ARMIA TAHIMIK ang buong silid-ospital, at ang tanging tunog lamang ng heart monitor ang bumasag sa kalagitnaan ng gabi. Habang nakahiga si Ate Angela, habang mahigpit na nakahawak sa aking mga kamay. May sakit itong tumor at lumala na ang sakit nito na hindi na naagapan pa ng chemotherapy.Maputla ang kanyang mukha, ngunit may kakaibang kapayapaan sa kanyang mga mata, bago siya tuluyang pumikit ng pang habangbuhay.Ngunit bago ang huling hininga niya, bumulong siya ng mga katagang tuluyang nagpabago sa takbo ng aking buhay.“Armia... pakiusap, tuparin mo ang huling hiling ko. Alagaan mo si Jonathan... ikaw ang maging asawa niya para sa akin.”Iyon ang mga salitang nag-iwan ng matinding kirot at gulat sa dibdib ko. Hanggang sa huling sandali, ang lalaking pinakamamahal ko at fiance niya, ang iniisip niya. Lingid sa kaalaman ng lahat, matagal ko nang itinatago ang pagsinta kay Jonathan Villegas, noon pa man, bago pa man siya naging nobyo ng aking kapatid ay lihim ko na itong minah
Last Updated : 2026-10-31 Read more