa napakaraming trabaho rito sa executive floor.”

“Abala? O natatakot ka lang na baka sa bawat paglapit ko, mas lumabas ang totoo?” mahina siyang tumawa nang mapait. 

“Wala kayong dapat malaman dahil wala namang totoo sa mga iniisip ninyo,” mariin kong sagot, bagamat nanginginig ang aking mga daliri.

Sa kabila ng mga mapanuring tingin at paulit-ulit na pagsubok ni Jonathan na kaming dalawa lamang ang nagkakausap, nanatiling akonv matatag  at pilit na ipinapakitang walang puwang ang nakaraan sa aming propesyonal na ugnayan. Pinilit kong itaas ang aking baba at salubungin ang kanyang mga mata nang walang takot.

“Sana nga ay ganiyan ka rin katatag kapag nalaman mo ang mga susunod na hakbang ko,”  makahulugang sambit niya bago ako tinalikuran at bumalik sa kanyang mesa.

Kaya napakuyom ako ng mga sinabi nito.

Subalit sa bawat pagdikit ni Jonathan at sa tuwing lumalapit ito upang magtanong tungkol sa aking personal na buhay, mas lalong nahihirapan akong pigilan ang muling pagbabalik ng mga damdaming matagal ko ng ibinaon.

Nang gabing iyon habang lumalim ang gabi at halos tahimik na ang buong palapag. Abala ako sa pagtatapos ng natitirang mga report sapagkat gusto kong matapos na ito bago umuwi para masundo ko si Leo kina Nanay Belen na kapit bahay namin, ang nag-aalaga sa kanya tuwing nag-o-overtime ako.

Habang nakatutok ako sa computer screen, naramdaman ko ang pagbaba ng mga ilaw sa labas ng aking cubicle. Bumukas ang p***o ng opisina ni Jonathan, at lumabas siya na suot pa rin ang puting polo shirt ngunit nakabukas na ang unang butones nito.

“Hindi ka pa uuwi, Armia? Lampas alas-nuwebe na ng gabi.” tanong niya habang naglalakad palapit sa aking mesa na may dalang tasa ng mainit na tsaa. 

“Tatapusin ko lang po itong huling report para maipasa bukas ng umaga, Sir, mauna na po kayo kung gusto ninyo,” magalang kong sagot nang hindi tumitingin nang direkta sa kanya. 

“Hindi kita pwedeng iwan dito nang mag-isa, mapanganib na ang oras na ito para bumiyahe kang mag-isa mamaya.” Kalmadong sagot niya habang inilapag ang tasa ng tsaa sa ibabaw ng aking mesa. 

“Kaya ko po ang sarili ko. Sanay na ako,”malamig kong tugon, subalit sa loob-looban ko ay nagsisimula nang manginig ang aking puso sa presensya niya.

Lumapit pa siya lalo, at sa pagkakataong ito, naramdaman ko ang tindi ng emosyon sa kanyang mga mata. 

“Armia... hanggang kailan mo ba ako itutulak palayo? Hanggang kailan mo itatago sa akin ang lahat ng hirap na pinagdaanan mo nang mag-isa?”

“Wala kang karapatang magsalita ng ganyan, Ikaw ang nagtulak sa akin palayo noon, Jonathan. Ikaw ang pumili na mabuhay sa anino ng aking kapatid. 

Bakit ngayon mo pa tinatanong ang mga bagay na ito?” mahina kong sagot habang naramdaman ko ang pag-init ng sulok ng aking mga mata. 

“Dahil nagkamali ako!” Madiin at basag ang boses na sigaw niya, na nagpapatigil sa aking paghinga. 

At nang gabing iyon, habang naiwan kaming dalawa sa tahimik na executive office para mag-overtime, biglang lumapit si Jonathan at hinarangan ang pintuan bago pa man ako makahakbang palabas para sana mauna nang umuwi.

Matapos ang pag-uusap na iyon, kinuha ko ang aking bag at mabilis na naglakad patungo sa exit ng executive floor. 

“Kailangan ko na pong umuwi, Mr. Villegas,” sabi ko habang iniiwasan ang kanyang tingin.

Subalit sa isang iglap, mabilis siyang kumilos. Bago pa man ako makahawak sa door knob ng p***o, iniharang niya ang kanyang braso rito, kaya tuluyan akong nakulong sa pagitan ng pader at sa kanyang katawan. Kaya nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

“Jonathan, ano ba? Let me go home!” sigaw ko habang pilit kong itinutulak ang kanyang dibdib, ngunit tila ito pader na hindi matinag.

Habang mariing nakatitig ang mga mata niya sa akin ay dahan-dahan niyang  inilapit ang kanyang mukha habang may  paskil na mapanganib na ngiti. Ang hininga niya ay dumampi sa aking pisngi, dahilan upang mawalan ako ng lakas aking mga tuhod.

“Alam kong may tinatago ka, Armia… At sisiguraduhin kong sa sarili mong mga labi ko mismo maririnig ang totoo tungkol sa lihim mo.” Bulong niya nang may diin at lambot sa kanyang boses, habang ang mga mata nito ay nag-uumapaw sa determinasyon. 

Hindi ako nakasagot. Ang tibok ng puso ko ay parang tambol na nagwawala sa aking dibdib, habang ang kanyang mukha ay unti-unting bumababa upang salubungin ang aking mga labi ng isang halik.

Itutuloy

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • RECLAIMING HIS RUNAWAY EX-WIFE   CHAPTER TEN

    ARMIA HINDI ko alam kung gaano katagal kaming nanatili sa loob ng tahimik na sasakyan, habang ang init ng kanyang palad ay nanunuot sa nanginginig kong palad na hawak niya. Ang bawat paghinga ko ay mabigat, at tila ba ang bawat hibla ng katinuan ko ay unti-unting nauupos sa bawat pulgadang paglapit ng kanyang mukha.Gusto ko siyang itulak. Gusto kong hilahin ang kamay ko sa pagkakahawak niya at sabihing…‘Huwag kang umasta na parang may karapatan ka pang hawakan ako’, pero ang traydor kong katawan ay nanatiling nakapako sa kinauupuan ko. Ang amoy ng pamilyar na pabango niya na humahalo sa malamig na hangin ng aircon ay parang kawit na humihila sa akin pabalik sa mga panahong wala pang sugat, walang galit, at walang limang taon ng pagdurusa.“Jonathan… itigil mo na ito nababaliw ka na.” Nanginginig kong bulong, sapat na para marinig niya iyon. Habang unti-unting humigpit ang hawak niya sa aking kamay bago dahan-dahang bumaba ang tingin niya sa aking mga labi. Ramdam ko ang pagpigi

  • RECLAIMING HIS RUNAWAY EX-WIFE   CHAPTER NINE

    ARMIA NANG sumapit ang alas-sais ng gabi, akala ko ay nakatakas na ako. Inayos ko na ang mga gamit ko sa ibabaw ng mesa, handang-handang tumakbo ako papuntang elevator pauwi kay Nanay Belen at kay Jason, nang bumukas ang pinto ng executive office.Lumabas si Jonathan. Suot na niya ang kanyang itim na suit na mas lalong nagpalitaw sa tindig at kagwapuhan niya, hawak ang kanyang attachcase sa isang kamay habang ang kabilang kamay ay nakasuksok sa bulsa ng pantalon. Malamig at seryoso ang mukha nito, ngunit may kakaibang kislap ng determinasyon sa mga mata nang dumapo iyon sa akin.“Saan ka pupunta?” tanong niya, ang boses ay may awtoridad na nagpatigil sa mga paa ko.“Uuwi na pi,” mabilis kong sagot nang hindi tumitingin nang diretso sa kanya. “Tapos na ang working hours ko, Mr. Villegas. Kung wala na kayong ipag-uutos, mauuna na ako.”“Hindi ko sinabing tapos na ang trabaho mo para sa araw na ito,” sagot niya habang naglalakad palapit sa akin. “Kailangan ko ang personal secretary ko s

  • RECLAIMING HIS RUNAWAY EX-WIFE   CHAPTER EIGHT

    ARMIA HINDI ko hinayaang magtagumpay si Jonathan na sirain ang araw ko. Matapos ang mainit na tagpo naming iyon sa loob ng kanyang opisina, ibinuhos ko ang buong atensyon ko sa trabaho. Nag-ayos ako ng mga dokumento, nag-verify ng mga schedule, at sinigurong walang kahit isang maliit na detalye ang makakaligtaan. Ayokong magbigay ng kahit anong dahilan para masabihan niya akong incompetent.Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Bandang hapon, habang nagdadala ako ng karagdagang financial statements sa kanyang mesa nang walang katok-katok, dahil naiinis pa rin ako sa kanya ay naabutan ko siyang may kausap sa telepono.Natigilan ako sa pintø. Nakatalikod siya habang nakatanaw sa malawak na glass window ng kanyang opisina, maluwag ang kurbata at bahagyang gusot ang manggas ng kanyang polo.“I don’t care about the board’s approval on that specific clause. Just fix it,” seryoso at malamig na utos niya sa kausap bago ibinagsak ang linya.Pagharap niya, agad ding sumalubong sa akin ang mga

  • RECLAIMING HIS RUNAWAY EX-WIFE   CHAPTER SEVEN

    KINABUKASAN maaga akong pumasok sa Villegas Corporation. Para ipagpatuloy ang pagiging sekretarya ko, Hindi ko nga alam kung anong uri ng kabaliwan ang sumapi sa akin nang pirmahan ko ang kontrata bilang Secretary ng lalaki na iyon pero dahil Kay Jason ay titiisin ko na lang ang kamalasan na nangyayari ngayon sa buhay ko, kung matatawag ko nga bang kamalasan nga ito ngayon. Pero ano nga bang laban ko? Mas mataas ang sahod, doble ang porsyento ng komisyon, at higit sa lahat, kailangan ko ang perang ito para kay Jason. Isa pa, mas gusto ko nang nasa ilalim ako ng mga mata niya kaysa sa nagtatago ako sa kanya para mabantayan ko rin ang mga gagawin ni Jonathan, kinakabahan man sa bawat tawag o imbestigasyon na baka sikretong isagawa niya likod ko. Kung gusto niyang mag-imbestiga, ibibigay ko sa kanya ang mukha ng isang Armia na palaban at hindi na lang basta tatahimik pa.“Armia,” natigilan ako sa pag-aayos ng mga dokumento sa ibabaw ng aking table na ilang metro lang ang layo sa malaki

  • RECLAIMING HIS RUNAWAY EX-WIFE   CHAPTER SIX

    ARMIA MARIING nakatitig sa akin ang mga mata ni Jonathan, matapos niya akong halikan. Ramdam ko ang pag-wawala ng sarili kong dibdib sa kaba. Kaya ang bawat tibok niyon ay parang tambol na nagmamadaling tumalon palabas. Halos mawalan na ako ng balanse ang mga tuhod ko, pero pinilit ko pa ring itayo ang natitira kong pride. Hinding-hindi ako magpapadala sa lalaking ito. Not this time. Not after everything he put me through.“Ang kapal ng mukha mong halikan ako!”galit kong saad.Ngunit ngumiti lang ito ng nakakaloloko Kaya lalo akong naasar dito.“Palalagpasin ko ang ginawa mo sa akin, Mr. Villegas at iisipin ko na lang na hindi mo iyon sinasadya, ngunit kapag inulit mo iyon ay kakasuhan kitang harassment, kapag hindi mo pa ako pinakawalan, at tsaka naghihintay na si Jason sa akin.” Mariing kong saad, pero may diin ang bawat salita para ipakita sa kanyang hindi ako natatakot. “Let him wait a little longer, We’re not done talking yet, Armia. Pasensya ka na kung nahalikan kita hin

  • RECLAIMING HIS RUNAWAY EX-WIFE   CHAPTER FIVE

    ARMIA ANG bawat araw na lumilipas ay parang paglalakad sa ibabaw ng manipis na yelo, dahil isang maling hakbang ko lamang ay maaari akong lumubog sa malamig at malalim na tubig ng katotohanan. Sa kabila ng mabibigat na responsibilidad at presyon sa bagong posisyon, pinanatili ko ang aking propesyonalismo at determinasyon na itago ang tunay na katotohanan ukol sa aking anak.“Ms. Bronel, kailangan ko na ang summary report para sa Q3 logistics expansion bago mag-a-alas-dose,” malamig na utos ni Mr. Vergara habang dumadaan sa aking mesa at nagpatong ng makakapal na folder.“Opo, Sir. Nirereview ko na lang po ang huling adjustments at ipapadala ko na sa opisina ninyo bago mag-tanghalian,” magalang at matatag ko namang sagot habang ipinapakita ang ngiti.“Good. Alam kong maaasahan ka rito sa executive floor, Armia. Keep up the good work,” pagpupuri niya bago tuluyang naglakad patungo sa conference room.Pagkaalis niya, ay napabuntong-hininga ako nang malalim. Hinawakan ko ang gilid n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status