Share

CHAPTER NINE

Author: Zephyrine
last update publish date: 2026-11-15 09:50:30

ARMIA

NANG sumapit ang alas-sais ng gabi, akala ko ay nakatakas na ako. Inayos ko na ang mga gamit ko sa ibabaw ng mesa, handang-handang tumakbo ako papuntang elevator pauwi kay Nanay Belen at kay Jason, nang bumukas ang p***o ng executive office.

Lumabas si Jonathan. Suot na niya ang kanyang itim na suit na mas lalong nagpalitaw sa tindig at kagwapuhan niya, hawak ang kanyang attachcase sa isang kamay habang ang kabilang kamay ay nakasuksok sa bulsa ng pantalon. Malamig at seryoso ang mukha nito, ngunit may kakaibang kislap ng determinasyon sa mga mata nang dumapo iyon sa akin.

“Saan ka pupunta?” tanong niya, ang boses ay may awtoridad na nagpatigil sa mga paa ko.

“Uuwi na pi,” mabilis kong sagot nang hindi tumitingin nang diretso sa kanya. “Tapos na ang working hours ko, Mr. Villegas. Kung wala na kayong ipag-uutos, mauuna na ako.”

“Hindi ko sinabing tapos na ang trabaho mo para sa araw na ito,” sagot niya habang naglalakad palapit sa akin. “Kailangan ko ang personal secretary ko sa dinner meeting kasama ang mga investor mula sa Singapore. At kasama sa job description mo ang sumama sa mga ganitong lakad.” Sagot nito.

Napatigil naman ako. Gusto kong i-verify sa kontrata kung totoo bang may nakasaad doon tungkol sa mga gabing pagtitipon, pero alam ko sa sarili ko na ginagamit niya lang ang posisyon ko para itali ako sa kanya ngayong gabi.

“May mga tao para riyan, Jonathan este, Mr. Villegas. Bakit kailangang ako pa? Pwede namang ang PR team o ang ibang staff?”

“Dahil ikaw ang secretary ko, Armia. At hindi ako tumatanggap ng hindi bilang sagot,” pagputol niya sa sasabihin ko, ang mukha niya ay ilang pulgada na lamang ang layo sa akin nang tumigil siya sa paglalakad. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya kahit may suot kaming mga damit.

“O baka naman natatakot ka lang na kapag sumama ka, baka makita mo kung gaano ka pa rin kahalaga sa akin?”

Napakunot ang noo ko, pilit pinatatag ang aking boses sa kabila ng kabang nagwawala sa dibdib ko.

“Napaka-hangin mo talaga. Pero dige, kung iyan ang gusto mo para matapos na ito, sasama ako. Pero tandaan mo, trabaho lang ito. Walang halong emosyon or personal na issue.” Wala na akong nagawa kundi pumayag dito.

Isang tipid na ngiti ang sumilip sa labi niya, isang ngiting mas lalong nagpagpapawala ng kaba sa sistema ko.

“Good. Let’s go.”

Nakarating na kami sa isang eksklusibong restaurant sa Makati. Tahimik at eleganteng lugar na puno ng mga taong may mataas sa lipunan. Habang abala si Jonathan sa pakikipag-usap sa mga investor gamit ang pormal at matalinong tono nito, nanatili akong tahimik sa kanyang tabi, bitbit ang tablet para mag-take notes kung kinakailangan.

Pero sa kabila ng propesyonal na atmosphere sa mesa, ramdam ko ang ilang beses na pag-sulyap niya sa akin. Ang mga titig na iyon ay hindi kailanman naging pormal, punong puno ito ng nagbabagang emosyon at possessiveness na nagpapainit sa bulong mukha ko.

“Ms. Armia seems very quiet tonight, Mr. Villegas,” nakangiting sambit ng isa sa mga investor, isang matandang negosyante habang umiinom ng alak. “Is she always this serious, or is it just because she’s working under a strict boss like you?”

Napalunok naman ako at pilit ngumiti, tsaka sumabat sa usapan nila. “Ah, pormal lang po sa trabaho, Sir,”

“She’s not just serious, she’s deeply defensive,” pagtutuwid ni Jonathan, ang mga mata ay nanatiling nakatutok sa akin habang dahan-dahang umiinom sa kanyang baso. Ang tono niya ay may halong sarkasmo pero may kakaibang lambing na emosyon na kaming dalawa lamang ang nakakaalam.

“Pero kapag kaming dalawa na lang ang nag-uusap, mas marami siyang sinasabi, lalo na pagdating sa pag-reklamo sa mga ginagawa ko.” Habol nito sa sinasabi.

Kaya ramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko sa hiya at galit. Lihim ko siyang sinipa sa ilalim ng mesa, kaya bahagyang napadaing si Jonathan habang pilit na pinapanatili ang kanyang professional smile sa harap ng mga kliyente subalit sumama naman ang tingin ng muli itong sumulyap sa akin pinadilatan ko naman ito ng mga mata, kaya napailing ito.

Naging maayos naman ang takbo ng dinner, ngunit nang matapos ang pagpupulong at umalis na ang mga investor, naiwan kaming dalawa sa loob ng sasakyan niya habang bumibiyahe pabalik.

Tahimik ang buong paligid sa loob ng kotse. Ang tanging naririnig lamang ay ang mahinang tunog ng aircon at ang malalim na paghinga ni Jonathan habang nagmamaneho.

“Bakit mo ginawa iyon kanina sa harap ng mga kliyente? Sinasadya mo bang ipahiya ako?” basag ko sa katahimikan, dahil hindi na Ako nakapagpigil.

Hindi siya sumagot agad. Inihinto niya ang sasakyan sa isang tabi ng kalsada, malayo sa mga dumadaan na sasakyan, bago lumingon sa akin. Ang mga mata niya sa dilim ay tila nag-uumapaw sa lungkot at matinding pagod.

“Hindi ko intensyong ipahiya ka, Armia,” mahinang wika niya, ang boses ay basag na basag.

“Gusto ko lang maramdaman mo na nandito pa rin ako. Na kahit anong pilit mong itago sa akin ang sarili mo, kilalang-kilala ko pa rin ang bawat galaw mo, ang bawat pagtataray mo, at ang bawat reaksyon mo.”

Nanginig ang mga labi ko. Lumingon ako sa bintana, pilit pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang bumagsak.

“Ang galing mo namang magsalita ng ganyan ngayon, Jonathan. Pero nasaan ka noong mga panahong kailangan na kailangan ka ng ate ko? Nasaan ka noong mga panahong dinudurog mo ako sa bawat salitang binitawan mo?”

Parang sinaksak ang dibdib ko nang mabanggit ko ang nakaraan. Ngunit mas lalo akong nasaktan sa reaksiyon niya, dahil sa halip na magalit, dahan-dahan siyang umusog palapit sa akin, hinawakan ang nanginginig kong kamay nang mahigpit.

“I know I failed you, Armia,” bulong niya, ang mukha ay lumalapit nang husto sa akin. “I was blind, and I paid the price for five years of hell without you. Kaya patawarin mo na ako... o kahit bigyan mo lang ako ng pagkakataong patunayan na ikaw na lang ulit ang gusto kong alagaan habang buhay.”

Napatitig ako sa kanyang mga mata, natatalo ang sarili ko at puso ko sa mga sinabi nito.

ITUTULOY

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • RECLAIMING HIS RUNAWAY EX-WIFE   CHAPTER TEN

    ARMIA HINDI ko alam kung gaano katagal kaming nanatili sa loob ng tahimik na sasakyan, habang ang init ng kanyang palad ay nanunuot sa nanginginig kong palad na hawak niya. Ang bawat paghinga ko ay mabigat, at tila ba ang bawat hibla ng katinuan ko ay unti-unting nauupos sa bawat pulgadang paglapit ng kanyang mukha.Gusto ko siyang itulak. Gusto kong hilahin ang kamay ko sa pagkakahawak niya at sabihing…‘Huwag kang umasta na parang may karapatan ka pang hawakan ako’, pero ang traydor kong katawan ay nanatiling nakapako sa kinauupuan ko. Ang amoy ng pamilyar na pabango niya na humahalo sa malamig na hangin ng aircon ay parang kawit na humihila sa akin pabalik sa mga panahong wala pang sugat, walang galit, at walang limang taon ng pagdurusa.“Jonathan… itigil mo na ito nababaliw ka na.” Nanginginig kong bulong, sapat na para marinig niya iyon. Habang unti-unting humigpit ang hawak niya sa aking kamay bago dahan-dahang bumaba ang tingin niya sa aking mga labi. Ramdam ko ang pagpigi

  • RECLAIMING HIS RUNAWAY EX-WIFE   CHAPTER NINE

    ARMIA NANG sumapit ang alas-sais ng gabi, akala ko ay nakatakas na ako. Inayos ko na ang mga gamit ko sa ibabaw ng mesa, handang-handang tumakbo ako papuntang elevator pauwi kay Nanay Belen at kay Jason, nang bumukas ang pinto ng executive office.Lumabas si Jonathan. Suot na niya ang kanyang itim na suit na mas lalong nagpalitaw sa tindig at kagwapuhan niya, hawak ang kanyang attachcase sa isang kamay habang ang kabilang kamay ay nakasuksok sa bulsa ng pantalon. Malamig at seryoso ang mukha nito, ngunit may kakaibang kislap ng determinasyon sa mga mata nang dumapo iyon sa akin.“Saan ka pupunta?” tanong niya, ang boses ay may awtoridad na nagpatigil sa mga paa ko.“Uuwi na pi,” mabilis kong sagot nang hindi tumitingin nang diretso sa kanya. “Tapos na ang working hours ko, Mr. Villegas. Kung wala na kayong ipag-uutos, mauuna na ako.”“Hindi ko sinabing tapos na ang trabaho mo para sa araw na ito,” sagot niya habang naglalakad palapit sa akin. “Kailangan ko ang personal secretary ko s

  • RECLAIMING HIS RUNAWAY EX-WIFE   CHAPTER EIGHT

    ARMIA HINDI ko hinayaang magtagumpay si Jonathan na sirain ang araw ko. Matapos ang mainit na tagpo naming iyon sa loob ng kanyang opisina, ibinuhos ko ang buong atensyon ko sa trabaho. Nag-ayos ako ng mga dokumento, nag-verify ng mga schedule, at sinigurong walang kahit isang maliit na detalye ang makakaligtaan. Ayokong magbigay ng kahit anong dahilan para masabihan niya akong incompetent.Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Bandang hapon, habang nagdadala ako ng karagdagang financial statements sa kanyang mesa nang walang katok-katok, dahil naiinis pa rin ako sa kanya ay naabutan ko siyang may kausap sa telepono.Natigilan ako sa pintø. Nakatalikod siya habang nakatanaw sa malawak na glass window ng kanyang opisina, maluwag ang kurbata at bahagyang gusot ang manggas ng kanyang polo.“I don’t care about the board’s approval on that specific clause. Just fix it,” seryoso at malamig na utos niya sa kausap bago ibinagsak ang linya.Pagharap niya, agad ding sumalubong sa akin ang mga

  • RECLAIMING HIS RUNAWAY EX-WIFE   CHAPTER SEVEN

    KINABUKASAN maaga akong pumasok sa Villegas Corporation. Para ipagpatuloy ang pagiging sekretarya ko, Hindi ko nga alam kung anong uri ng kabaliwan ang sumapi sa akin nang pirmahan ko ang kontrata bilang Secretary ng lalaki na iyon pero dahil Kay Jason ay titiisin ko na lang ang kamalasan na nangyayari ngayon sa buhay ko, kung matatawag ko nga bang kamalasan nga ito ngayon. Pero ano nga bang laban ko? Mas mataas ang sahod, doble ang porsyento ng komisyon, at higit sa lahat, kailangan ko ang perang ito para kay Jason. Isa pa, mas gusto ko nang nasa ilalim ako ng mga mata niya kaysa sa nagtatago ako sa kanya para mabantayan ko rin ang mga gagawin ni Jonathan, kinakabahan man sa bawat tawag o imbestigasyon na baka sikretong isagawa niya likod ko. Kung gusto niyang mag-imbestiga, ibibigay ko sa kanya ang mukha ng isang Armia na palaban at hindi na lang basta tatahimik pa.“Armia,” natigilan ako sa pag-aayos ng mga dokumento sa ibabaw ng aking table na ilang metro lang ang layo sa malaki

  • RECLAIMING HIS RUNAWAY EX-WIFE   CHAPTER SIX

    ARMIA MARIING nakatitig sa akin ang mga mata ni Jonathan, matapos niya akong halikan. Ramdam ko ang pag-wawala ng sarili kong dibdib sa kaba. Kaya ang bawat tibok niyon ay parang tambol na nagmamadaling tumalon palabas. Halos mawalan na ako ng balanse ang mga tuhod ko, pero pinilit ko pa ring itayo ang natitira kong pride. Hinding-hindi ako magpapadala sa lalaking ito. Not this time. Not after everything he put me through.“Ang kapal ng mukha mong halikan ako!”galit kong saad.Ngunit ngumiti lang ito ng nakakaloloko Kaya lalo akong naasar dito.“Palalagpasin ko ang ginawa mo sa akin, Mr. Villegas at iisipin ko na lang na hindi mo iyon sinasadya, ngunit kapag inulit mo iyon ay kakasuhan kitang harassment, kapag hindi mo pa ako pinakawalan, at tsaka naghihintay na si Jason sa akin.” Mariing kong saad, pero may diin ang bawat salita para ipakita sa kanyang hindi ako natatakot. “Let him wait a little longer, We’re not done talking yet, Armia. Pasensya ka na kung nahalikan kita hin

  • RECLAIMING HIS RUNAWAY EX-WIFE   CHAPTER FIVE

    ARMIA ANG bawat araw na lumilipas ay parang paglalakad sa ibabaw ng manipis na yelo, dahil isang maling hakbang ko lamang ay maaari akong lumubog sa malamig at malalim na tubig ng katotohanan. Sa kabila ng mabibigat na responsibilidad at presyon sa bagong posisyon, pinanatili ko ang aking propesyonalismo at determinasyon na itago ang tunay na katotohanan ukol sa aking anak.“Ms. Bronel, kailangan ko na ang summary report para sa Q3 logistics expansion bago mag-a-alas-dose,” malamig na utos ni Mr. Vergara habang dumadaan sa aking mesa at nagpatong ng makakapal na folder.“Opo, Sir. Nirereview ko na lang po ang huling adjustments at ipapadala ko na sa opisina ninyo bago mag-tanghalian,” magalang at matatag ko namang sagot habang ipinapakita ang ngiti.“Good. Alam kong maaasahan ka rito sa executive floor, Armia. Keep up the good work,” pagpupuri niya bago tuluyang naglakad patungo sa conference room.Pagkaalis niya, ay napabuntong-hininga ako nang malalim. Hinawakan ko ang gilid n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status